"Bunso! sasabay ka ba samin pauwi?"
"Ayy kuya! Mamaya na ko, tsaka don't worry baka mauna pa nga ko makauwi eh! Dala ko naman si buddy!"- Jane
"Mag momotor ka na naman?"- Jethro
"Yup!"
"Ilang beses ba naman namin sasabihin sayo? Tigilan mo yan! Kababae mong tao!"
"Love! tama na! Ako na!... Jane! Tama ang kuya mo! Sumabay ka nalang sa kanila umuwi huwag ka ng mag motor delikado isa pa, Masyado ng gabi baka mapahamak ka pa sa daan!"- Fatima
"Kuya! Fatima! Ok lang ako tsaka ang sarap kaya sa feeling ng nag momotor, Isa pa di lang naman para sa lalaki ang pag momotor eh!"- Jane
"Maski na! Alam mo naman diba? pinagbawalan kan...."- (bumuntong hininga pa ng malalim si Jethro)
"Jane! Please makinig ka muna samin gusto mo bang mag-alala sila tita at tito sayo? Tsaka hello naka dress ka girl! yung mga damit mo ipinadala ko na sa katiwala nyo kanina kaya di ka rin talaga makakapag motor!"- Pagsisinungaling ni Fatima ang totoo ay itinago nya ito sa kanyang malaking bag dahil alam niya kasing ito talaga ang plano ng kaibigan.
"Ha? Fatima naman!"
"Oo kaya sumabay ka na lang sa kanila!"
"Ako nalang maghahatid sa kanya!"- Wika ni Luke na ngayon ay nakalapit na sa kanila.
-Katatapos lang kasi ng party at isa isa na ngang nag-uuwian ang mga bisita-
"Naku Luke! Di mo alam ang sinasabi mo!"- Agad na singhal ni Jethro
"Kuya!"- Saway agad ni Jane at si Fatima naman ay agad na humawak sa braso ng nobyo
"Anong hindi alam?"- Takang tanong pa ni Luke
"Sasabay ako kay Luke kuya! Total naman puno na yung sasakyan tsaka ayaw mo kong payagang mag motor hindi ba? Kaya mabuti pa sa kanya nalang ako sasabay!"- Jane
"Ano? Ikaw talaga!"- Nagtatagis bagang na si Jethro
"Love! Hayaan muna natin silang dalawa mukhang namis ata nila ang isat-isa ang mabuti pa pumunta na tayo kina tita"- Halatang pinipigil ni Fatima ang nobyo
"Pero Love! Alam mong.."
"Sshhh... Ok lang yan love! Di na mga bata yan! Basta Luke ikaw na bahala sa friend natin ah! Sa Best friend mo!"
"O--oo, Oo naman don't worry! Pero kuya Jethro may problema po ba?"
"Ang totoo?"- Taas kilay pang saad ni Jethro ngunit agad namang dumepensa si Fatima.
"Wala! Ano ka ba? Worried lang si Jethro sa kapatid niya diba love? diba?"- nakangiti si Fatima kay Jethro ngunit may kakaibang tingin
"Oo! Basta ingatan mo yang kapatid ko ha!"- Wala sa loob na sagot nalang ni Jethro
"Bye kuya! See you later!"- Pang-aasar pa ni Jane sa kapatid
"Let's go?"- Aya na ni Luke
"Tara!"
"Parang galit sa akin si kuya Jethro!"- Wika ni Luke habang nagmamaneho
"Ha? pano mo nasabi?"
"Nakita mo ba tingin nya sakin kanina? Parang gusto akong sapakin eh! Tsaka parang ayaw niyang ako ang maghatid sayo, Samantalang dati rati naman sabay tayo palagi! Ok naman sa kanya! Palagi nga din kami nagbibiruan noon pero ngayon parang iba eh, May nagawa ba ako?"
"Naku... Huwag mong pinag-iintindi yung si kuya masyado na kasing seryoso sa buhay yun alam mo na habang tumatanda nagbabago! Eh ang pagbabago niya naging masyado siyang seryoso at maiinitin ang ulo kita mo parati ng nakasimangot hahahaha buti nga napag tiyagaan yun ni Fatima!"
"Paano nga pala naging sila?"
