"Michael! Nasa site na ba si Sir Leo?"
"Ahh yes po katunayan po nyan Sir kanina pa po kayo hinihintay nun"
"Why? Sabi ko 9am sharp ah anong oras palang naman!"
"Oo nga po Sir alam nyo naman po yung matandang yun laging maaga eh!''- Ngiting ngiti pang turan ni Michael
"Kasama na naman niya siguro si Ida!"
"Ayy tumpak po sir Luke! Hahaha"
"Haist.... Lagi nalang!!"
"Pogi problem Sir!"- Pang aalaska pang muli ni Michael na kanyang tauhan at naging ka close narin sa trabaho
"Ewan ko sayo! Bilisan mo na dyan! Para sumama ka sa site!"- Luke
"Hala bakit pati ako Sir?"
"Bakit ka umaangal?"
"Ahh... Hindi po Sir! Sabi ko nga bakit po ako? Ang suwerte ko naman palagi kong kasama ang pinaka magaling na engineer ng kumpanya!- Michael
"Ahh ganun? Oh eto bitbitin mo yan ah tapos yung blue print na binigay ni architect kanina huwag mong kalimutan!"
"Yes Sir!" - Pakamot kamot nalang ng ulo si Michael habang kinukuha ang lahat ng kailangan ni Luke
"Bro!" - Andy
"Oh bro!"- Luke
"Sa site ka?"- Andy
"Oo ikaw?"- Luke
"Halfday lang ako bro!"-Andy
"Ayyy yabang naman!"- Luke
"Hahaha ano ka ba alam mo naman kabuwanan na ni misis!"- Andy
"Hahaha joke lang naman! Sige regards mo nalang ako kay Giselle bro!"- Luke
"Makakarating!"-Andy
Habang papalayo ang kaibigan ay nakangiting iiling iling na lamang si Luke, Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang dating aso't pusa na mga kaibigan niya noong Highschool sila ang siya palang magkakatuluyan din sa huli, 1 taon matapos grumaduate ng college nagpasiya ang dalawa na magka aminan na sa nararamdaman halos apat na taon din silang mag girlfriend/boyfriend at last year nga ay nagpakasal na sila kaya heto ngayon at magiging magulang na nga ang mga loko, Samantalang si Carl naman ay wala paring stable girlfriend kaya madalas din nilang tuksuhin sa isa pa nilang kaibigan na si Via na single parin, Pero talagang di raw nila type ang isat-isa. Si Fatima naman busy din sa pagiging teacher nito at wala din silang alam kung may lovelife din ba bibihira nalang kasi sila magkita kita.
Naging malawak na kasi ang mundong kanilang ginagalawan ng makatapos na sila pare pareho sa pag-aaral, Tanging si Andy lang ata ang nanatiling malapit sa kanya malay ba kasi nila pareho na sa iisang kumpanya lang pala ang pinag applyan nila at pareho pa silang pinalad, Siya bilang isang Engineer at si Andy bilang isang Marketing staff na ngayon ay isa naring Marketing Director.
"Sir! Ayang si Mam Ida ang laki talaga ng pag kagusto sa iyo ano po?"- Narinig pa niyang wika ni Michael habang nagmamaneho ng sasakyan
"Oh tapos?"- Luke
"Bakit di mo patusin? Alam mo na! Tsaka di ka na lugi Sir maganda naman si Mam Ida mabait pa!"- Michael
"Alam mo kasi Michael nadala na ko sa mga babae oo habol ng habol sa iyo pero baka sa simula lang yun, Baka sa huli magsawa din at di mo alam matagal ka na palang niloloko!"- Luke
"Aba bakit sir? ganun ba ginawa sayo ng ex mo?"- Michael
"Matagal naman na yun!"- Seryosong nakatanaw si Luke sa bintana ng sasakyan
"Matagal na pala eh! Bat di ka na nag girlfriend ulit?"- Michael
"Ayaw ko lang magpa dalos dalos ulit!''
"Pero mukhang iba naman si Mam Ida Sir!"
