"Andy! Andy!.... Andy!!!!"- Sigaw ni Giselle
"Oh yes Hon? May masakit ba sayo? Manganganak ka na ba ano?"- Tarantang tanong ni Andy
"Tangek! Hindi pa! Si Fatima kasi nag message"- Giselle
"Anong message?"- Andy
"Eto basahin mo!"
To Everyone!!
kamusta kayo guys? Long time no chat ah! Ganun nga ata talaga pag adult na nag-iiba na ang priorities natin sa life, Anyway gusto ko lang i-share sa inyo na engagement party ko bukas at bilang isa kayo sa malalapit sa akin, Gusto ko naroon kayo pati narin sa mismong araw ng kasal ko yes lahat po kayo! Kaya ine-expect ko na lahat kayo pupunta parang reunion narin siguro natin hahaha alam kong namis nyo rin ang bonding natin dati kaya gora na ah! Ok lang din naman magsama ng mga ka date para dun sa mga single pa. Expect ko kayo guys ah... see yah!!!
Ps.... May special ding pupunta na namis nating lahat kaya need nyo pumunta!
"Ahh so... May love life din pala si Teacher Fatima!"- Andy
"Baliw ka! Anong akala mo dun sa tao?"- Giselle
"Napaka mysterious type din kasi niyang kaibigan mo na yan eh!"- Andy
"Pero sino nga kaya ang boyfriend niya? Wala din kaming idea, Di rin kasi namin napagku kuwentuhan yan eh! Di rin siya nag oopen ng topic about her lovelife.."- Giselle
"Meaning ganun na talaga kalayo ang gap ng friendship nyo!"- Andy
Nahampas pa ni Giselle ang asawa dahil sa kanyang tinuran
"Loko ka! Hindi ba puwedeng matured na talaga kasi kami mag-isip unlike before? Palibhasa kayong tatlo nila Carl at Luke ganun parin eh!"- Giselle
"Anong ganun parin?"- Andy
"Wala! Dyan ka na nga!"- Giselle
"Tignan mo to umandar na naman pagka topakin mo!"- Andy
"Tse! Basta pupunta tayo bukas ah!
"Oo na!"
"Teka!!!"- giselle
"Ano na naman?"- Andy
"Sino yung tinutukoy ni Fatima?"
"Na alin?"
"Na namis daw nating lahat?''
"Malay ko?!''
"Omg.... Hindi kaya?!"- Giselle
"Anong hindi kaya?"
"Nakaka inis ka naman di ko alam kung engot ka lang talaga o sadyang slow ka lang!"- giselle
"Bunganga mo ah! Ikaw! Baka nakakalimutan mo asawa mo na ako ah di na tayo High school!"- Andy
"Kaya nga come to think of it! Sinong kulang sa atin? Sino ba namis nating lahat?"- Giselle
"Si Jane???"- Sabay na napa bulalas pa ang mag-asawa
"Ahhhh...... Jane is back??? Omg.. Omg.... After so many years makikita na namin ang friend namin makikita na natin siya Hon!"- Nagtitili pa sa galak si Giselle
"Oh teka teka dahan dahan wife! Baka nakakalimutan mo buntis ka at malapit ng lumabas si baby naku baka di tayo makapunta niyan pag napa aga yang paglabas ni baby sa tummy mo kaya chill ka lang ok?"- Andy
"Oo nga no? Naku baby please huwag muna ah! Maybe next week nalang please gusto pa ni mommy makita mga old friends nya bago ka lumabas"
"Pero hon si Jane nga kaya tinutukoy ni Fatima?"- Andy
"Maybe! Siya lang naman ang wala dito eh! Oh see... Via is calling! Wait Hon sagutin ko lang ah!"
