bc

folklore

book_age12+
0
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

folklore

-the traditional beliefs, customs, and STORIES passed through the generations by word of mouth.

This is collection of BxB Love Stories.

chap-preview
Free preview
Story #1: YOUNG LOVE
CHAPTER 1 - cardigan "Cris! Malelate ka na! Bakit di kapa bumabangon?" Rinig kong sigaw ni mama sa labas. Minulat ko ang aking mata at tinignan ang orasan sa aking gilid. Nakita kong 6.45 am na kaya naman dali dali akong tumayo sa aking kama. "Opo ma! Pababa na po!" Sigaw ko pabalik kay mama para marinig niya. Kaagad akong dumaretso sa banyo sa loob ng aking kwarto upang maligo at mag toothbrush. Pagkatapos ay nagbihis ako ng aking uniporme at bumaba na upang mag almusal. "Hi ma! Good Morning! Ano pong almusal?" tanong ko kay mama pagkarating ko sa aming kusina. "Nagprito ako ng hotdog at itlog tapos mayroong sinangag diyan. Dalian mong kumain dahil malelate ka na sa first day mo sa klase." Sabi nito habang inaabot sa akin ang isang plato. Kinuha ko ito at pagkatapos ay binigyan ko ito ng isang hotdog at sinangag. "Good morning!" bati ng isang boses na kakapasok pa lang at nang lingunin ko ito ay nakita ko si Papa na bagong ligo. Umupo na din siya sa lamesa. "Nga pala, susunduan ka ba ng boyfriend mo ngayon?" tanong ni mama habang si papa ay nakatingin lang sa amin ni Mama. Opo, may boyfriend ako. Isa akong bakla pero tanggap ako ng mga magulang ko. I am lucky to have them as my parents. Ako pala si Christian David at ako ay 19 years old. First day ko bilang Grade 12 ngayon sa isang kilalang unibersidad. Masasabi kong may kaya ang aming pamilya dahil ang aking ama ay isang inhinyerong sibil at ang aking nanay naman ay isang guro sa isang pampribadong eskwelahan. James ang pangalan ng aking kasintahan. Mag dadalawang taon na kami bilang magkasintahan sa susunod na tatlong buwan. Di nga ako makapaniwala noong nagtapat siya sa akin ng kanyang nararamdaman. Hanggang ngayon ay parang kahapon lang ang lahat... Flashback "Nako bes, ang galing talaga ni fafa James no! tignan mo at kanina pa siya nakaka three points!" sabi ng aking matalik na kaibigan na si Jules. Nasa loob kami ng gymnasium ng aming unibersidad dahil dito ginanap ang NCR Juniors Basketball Championship. Leading ang aming school ng malaki kontra sa defending champions at si James ang leading scorer. Sikat na estudyante si James dahil talagang mahusay ito sa larangan ng basketball at nag eexcel din siya sa academics niya. Parehas kami ng year level pero mas mataas ang section ko sakanya. "Oo, talagang mahusay siya." Sabi ko habang nakatingin sa pawisang mukha ni James. Napakagwapo pa rin niya kahit na puno ng pawis ang kanyang mukha kaya di ko masisisi ang mga kababaihan at kabaklaan na tumili sa kanya. "Bes baka matunaw yan sa kakatitig mo ah." Pagbibiro sa akin ni Jules. "Sira!" sabi ko sabay irap sakanya. Nagpatuloy ang panonood namin hanggang sa matapos ito. Nanalo ang aming kupunan. Nakatitig lamang ako sa mukha ni James habang nakangiti itong buhat buhat ng mga kakampi niya at ang mga nanonood ay nag chachant ng MVP. "Tara na, tapos na rin ang laro." Sabi ko kay Jules kaya naman tumayo na kami at naglakad pababa dahil nasa pinakaitaas kami ng mga bleachers. Habang naglalakad kami ni jules ay lalong lumakas ang tilian ng mga tao. "Shuta ang ingay." Rinig kong sabi ni Jules sa aking likuran kaya naman napatawa nalang ako at pinagpatuloy namin ang paglalakad. Patuloy pa rin ang malakas na sigawan at tilian. Nasa ganoong paglalakad ako ng may isang bulto nang tao ang humarang sa aking harapan. Nang tignan ko ito ay nanlaki ang aking mata dahil nasa harapan ko ngayon ang lalaking pinapanood ko lang kanina. Nakangiti itong nakatingin sa akin, scratch that, naka yuko siya sa akin dahil mas matangkad siya sa akin. Biglang