"Well.... Let see... Hayaan nating tadhana ang gumawa ng paraan!"- Luke
"Tsk'Tsk! Mukhang sobrang nasaktan ka nga Sir sa past relationship mo ah!"- Michael
"Huwag na nating pag-usapan yun tumingin ka ng diretso sa minamaneho mo!"- Luke
"Sabi ko nga po eh!"- Michael
7 years na ang nakalipas simula ng maghiwalay sila ni Hera, Wala ni isa sa mga malalapit sa kanya ang nakaka alam ng totoong dahilan ng hiwalayan nila sanay kasi siyang itinatago ang sakit na nararamdaman tuwing may pinagdadaanan kung meron mang higit na makaka intindi nito iyon ay ang kanyang ina at ang bestfriend lamang niya na si Jane pero sa kasamaaang palad ay hindi narin niya alam kung nasaan na at kung kamusta na nga ba iton ngayon, Mula ng mabalitaan niya na umalis papuntang America ang pamilya nito ay wala ng paramdam sa kanya ang dalaga ilang buwan lamang din ang lumipas ay tuluyan naring ibenenta ang bahay na tinitirahan noon ng mag-anak.
Hindi rin niya nagawang kausapin ang kuya ni Jane ng bumalik ito para mag-asikaso ng ilang dokumento palibhasay pareho silang busy sa kani kanyang academya hanggang sa tuluyang nawala na talaga! Di na siya nagkaroon pa ng tyansang alamin ang lahat, Bagay na pinagsisihan din niya.
Ilang beses siyang sumubok na hagilapin ang kaibigan sa f*******: ngunit wala rin lumalabas kapag sinesearch niya ang pangalan nito di narin kasi niya ginagamit miski ang old account niya kaya wala na talaga sigurong pag-asa na mahagilap niyang muli ang kaibigan.
"dito na po tayo Sir"
"Ok paki dala nalang ulit sa mesa na kinaroroonan nung mag-ama ah salamat Michael ah!'- Luke
"Ok Sir! No problem!"- Michael
"Luke!"- Galak na tawag sa kanya ni Ida
"Hi!"- Cashual na nginitian lamang niya ang dalaga
"Good Morning Hijo!"
"Good Morning din Sir Leo! Ang aga nyo naman masyado!''
"Well eto kasing si Ida palaging gustong nauuna ayaw niyang pinag aantay ka!"
"Dad naman!"
"oh bakit? totoo naman! Ikaw itong atat at palaging nagmamadali tuwing may usapan kami nitong si Luke!''
"Oo na nga ako na! Ako na talaga!"- Parang bata naman na nag pout pa ng lips si Ida kaya naman natawa nalang sa inasal niya ang dalawa
"Anyway hijo! Nagkita na ba kayo ng Papa mo?"- Leo
"Si Papa po? Ah Hi-- Hindi pa po, Hindi pa po ako nakakauwi sa bahay ng magulang ko eh bakit po?"-
Mula ng magkaroon ng sariling trabaho si Luke ay nakaipon ito ng pera, dahilan upang mabilhan niya ng higit na mas malaking bahay ang magulang, Oo kasama ang Papa niya wala naman na din siyang dapat patunayan sa kanyang mga kapatid sa ama dahil nakapagtapos siya ng pag-aaral ng hindi masyadong umaasa sa pera ng nila napatunayan na din ng kanyang mama na hindi talaga pera ang habol nila sa kanilang ama, Kaya sa wakas matapos iyon ay napapayag na nilang makasama ng mama niya ang kanyang ama na matagal tagal ding ipinagkait sa kanila dahil nga sa sinasabing 2nd family lang sila.
"Well... You know naman that your father is one of my closest friend before kaya naman gusto ko sana na makadalo din siya kahit papaano sa annual reunion ng batch namin noong college ewan ko nga ba diyan sa ama mong iyan para bang nawala na ng tuluyan sa mga ganitong okasyon hindi na siya nakikipag socialize!"- Litanya pa ng lalaki
"Hayaan nyo po Sir sasabihan ko po pag napabisita ho ako"- Luke
"That's good Hijo! Your father might be proud of you!"- Leo
"He should dad!"- Singit pa ni Ida na ngayon ay nakahawak na sa kaliwang braso ni Luke
"Well his first family are good too wala naman din akong masamang tinapay sa mga kapatid mo dun pero look at you! Your one of the good and prominent engineers in town! Halos lahat ikaw ang bukambibig! ilang beses ka naring na feature sa mga articles at news on tv dahil sa ganda at galing ng mga projects mo!"- Leo
"Thank you Sir! About po sa mga kapatid ko! Ang totoo nyan mas naging close po talaga kami, Siguro narealise din nila na wala naman talaga kaming masamang intention kay Papa!"- Formal na sagot lamang ni Luke
"That's good!"