"Ok itext ko lang sina pareng Carl at pareng Luke!"- Andy
"Besh!!!!!"- Via
"Yes Besh?"- Giselle
"Nabasa mo?"-Via
"I know right!"- Giselle
"Sino?"- Via
"Sino ang alin? Yung bf? o yung tinutukoy sa p.s?"- Giselle
"Both!"-Via
"Malay ko! Pero I think besh yung p.s ... yung tinutukoy niya na namis nating lahat! I think!"- Giselle
"Jane???"- Sabay din nilang sabi
"Yeah yan din nasa isip ko!"- Via
"Kami din ni Andy eh"- Giselle
"Naku mukhang reunion nga ito! Kaka excite naman!"- Via
"Kaloka din itong si Fatima tatahi tahimik di natin namamalayan ikakasal na pala!"- Giselle
"Oo nga eh! Akala ko pa naman parehas kaming single ako lang pala!"- Via
"Hahaha pareho kayo ni Carl bakit hindi nalang kasi kayo?"- Giselle
"What? No way!!! "- Via
"Diring diri?"- Giselle
"Hindi naman! Sadyang di ko lang talaga nakikita ang sarili ko with him! You know friends lang talaga kami nun!"- Via
"Ok sabi mo eh! Actually pareho kayo ng sagot!"- Giselle
"See? Kaya tigilan nyo kami iba kami ni Carl sa inyong dalawa ni Andy!"- Via
"Yeah right! Oh siya sige kitakits nalang bukas at medyo magalaw na naman si baby sa tiyan ko!"-Giselle
"Oh sige beshy!!! Pahinga ka na ulit! Excited na rin ako sa paglabas ng baby mo! Ninang ako ah!"- Via
"Loka oo naman lahat kayo! Ninong at ninang ng anak ko!"- Giselle
"Jane? Si Jane nga kaya?"- Paulit ulit na tanong sa isip ni Luke
"Luke? Are you ok?"- Ida
"Huh?"- Luke
"Naka tulala ka na naman! Parang ang lalim ng iniisip mo? Anong problema?"- Ida
"Ah... Wala wala naman!"- Luke
"Kanina ka pa pabalik pabalik ng tingin dyan sa cp mo ano bang binabasa mo at nagkaka ganyan ka?"- Ida
"Ahh... Eto? Wala yung highschool friend ko kasi engagement party niya bukas kaya iniinvite nya kaming pumunta!"- Luke
"That's great! Eh bat parang balisa ka?"- Ida
"Wala! Ano lang.... Siguro na excite lang may sinabi din kasi siya na may babalik na namis naming lahat!"- Luke
"Ahh.. Kaya pala!"- Ida
"Tapos na ba yan?"- Luke
"Hindi pa konting linis pa sa side dito! then waiting pa sa mga materials na gagamitin!"- Ida
"Natawagan mo na ba?"- Luke
"Oo kanina pa don't worry on the way naman na daw!"- Ida
"Good!"- Luke
"Grabe ang init summer na talaga no?"- Ida
"Summer?"- Luke
"Oo kaya! Hala di ka ba naiinitan?"- Ida
Nangiti naman si Luke naalala niya kasi nung time na huli silang nagkita ni Jane, Natatandaan niya mag sa summer noon ng umalis siya ng paaralan nila upang lumipat sa paaralang gusto ni Hera at eksaktong summer nga ng tuluyang si Jane naman ang mawala at ngayong summer din naman posibleng magbalik ang kaibigan.
