Chapter 3: Coffee shop
Yhein P. O. V
"Waaaahhhh!! Yhein-Yhein ko!!!" tiling salubong sakin ni Chriz
"C'mon My Chrizpot" iling-iling na ganting yakap ko sa kanya. Bumalik muna ako dito sa Sanasra tutal wala naman ngayong pasok.
"Ghorl maya ka na daw yousapin ni Mr. Dean" aniya tumango naman ako..
***
"Sir sabi po ni Chrizelle gusto mo daw po akong makausap" sabi ko sa matandang lalaki na nasa harapan ko
"Ganon na nga. Ganito kasi yun iha isa ka sa magagaling na kumanta dito sa buong Harrington Academy. Mag kakaroon kasi ng sanib puwersa ang paaralan natin at ang isa sa paaralan ng Manila. So ayon na alala mo ba last year nong ikaw ang nanalo sa singing contest?" paano ko malilimutan yun? Eh muntik na akong pumiyok ng araw na yun
"Syempre naman Sir" natatawang sagot ko
"Gusto namin na Ikaw ang isalang sa isang kakanta sa paaralan nila" sabi nya
"Aling school po ba sa Manila?" tanong ko
"Ashford University" sagot nya kaya na pa 'O' naman ang bibig ko
"D-dyan po ako nag aaral sir" sabi ko sabay kamot
"Really? Oh so ano payag ka na ba?" naka ngiting tanong nya 'Duh Sir May choice po ba ako?'
"Yes Sir" sagot ko. Pag katapos naming mag usap umalis na din ako at umuwi na.
"Oh pampa init" sabay abot ng isang Beer sakin ni Chrizelle
"Thanks" sabi ko
"Hoy babae.. Hindi ko talaga maisip na sa tagal nyo na mag ka-relasyon nagawa ka pa nyang lukohin tsk! tsk! tsk! At saka alam mo ba na laman ko doon sa tarantadang babae na yun na matagal na daw silang mag on.. Ibig sabihin habang kayo sila" mahabang sabi nya at doon naman sa huling sinabi nya doon ako na tigilan.
"Hayaan mo na past is past move on na lang" mapait akong ngumiti sa kanya
"Ayy Dai! Anong nakain mo?" gulat na tanong nya
"May tao kasi na nag pa realize sa akin na kapag niloko ka na wag ka nang mag pakatanga" sabi ko habang naka ngiti
"Ay baliw ka! Pero may point sya at pero din mag ingat-ingat ka na sa mga lalaki kunting kimbot na lang gra-graduate na tayo ng high school oy!" sabi nya at sya naman ang ngumiti.
"Alam ko naman yun Chriz eh-- Pero kung may isang lalaki na muling mag paparamdam non sa akin I will make sure na sya na yung the one" naka ngiting sabi ko sa kanya
"Sa bagay sabi nga nong lalaking Bida sa One More Chance 'Kaya siguro tayo iniiwan kasi may bagong dadating' " tango-tangong sabi nya habang nilalaklak ang Beer na hawak
"Chriz" tawag ko sa kanya ng manahimik sya sandali
"Oh?"
"Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?" tanong ko pero tinaasan lang nya ako ng kilay
"Sumbong kita sa nag dialog nyan eh" sabi nya kaya natawa naman ako.
Prince P. O. V
Naandito ako ngayon sa Tayoto Restaurant ang pinaka sikat na kainan at kapehan dito malapit kahit sa mall. Pero kung kailan naman masyado na akong malapit saka naman ako may na bunggo na babae.
"Miss sorry hindi ko sina-" napatigil ako sa sasabihin ko ng makita ko sya.. I saw Yhein naka lugay sya at mas lalong bumagay sa kanya ang medyo kulot na buhok nya na may kilay green.
's**t! Bakit ba ang Ganda nya?'
"Hi Prince" bati nya
"Yhein.. Amm ano HAHA pasinsya na hindi kita na pansin" sabi ko
"Naku ok lang sige una na ako" aalis na sya agad? .
"Wait.. Libre kita" sabi ko sa kanya sinamaan muna nya ako ng tingin bago ako hinila papasok sa Tayoto Restaurant. Nauna syang umupo at nag tawag ng Waiter.
"Welcome Ma'am and Sir" bati ng Waiter na lumapit
"Dalawang Americano please" sabi ko pero bigla naman akong binato ng Menu ni Yhein
"Americano my ass. Dalawang Doppio kuya" sabi nya sa Waiter 'Aba! Sadista ito ah ako na nga nanlilibre sya pa mananakit!'
"Siguro kaya ka iniwan ng Jowa mo kasi ang sadista mo" sabi ko sa kanya
"Tanga!" Sabi nya sabay yuko sa mesa na guilty tuloy ako..
"Ma'am, Sir your Two Doppio happy to serve!"
"Thank you" sabi ko sa Waiter
"Yhein yung kape mo" sabi ko at tumingala naman sya at hinimas ang luha sa pisngi nya
"B-Bakit ka umiiyak?" tanong ko pero alam ko naman na ako ang may kasalanan.