"Ahh magkakilala na sila dati pa diba? Alam ni kuya na magkaklase kami, Siguro naging mas close sila after nung pangalawang uwi ni kuya dito! Nagkita daw sila sa airport nung nagpasama daw yung friend ni Tita, Mother ni Fatima! May sinundo sila tapos tamang tama si kuya pauwi din hayun nagkatagpo sila dun mismo tapos nag chikahan, nagkamustahan hanggang sa nagka chat daw tawagan and the rest is history!"
"Really? At naitago ni Fatima yun? As in wala ni isa kina Giselle o Via ang nakatunog o nakapuna man lang!"
"Well knowing Fatima! Kaya niya talaga magtago ng secrets! Sobrang mapagkakatiwalaan siya"
Tatango tango naman si Luke
"Bakit nga pala kayo nag hiwalay ni Hera? Akala ko pa naman inlove na inlove kayo sa isat-isa? Anong nangyari?"
"Hindi ko rin alam eh!"
"Anong hindi alam?"
"She cheated me!"
"What?"
"Nakita ko siyang may kasamang iba!"
"Saan? Baka wala lang naman yun? Malay mo friend lang niya alam mo naman yun!"
"Nakita ko sila sa kuwarto hubo't hubad magkayakap!"- Napahigpit pa ang kapit ni Luke sa manibela
"Luke! Calm down!"- Tila nataranta pa si Jane
"I'm sorry!"
"It's ok..."
"Tuwing babalikan ko ang nangyari parang gusto kong pumatay ng tao! di ko lubos maisip kung paano niya nagawa sakin yun! buong akala ko mahal namin ang isat-isa akala ko lang pala yun!"
"Nag paliwanag ba siya inalam mo ba kung bakit niya nagawa yun?"
"Nagsawa daw siya!"
"Nagsawa? Baliw ba siya?"
"Ang boring ko daw kasing boyfriend!"
"Gaga pala siya eh! Di niya ba naisip na ang dami mong nagawa para sa kanya?"
"Ang sabi niya wala daw babae ang tatagal sa isang walang kuwenta at walang kabuhay buhay na tulad ko kaya naman naghanap siya ng iba!"
"Siya ang walang kuwenta! Malandi!"
"Alam mo bang akala ko noon tama siya! Halos gumuho ang mundo ko noon wala akong masabihan, pinagbantaan pa ako ng magulang niya na ipapa pullout nila sa school ang scholarship ko kung gagawa ako ng eksena! kapag nakarating sa iba ang kagagahang ginawa ng anak nila at naeskandalo"
"What? Grabe imbis na sawayin at pagsabihan nila ang anak nila nakuha pa nilang konsintihin? ''
"Anak ng maimpluwensyang tao ang ipinalit sakin ni Hera! Kaya siguro ganun! para sa kanila wala akong kuwenta ipinamukha pa nila sa akin na utang na loob ko sa anak nila kung bakit nandoon ako sa university, Kung bakit makakapag tapos ako sa maganda at kilalang unibersidad kung bakit maari akong magkaroon ng magandang trabaho!"
"Paano? Eh sariling sikap mo yun talino at galing mo ang puhunan mo dun!"
"Kaya nilang baliktarin ang bawat sitwasyon! Kaya naman bawat araw, buwan at taon na nilagi ko doon para akong naka kulong sa sarili kong rehas wala akong magawa! Binantaan pa ako na sisirain nila si papa oras na ipagkalat ko ang kalokohan ng anak nila! pinoprotektahan nila ang image hindi lang ni Hera pati narin nung walang hiyang lalaki na yun!"
"Bakit hindi ka nalang kusang umalis dun? sana bumalik ka nalang sa inyo! sa school natin? sa amin?"
"Paano? Wala na akong mukhang maihaharap at isa pa nung mga panahon na yun wala ka na?"
"Lu...luke!"
"Isa pa sa dumagdag ng isipin ko kung bakit sa oras na kailangan ko ng kakampi saka ako iniwan ng kaibigan ko!"
"I'm sorry... Biglaan din kasi kaya di na ako nakapag paalam pa!"
"Kamusta ka dun?"
"Ha?"
"Anong naging buhay mo sa america?"