"It's been a while!''- Nakangiting sambit pa ni Luke
"Ay hala siya anyayare sayo? Nilalagnat ka ba?"- Wika pa ni Ida habang sinasapo ang noo nito
"Bakit?"- Kunot noong tanong lamang ni Luke
"Ang ganda kasi ng ngiti mo eh nasisilaw ako parang mas nakakasilaw pa sa araw!"- Ida
"Ewan ko sayo!"- Luke
"Totoo nga! Kanina akala ko kaya ako pinapawisan dahil sa araw yun pala dahil sa yo kasi ang hot mo napapaso ako!"- banat pang muli ni Ida
"Hay ewan ko sayo Ida!" Tinalikuran kaagad ni Luke ang babae ngunit naka ngiti parin ito
"Wehhh... Kunwari pa to kinikilig ka naman! Huwag kang mag-alala sayo lang ako hihimlay! Actually magpapa gawa na nga ako ng lapida kasi matagal ng patay ang puso ko! Patay na patay sa yo!"-Ida
"Boom!"- Agad na entrada ni Michael kaya napalingon ulit si Luke
"Ayos ba?" Tanong pa ni Ida kay Michael sabay nakipag high five pa
"Ayos na ayos Mam!"- Ganti naman nito sa kanya
Iiling iling nalamang muli si Luke
Kinabukasan araw ng Engagement Party ni Fatima
"Besh!!! Congrats! I'm so happy for you!"- Via
"Thanks Via! Where's the others?"- Fatima
"Hayun si buntis hirap sa tiyan niya pero for sure papunta na rin yun!"- Via
"Alam mo kami nahihiwagaan ah sino ang mapapangasawa mo? Wala kaming nababalitaang jowa mo!" Via
"Hindi naman kasi kailangang ipagsabi eh habang tumatanda kasi tayo mas lalo kong natutunang maging private sa buhay ko lalo na sa lovelife"- Fatima
"Grabe at naitago mo nga ng maayos kahit sa aming mga kaibigan mo!'- Via
"Hahaha hindi naman! Talagang nawalan lang tayo ng time mag chikahan simula ng mag college tayo up to now!"- Fatima
"Oh heto na pala ang buntis with her husband!"- Via
"Dahan dahan hon!"- Alalay na alalay pa si Andy
"Hang on baby! Woohh...."- Pilit na kinakalma pa ni Giselle ang sarili
"Kelan ba kasi puputok iyan?"- Via
"Hay naku... Andito ka na pala!"- Giselle
"Hello buntis! Hi Andy!"- bati ni Fatima na sinabayan pa ng beso
"Hi Fatima! Congratulations!"- Ganting bati rin ng mag-asawa
"Tara dito kayo!"- Sinamahan pa ni Fatima ang mga kaibigan patungo sa kanilang table
"Nasan na ang groom to be mo dear?"- Giselle
"Nasa loob na kanina pa sila andito!"- Fatima
"Meaning the whole family?"- Via
"Ofcourse Vi... Kaya nga engagement party eh! Exclusive for the very important people to the both parties ng mag partner to! Ano shunga lang?!"- Giselle
"Ang sarap talaga paputukin yang tiyan mo ano?"- Via
"Hahaha hayaan mo na Giselle! Kayo talaga di parin kayo nagbabago! Siya nga pala Andy asan na yung dalawa?"- Fatima
"Si Carl male-late lang daw ng konti kasi may tinatapos pa sa office si Luke naman I don't know di ko ma kontak kanina pa!"- Andy
"I see... Hmm.. Kapag hindi talaga sumipot yung dalawang yun bahala sila sa buhay nila!"- Fatima.
"Sino nga pala yung tinutukoy mo girl?"- Giselle
"Ha?"
"Yung sabi mo na namis namin?''- Giselle
"Oo nga!''- Via
"Ahh oo mamaya siguro parating na din yun medyo nag gala gala pa din eh!"- Fatima
"Ayy talaga? Sino nga?"- Via
"Basta mamaya nga!''- Fatima
"Damn! malelate na ako! Bat ba kasi di ko namalayan ang oras? Di ko pa naicharge ang phone ko! Siguro kanina pa ako kino kontak ni Andy!"
Halos paliparin na ni Luke ang kanyang sasakyan sa pagmamadali dahil masyado siyang nalibang sa kanyang trabaho kanina to the point na hindi na niya namalayan pa ang oras hindi rin kasi nagpakita sa kanya ng buong araw si Ida gawa nang may kailangan din itong bisitahing ibang project nila kaya naman walang nangulit sa kanya maghapon.
"Shookt! Wala na rin akong gas? Pag minamalas ka nga naman! Ayun may gasoline station mabuti pa magpakarga muna ako!''
"Ayy kuya matagal pa po ba yan? May hinahabol po kasi akong event eh!"
