Kabanata 8 Aristotle's POV Hindi ko alam ang gagawin. Simula noong gabing iyon, hindi na bumalik si Mikay. Ang bawat araw na lumilipas ay parang mabigat na pasan sa aking balikat. Hinahanap ng puso’t katawan ko ang presensya niya ang ngiti niya, ang init ng kanyang mga mata, ang lakas na dala niya sa bawat sandaling magkasama kami. In love ako sa kanya. Hindi ko na kayang itanggi. Pero kasabay ng pag-amin na iyon, naroon ang matinding bigat. Alam kong mali. Alam kong hindi ko dapat hayaan ang damdaming ito na manaig. Pero paano ko ito pipigilan kung ang puso ko mismo ang nagtataksil sa mga pangako ko? Pinipilit kong linawin ang isip ko. Ito ang tanong na paulit-ulit kong binabalikan. Sino ang pipiliin ko? Ang landas na tinahak ko para maglingkod sa Diyos, o ang pagmamahal ko kay Mikay?

