Chapter 4: Jealous
Yhein-Yhein P.O.V
Muli kung pinunasan ang mga luhang nagsi patakan sa pisngi ko.
"Ang pangit mo talaga umiyak" pang aasar na naman ni Prince kaya sinamaan ko sya ng tingin
"5:30 P.M na, uwi na tayo hatid na kita" aya nya
"May sasakyan ka ba?" tanong ko
"Hahatid ba kita kung wala?" balik na tanong nya kaya ngumuso ako. Tumayo sya at ganon din ako hinawakan nya ang kamay ko at nag bayad na sa counter. Pero bakit ganon? Bakit hindi ako maka palag sa mga kamay na humahawak sakin ngayon? Bakit? Bakit parang ok lang? Bakit parang I fell safe when I with him?
Nag punta na kami sa pinag parkingan nya at napa tango ako ng huminto sya sa tapat ng isang Big Bike na kulay red 'Nice!' sabi ko sa sarili.
Medyo mahangin ngayon kaya nilalamig ako, Huminto ang motor na sinasakyan namin at nagulat naman ako ng akmang hahawakan ni Prince ang kamay ko.
"What are you doing?" tanong ko para mapa hinto sya sa pag hawak sa kamay ko.
"Para hindi ka lamigin" kinuha nya ang dalawa kung kamay at nilagay sa loob ng bulsa ng jacket nya at muli nyang inandar ang motor. Kung tatawagin ko ito para akong nakayakap sa bewang nya 'Ang hot nya s**t!!'
-
"Wow ang laki naman ng bahay nyo" puri nya
"Maganda at malaki nga full if sadness naman" sagot ko
"Ok, Alis na ako" paalam nya
"Sige, ingat sa byahe thanks" naka ngiting sabi ko
"Sleep well" huling sabi nya at pinaandar ng mabilis ang kanyang motor.
November 5: Monday
Pag dating ko sa A.U nag kakagulo ang iba, yung iba naman nag sitilian.
"Amm, Hi Miss Morning anong meron?" tanong ko sa isang babae
"Hi idol, may mga bisita pi kasi eh ang ha-hot HEHE" sagot nya
"Ahh, ganon ba sige salamat" sabi ko at nag lakad na papunta sa building kung saan ang room ko. 'Sino kaya ang dumating?'
Habang nag tuturo si Sir, bigla na lang mag mga nag tilian na bakla at babae malapit-lapit sa room namin hanggang sa mapunta ang ingat dito sa room, titingnan ko sana kaso gumagawa ako ng thesis kaya nag focus na lang ako sa 'ginagawa ko
"Am, excuse me Sir. Dito po ba ang room ni Aizhel Yhein Torres Gonzalez?" That voice..
Tinaas ko ang ulo ko sasalita na sana sya kaso inunahan ko.
"Amm hindi po eh, Hindi pi Tito" then I smile
"Yhein!! Yema ko!!!" sigaw nya sabay pasok
"Whaaa My Kiel!!!" tumakbo ako palapit sa kanya at sinalubong naman nya ako ng yakap.
"Bagay kayo" sabi ni Sir pero ngumiti lang kami pareho sa kanya.
"I miss you My yema"
"I miss you too My Kiel"
"Yahhhh!! Yhein-Yhein!!" sigaw ng isang tao sa di kalayuan kaya walang ano-anoy tumakbo narin ako
"Chrizelle!!" sabi ko at yumakap sa kanya
"Wait.. Anong ginagawa nyo dito?" takang tanong ko
"Duh! Parte din kami ng show na gagawin ditey!" sagot ni Chriz na nagsisimula na namang maging alien. Taka akong sinundan sila ng tingin habang papasok sa room na pinapasokan ko, Tapos kinausap ni Kiel si Sir. Pumasok na ako nang biglang..