"Mam pasensiya na po absent po kasi yung ibang gasoline boy natin kaya medyo matagal po! Bago lang din po kasi siya!"
"Hala! Baka puwede mauna muna ako?Please motor lang naman to eh!"
Nahagip ng pandinig ni Luke ang tinig ng isang babae na nakikiusap sa mga nakapila sa kabilang side ng gasoline boy di niya maaninag ang mukha ng babae dahil naka helmet ito, Ngunit batid niyang pamilyar sa kanya ang tinig na iyon ng babae kaya naman pilit niyang inaalam kung sino iyon ngunit talagang mailap ang kapalaran sa kanya dahil nang pagbigyan ng mga tao ang babae ay agad na ibinaba nito ang salamin ng kanyang helmet at lumapit sa unahan para pakargahan ang kanyang motor.
"Hmmm... She seems to be a girl rider! How cool!"- Napangiti pa siya habang naka titig sa likuran ng babae, Maganda ang kurba ng babaeng iyon kitang kita kahit na naka leather jacket at pants pa ito kaya naman siguro pinag bigyan din siya ng mga nakapila kasi puro lalaki din sila at malamang ay nahumaling sa alindog ng babae.
"Hayan done na! Thank you po! Thank you po sa inyong lahat!"- Wika pa sa masiglang boses ng babae
"Ok lang yun miss ano muna pangalan mo?"- Narinig pa niyang tanong ng isang lalaki
"Ayy me ganun pala kuya?"- Sagot ng babae
Ewan niya ngunit natutuwa siya the way na makipag interact ang babae sa kanila and siguro nacucurious din siya kaya gusto niya ring malaman ang pangalan nito.
"Sige na pinagbigyan ka na nga namin eh!"
"Oo nga! Name lang eh!"
"Ok po! Kalma lang po kayo ako lang to!My name is Jane po! Ok na po? Happy na? Sige po thank you po!"- Pagka abot ng bayad ni Jane sa cashier ay agad na pinaharurot nito palayo ang kanyang motor.
Tila napako naman si Luke sa narinig.
"Tama ba ang dinig ko? Jane? Pero... madaming Jane sa mundo!"
Pero kanina pa pamilyar sa kanya ang boses na iyon ng babae gusto sana niyang sundan ang motor ni Jane ngunit dalawang sasakyan pa ang nasa unahan niya at wala na nga siyang gasolina.
"Kung si Jane yun? Puwedeng papunta na rin yun kina Fatima! Hopefully si Jane nga yun! Ang bestfriend ko after so many years finally!!! Sana nga! Sana nga ikaw yan Jane!"
"Asan ka na ba?" Di mapakali si Fatima kanina pa siya paroot parito
"Girl! Girl! Kalma!"- Giselle
"Anong meron? May problem ba?"- Via
"Hindi pa kasi bumbalik yung makulit na pusa mag-uumpisa na ang party!''- Fatima
"Pusa?"- Sabay na sabi ng dalawa
"Miss fatima andito na daw po sabi ni sir nagbibihis na daw po!"- Nagmamadaling bulong ng isang waitress kay fatima
"Finally! Thank you!!"- Tila naka hinga ng maluwag naman si Fatima
"Ano yun? Anong meron?"- Isyoso muli ng dalawang kaibigan
"Hi!!" - Masiglang bati pa ni Carl
"Uyy pre!"- Bati rin ni Andy na agad nakipag apir kay Carl
"Not just me look whose behind me?!"- Carl
"Luke!"- Sabay sabay na bati rin nila
"Hello! Kamusta kayo?"- Masayang bati rin ni Luke sa kanila
"Sabay kayo?"- Fatima
"Nope! Dyan lang kami sa labas nagkita tamang tamang pagdating ko ng makita kong palabas na rin ng sasakyan itong si Carl!"- Luke
"Ahh.. Ok!"- Fatima
"Congrats fat!"- Carl
"Yeah Congrats!"- Luke
"Thank you guys! Oh sige maupo na kayo pareho ilang minuto nalang mag sisimula na, Dun muna ako sa loob ah!"- Fatima
"Ok girl!"- Sabay na wika nina Giselle and Via
"Sige see you later"- Sagot din nina Luke, Carl and Andy
Ilang sandali pa ay nagsimula na nga ang party nag umpisa ito sa ilang video greetings mula sa mga kasamahan ni Fatima sa school na sinundan naman ng mga foreign friends ng lalaki.
