First day ni Jane ngayon sa trabaho at medyo late na siyang nagising kung bakit ba naman kasi hindi mawaglit sa isip niya ang masayang pangyayari kagabi sa engagement party ng kuya niya at ni Fatima tuloy alas dos y media na ng madaling araw ay gising na gising parin ang diwa niya, Binalak pa sana niyang gamitin ang kanyang motor para sana mas madali ang kanyang biyahe ngunit itinago din pala ito ng kanyang kuya kaya naman wala itong nagawa kundi magpahatid sa kanilang driver takot din kasi ang mama niya na pagamitin ito ng sasakyan dahil ayon sa kanya kung sa motor nga ay napaka bilis nito magpatakbo at daig pa ang kaskaserong driver paano pa kaya kapag sasakyan na ang gamit nito.
Nasa kalagitnaan pa ng traffic ang sinasakyan kaya naman naisipan nalamang niyang bumaba at takbuhin nalang ang building total naman ay di na kalayuan ito mula sa kanilang kinaroroonan.
"Kuya! Dito nalang po ako malelate na po talaga ako eh! mabuti pa umuwi ka na at kung hihintayin nyo pong humupa ang traffic mukhang malabo po yun"
"Naku mam! Teka san po kayo? Mam! Naku malilintikan po ako sa mama nyo! Diyos ko pong batang to eh mawawalan ako ng trabaho sa yo!"- Reklamo pa ng medyo may katandaan na ding si Ador
"Hindi po ako pong bahala sa inyo! ba bye!"- Agad na kumaripas ng takbo si Jane dali dali ang ginawa niya 15 minuto nalang kasi at alas otso na ayaw niyang malate at ma bad shot kaagad sa unang araw nang kanyang trabaho.
"Tabi po! Makikiraan po! Hoohh... Naku kasalanan talaga to ni kuya eh! kung hindi niya tinago si buddy edi sana nakaka singit ako kahit matraffic pa! Haist tabi po! Makikiraan!"
Halos bumangga na siya sa lahat ng taong nakaksalubong niya na tulad niya ay nagmamadali na rin.
"OMG... Aabot naman siguro ako!"- Halos hingal na hingal na si Jane at tila mauubusan na ng hininga ngunit hindi niya ito iniinda ang mahalaga ay umabot siya sa oras at sa wakas nga ay nasa harap na siya ng building ng opsina na kanyang pakay ng bigla nalamang may bumunggo sa kanyang likuran.
"Ayy kabayo ka! Ano ba yan?"- Jane
"Hoohh.. Huh!!... Sorry.. Sorry... Hoohhh..."
Tinignan niya ang babaeng nakabangga sa kanya pusturang pustura ito ngunit halos maligo narin sa pawis dahil tulad niya madaling madali din ito.
"Ok ka lang?"- Jane
"O...Oo... May hinahabol lang kasi ako baka di ako umabot hoohh..."
"Saan ang punta mo?"- Jane
"Dyan!" Itinuro nito ang kabilang building
"Ahh naku tatawid ka pa? Dito na kasi ako eh"- Jane
"Hindi mag eelevator na ko dito sa building din na to?- Sagot nito
"Dito? Eh sabi mo sa kabila ka?"
"May daan dyan papunta sa kabila pwede akong mag elevator para makapunta sa kabila"
"Ahh talaga?"
"Bago ka lang?"
"Oo first day ko!"
"Kaya pala!"
"Isa lang ba may ari ng mga building na yan?"
"Hindi! Magkaiba! Pero yung elevator na sinasabi ko paakyat yun dun sa hagdan na yun kita mo yun?"
"Oo"
"Dun ako dadaan para makatawid sa building namin!"
"Ahh ok galing!"
"Sige na pumasok na tayo baka lalo tayong malate!"
"O.. Ok!"
"Namumutla ka! Mukhang mas napagod ka sakin ah! Hindi ka ata sanay sa ganito eh!"- Wika pa sa kanya ng babae
"Ha? Ah hindi... Hindi.. Gawain ko din to dati medyo nanibago lang kasi matagal na panahon yun!"
"Oh ok! Oh siya dito na ako ah! may 5 mins ka pa goodluck!"
"Thank you! ahmm I'm Jane Falcon and you are?"
"Ida! Ida Jimenez"
"Nice meeting you Ida"
"Same here! Oh sige see you around Jane!"
"Sure! Bye!"
"Siguro dapat dito natin ipuwesto to sir? kasi mas maaliwalas pag dito eh!"
