Warning: Sensitive Scene, please read at your own risk. NANATILING GISING si Sais kahit na maghahating gabi na dahil sa pagbabantay sa dalaga. Ayaw niyang matulog kahit na pagod na pagod na ang kanyang buong sistema. Upang masiguro na ligtas ito ay isinasakripisyo niya pati ang pagpapahinga. He can't rest thinking that he might lose her in any moment. He leaned at the wall while watching her sleep. He can't think of anything as if his mind is blank and lost. Kinakain ng katahimikan ang malalim na gabi kaya't pati ang pag-iisip niya ay naaapektuhan. Gustong gusto niyang malibang upang alisin ang mga negatibong ideya ngunit hindi siya pwedeng umalis. Hinahayaan na lamang niya ang pagkukusa ng mga luha sa pag-agos mula sa kanyang mga mata. Wala rin namang patutunguhan kung pipigilan niya