"Fil-Am yata ang nabingwit ng bruha!"- Giselle
"Oo nga puro foreigner yung friend ng husband to be eh!"- Via
"Kung hindi Fil-Am baka pure blooded na foreigner"- Sawsaw pa ni Andy
"Korek ka dyan Hon! belib na talaga ako dito kay Fatima pag ganun nga!"- Giselle
"Please welcome the groom to be"- wika pa ng host
"Wooooh....."
"Ang pogi"
"Shet!!! Suwerte!"
Maririnig ang hiyawan at bulungan ng mga tao sa paligid.
Isang matangkad at may kaputiang lalaki na nakasuot ng kulay abong tuxedo na binagayan ng brush up hairstyle ang ayos nito hindi siya Fil-am at lalong hind siya foreigner pero totoong mapapanganga ang kahit na sinong andoon ngayon dahil sa charisma nito.
"Te... Teka!!! Di... ba???? Parang???"- Di alam ni Giselle ang sasabihin
"To all my friends and relatives! I am proudly introduce to you the love of my life! My soon to be husband Jethro Falcon!"- Nakangiti pang wika ni Fatima
Agad na nagpalakpakan ang mga tao sa kanilang paligid, Kitang kita mo ang saya at ningning sa mga mata ng magkasintahan.
"How???"- Tanging sambit nalamang nina Giselle at Fatima
And now tapos na magbigay ng speech ang family ni Bride to be it's time naman para sa pamilya ng kanyang mapapangasawa, The Falcon family.
Agad na tila nag slowmo ang paligid napaka lakas ng kabog ng dibdib noon ni Luke ng marinig iyon at ganoon nalang ang gulat at excitement niya ng makitang lumabas ang pamilyar na mukha ng mag-asawa, Sina Susan at Samuel agad na naglikot ang kanyang mga mata at pilit hinahagilap ang kanina pa niyang gustong makita, Iyon ay walang iba kundi ang kaibigang si Jane.
"I'm speechless!!!"- Via
"Woohhh... Ang ganda niya!!!"
Narinig pa nilang bulungan muli ng mga tao
Ang babaeng tinutukoy nila ay nakasuot ng kulay rosas na V neck sequin long dress na talaga namang nagpalabas sa magandang hulma ng katawan nito nakalugay ang tila sinadyang ipinaalon na buhok na ibinagay sa kanyang kasuotan na pinatungan pa ng koronang bulaklak, Talaga namang nagmukha itong prinsesa dagdag pa dito ang ganda at amo ng kanyang mukha.
"My God! Naiiyak ako totoo ba to? Sabihin nyo panaginip ba to?''- Giselle
"Ako din besh... Di rin ako makapaniwala! Ang kaibigan natin! Andito siya! At ang ganda ganda niya!"- Via
"Jane!!"- Nakatulalang sambit lamang ni Luke
"Oh diba? Lahat kayo natulala! Ang ganda ng lahi nila! Sana all!"- Wika pa ng host
Kaya naman nagtawanan ang lahat
"Sige miss????"- Pilit na inaalam host ang pangalan ng babae
"Jane po! Jane Falcon! Younger sister po ng groom"
"Ok miss Jane! Any message para sa kanila?"
"First of all! I would like to greet each and everyone of you a Blessed and wonderful evening! Sana po nageenjoy kayo! I see lots of familiar faces"- Ngumiti pa ito ng pagka tamis tamis sa table ng mga kaibigan kaya naman teary eyed ang mga ito.
