Nagpupuyos ng galit at mabilis na naglakad papasok si Jacob sa kanilang bahay. Gabi na iyon at kagagaling lamang niya sa isang bar para uminom. Kahit sabihing okay siya ay kinailangan pa rin niya ang alak para maging karamay sa pagdadalamhati niya. Sa pagtalikod sa kanyang pamilya.
Sinalubong pa siya ng ina ngunit halos hindi niya ito pinansin. Iisang tao lamang ang ipinunta niya roon.
"Where's Alea!"
Hindi na niya hinintay pang masagot ang kanyang tanong. Dire-diretso siyang naglakad paakyat ng hagdan patungo sa kuwartong inuokopa ni Alea.
Palapit pa lamang siya ay nahagip na ng mga mata niya si Liezle na kalalabas lamang sa pinto.
"Sir, Jacob?"
Hindi niya ito pinansin. Mabilis siyang pumasok sa pinto ni Alea at huli na para maharangan pa siya. Agad niya ring ni-lock ang pinto pati ang double lock nito para kahit gamitan ni Liezle ng susi ay hindi pa rin ito makakapasok. Kailangan niyang makausap si Alea. Ipamukha rito ang kinalabasan ng maling gawa. Gusto niyang sumbatan ito.
Ngunit tila naumid ang kanyang dila nang lumabas si Alea mula sa banyo na hubad at ang tanging suot ay isang manipis na underwear. Napalunok pa siya nang dumako sa maumbok at tila makinis nitong pisngi ng kaselanan. Aninag na aninag kasi ito sa suot ng dalaga dahil sa kanipisan.
Si Alea naman ay nagulat, nahiya sa nadatnang itsura niya ni Jacob. Ngunit agad niyang iwinaksi ang hiya at malakas ang loob na ipinagkalandakan ang alindog sa lalaki. Diyosa siyang matatawag. Walang lalaking makatatanggi sa kanyang katawan. Sa itsura pa lamang ni Jacob. Alam niyang apektado ito. Baka madala ito at ito na ang mismong lalapit sa kanya para sambahin. Handa niyang ipagkaloob ang katawang iyon sa lalaking minamahal. Kahit katawan niya muna ang mahalin nito.
"Nasasarapan ka ba sa nakikita mo?" pilya niyang tanong at dahan-dahan pang lumapit kay Jacob. Ngunit agad itong lumayo at ang nakita niya kanina na pagnanasa ay biglang napalitan ng pandidiri. Nagkamali siya. Ibang iba nga naman si Jacob sa ibang lalaki. He can control.
"P-put something! Get dress, I need to talk to you!" halos utal na saad ni Jacob. Hindi niya kasi maikakaila sa sarili na nakakabighani ang kagandahang nasa harap niya. Lalaki rin siya. Hahanga siya sa kagandahang iyon. Maging ang ibaba niya ay nabuhay sa nakikita. Ngunit mas nanaig ang galit niya kay Alea kesa sa pagnanasang bumubuhay sa kanyang dugo.
"Bakit? I don't want clothes when I go to sleep! Bakit pa kita pahihirapan..."
"Shut up!" bali niya sa sinasabi nito at hindi na pinatapos. Maganda nga ito ngunit isang tukso at kasalanan. Isang babaeng makasarili. Wala ang kagandahan nito sa kalingkingan ng ugali kinaiinisan niya.
Napaismid siyang tumitig kay Alea. Wala na siyang pakialam sa itsura nito.
"Hindi mo magagamit si Dad para pakasalan kita. Hindi mo magagamit ang mga magulang ko para itali ako sa isang kasal na hindi ako magiging masaya! I will tell you this and I will tell you million times! I will never love you!" Agad niya itong tinalikuran at agad na nagtungo sa pinto. Tinanggal ang double lock at ang isa pa. Binuksan ang pinto kung saan naroon pa rin si Liezle ngunit ngayon ay kasama na nito ang kanyang ina. Muli niyang nilingon si Alea na hindi magawang tumingin sa kanya. "Kung noon, may awa pa akong nararamdaman sa iyo. Ngayon, tuluyan mo ng inalis iyon sa sistema ko! Nakakasuka ka!" saad niya bago tuluyang humakbang paalis.
"Jacob!"
Nasa ibaba na siya ng hagdan nang habulin siya ng kanyang ina. Tumigil siya at hinintay ito. Hindi pa siya nakapagpaalam ng maayos sa ina.
"Anak..."
"Kung pakikiusapan mo akong pakasalan at sundin si Dad, Mom, please don't. I'm sorry. I really can't..." Hinarap niya ang ina.
Napatiim bagang siya dahil lumuluha ito at iyon ang pinakaayaw niyang makita. His mom crying. Kasalanan lahat iyon ni Alea.
"Itatakwil ka ng iyong ama, anak. Hindi ko kayang pahirapan ka niya..."
Umiling siya saka tipid na nangiti. Pinunasan ang luha sa pisngi ng ina.
"Patutunayan ko sa kanya na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa, Mom." Hinalikan niya ang ina sa noo bago muling magsalita. "Take care of yourself. I love you," ika niyang mabilis ring pumihit at humakbang paalis. Hindi niya kayang makita ang lungkot sa mga mata ng ina.