"Ano ka kelan ka pa naging interior designer Michael infrastructure at pagpapatibay ng building ang trabaho natin dito huwag natin pakialaman ang trabaho ng architect isa pa yan ang gustong design ng client!"- Luke
"Suggestion lang naman eh!"- Kamot ulo na naman si Michael
"Good Morning!"- Masiglang bati ni Ida
"Goo... Ma'am Ida san ka galing? Bat pawis na pawis ka? nakipag bakbakan ka ba sa giyera?"- Pang aalaska pa ni Michael
"You're late! Nakakapanibago!"- Sita pa ni Luke
"Oo nga! Haist ang traffic sobra kaya tumakbo nalang ako papunta dito!"
"Di pa naman siya late sir 2 minutes pa naman kaya lang nasanay lang tayo na masyadong maaga sa atin si Ma'am Ida!"
"Nag-alala ka ba sakin Luke? Did you missed me already?"- Ngiting ngiti na naman si Ida
"Hindi naman! Nagtaka lang ako!"- Luke
"Asuss mam! Kanina pa yan susulyap sulyap sa relo niya sigurado ikaw ang inaantay niya!"- Michael
"I know right! Alam mo naman yang boss mo! Pakipot masyado!"- Ida
"Michael bumalik ka na sa puwesto mo!"- Luke
"Yes sir!"
"At ikaw?!"
"Yes dear?"
"Magpunas ka ng pawis mo at mag-ayos muna ng sarili mukha kang basahan!"
"Hoy! Mabango parin naman ako kahit amuyin mo pa!"
"Tumigil ka! Mag ayos ka muna magbihis ka baka matuyuan ka ng pawis sa likod magakasakit ka pa!"
"Yieehhhh... sabi ko na eh worried ka din talaga sakin eh kinikilig naman ako!"
"Worried ako pag di natin natapos yung project natin! After niyan meron pa tayong bagong uumpisahan aba! Bat ka ba kasi nalate? Eh ang tagal tagal ng traffic sa dinadaanan natin para ka namang bago ng bago diyan"
"Sungit mo na naman! Pero ok lang basta ikaw! Kasi po late na din ako nakatulog kaya late na din ako nagising wait lang bibihis lang ako at magpapaganda just for you"- Agad na pumunta ng powder room si Ida para muling mag-ayos ng sarili at muling bumalik din pagkatapos.
"Nangungulit si Dad!"- Ida
"Saan? Dun sa pinapagawa niya sa atin? Eh diba sabi ko sa kanya kung kelan tsaka na sa kanya ang blue print may drafts narin yun approval nalang mula sa taas ang kulang at saka petsa para maumpisahan na sa lalong madaling panahon!"
"Hindi yun! Ok na yun naiintindihan niya na meron pang ibang pinaprioritise willing naman mag hintay yun parang ako!"
"Hay ayan ka na naman!"
"Di nga! Yung sa Papa mo nga daw atat na si Dad maka bonding ang Papa mo eh!"
"Ahh yun ba? Sige bukas dadaan ako dun sabihan ko siya!"
"Bat di mo nalang tawagan?"
"Mahirap kausap sa phone yun! Mabuti na sa personal!"
"Ahh ok... Sabi mo eh! Ikaw pa ba malakas ka sakin eh kaya kahit anong sabihin mo ok sakin ako lang naman ang mahina at hindi ok sayo eh!"
"Hay naku Ida! Alam ba ng Dad mo na ganyan ka kakulit?"
"I think... Hindi na oo!"
"What?"
"Hahaha.... Alam niyang makulit ako pero syempre behave pa din!"
"Ang gulo mo!"
"Mas magulo ka kaya!"
"Ano? Bakit?"
"Dahil sayo di ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko kung ang pagiging Engineer ba o ang magkaroon ng lugar dyan sa puso mo!"
"Ha? Hay naku.. Ida! Ida! Ida! Anong gagawin ko sayo?"
"Mahalin ako?"
"Ewan ko sayo!"
"Miss Falcon!"
"Harry... Este Sir Harry!"
"Ready ka na?"
''Oo naman! Hindi mo naman ako pahihirapan diba?''
"Siyempre naman ikaw pa ba?"
"Basta huwag mo akong itatrato na iba ah! Tandaan mo ang usapan natin! Mag wo-work ako dito bilang isang ordinaryong empleyado ng kumpanya mo mahirap na baka haluan ng malisya ng iba!"
"Copy! Don't worry! Ok ka lang ba? hinihingal ka?"
"Ahh oo tumakbo kasi.."
"What? Hindi ba bilin ko sayo bawal kang!!"
"Ahhh sshhhh.... Alam ko! Alam ko! sesermonan na naman ako eh! Para kang si kuya!"