"Siya nga po pala Sir dala ko yung blue print and I think kaya naman pong umpisahan ang pag-aayos dito sa site as soon as possible! Just let me know nalang po siguro kung kelan nyo balak para maiayos ko na rin ang lahat!"
"Iyan ang gusto ko talaga sayo eh! Maagap! kaya belib na belib ako sayo eh! Pati narin iyang dalagang katabi mo!''- Tudyo pa nito habang ngingiti ngiti lamang si Ida
"Salamat po"- Ngiti lamang at tango ang sagot niya dito
"Lunch na di ka pa ba tatayo diyan?"- Wika ni Ida
"Sige mauna ka na muna tatapusin ko lang to!"- Luke
"C'mon! Huwag mong masyadong i pressure ang sarili mo sa project mo kay dad!"- Ida
"What are you talking about? Alam mong ganito talaga ako!"- Luke
"Hmmp... Ang sungit naman nito!"- Ida
"Hoy hindi ah! I'm just stating facts!"- Luke
"Oo na! Pero tara na kasi kumain na tayo masamang ginugutom ang sarili"- Ida
"I'm fine Ida kumain ka na kung nagugutom ka na sige na!"- Luke
"Ayoko! Kung hindi ka kakain di rin ako kakain!"- Ida
Tumigil sa ginagawa si Luke at tumitig sa dalaga
"Ang kulit mo din talaga ano?"- Luke
"Eh kasi naman po magkasama tayo sa project na to! Hindi lang po ikaw ang nag-iisang engineer sa project na to!"- Ida
"But I'm your Head!"- Luke
"Yeah right! But im also the daughter of your so called client!"- Ida
"So?"
"So... Kapag hindi ka tumigil dyan sa pagpapaka pagod mo! Siguro tawagan ko nalang si Dad na i pullout yung project na to kasi masyado ka niyang iniistress?!" pilyang sagot pa ng dalaga
"Hay naku.... Ida! Napaka brat mo din talaga!"- Luke
"Hindi kaya! Concern lang talaga ako sa yo kaya tara na please lunch na kasi tayo!"- Umupo pa itong muli sa harap niya at nagpa cute
"Fine! Tara na tumayo ka na dyan tumigil ka sa pag papacute mo!"- Luke
"Napansin mo? Wow!!!!"- Eksaheradang pinalaki pa ni Ida ang kanyang mga mata
"Ang alin ang ginagawa mong pagpapa cute?''- Luke
"Hindi! Kundi napansin mo na cute talaga ako!"- Ida
"Huh? May sinabi ba ako?"
"Oo kaya!"- Ida
"Ang sabi ko itigil mo ang pagpapa cute mo!"
"Exactly!"
"Oh asan ang pagsasabi ko ng cute dun?"
"Napansin mo ko! nacutan ka sakin kaya mo nasabi yun aminin mo na kasi di ako magagalit!"- Ida
"Patawa ka! Halika na! Ayaw mo tumayo? Puwes bahala ka!"- Tumayo kaagad at mabilis na naglakad palabas si Luke
"Hoy Luke! Joke lang! Eto naman di na mabiro eh!"- Kumaripas din kaagad ng takbo si Ida upang maabutan si Luke
Matagal ng alam ni Luke na may gusto sa kanya itong si Ida obvious na obvious naman kasi at di rin naman ikinahihiya ni Ida kung iniisip ng lahat na tila siya pa talaga ang nanunuyo sa binata.
Hindi naman sa hindi siya gusto ng binata ang totoo nga ay natutuwa din si Luke sa kakulitan at pag pupursigi nito sadyang di pa lang ata handa ang puso niya na magmahal muli.