"O-- ok naman!"
Mapait na ngumiti lamang si Luke
"Alam mo? Gusto ko ng sumabog nun! pero sabi ko hindi pwede hindi ako pwedeng sumuko pinili ko to eh! kailangan kong panindigan lahat! isa pa mapapahiya din ako, si Mama masasaktan din siya! Sabi ko tatapusin ko ang pag-aaral ko doon ipapakita ko sa kanila na mali sila ng tinatapakang tao gagawin ko yun para kay mama at para sa sarili ko!"
"Well I think maganda naman ang kinalabasan diba? look at you now!"
"Yeah... Dahil sa nangyari mas naging matatag ako! mas naging matapang!"
"At mas naging mabuting tao! yun ang importante at proud ako sa iyo!"
"Dapat lang! dapat lang maging proud ka sakin kasi kahit iniwan mo ko sa ere!!! kahit nawalan ako ng bestfriend sa oras na kailangan ko siya eh naging matagumpay ako!"
"Grabe naman! Bat parang kasalanan ko pa? kaloka ka!"
"Tsk! Basta nagtatampo ako sayo!"
"Mukha mo! Ako nga tong dapat mag tampo sayo! Tsaka FYI lang ha! Ikaw ang unang nang iwan sa ere hindi ako!"
"Anong nang iwan?"
"Oh bakit? Yung pag sama mo palang kay Hera at pag-alis mo sa school diba pag-iwan mo na din sakin? Mas pinili mo siya eh sino ba naman ako diba? Bestfriend lang naman ako!? anong laban ko? Diba?"- Nakanguso pang saad ni Jane
"Ahh ganun??? So kaya pala nagiging moody ka noon nagtatampo ka pala talaga sakin nun? siguro nagseselos ka talaga nun noh? umamin ka!"
"A-ano? Anong selos saan nang galing yun?"
"Hahaha ewan ko sayo! Kaya di mo ko pinapansin dahil kay Hera!"
"Ayy huwag kang masyadong feeling!"
"hahaha ah ganun?!"- Agad na pinisil at hinilamos ni Luke ang palad nito sa mukha ni Jane
"Ahhh... Buwisit ka Luke! Itigil mo yan! argghhh.."
"Hahaha ayan bagay sayo yan!"
"Kaasar ka! buwisit ka talaga sinisira mo ang ganda ko!"
"Ay wow! Ganda ka?"
"Oo kaya! Di mo ba nakita kanina? naka nganga silang lahat paglabas ko! Tulo laway ka pa nga kanina eh!"
"Woohhh... Ang lakas din ng self confidence ah!"
"Talaga!"
"Oo na!"
"Ha? Anong oo na?"
"Maganda ka na! totoong maganda ka!" - mataman na tumingin si Luke sa dalaga bagay na muling nag pakabog ng malakas sa dibdib ng dalaga
"Oh God! Ano to! Heart please tumigil ka! bakit ganyan ka na naman? Matagal mo ng kinalimutan ang feelings na yan sa bestfriend mo diba?"-Saway ni Jane sa sarili sa kanyang isip
"Sa daan ka tumingin baka mabangga tayo! isa pa baka ma fall ka sakin mahirap na di talaga kita sasaluhin!" Kunway maarte pang pabirong sabi nito kaya agad na natawa naman si Luke.
"Bakit nga pala di mo ko kinontak? Kelan pa kayo nakauwi?"
"Ahh last year pa kami nakauwi after kong grumaduate!"
"Last year? Bakit last year ka lang grumaduate?"
"Ha? Ah... O-- oo..."
"Bakit?"
"Ahh eh..... Kasi.... Kasi hindi ako kaagad ahmm.... Hindi ako agad nakapag aral!''
"Bakit?"
"Ano... Kasi.. Mahal! Oo tama mahal masyado mag-aral dun kaya kailangan naming maka ipon muna, Alam mo na! nag work pa muna..."
"Sila tito at tita? Bakit kasi kayo pumunta dun? Eh hindi pa naman pala kayo handa? alam nyo naman na hindi madali ang buhay sa ibang bansa lalo na doon sa America, anong naging trabaho nyo dun? Ikaw?"