"Kasi naman! Pinayagan kitang mag work kasi sabi mo susundin mo ang sasabihin ko!"
"Opo! Tama po kayo! SIR, Masyado lang pong matraffic kanina tsaka medyo na late ako ng gising kaya, Para di ako malate sa pag pasok at nakakahiya naman sayo pati narin sa mga tao dito eh tumakbo nalang ako para umabot naman!"
"Hay! Lagot tayo nito kina Tita at Ninang Kelly eh!"
"Di naman nila malalaman kung hindi mo sasabihin diba?!"
"Basta di na mauulit to ah!"
"Promise!"
"Sige pumunta ka na dun! Andun ang table mo!''
"Thank you Sir Harry di ka lang mabait napaka pogi mo pa!"
"Haist hayan ka na naman huwag mo na akong bolahin baka sa halip na i secret eh masabi ko pa to kina Tita!"
"Ehhhh.... Harry!"
"Sige na! Huwag ng matigas ang ulo mo!"
"Babalik ka na ba ng hospital?"
"Oo maya maya may sched ako ng surgery eh around 2pm pa naman so makakapag lunch pa tayo together!"
"Naku huwag na kaya ko kumain mag-isa!"
"Ang sabihin mo huwag na kasi makikita ko ang mga food na kakainin mo!"
"Hindi ah!"
"Pasaway ka ah!"
"Mayaman ka pala talaga ano? Biruin mo bukod sa pagiging Doktor may ari ka pa ng isa sa mga bigating Medicine Lab dito sa bansa!"
"Well ganun talaga!"
"Pero bilib ako sayo napaka simple mo kasing tao! Di nga ako makapaniwala nung una kitang makilala sa states, Nung sabihin ni Tita Kelly na magiging Doktor ka na nga daw kasi sobrang bata mo tsaka wala sa itsura mo ibang iba! Alam mo yun ... Pormahan mo pang rockstar tapos biglang magiging doktor! I can't!!! Talaga as in!"
"Hay naku alam mo naman na mahilig din ako sa music pasion ko yun eh! Kaya lang pangarap ko din ang mag doktor alam mo naman ang history ko nakuwento ko na sayo!"
"Yeah... Dahil sa namatay mong mom!"
"It took me a while bago maka recover mula sa pagkawala niya di ako makapaniwala na agad niya kaming iniwan ni Dad! Kaya hayun mula nun pinangako ko sa sarili ko na magiging doktor ako dahil gusto ko mag ligtas ng buhay bagay na hindi ko nagawa sa sarili kong ina, Bonus nalang din ang pagtatayo ni Dad ng Medicine Lab noon dito sa pinas at sa awa ng Diyos unti unting nag boom effective yung mga gamot kaya heto kami ngayon bukod sa mga drug store eh suki na rin namin ang ibang malalaking hospitals dito sa pinas kami ang nag-aangkat ng mga mura at mabisang gamot para sa mga pasyente nila."
"Ang suwerte naman ng babaeng mamahalin mo niyan! Bukod sa guwapo na! Matalino, Madiskarte, Mabait at napa kasipag mo!"
"Talaga? Kaso... Hindi naman ako pina pansin ng babaeng yun eh!"
"Ayy bakit? Sabi ni tita kelly sisiw lang sayo magpa ibig ng babae eh!"
"Pero hindi sa babaeng gusto ko! Mahirap eh!"
"Ayy... Yun lang! Baka kasi hindi siya ang nakalaan para sayo! Hayaan mo na dami pa iba dyan!"
"Eto oh! Wala kang ibang gagawin kundi mag encode at gumawa ng data! Eto yung mga brand ng gamot at price nila i arrange mo sila according sa category and then ilalagay mo dito sa column na to kung ilan ang nabenta at saang store or hospital! Klaro?"
"Klaro! Teka iyon lang? Maghapon iyon lang gagawin ko? Akala ko ba secretary ako dito?"
"Personal secretary ko! So ano mang ipagawa ko sayo susundin mo! At tuwing nasa hospital ako eto ang gagawin mo oh kung gusto mo pwede ka naman bumaba sa mismong lab natin para mag observe na rin huwag ka lang mangungulit sa mga chemist natin dun!"
"Grabe ka sakin ah! Nakaka bored pala dito walang ka thrill thrill!"
"Ayaw mo? Puwede ka namang umalis eh!"
"Ayy hindi pa nga naguumpisa aalis na?Ok lang! Eto naman mana ka kay kuya ang seryoso nyo!"
"Kaya laging pikon sayo kuya mo eh!"
"Hahaha sorry na!"