lumakas ang t***k ng aking puso nang magtagpo ang aming mga mata. Nawala ang tilian at sigawam sa paligid ko at tanging malakas na pagtibok ng aking puso at ang aking hininga ang tanging naririnig ko. "Hi." Maiksi niyang bati sa akin nang nakangiti. "H-hello." Nauutal kong sabi dito. Nagiwas ako ng tingin dahil di ko kayang makipagsabayan ng tingin sa kanya. "Para sa iyo pala." Rinig kong sabi nito at nag angat ako ng tingin sa isang rosas na hawak hawak niya. Kasabay ng panlalaki ng aking mata ay ang paglakas lalo ng tilian sa loob ng gym. "Ay shet sana all!" rinig kong sabi ni Jules na nasa likuran ko. "P-pa para s-sa a-aken?" nauutal kong tanong sa kanya sabay turo sa aking sarili. Nakita ko itong tumango at talagang di nabubura ang ngiti sa kanyang labi. Kinuha ko ang binibigay niyang rosas sa akin. Naramdaman ko ang pag init ng aking pisngi. "S-salamat." Nahihiya kong sabi sa kanya. "Pwedi ba akong manligaw sa iyo?" tanong niya. t-teka. Ano daw? Di ko pa rin ma proseso ang kanyang sinabi Manliligaw siya sa akin? Pero baket? "H-ha?" tanong ko sa kanya. "Hakdog! Shuta friend grab na!" rinig kong sabi ni Jules sa aking likuran pero di ko ito pinansin dahil ang buong atensyon ko ay nasa lalaking nasa harapan ko. "Sabi ko kung pwedi ba akong manligaw sa iyo." Pag uulit niya. Napansin kong namula ang kanyang pisngi. "P-pero bakit a-ako?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Nako Bhie, ang daming magagandang babae diyan at mga bakla pero bakit sa akin pa na average lang? I mean, Average lang ang buo kong pagkatao. Di man ako head turner gaya ng iba diyan. "Bakit hindi ikaw?" pabalik na tanong nito sa akin. "A-ano kase—" naputol ang aking sinasabi nang magchant ang buong crowd ng "YES!" nang paulit ulit. "So pwedi ba kitang ligawan? Give me a chance please." Tanong niya habang kumikisap ang kanyang mga mata. Lalo siyang gumwapo sa aking paningan sa ganoong ayos niya. "Pa bonus muna oh dahil nanalo kami ng championship at nag MVP pa ako." Pahabol niyang sabi habang nakanguso. "S-sige, p-pumapayag ako." Kinakabahan kong sabi at narinig ko nitong napa yes ng malakas at napasuntok sa hangin. Napatawa namaan ako sa kanyang aksyon. Ilang sandali pa ay lumapit ito sa akin at niyakap niya ako. Naamoy ko ang lalaking amoy nito. Kahit na galing siya sa paglalaro ay mabango pa rin siya. "Ang bilis naman, bat may pagyakap." Sita ko sa kanya habang nakakulong ako sa biluging braso niya. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Thanks Chris, mas masaya pa ako na pinayagan mo ako na ligawan ka kaysa sa pagkapanalo ko ng MVP." Madamdamin niyang sabi. May kung anong sumundot sa aking puso ng sabihin niya iyon. "Uhm pero pano mo ako nakilala? Nakakapagtaka kase na kilala mo ako e." nahihiya kong sabi nang bumitaw ako ng yakap sa kaniya. "Tara sa labas ko na ikukwento sa iyo dahil masyadong maingay dito." Sabi niya sabay hawak ng aking kamay at hinila niya ako papunta sa labas ng gym. Narinig ko ang sigawan ng mga tao na nakatingin sa amin. Tinignan ko si Jules at nakita ko itong naka thumbs up kaya naman napangiti ako sa kanya. Nagpatangay na lang ako kay James hanggang sa labas. Huminto kami sa paglalakad ng marating namin ang itim na vios, sasakyan niya siguro ito. "Sa loob ko na ikukwento sa iyo." Sabi niya habang pinagbubuksan niya ako ng pintuan ng kotse. Nang makapasok na kaming dalawa sa kotse ay bigla niyang hinubad ang suot niyang t s**t na may tatak na 'Champions'. Nanlaki ang aking mata nang masilayan ko ang makisig at makinis niyang katawan. Napaiwas ako ng tingin sa kanyang katawan. "Sorry, magpapalit lang ako nang damit kase amoy pawis na ako. Anyways, hatid na rin kita sa inyo habang nagkukwento ako. Okay lang ba iyon Chris?" pagpapaliwanag niya kaya naman tumango ako. Nang tignan ko siya ay nakasuot na siya ng isang kulay