"Oh eto kainin mo hind yung puro dahon lang kinakain mo dyan!"- Luke
"Ohh... Ang sweet!"- Ida
"Sweet ka dyan mukha ka na kasing tingting nasobrahan ka na sa kaka diet mo hindi ka na healthy tignan!''- Luke
"Hmmp.... Why worried?"- Ngiting ngiti pang tanong ni Ida
"Oh sige huwag na mag stay ka dyan sa mga dahon mo!"- Luke
"Woop... Woop... Ibinigay mo na yan sakin kaya wala ng bawian!"- Agad pang isinubo nito ang karneng inilagay sa kanya ni Luke
"Arte arte! Kakain din naman pala!"- Pagsusungit pang muli ni Luke
"Siyempre bigay mo eh! Ikaw pa ba? Eh malakas ka sakin eh!"- Ida
"Ang daldal mo talaga ano? Lagi kang may sagot sa lahat ng sasabihin ko!"- Luke
"Oo siyempre ikaw lang naman kasi inaantay kong sumagot sakin eh!"- Ida
"Ano?"- Luke
"Oh bakit?"
"Anong sinasabi mo?"
"Sagutin mo na kasi ako Luke!"- Ida
"Puwede ba? Ikaw talaga walang ka preno preno yang bibig mo!"- Luke
"Ayy bakit? Di naman kasi ako na inform na kelangan pala pabebe eh!"- Ida
"Ida!"
"Luke?"- Muli pang nag tantalizing eyes sa kanya si Ida
"Kumain ka pa! Gutom lang yan!"- Luke
"Ewan ko sayo!"- Kunway tampo pa ng dalaga
"Ano ba kasing nagustuhan mo sakin?"- seryosong tanong ni Luke habang naghihiwa ng karne
"Tinatanong pa ba yun? Naku baka abutin tayo ng next year sa dami ng qualities na nakita ko sayo!"- Ida
"Puro ka talaga biro!"- Luke
"Eh ako luke? Anong ayaw mo sakin?"- Seryosong tanong ni Ida dahilan para mapatigil si Luke
"Hindi sa ayaw ko sayo Ida!"- Luke
"Kung ganun gusto mo rin ako?''- Ida
"Hindi din!"- Luke
Agad na napabusangot si Ida
"Hindi pa siguro ako handa na pumasok muli sa isang relasyon Ida!"- Luke
"Well maghihintay ako!"- Ida
"Talaga?" - Luke
"Oo naman!"
"Kaya mo? Kahit abutin pa ng 10 years?"- Luke
"Grabe ka naman ang tagal naman nun!"
napahalakhak naman si Luke
"Akala ko ba willing to wait ka?"- Luke
"Oo nga! Pero grabe naman 10 years talaga?"
"But seriously Ida if ever makahanap ka ng lalaking magmamahal sayo, Iyong tunay na magmamahal sayo please give him a chance also ha! Ayoko na sakin lang iikot ang mundo mo!"- Luke
"Eh pano yan? Hindi naman talaga sayo umiikot ang mundo ko? Kasi ikaw mismo ang mundo ko!"- Kagat labi pang hirit ni Ida
"Hay naku... Eto na naman tayo eh!"- Luke
"Luke! Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa yo sa past relationship mo at kung bakit ka na trauma pero iba ako! Handa ako mag hintay! Handa akong i give up lahat just for you! Kasi ganun kita kamahal"- Ida
Napangiti na lang si Luke sa mga sinabi ni Ida, Wala na atang kukulit pa sa babaeng ito.
"Pag dumating ang time na yun! Why not!"- Luke
"Ha?"- Ida
"Malay natin, Gusto na rin kita kaso ang kulit mo eh!"- Luke
"Ay hala! Walang bawian pag nangyari yun!"- Ida
"Thank you..."- Biglang seryosong saad ni Luke
"Thank you for what?"- Ida
"For always choosing me! At palaging nandyan ka everytime na malungkot ako! Kahit madalas kitang masungitan never kang sumuko"- Luke
"Kasi nga po Mr. Luke Ramirez mahal kita!"- Ida
"Kaya nga thank you!"- Luke
"Thank you is acceptable pero mas ok sana kung mahal din kita ang sagot! Try mo!"- Ida
"Bahala ka! Kumain ka! Oh eto pa! Ubusin mo lahat yan!"- Luke
"Hoy ang dami!"- Reklamo naman agad ni Ida
"Basta ubusin mo lahat yan wala kang ititira"- Luke