Samantala, nakaalis na si Liezle sa kanyang kuwarto ay dilat na dilat pa ang mga mata ni Alea. Yakap niya ang sarili habang nakatanaw sa kadiliman ng gabi sa kanyang bintana. Nakasuot na siya ng roba at iyon ang tanging nagbibigay sa kanya ng init sa lamig na nararamdaman sa sarili. Hindi lamig na dahil sa aircon ng kanyang kuwarto kundi lamig sa kanyang katauhan.
Ilang beses na siyang pinakiusapan ni Jacob. Ilang beses na siyang sinabihan nito na hindi siya mahal at hindi mamahalin. Ngunit tila siya isang yelo na wala ng pakiramdam. Sanay na sanay na siyang marinig iyon mula sa lalaki. Sanay na sanay na siyang balewalain nito.
Naglakad siya papunta sa switch ng ilaw. Matutulog na siya ngunit nakarinig siya ng mahihinang katok sa pinto. Alam niyang hindi si Liezle iyon dahil tapos na ang pagbabantay nito sa kanya.
Pinagbuksan niya ang kumakatok at hindi na siya nagulat nang makita ang ina. Mugto ang mga mata nito. Nakaramdam tuloy siya ng guilt dahil alam niyang siya ang dahilan ng pag-iyak nito.
"Mom...pasok po kayo."
Inakay niya ang ina papasok sa kanyang kuwarto. Pinaupo niya ito sa paanan ng kama bago tumabi rin ng upo.
"May sasabihin ba kayo?" Bigla ang paggaralgal ng kanyang boses kaya napatikhim siya para hindi iyon ipahalata.
"Alea...nakikiusap ako anak, bigyan mo muna ng panahon si Jacob. Hindi pa ito handa sa gusto ng kanyang ama."
Napaiwas siya ng tingin sa kinilalang ina. Napakagat labi habang pinapakinggan ang sumunod na kataga nito.
"Hindi ako tumutol sa desisyon ng inyong ama, ang pakiusap ko lamang ay ang bigyan ng sapat na panahon si Jacob para makapag-isip..."
"Kung sakali ba na gawin ko iyon, mom, mamahalin na kaya niya ako?" Lumuluha niyang tanong sa ina. Ayaw sana niyang ipakita ang kanyang pag-iyak ngunit hindi na niya mapigilan ang mga luha sa pagpatak.
Agad nitong ginagap ang kamay niyang magkasalikop sa pagitan ng kanyang mga hita.
"Hindi bato ang puso ni Jacob, Alea. Hindi bato para hindi ka matutunang mahalin. Mabuti kang anak. Mapagmahal..."
Gusto niyang marahas na umiling. Salungatin ang sinasabi ng ina. Dahil alam niya sa kanyang sarili na hindi iyon mangyayari.
"Kakausapin ko po si, Dad." Pagtatapos niya sa usapan nila ng ina. Ayaw na niyang humaba pa iyon. Iisa lang naman ang patutunguhan. "Matulog na po kayo. Kakausapin ko si Dad bukas ng umaga."
Lalong hindi nakatulog si Alea sa gabing iyon. Maraming tumatakbo sa kanyang isipan. Mga senaryo na kahit anong gawin niya. Itama man niya ang naging desisyon o hindi. Talo pa rin siya. Dahil hindi pa rin siya mamahalin ni Jacob.
Dahil sa puyat ay hindi na niya inabutan ang ama pagkagising sa umaga. Kaya naman napagdesisyunan niyang puntahan ito sa opisina.
"Hintayin mo na lamang ako dito, Liezle. Hindi ako magtatagal," bilin niya kay Liezle nang mai-park na nito ang kotse sa harap ng gusali. Tumango si Liezle bilang pagsang-ayon.
Papasok pa lamang siya sa building ay kakaiba na ang ambiance ng paligid lalo noong makita siya. Nakangiti at bumabati sa kanya ang mga nararaanang tauhan ngunit alam niyang pilit ang mga iyon. Ilap ang mga tauhan sa kanyang presensiya kaya hindi na niya pinansin o sagutin man lamang ang pagbati ng mga ito. Tuloy-tuloy siya elevator papunta sa pinakamataas na floor kung nasaan ang opisina ng ama at ni Jacob.
Pagdating doon ay agad niyang napansin na wala ng kagamitan at bakante na ang opisina ni Jacob. Napakagat labi siya dahil talagang pinili ng lalaki ang buhay na hirap sa piling ni Genelyn.
Muli niyang inayos ang sarili at nagtuloy na sa opisina ng ama. Agad na napatayo ang sekretarya nito nang makita siyang paparating.
"Miss Alea..."
"Nakausap ko na si Daddy sa phone. He knows I'm here," sabi niyang dire-diretsong pumasok sa loob ng opisina. Hindi man lamang binati ang babaeng sekretarya.
Agad niyang nahanap ang ama sa harap ng mesa at abalang abala sa mga papeles na nasa harap nito. Ni hindi siya nito napansin kung hindi lamang siya tumikhim.