"Sige na umpisahan mo na yan mamaya kukunin na ni Tessa yan kaya bilisan mo na yan para ma iprint mo na and then i-email mo to dito sa mga address na to! Nakita mo yung memo sa bulletin board sa labas? Bago ka pumasok dito?"
"Yes!"- Nilingon pa ni Jane ang tinutukoy nito
"Gagawan mo ng chart yun ah! Pagkatapos ipapa scan copy at ipapalit mo dun ok?!"
"Ok sir no problem! Sisiw!!!''
"Sige! Wait lang tumatawag sa hospital mukhang may emergency ata! Balikan kita later!"
"Ok po!"
Nakamasid lang si Jane habang papalayo si Harry, Si Harry Montiel ay inaanak ng kanyang Tita Kelly na siyang kumupkop sa kanila noong nasa america pa sila, Isa ito sa mga unang nakilala niya. Noong una ay badtrip siya dito dahil medyo arogante ito at may pagka brusko hindi rin niya gusto ang istilo ng pananamit nito kaya tuwing dadalaw sa kanya noon ang kanyang Tita Kelly ay nagkukulong at nagkukunwari lamang siyang tulog upang hindi ito makita.
Isang araw sa di inaasahang pangyayari ay bigla nalamang nangailangan ng tulong ang kanyang pamilya at isa si Harry sa mga taong walang pag-aatubiling tumulong sa kanila kaya naman mula noon nagbago na ang pananaw niya sa lalaki unti unti nakita rin niya ang magandang side nito totoong mabait ito may pagka strikto nga lang pero super maalalahanin din ito at kahit na anong hilingin niya ay agad namang sinusunod nito. Kasundo rin ito ng kanyang kuya Jethro dahil kung tutuusin isang taon lang ang pagitan ng kanyang kuya kaya naman itinuring na rin niyang kuya si Harry.
"Jane! I have to go! Biglang umabsent yung ka relyebo kong doktor kaya ako yung hahalili muna sa pasyente niya, Paaakyatin ko kaagad si Tessa para siya na muna ang umalalay sayo habang wala ako ok! Be good ha! Sundin mo lahat ng bilin ko sayo!"
"Yes sir! Huwag ka ngang masyadong mag worry dyan di naman ako bata para pag bilinan ng kung anu-ano!''
Agad na sinamaan ng tingin ni Harry si Jane.
"Sir!!..." Agad na ngiti ni Jane
"Babalik ako pag tapos ng duty ko ihahatid kita pauwi"
"Luh.... Hoy huwag na!"
"Bilin ni Jethro bantayan kita maigi at baka kung anu-ano naman daw ang gawin mo!!"- Wika pa nito habang papalayo
"Shocks!!! Nakakainis bakit ba lahat sila ganyan! Parang kala mo naman mamatay ako agad sa kaunting kilos lang haist ang o-OA ah! Tsk! Mali ata naging desisyon ko na dito mag work kay Harry ah! Ganun din kasi! Hindi rin ako malayang makakagalaw ano ba naman yan!"
"Miss Falcon?!"
"Ahh yes po?"
"Ako nga pala si Tessa matagal na kong empleyado dito! Isa rin ako sa pinag ka katiwalaan ng Chairman"
"Ahh... I see.... Nice meeting you po!"
"Ibinilin ka sa akin ni sir Harry kaya kailangan kitang turuan sa mga bagay bagay at pa sikot sikot dito"
"Ok po!''- Nase sense ni Jane na may pagka mataray ang babaeng kaharap ngayon
"Ayan ba yung ipinapagawa sa yo ni Sir Harry?"
"Ahh yes po!"
"Ok bilisan mo dyan dahil pagkatapos kailangan mong bumaba para maipakilala kita sa mga taga dito at maging familiar ka sa kanila"
"Ahh sige po!"
"Anyway pano ka nag-apply dito? Di ko yata nakitang dumaan sa HR ang papel mo?"
"Ahh ganun po ba? Ano... Kasi... Kay... kay sir Harry po mismo"
"Dumirekta ka sa kanya? How weird! At tinanggap ka niya kaagad?"
"Ganun na nga!"
Nakita pa ni Jane na tinaasan siya nito ng kilay at ilang beses na tinitigan siya mula ulo hanggang paa.
"Ahhmm... Miss Tessa? Puwede ko po bang malaman kung ano ka po dito? I mean ano pong papel nyo po dito sa company?"
"Personal adviser ako ng Director!"
"Director?"
"My God! Si sir Harry! Di mo alam ang posisyon nya dito? Anak siya ni Chairman at CEO ng company na to so eventually siya ang susunod sa yapak ng father niya!"
"Ahh I see...''
