CHAPTER 25 Wrong “Go to your room now. Gabi na,” sambit ni Zanrell bago tumayo nang tuwid. Nanatili naman sandali ang tingin ko sa inilagay niyang bangle. It was shiny, especially whenever it’s hit by the light. Walang masyadong disenyo pero napakaganda no’n para sa ‘kin. “Ikaw ang pumili?” tanong ko sa kanya. Nag-iwas naman siya ng tingin. “Nah. My li’l sis.” Napatango na lang ako. “By the way… how did you find me?” I asked curiously. Bigla ko lang kasing naalala. Nilingon ko siya at nagtama ang tingin namin. “I tracked your f*******: account,” he said as if it was not a big deal for him. Hindi naman pala ang pinagkakautangan ni Dad ang makakakita sa ‘kin gamit ang f*******: account ko kun ‘di ang isang ‘to! I wonder if the guys who were hunting me will