dilaw na t shirt. "O-oo sge. Sa may *** street ako nakatira." Sabi ko sa kanya, "Congrats pala." Mahina kong dagdag pero ayos na iyon upang kanyang marinig. Napangiti siya ng marinig niya ang aking sinabi. "Sige tanong mo gusto mong malaman." Sabi niya nang inumpisahan na niya ang makina ng kanyang sasakyan. "Matagal mo na ba ako kilala?" tanong ko sakanya dahil di naman niya siguro ako liligawan kung kanina lang niya ako nakita diba. "Oo, noong orientation natin na grade 10 ay nakita kita noon at nakuha mo kaagad ang atensyon ko. Di muna kaagad kita nilapitan dahil baka matakot ka sa akin. Hanggang sa nawalan na ako ng lakas ng loob na lapitan ka. Pero nang masiguro kong manonood ka nang game tonight ay nilakasan ko na talaga ang loob ko at ang sabi ko pa ay It's now or never. Buti nalang di mo ako binusted." Paglalahad niya. Shuta, 5 months na niya akong gusto. Isang sikat at ubod na gwapong lalaki ang may gusto sa akin? James, are you for real? "Eto huli na." paninimula ko, "seryoso ka ba talaga na liligawan mo ako? I mean parehas tayong lalaki at isa pa ay masayado kang gwapo para sa akin." "Talaga? Gwapo ako?" sabi niya habang nakangisi. "Sira, seryoso kase..." Sabi ko dito sabay ikot ng aking mga mata sakanya. "Oo seryoso ako. Di naman ako manliligaw kung di ko talaga gusto ang isang tao. At isa pa ay wala akong pake kahit na parehas tayong lalaki dahil hello 2020 na normal nalang ang pagmamahalan ng magkaparehong kasarian." Sabi niya. "Basta wag ka nang mag isip kung ano ano diyan, ang isipin mo nalang ay kung kelan mo ako sasagutin." Nakagisi niyang dagdag. "Gagi! Wala ka pa ngang isang araw na nanliligaw e." sabi ko. "Don't worry, araw araw pa rin kitang liligawan kahit na tayo na babe." Sabi niya. "BABE?" nawiwindang kong tanong sa kanya. "Oo, yan na ang tawag ko sa iyo magsimula ngayon." Sabi niya at nagpatuloy lang ang pagdadrive niya ng kanyang sasakyan. ** Umabot ng dalawang buwan ang panliligaw niya sa akin bago ko siya sinagot. Naging mainit na usapan ang panliligaw sa akin ni James at lalong uminit ito ng maging kame. Pero ang sabi sa akin ni James ay hayaan lang namin sila at ang importante ay masaya kami. Masaya ang pagsasama namin ni James at habang tumatagal kami ay lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. Noong ikalawang buwan namin ay umamin na ako sa kanya na mahal ko na siya at sobrang saya niya nang sabihin ko ang magic words sa kanya dahil matagal na din niya daw akong mahal. Noong ikalimang buwan namin ay ibinigay ko na ang aking sarili sa kanya, isang buong gabi na puno ng sarap at pagmamahal ang aming pinagsaluhan. Lalong tumibay ang aming pagsasama dahil sa nangyaring iyon. Wala akong pinagsisisihan. End of Flashback "Ma, Pa, alis na po ako dahil si James na iyong bumusina sa harap natin." Sabi ko sa kanila habang kinukuha ko ang aking gamit sa sofa namin. "Sige anak, mag iingat ka ah!" sabi ni mama. Pagkatapos kong halikan sila sa pisnge ay lumabas na ako ng aming bahay. Nakita kong nakatayo sa kaniyang sasakyan si James. Napakagwapo niyang tignan. Namiss ko itong gunggong na ito dahil lumuwas sila sa kanilang probinsya nang buong summer vacation kaya video call lang ang gamit namin upang makapag usap. "Hi Handsome!" bati ko dito at humalik ako sa kanyang labi. "I miss you babe!" sabi niya nang bumitaw siya nang halik sa akin. "I miss you too." Sabi ko sabay yakap sa kaniya. Pagkatapos ng aming yakapan ay sumakay na kami ng kanyang sasakyan at nagbyahe na kami papunta ng unibersidad.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
56.9K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

NINONG III

read
354.1K
bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.7K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.7K
bc

BAYAW

read
81.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook