CHAPTER 39 Fatal race Days have passed before I could finally talk to people again. Nagpatong-patong din kasi ang trauma na nakuha ‘ko dahil din sa nangyari. Araw pa lang ang nakalilipas pero nagpasya na rin akong ipagpatuloy ang pagkausap kay Drayven. Unti-unti nang nababawasan ang problema ko at gusto kong makawala na rin ang puso sa sakit ng mga nangyayari. “Are you sure? Isn’t this painful for the both of you? Sariwa pa ang lahat, Ria,” si Zanrell. I gave him a weak smile. “This will be more painful kung patatagalin namin.” Pinagmasdan ko ang mga mata niya. Bakas do’n ang ibang klaseng pag-aalala at takot. My heart ached because of that. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya. Kahit hindi niya aminin, alam ko na nakagawa na rin ako ng trauma sa puso niya. Ta

