Nilunok ni Alea ang natitirang pride at respeto sa sarili. Tinanggap niya ang proposition ng ama. Binalewala ang pakiusap ng inang nagmamakaawang hayaan sana muna si Jacob. Sinubukan naman niya pero wala talaga siyang magawa kundi sumunod sa don. Mas makapangyarihan ito sa kanilang lahat.
"You have a month, Alea. Hindi ko pakikialaman si Jacob gaya ng gusto mo. Pero within one month at hindi mo pa rin siya napapayag na pakasalan ka, ako ang masusunod at gagawa sa paraang gustuhin ko," mariing saad ng kanyang ama.
Hiningi niyang bigyan siya ng pagkakataong mapaibig si Jacob. Ayaw niyang gamitan ng kanyang ama si Jacob ng dahas. Hindi kasi ito nangingiming saktan maski totoong anak nito para lamang mapasunod si Jacob.
Para mawala ang stress na nararamdaman ay nagpasya siyang pumunta sa suking beauty salon. Gusto niyang magpa-highlights ng buhok, pedicure at manicure na rin. That way ay gumaan man lamang ang kanyang pakiramdam.
Mag-isa lamang siya dahil hindi raw available ang mga kaibigan. Party goer man ay mga seryoso naman sa mga trabaho sa sariling kompanya ng mga magulang.
"Halika, Liezle, magpagupulit ka rin at magpaganda."
Hinila niya si Liezle na siyang nag-drive ng kotse. Hindi kasi siya pinayagan ng ama na magmaneho mag-isa. Ayaw na ayaw rin na mag-isa siya sa mga lakad. Kamuntikan na rin kasi siyang makidnap noong bata pa kaya lumaki siyang laging may nakabantay.
Dati ay tatlo ang mga bodyguard ngunit nang magkolehiyo siya ay pinilit niya ang amang bawasan ang mga iyon. Natatakot na kasing lumapit ang mga kaklase sa kanya. Kaya noong nakilala niya si Liezle--nagligtas sa kanya nang bastusin siya ng mga tambay nang minsang tinakasan niya ang mga bodyguard at magawi sa isang mapanganib na lugar, ito na lamang ang kinuha ng ama na magbantay sa kanya.
Isang martial art expert si Liezle. Alam nito ang karate, teakwondo at ibang pang-self-defense. Nang ma-background check ito ng kanyang ama at lumabas na malinis ang record ay pumayag na ito sa pakiusap niya. Apat na taon na rin ang nakalilipas.
"Huwag na, Alea. Hindi ko gusto ang mga ganyan..."
"Liezle!" maktol niya rito. Maganda si Liezle ngunit hindi marunong mag-ayos. Lagi siyang tinatanggihan kapag binibilhan niya ng mga dresses. "Ang boring mag-isa. Sige na," lambing niya rito.
Kapag sila lang na dalawa ay itinuturing niya itong hindi iba. Mas malapit pa nga sila kesa sa mga kaibigan niyang sosyal. Hindi nga lamang sila ganoon ka-showy kapag may mga kasama sila. Lalo na kay Liezle dahil sa pinermahan nitong kontrata. Bawal maging malapit sa kanya. Hindi siya puwedeng kaibiganin. Amo-tauhan lang dapat ang turingan. Kahit malinis ang record ay wala pa ring tiwala ang kanyang ama sa mga nagiging tauhan nila.
"Sige na," lambing niyang hinawakan ito sa braso. Ngunit nagtaka siya nang tumayo ito nang tuwid at tila may nakita.
Napawi ang ngiti niya nang mula sa pinto ng salon ay palabas si Genelyn kasama ang ilang mga kaibigan. Tila katatapos lamang magpaayos ng buhok. Bagong gupit na ang babae.
Nagtatawanan pa ang mga ito ngunit gaya niya, napawi rin ang ngiti nang makita siya.
Mula sa pagkakahawak sa braso ni Liezle ay bumitiw siya. Naglakad patungo sa kinaroroonan ni Genelyn.
"Alea..." pilit pa siyang pigilan ni Liezle ngunit hindi siya nagpatinag.
Si Genelyn ay nanatili naman na nakatayo. Hinihintay ang paglapit ni Alea. Kasama niya pa rin ang dalawang kaibigan na nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Alea.
"Can we talk, Gen?" bungad agad ni Alea. Kay Genelyn niya sisimulan ang lahat. Kung gusto niyang mapasakanya si Jacob. Kailangang mawala ni Genelyn.
Tumingin si Gen sa mga kaibigan. "Lyn, Ghie, mauna na kayo. Mag-uusap lamang kami ni Alea," bilin nito sa mga kaibigan.
"Sure ka, Gen? Hmmm...kasi baka..."
Natatawang hinarap ni Alea ang babaeng maputi, medyo may kaliitan.
"Don't worry, hindi ko kakainin ang kaibigan ninyo. I just want to talk. That's it. Kung gusto niyo siyang hintayin, you can..."mataray niyang saad saka dumukwang pababa sa babae. "Nice hair," sabi niyang siya na ang naglagay sa buhok nitong tumikwas sa likod ng teynga nito.
"Ako ang harapin mo, Alea."
Napairap si Alea nang hawakan siya ni Gen sa kamay. Iwinaksi niya iyon. Hindi na sila magkaibigan para hayaan niyang hawakan pa siya.
"Ghie, Okay lang ako. Take Lyn..." utos ni Genelyn sa mga kaibigan para tuluyang iwanan sila.
