CHAPTER 21 Fall completely Maraming dumalaw sa ‘kin sa bahay matapos mawala ang epekto ng anesthesia. Cecil, Miyuki, my co-band members of Ace, and even Drayven with his family. They were all worried about me. “Look at your face! Nasira! Ano ba kasing iniisip mo?” naiiyak na sermon sa ‘kin ni Kira nang minsan ay dalawin nila ako sa kuwarto. Ang sabi kasi ng doctor, mas mabilis akong makare-recover at mawawala ang bisa ng anesthesia kung nasa familiar place ako. ‘Yon ang dahilan kung bakit nasa bahay ako ngayon. Napatahimik na lang ako habang tinitingnan ang mukha ko ngayon sa pinahawak niyang salamin. There were cuts and bruises on my cheeks, at the side of my lips, and on my forehead. Mabuti nga ay ito lang ang inabot ko. Kung malas ako noong araw na ‘yon, malamang

