Warning: Sensitive Scene, please read at your own risk. "KAPAG may gusto kang kainin sabihin mo lang okay? We will buy anything you want," wala siyang natanggap na sagot muli sa dalaga dahil tulala na naman ito. Kagigising lamang nila at dahil siguro sa pagod ay tanghali nang nagising si Richell. Ipinaghain niya ito ng almusal at tumabi upang subuan ito. Kung hindi niya gagawin iyon ay siguradong hindi ito kakain. "Say, aaaah," ibinuka niya ang bibig upang gayahin nito. Napangiti siya dahil sinunod iyon ng dalaga. "Very good my little kitten." Patuloy niya itong inalalayan sa pagkain. Kahit papaano ay nagiging panatag ang loob niya kapag kumakain ito kahit na hindi maayos ang dinaramdam. Dahil sa nangyari kagabe ay mas lalo niyang dinagdagan ang security guards sa bahay nila at pati m