"Daming tanong naman! Puwede bang isa isa lang? Anyway ang mahalaga naman eh yung ngayon diba? Tsaka ok naman na naka tapos na din ako mag wo work na nga ako eh ang totoo nyan may malaki na rin kaming bahay sa makati nakabili na rin ako ng sarili kong condo kaya di na rin masama sulit na rin ang pag a abroad!"
"Pero bakit kailangan buong pamilya kayong pumunta sa america?"
"Ahhh.... Kasi ....Ayyy.... Luke tignan mo kwek kwek libre mo ko dali oh! hali ka na ihinto mo muna yung kotse mo!"
"Ha? Teka! Naka dress ka kakain ka ng kwek kwek ng ganyan ang suot mo?"
"Ano naman?"
"Pag titinginan tayo!"
"I don't care! Tara na dali!"
Walang nagawa si Luke kundi sundin ang gusto ng kaibigan, Isa pa namis din niya ito pati ang kaingayan at kakulitan nito.
"Hmmm.... Ang sharap! Wala paring pagbabago ano? Iba talaga ang mga ganitong pagkain! kaya mas gusto ko dito sa pinas eh!"
"Umayos ka nga! Ang tanda tanda mo na ganyan ka parin umasta!"
"Oh bakit na naman?''
"Huwag kang mag sasalita kapag puno ang bibig mo! tsk! Kalat mo kumain may sauce ka pa sa gilid ng bibig mo!"- Agad namang pinunasan nito ng kanyang daliri ang gilid ng labi nito
"Ahh.... Ako na!"- Parang kinuryente naman agad si Jane kaya agad itong umiwas
"Para ka paring bata!"
"Tsk... Nagsalita ang hindi ikaw din naman eh!"
"Hoy nahawa lang ako sayo!"
"Magkasintahan ho ba kayo? Saan ho kayo galing pagka gara ng mga suot nyo eh!"- Tanong ng tindero
"Ho? Naku manong hindi po kami mag jowa!"- Jane
"Oo nga po manong eto magiging girlfriend ko? kadiri manong!"
"Anong kadiri? Ang kapal mo ah etong sayo! Oh! oh!"- Pabirong pinag hahampas ni Jane ang binata
"Aray! Tsk! Aray isa Janetot!"
"Janetot? Ah Janetot pala ah!!"
"Hoy malakas na yan! Aray!!"
"Hahahaha buti nga!!!"
"Hahaha pikon ka pala eh!"
"Mukha mo!"
"Naku... Alam nyo sana magkatuluyan kayo bagay kayo eh!"- Wika muli ng tindero
Namula naman ang pisngi ni Jane kaya agad na nag-iwas muli ito ng tingin at mabilis na nag paypay
"Ah hehehe si manong talaga! Hayan tuloy pinag papawisan sa inyo itong kaibigan ko eh!"- Luke
"Totoo yun hijo! Bagay kayo isa pa mukhang nag mamahalan naman kayo eh!"
"Hala siya! Manong! Ibang level mag-isip!"- Jane
"Hahaha bagay po ba kami? Totoo?"- Luke
"Hoy Lukas! Pinag sasabi mo! Ikaw talaga!"
"Hayaan nyo po pag kinasal kami kukunin namin kayong ninong!"-Biro pa ni Luke
"Ayy naku pag ako naging ninong ninyo sa kasal wala akong maireregalo sa inyo isang hamak na vendor lang ako!"
"Hahaha ok lang yun manong ang importante nandoon kayo isa ka sa saksi ng aming pag mamahalan!"
"Hoy!!!"- Jane
"Sabagay! Basta wala akong maireregalo ah!"
"Ayos lang po yun!"
Parang tumaas naman ang BP ni Jane dahil sa sobrang pamumula at mabilis na pintig ng kanyang puso.
"Loko ka talaga lukas at nakuha mo pang sakyan ang trip ni Manong!"- Saway pang muli ng dalaga ngunit sa halip ay nginitian at inakbayan pa siya nito pagkatapos ay kumindat pa sa kanya.
"Pano nga kaya kung tayo nalang?"
Halos gusto ng himatayin ni Jane di mawaring kikiligin ba o maaasar sa sinabing iyon ng kaibigan.