"To my Friend! Fatima masaya ako kasi sa wakas magiging totoong kapatid na kita! Since High school tayo nagsilbi kang ate ko, Yung tipong magka age lang tayo pero super matured mo ng mag-isip ikaw ang nakaka alam mostly of my secrets ikaw ang naging sandalan ko nung mga panahong kailangan ko ng taong makaka intindi sa akin naging shoulder to cry on kita... Lahat ng hanash ko sa buhay ikaw ang unang nakaka alam super love kita! Kaya naman ng malaman ko na nasa dating stage kayo ni kuya sobrang happy ko alam ko kasi nasa mabuting mga kamay ang nag-iisa kong kapatid, And to my kuya! Ikaw kahit palagi mo akong niloloko at inaaway dati, Ramdam ko ang pagmamahal mo! Kuya I love you so much! Alam mo yan! Marami kang ginive up para sakin marami kang sinacrifice para sakin sinamahan mo ko sa pinaka madilim na parte ng buhay ko kasama kitang lumaban kayo nila mama at papa at patuloy tayong lalaban kuya! Pangako hanggat kaya ko andito lang ako! Hangad ko ang kaligayahan mo and I know deserved nyo ang isat-isa pareho kayong mabuting tao at pareho ko kayong mahal, Sana.. masilayan ko pa ang mga magiging pamangkin ko..." - naluluhang wika ni Jane
"Bunso!!"- Saway ni Jethro
"Just kidding!!! Siyempre gusto ko kayong mabuhay ng matagal magkaroon ng madaming anak ng sa ganun dumami pa ang little jethro at little fatima at sana magkaron din ng kamukha ko para may mini me din ako! Ayun lang hangad ko ang kaligayahan niyo pareho!"
Matapos ang speech ni Jane ay agad siyang niyakap ng dalawa pati narin ang mga magulang nila ay yumakap din sa kanya, Hindi mawari nila Luke at ng grupo ngunit tila may laman ang mga sinabing iyon ni Jane may halong lungkot ang boses nito at kirot na tumatagos sa puso nila kaya naman pagkatapos nun ay di na nila natiis pa at lumapit na rin sila dito agad na nag yakapan ang magkakaibigan napuno ng iyakan at kamustahan, Nahihiya pang lumapit si Luke sa kaibigan ngunit hindi rin niya matiis na hindi ito mayakap matagal niya itong inasam asam na makitang muli kaya naman maging siya ay di rin naiwasan ang maluha ng makita ng malapitan ang kaibigan.
"Kamusta ka na?"- Agad na wika ni Luke
"Heto! Alive and kicking!"- Pabirong tugon pa ni Jane
"Ang tagal nating di nagkita"
"Oo nga eh!"
"Bat di ka nagsabi na pupunta ka pala ng america?"
"Biglaan din kasi eh!"
"Grabe ka! Tapos di rin kita mahagilap sa social media!"
"Kasi po pinapaiwas talaga ako sa social media! Tsaka di ko rin talaga kaya!''
"Bakit?"
"Ahh... Wala! Siyempre busy! Diba nga nag-aadjust palang ako nun sa environment ko kaya kapag nag scroll ako sa social media baka ma homesick lang ako kahit kasama ko pa whole family ko iba parin kasi pag nasa sariling bansa ka kaya minabuti kong huwag nalang!"
"Adjust ng ganun katagal?"
"Pambihira ka naman ang daming tanong!"- Kunway pag mamaldita pa ni Jane
"Malamang ang tagal mo kayang nawala ni ha ni ho wala kang paramdam kahit sa aking bestfriend mo!"
"Oo nga naman Jane buti pa si Fatima eh!"- Giselle
"Tsk' Huwag na kayo magtampo guys andito na ako oh! Dito na kami ulit puwede na ulit tayo mag sama sama happy happy lang ganun!"
"Sabagay! Pero madami ka talagang utang samin!"- Via
"Guys tama na yan! Party ko to remember saka na yan!"- Fatima
"Oo nga naman! Tsaka babawi talaga ako promise!"- Nakangit pang wika ni Jane