CHAPTER 26 Nightmare “Mag-ingat kayo, Ria ah! Zanrell! Bumalik kayo rito ulit,” nakangiting sambit ni Ate Tinay nang magpaalam kaming babalik na sa Manila. I smiled as I nodded. Yumakap naman sa ‘kin si Mary. “Ate, chat-chat na lang sa f*******:!” “Sure!” Hinatid nila kami sa airport. Habang naghihintay ay hindi magkamayaw ang saya sa puso ko. Finally, I’m going back! I don’t know how Dad solved our problems but I’m happy that he did. Excited na ‘kong gumawa ng bagong memorya kasama ang nagbabalik na siya. “Excited?” nakangising tanong sa ‘kin ngayon ng katabi kong si Zanrell. Nginitian ko naman siya at tinanguan. He rested his arm on my shoulder and pulled me close to his chest. Sinandal ko naman ang ulo ko ro’n habang nanatili sa bintana ng eroplano ang