"Buwisit na lalaking to huwag kang paasa"- saad sa isip muli ni Jane
"Baliw!!!"- Sa halip na sagot lamang niya kaya naman ang lakas na naman ng halakhak nito.
"Dito kayo nakatira?"- Igi nala gala pa ni Luke ang paningin sa lugar kung saan nakatirik ang malaking bahay nila Jane
"Oo pasok ka?"
"Hindi na! Atleast ngayon alam ko na kung saan ka hahagilapin sa oras na nawawala ka na naman!"
"Ah ganun? Oh eto!"- Pinisil pa ni Jane ng malakas ang ilong nito
"Ahhhh..... Aray!!!! Para san naman yun?"
"Para sa kalokohan mo kanina yan! napaka loko mo eh!"
"Ha? Saan?"
"Saan? kanina dun kay Manong! Lakas mo eh! sinakyan mo talaga trip nung tao!"
"Ahhh..... Hahaha yaan mo na! yun gusto niyang isipin eh! pagbigyan na natin! bakit? kinilig ka? pwede naman nating totohanin eh! kung gusto mo lang naman!"
"Tse.... Baliw ka!!!! Dyan ka na nga napaka sira ulo mo!!!"- padabog pang isinara ni Jane ang pinto ng sasakyan ni Luke habang tatawa tawa lamang ng malakas ang binata
"Ang lakas ng trip haist! buwisit tong Luke na to kelan pa siya naging ganyan? Di naman siya ganito dati oo sweet na siya dati pero parang napaka flirt na niya ngayon! at ikaw naman Jane ah! sinasabi ko sayo mali lintikan ka talaga pag nag padala ka ulit sa kanya! tama na! naka move on ka na diba? kaya wala ka ng dapat maramdaman pa!"- Saway muli ni Jane sa kanyang sarili.
"Oh anak! Bakit ngayon ka lang? Si Luke ba yun? Hinatid ka ba niya?"
"Opo Ma!"
"Eh bakit di mo man lang pinapasok! Ka kamustahin ko sana si mama niya!"
"Eh marami pa naman pong ibang araw ma! Si papa po?"
"Hayun tulog na! matanda na talaga madali ng mapagod! ikaw mag pahinga ka na din!"
"Opo ma! Eh si kuya po?"
"Umakyat na rin sa kuwarto nya kanina pa mainit ang ulo sa iyo buti nalang at napa kalma ni Fatima!"
"Ewan ko dyan kay kuya! Napaka sensitive!"
"Ikaw naman kasi ang tigas ng ulo mo!"
"Saan po ba talaga siya nagagalit? sa pag momotor ko o sa pag papasok ko ulit kay Luke sa buhay ko?"
"anak! Nag-aalala lang sayo ang kuya mo!"
"Alam ko naman po ma! pero ma! Kaya ko naman po.. tsaka hindi na ako ang dating Jane! ganun din po si Luke isa pa mag Bestfriend kami natural lang na namis namin ang isat-isa."
"Nauunawaan ko naman anak! Pero sana huwag mong kakalimutan ang mga naging bilin ko sa iyo noon, matuto kang ihiwalay ang pagkakaibigan sa idinidikta nito (itinuro nito ang puso niya) para hindi ka masaktan sa huli, gaya nga ng sinabi ko dati alam ko ang pakiramdam na iyan dahil tulad mo napag daanan ko din yan!"
"opo ma! Matagal na po yun ma! Promise wala na kong nararamdaman sa kanya purong pagkakaibigan nalang po this time!"
"Talaga ba? Pano kung?"
"Ma.... Kung bumalik man ang pagmamahal ko sa kanya! at kung hindi man niya kayang ibalik yun sakin wala na po akong magagawa dun pero huwag po kayong mag-alala naka handa po ako!"
"anak! alam mo namang takot kaming...''
"Alam ko po ma! Don't worry di ako gagawa ng bagay na alam kong mag papalungkot sa inyo! icherish nalang po natin yung bawat moments natin sa mundo na masaya, buo at magkakasama tayo! ok po?"
"Ikaw talaga! Basta palagi kang mag-iingat ha! huwag na huwag mong paba bayaan ang sarili mo!"