Kabanata 9 Aristotle's POV Ilang sandali pa, may babaeng lumabas mula sa kwarto ni Reysan. Ang mga hakbang niya ay tahimik, ngunit sa bawat isa, parang may mabigat na tinig sa aking isipan. Nang umikot siya at humarap sa amin, napako ang mga paa ko. Ang puso ko’y parang tumigil sa pagtibok. Hindi ko kayang paniwalaan ang aking nakikita. Si Mikay. Ang mukha niya hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag. Parang natulala ako. Ang kabuuan ng mukha ng asawa ni Reysan, na hindi ko akalain, ay siya palang Mikay siya ang babae na nagpatibok sa puso ko, ang babaeng patuloy na bumabagabag sa isip ko. Hindi pwede ito. Hindi ko kayang tanggapin. Parang ang lahat ng mundo ko’y biglang nabulabog. Ang tawag sa kanya ni Sophia, ang pangalan na nagpa-ikot ng mga tanong sa aking isipan. Napansin k