"Di ko mainitindihan bakit kinailangan niya pang kumuha ng personal secretary!"
"Po?"
"Ako ang gumagawa lahat ng trabaho niya dati! kaya nagtataka ako bakit siya nag hired ng tulad mo! Ang lakas mo naman masyado para matanggap ka ng ganun kadali!"
"Ahh... Well... Pano ba? Kasi it so happened po kasi na nagkakilala po kami ni Sir Harry sa states then nabanggit ko na pauwi narin ako dito sa pinas at gusto ko nga dito na lang satin mag work then fortunately he offered me to work here nga po, And sino ba naman ako para tumanggi pa eh maganda naman ang offer!"
"So??? You really knew each other pala talaga? Anong relasyon mo sa kanya?"
"Ahmmm Miss Tessa as far as i concerned po our personal relationship not matters to what we are now naman and actually hindi totoong ganun ko kadaling nakuha ang trabahong ito maaring hindi nga po dumaan sa HR kasi siya na nga mismo nag hired sakin but to tell you frankly hindi rin po madali ang pinag daanan ko ang daming pag subok pa bago ko mapapayag si Sir Harry na tanggapin ako dito, Yes he offered me the position and the company pero marami din siyang test na pinagawa bago niya ako tuluyang hinired dumaan din po ako sa butas ng karayom Mam!"
Muling tumaas ang kilay ng babae
"Ok! Mabuti na yung nagkakalinawan mahirap na kasi baka sabihin ng mga empleyado dito na may favoritism kaya ka na hired dito mabuti na yung sigurado baka kasi bukas makalawa eh nasa mas higher position ka na bigla ng di namin namamalayan!"- Pagtataray pa nito
"Ahh.. Ganun ba? Huwag po kayong mag-alala sinisigurado ko po na karapat dapat ako sa trabahong ito at kung sakaling umakyat man ang position ko gaya ng sabi niyo eh sinisiguro ko po sa inyo na pinaghirapan ko yun"- Binigyan pa ni Jane ng nakakalokong ngiti ang babae dahilan upang samaan siya nito ng tingin.
"Bilisan mo diyan after 15 minutes babalik ako dito para samahan ka sa baba!"
"Yes po! Ok po!"
Pagka alis ni Tessa ay agad napa busangot si Jane!
"Eto na nga ba ang sinasabi ko eh! Mali talaga na dito ako nag work! Paano pa kaya kung malaman ng impaktitang babae na yun na family friend namin si Harry at hindi totoong dumaan ako sa kung anu-anong test bago maka pasok dito? Tsk'tsk.... Very wrong talaga ang desisyon ko pero... Kung aalis ako bigla saan naman ako lilipat? Kelangan ko ng working experience! Gusto ko rin kumita ng sarili ko no! Aba nakakahiya naman kina kuya at sa parents ko kung lagi akong aasa sa kanila lalo na ngayon mag-aasawa na ang kuya ko! Tsaka yung naipon ko mula sa states kaunti nalang din yun! Well di na rin naman masama kasi nga may sarili na akong condo at nakatulong na rin ako sa pagpapatayo ng bahay para kina mama at papa mula dun sa mga naging sideline ko nung nag-a aral ako at pag pi-painting pero I think hindi na sasapat yun! Hmmm... Need kong kumita monthly aba! Isa pa kailangan kong suportahan ang sarili ko di puwedeng iasa lahat sa kanila... Bahala siya! Manigas ka nga diyan miss Tessa!"
Sabi nga nila hindi madali ang buhay sa ibang bansa, Kaya naman kung anu-anong trabaho ang pinasok ng mga magulang ni Jane at ng kuya niya masuportahan lamang ang lahat ng kanilang pangangailangan lalo na ni Jane, At nung mga panahong nag-aaral ito ay kung anu-anong raket din ang pinagka abalahan niya para makatulong kahit papano, Magaling din siya mag pinta at naibebenta niya ito sa malaking halaga dahil sa ganda ng mga ito may mga panahon din na kumakanta siya sa mga event para sumideline talento ang naging puhunan niya para makaipon at tumulong noon. Nagkaroon din ng pagakakataon na nag benta siya ng mga ibat-ibang damit online para matustusan ang kanyang personal na pangangailangan at sa awa ng Diyos unti unti silang nakakapag ipon hanggang sa nakamit nila ang buhay na kung anong meron sila ngayon, Ngunit natatakot siya paano kung dumating ang araw na muli silang subukin at maubos lahat ng kanilang pinag hirapan lalo na't sa kalagayan niya... Hindi niya hahayaang maging pasakit sa kanyang mga mahal sa buhay! Kailangan niyang magsikap hanggat kaya niya.