"Hi everyone I am the hotties Chrizelle Sena ang nag iisang tarandadang kaibigan ni Yhein"
"Henlo, Mabuhay ladies and gentlemen I am Ezekiel Lee Ashford and Yeah tama ang laman ng utak nyo, Ako nga ang anak ng may ari ng paaralan na ito" oo nga hindi ko na isip ang bagay na yun.
"I am Arnulfo Brillantes kababata ni Yhein and we are your Temporary classmate" umupo sila doon sa bakanting upuan na pinareseve ni Sir kanina
"Wait lang ah" paalam ko kay Prince at nakita upo kasama sina Chriz.
Prince P.OV
Ngayong araw ko lang sya nakitang masigla at madaldal, ang sweet pa nga nila nung Ezekiel eh
"Ang swerte naman ni Aizhel" rinig kung bulong ni Jade
"Oo nga eh, Look oh ang sweet nila nung Ezekiel" sabi naman ni Rose
"Yes tama kayo dyan, saka narinig nyo ba yung sabi Yema ko!" tili naman ni Marie
"Siguro mag jowa sila" sabi ni Jade
"Agree" sabi ng mga kasamahan nya 'Hayst!'
-
Break Time namin ngayon at nag paalam si Yhein na hindi daw muna sya sasabay samin. Sino ba naman kami para pigilan sya.
"Bakit kaya sila na andito?" tanong ko
"Mag a-anniversary na kasi itong school natin ang sabi ng President Council sakin ang Harrington Academy daw ang aayos ng lahat" sabi ni Kae
"At isa daw si Yhein sa kakanta" singit naman ni Fed
"Owws talaga?" ani Andro
"Oo totoo yun kasama ako ng marinig yun" singit ni Hekaro
Habang pinag uusapan namin ang mga mangyayare sa university na ito bigla nalang nag sihiyawan ang ibang tao dito sa Cafeteria and guess what? Ang mga dayo ang pinagkakaguluhan at may mga bago na silang kasama.
"Hi guys, this is Kian De Luna, John Melchior Bordeos, Loi Villiacruz and John Feliz Venezuela" sa pang huling pangalan na binangggit ni Yhein nagka tinginan kami. Tumabi sakin si Yhein at katabi naman nya sa kabila si Chrizelle
"Sya ba yu-" hinawakan nya ang kamay ko dahilan para di ko matuloy ang sasabihin ko maya-maya tumango sya.
"Yema ko sayo na lang" sabi nung Ezekiel na inabot pa kay Yhein yung C2 'Tsk! Bakit ang sweet nila? Nakakainis'
Yhein P.O.V
Na andito kami ngayon sa room buti nalang sa ibang Section napunta sina Fel at mabuti nalang wala si Syra.
"Ang pogi naman nung ex mo" bulong ni Prince
"Cheater naman" sagot ko
"Can I ask you?" Aniya
"Nag tatanong ka na" sersyosong sabi ko
"Tsk! Pero ito na nga kung may manliligaw sayo papayag ka?" tanong nya dahilan para matigil ako sa pag susulat.
"Depende, bakit manliligaw ka?" nakangiti na tanong ko pero umiling lang sya
"Kung oo doon ka kay Kiel lumapit" nakangiti na sabi ko at umalis sa kinauupuan ko
Prince P.O.V
Pag pasok ko sa room napahinto ako sa may pintuan, Nakita ko kasi si Ezekiel.
"Hi" bati nya
"Hello" ganting bati ko. Patalikod na sana ako sa kanya kaso parang tanga itong paa ko umupo sa tabi nya.
"Good Morning Ezekiel" bati ko at tumango lang naman sya sakin.
"Pwede mag tanong?" sabi ko
"Nag tatanong ka na, Pero sige ano tanong mo?" 'Mag kaibigan nga sila'
"Kung hihingi ako ng permeso sayo na ligawan si Yhein papayag ka ba?" Medyo kinakabahan na tanong ko sa kanya
"Depende" simple na sagot nya kaya napa nguso ako at tumayo na at nag paalam.