CHAPTER 40 Race against darkness My heart was hammering so fast while walking back and forth in front of the door of my room. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang magpakita sa mga tao sa baba ngayon. I am now here in one of the guest rooms in del Grico mansion. Zanrell decided to bring me here again after six years. Eksakto pang nandito rin ang ilan sa mga pinsan niya. Para akong lalagnatin sa kaba. Kanina ko pa pinagmamasdan ang sarili ko sa harap ng salamin para tingnan kung maayos na ba ‘ko. I wore a simple cream spaghetti-strapped dress paired with silver stilettos. Sa taas na bahagi lang ang nakatirintas na buhok ko habang nakalugay at nakakulot ang takas na buhok. Naglagay rin ako ng kaunting makeup para naman presentable tingnan sa harap ng mga del Grico.