"Call us, Gen. Okay?"
Tumango si Gen. Nang makaalis na ang mga kaibigan nito ay siya naman ang hinarap nito.
"I can't stay long. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, Alea."
"Not here. Doon tayo," saad ni Alea at nagpatiuna nang puntahan ang isang cafe shop na malapit sa salon. Sumunod sa kanya si Gen.
***
"Makakaasa kang lalayo ako, Alea. Pero isa lang ang gusto kong gawin at ipangako mo. Alagaan mo si Jacob. Gusto ko siyang maging masaya..." umiiyak na ika ni Gen. Sa masinsinan nilang pag-uusap ni Alea ay sumuko siya. Hindi niya kayang pantayan si Alea. Kulang ang pagmamahal lamang niya upang lumigaya si Jacob. Siguro nga duwag siya para tuluyang layuan na si Jacob. Ganoon ang pagmamahal niya sa lalaki. "Ayaw kong maghirap siya ng dahil sa akin," matapang na niyang hinarap si Alea kahit hilam ng kuha ang kanyang mga mata. Pinunasan niya ang pisngi uoang tuyuin iyon. "Basta tuparin mo ang pangako mo, Alea..."ika nito bago tumayo at nilisan ang lugar na iyon na hindi na siya nilingon na muli.
Napaismid si Alea habang pinapanood ang paglayo ni Genelyn. Natawa siya sa sarili dahil hindi niya aakalaing ganoong kadali at ganoon ang kalalabasan ng kanilang usapan. Hindi siya handa sa naging resulta at biglang pagpapaubaya nito. Mas pinaghandaan pa niya yatang hindi ito agad umayon sa kagustuhan niya. Makipagmatigasan sa kanya.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa hawakan ng tasa. Pakiramdam niya ay talo pa rin siya. Mawala man si Genelyn ay talo pa rin siya.
Bumuga siya ng hangin bago tumayo sa kinauupuan. Naglatag ng bayad at tip bago taas noo na naglakad palabas ng cafe na iyon. Bakit niya i-stress ang sarili? Ito na ang nagdesisyon na umalis at iwanan ang lalaki.
Pinuntahan niya si Liezle na naghihintay sa labas ng cafe. Wala na siya sa mood sa kahit anong gagawin.
"Umuwi na tayo, Liezle. Wala na akong gana para magpasalon," utos niya rito na agad nitong sinunod.
Imbes na umuwi sa kanyang condo na hindi pa masyadong naayos ay sa mansiyon siya tumuloy. Ang ina lamang niya ang naroon at mga katulong. Nasa business trip na ang ama na pagkatapos soyang kausapin ay dumiretso na sa airport. Wala ito ng ilang araw kaya ipinaubaya sa kanya ang pagpapabalik kay Jacob sa mga buhay nila. Tuluyan na kasing pinutol ng lalaki ang ugnayan nito sa ama.
"Hi Mom," bati niya sa ina at humalik sa pisngi nito nang mabungaran niya ito sa sala.
"Anak, how are you? Akala ko ba ay magsasalon ka?"
Pilit siyang ngumiti rito. Nagpaalam siyang hindi agad uuwi ngunit hayun nga siya, naroon na agad. Sanay pa naman ito na kapag nagpaalam siya, gabing-gabi na talaga siya uuwi. Pagkatapos ay sandamakmak ang dala-dala na pinamili sa mall.
"Pagod ako, Mom. I just want to sleep," paalam niya sa ina. Gusto niya sana itong makasama sa maghapon ngunit tila hindi siya handang harapin ito nang matagal. Alam niyang may kaunting tampo ang ina sa kanya dahil sa pagpayag sa ama.
"Sige, ipapatawag na lamang kita sa hapunan..."
Mabilis siyang pumanhik sa kanyang kuwarto. Nakasunod sa kanya si Liezle na tahimik lang na nagmamasid.
"Magpahinga ka rin, Liezle. Hindi mo na kailangan pang bantayan ang pinto. Nasa bahay lamang naman tayo," utos niya rito bago pumasok sa sariling silid.
Nagtuloy siya sa kanyang malaking banyo. Nagshower at hubad na lumabas roon. Suot na lang ay panty na siyang tanging takip ng kanyang katawan. Nagtuloy siya sa kanyang kama at natulog. Nakalimutan na i-lock ang kanyang pinto dahil sa mga bumabagabag na isipin.
Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog. Naalimpungatan na lamang siya dahil tila may magbibigat na titig na nakatunghay sa kanya. Napabalikwas siya ng bangon nang may bulto ng tao siyang naaninag mula sa kanyang pagmulat. Ni hindi tuminag nang gumalaw siya. Nakatayo lang ito sa gilid ng kanyang kama. Nakatunghay sa kanya.
"Jacob?"
"Are you happy now, Alea? Masaya ka na bang napaalis mo sa buhay ko si Gen?"
Napalunok siya. Kahit kasi malumanay na nagsasalita si Jacob, ramdam niya ang galit at bigat ng mga kataga nito. Sinisisi siya ng lalaki.
"You will pay for this! Hinding hindi mo makukuha nang ganoon na lamang ang gusto mo!"
Natigalgal siya at hindi nakapagsalita. Kahit noong humakbang ito, ni hindi siya tinapunan ng tingin na umalis.
Mas nakaramdam siya ng takot sa pagiging malumanay ni Jacob. Nanaisin pa niyang sigawan siya at bantaan. Nakaramdam siya ng alinlangan kung tama bang...maging makasarili siya nang tuluyan.