"Wala" sagot nya sabay higop sa kape nya
"I-I'm sorry" na uutal na sabi ko
"For?" tanong nya
"Sa sinabi ko" sagot ko pero ngumiti lang sya.
-
"Prince" basag nya sa katahimikan
"Hmm?"
"Tell me about you" seryoso na sabi nya dahilan para matigil ako sa pag inom ng kape.
"Amm.. Bata pa lang daw ako meron na akong sakit sa puso nalimutan ko kung anong klaseng sakit yun o kung ano yung exactly na tawag sa sakit na yun pero naoperahan naman na ako. My Mom's name Vivian Rose Santiago Venedicto, Dad's name Xi'an Lee Mercado tuwing Summer, Christmas, New year or Pag hindi Sila busy sa work umuuwi sila dito sa pilipinas. Hindi naman sa nag mamayabang ako pero may dalawa kaming kumpanya isa sa France, Paris at isa naman sa America at pareho din yung Successful. Sa kanilang dalawa mas Close ko si Dad kisa kay Mommy dahil nasanay ako na si Dad ang nasa tabi ko. Varsity player din ako" 'Dati..' huminto muna ako at humigop ng kape
"Andro, Fed, Kae, Hekaro, Mat-Mat hindi ko lang sila kaibigan parang kapatid ko na din yung mga yun, Elementary ng makilala ko sila. That time may nam bubully sakin tapos sila yung tumulong sakin non.. That's my story! You what's your story?" ngumiti ako at tiningnan ang mga mata nya kung kanina habang nag ku-kwento ako may galak sa mga mata nya ngayon hindi ko mawari kung ano ba ang nasa loob nya.
"My story? Damn it's worst! Lola and Lolo's girl ako, Sila ang nag alaga at nag palaki sakin syempre sila din ang nag paaral sakin. Wala dapat talaga ako dito sa Manila kaso dumating si Mommy ayaw ko sanang sumama ang kaso yun ang gusto ng aking Lolo at Lola. Meron akong magulang, pareho pa silang buhay pero.. Wala naman sila sa tabi ko mas pinili nila ang trabo. I mean kinukod-kod nila ang sarili nila sa trabaho. Hindi naman sila ganon dati eh, Nag simula lang ang lahat ng mamatay ang kakambal ko na si Kenlee Zine. Ako yung sinisisi nila sa pag kamatay ng kapatid ko. Birthday namin yun nung mangyare yun. 7th birthday nasa isang hotel kami non kasama ang best friend kung si Chrizelle, That time may mag nanakaw o holdaper ewan. Tapos may hawak sila noon na baril tapos tinutok sakin pero hindi sakin tumama sa kapatid ko sinanga nya yung bala.. BANG! sa pu.. sa puso tumama, Hindi naman lahat nakita nina Mommy ang nangyare ang nakita lang nila ang pag sangga ni Kuya ng bala at nang gabi ding iyon subra ang iyak ko syempre mas malala ang iyak nina Mommy at Daddy. Two weeks after that crime nilibing na si Kuya tapos kinagabihan after ng libing na yun nagising ako, I saw my Mom Crying like no Tomorrow. I ask her why? Bakit ka po umiiyak? alam mo kung ano ang sagot nya? 'Damn you! Sana ikaw na lang ang na matay hindi si Ken-ken' Oo aaminin ko sumama ang loob ko ng sabihin nya sakin yun bakit kasalanan ko ba na nabuhay ako sa mundong ito? One month later na laman nina Lola at Lolo na napapabayaan ako kaya nag desisyon sila na kuhanin ako at tumira kasama sila sa Probinsya kung saan na andon din si Chrizelle then habang nag bya-byahe kami I ask my Grandmother 'La, bakit ako po ang sinisisi nila? Sabi ni Dad Malas daw po ako.' ang sagot nya 'Apo ko kahit kailan hindi naging malas ang isang blessings na kagaya mo.. Marahil nasabi lang nila yun dahil lubos silang nasaktan ng mawala ang kakambal mo' when I was 16 doon ko lang ulit sila nakita pero syempre galit ako sa kanila kasi hindi ko naranasan na aluin ng sariling Ina, hanggang ngayon hindi nila pinaparamdam sakin na magulang sila na para bang nakalimutan na nila ako.. kaya nga minsan gusto kung sabihin sa kanila 'Hello.. Mom and Dad na andito pa ako oh.. May anak pa kayo' pero ayon hindi ko nagawa at magawa. Ngayon kinuha nga nila ako lahat nga ng gusto ko na kukuha ko pero wala naman sila sa tabi ko lagi lang silang nasa ibang bansa nakaka tawa noh kasi pang MMK ang storya ng buhay ko" habang nag ku-kwento sya mapapait ang salita nya at pilit naman syang tumawa sa huling katagang binangggit nya. Nilapitan ko sya at inalo.
"Shh, taha na ang pangit mo umiyak para kang baboy kung umiyak" sabi ko sabay himas sa likod nya at doon bahagya syang natawa
"Ikaw eh!" Sabi nya.