"Dad," tawag pa niya at nilapitan ito. Iniangat nito ang ulo kaya nagawa niya itong halikan sa pisngi bago muling pumunta sa upuang nasa harap ng mesa nito. Naupo siya pagkatapos.
"Darling, what do you need? Mukhang importante at naparito ka pa," tanong na nakangiti ng ama. Tiniklop nito ang binabasang dokumento at itinuon ang atensyon sa kanya. Ganoon naman ito lagi kapag nasa paligid siya.
"Dad..."
Napalunok siya kung paano sasabihin ang sadya. Kahapon lamang ay hiningi niyang ipakasal sila ni Jacob. Ngayon naman ay gugustuhin niyang huwag muna.
Nang hindi makapaghintay ay muling binuksan ng Don ang papeles at itinuon na roon ang mga mata. Alam na nito ang pakay ni Alea.
"Tell me now, Alea. I'm busy!" May pagtitimpi sa tono nitong ika.
Mas lalong kabado si Alea nang maringgan ang pag-iiba ng tono ng kanyang ama. Mukhang iritado ito bigla.
"L-lets not pursue the wedding for now, Dad..."
"Why?"
Muling napalunok si Alea. Sa ikli ng salita ng ama, alam niyang nagtitimpi ito ng galit. She need to explain it carefully.
"Let's give Jacob more time, Dad." Bigla siyang nakaramdam ng takot nang umangat ang tingin nito sa kanya. Ang mga mata nito ay tila nagdilim. Sinubukan pa rin niyang magpatuloy sa pagsasalita. "Lalo lamang hi-hindi si Jacob kapag ipinilit natin ang kasal. Ngayon o sa susunod na mga taon man ang kasal, sa akin pa rin naman siya..."
Natigil siya sa pagsasalita nang marahas na binuksan ng kanyang ama ang drawer sa gilid nito. Kinuha ang isang envelope at padarag na binagsak nito sa harapan niya.
"Take a look at it! Tsaka mo sabihing huwag kayong makasal sa madaling panahon!" galit na utos nito.
Kagat labi niyang dinampot ang envelope at inilabas nga ang bagay na nasa loob nito. Nabitiwan pa niya ang ilan sa mga laman nang sumambulat sa kanyang paningin ang litrato ni Jacob at Genelyn kasama ang pamilya ng babae at ilang mga kaibigan. Nakaluhod si Jacob sa harap ng babae na tila nga nagpo-propose na.
Napahigpit ang kanyang hawak sa natirang litrato sa kanyang kamay
"They'll get married! At ikaw? Nawala na si Jacob nawalan ka pa ng mamanahin!" bulyaw nito.
"I...don't want the inheritance from you, dad. All I want is Jacob..."
"At mawawala siya nang tuluyan sa iyo!" pagpapamukha nito sa kanya at tuluyang tumayo. "Mawawala lahat sa iyo!"
Napailing siya at tuluyang napaluha. May kondisyones ang kanyang ama sa kanya. Kung papakasalan niya si Jacob ay kalahati ng kayamanan ng mga ito ang mapupunta sa pangalan niya. Pero hindi niya kailanman inasam ang kayamanan ng mga ito. Si Jacob lang ay sapat na.
"But he never love me. Hindi niya ako mahal, Dad!" usal niya sa katotohanang ayaw niyang tanggapin noon maging ngayon. Pero iyon ang katotohanan.
"But you love him!" pamimilit ng kanyang ama. "Sapat na iyon, Alea. Ang mahal mo ang anak ko at handa kang maging asawa at magiging ina ng anak niya!"
Napahikbi siya. Mahal niya si Jacob oo, pero litong lito na siya. Gusto niyang mapasakanya si Jacob pero malabong mahalin siya.
"Just a little bit time, Dad..."
"No, Alea. Ayaw kong maikasal ang anak ko sa pamilyang iyon. Gagamitin lamang nila si Jacob para muling makaangat. Bankrupt na sila at naghihikaos. They need him and they will use him!" Mahinahon na ang tono nito ngunit puno pa rin ng diin ang bawat kataga. "I need your help, anak. Jacob need our help!"
Muli niyang nakagat ang labi habang marahang pinahid ang luha gamit ang likod ng palad. Litong lito na siya kung ano ba ang gagawin. Nakiusap ang kanyang ina na umiiyak kagabi para sa kalayaan saglit ni Jacob. Nakikiusap naman ang kanyang ama ngayon para kay Jacob. Hindi na niya alam ang totoo. Sino ang paniniwalaan niya? Sino amg susundin niya.
Alam niya sa sarili na totoo ang nararamdaman ng kanyang puso. Totoo ang sinisigaw nito. Mahal niya si Jacob. Pero sapat na ba talaga iyon para makinig siya sa kanilang ama? Sapat na bang dahilan na mahal niya ito kahit alam niyang hindi sila magiging masaya. Sapat na ba iyon para ikulong niya si Jacob sa pag-ibig niya? Sapat na ba ang pag-ibig niya para tuluyang maging makasarili? Sana nga ay sapat na iyon.