Chapter 13

3124 Words
"Grabeh... Ang sakit ng likod ko nakakangawit din mag encode ah! Tapos yung bruhang Tessa pa na yun balik ng balik kung anu-anong pinapagawa parang wala na atang ginagawa yun eh! Ako na ata umako ng mga gawain niya ah!" Beep! Beep! Beep!... "Ayy kabayo ka! Sino bang!? Diyos ko naman Harry ano ka ba!?" "Sakay na!" "Hindi na papuntahin ko nalang yung driver namin!" "Sakay na sabi! Diba nga sabi ko sayo ihahatid kita after ng duty ko? So tara na!" "Baka may makakita sa atin!" "So?"- Kunot noong tanong ni Harry "Baka anong isipin nila no! Mahirap na!" "Anong iisipin? Tulad ng?" "Boss kaya kita tapos papasakayin mo ko dyan!" - Agad na bumaba ng sasakyan si Harry- "Anong sinasabi mo diyan! Bago mo ko naging boss kaibigan muna kita! Kaya tara na!" "Pero.." "Huwag ka ng pe-pero pero dyan halika na pumasok ka na!"- Itinulak pa ng bahagya ni Harry si Jane para pumasok sa loob kaya wala naring nagawa ang dalaga kundi ang sumakay nalang. "Harry!" "Yes?" "Thank you..." "For?" "For everything!" "Bat ang drama mo?'' "Basta thank you! Alam mo naman kung ano ang buhay namin dati! At sa totoo lang kung hindi dahil sayo baka matagal na akong sumuko baka matagal na akong wala dito!" "Don't say that!" "Ano ka ba! Totoo naman hindi ba?" "Jane!" "Kung hindi ka dumating, Kung hindi mo kami tinulungan malamang wala ako ngayon sa harap mo! Napagtanto ko rin na masyadong maikli talaga ang buhay kaya dapat i enjoy lang natin hanggat may pagkakataon pa kasi baka bukas makalawa bigla nalang mawala ang lahat baka bigla nalang sumuko ang katawan ko" "Huwag kang mag-alala makakahanap din tayo ng donor!" "Kelan pa? Ang tagal namin sa america pero kahit doon laging may problema! Kung hindi ako nauunahan ng iba, Hindi naman match sa akin, Isa pa sobrang mahal ng operasyon!" "Maghihintay tayo nasa waiting list ka parin naman kaya kapag may donor na! Kokontakin nila tayo! At babalik tayo ng America para doon isagawa ang procedure!" "Sa dami ng nangangailangan ng heart donor I doubt it! "Huwag kang mawalan ng pag-asa! Kaya nga nandito ako to make sure na your still ok until the day of procedure, Hindi lang ikaw ang may case na ganyan so don't worry pasasaan ba't makakahanap ka din ng donor!" "Pero what if may donor nga pero magkaroon naman ng heart rejection? Diba nga sabi mo may mga instances na ganun? Hindi tinatanggap ng mismong may ari ng katawan yung heart nung mismong donor kaya namamatay din!'' "Hey!! kelan ka pa naging nega? Akala ko ba sabi mo think positive lang palagi? Ano na? Nasan na yung Jane na nakilala ko sa states? Yung Jane na ang tapang tapang kahit may sakit na?" "Ewan ko! Minsan ang tapang ko pero madalas naduduwag din ako!" "Alam mo normal lang yan! Makakaramdam ka ng ganyan minsan! Ang importante panatilihin mong healthy ang katawan at pag-iisip mo! Tandaan mo puso lang ang may deperensiya sayo kaya dapat magpalakas ka! Sundin mo lahat ang sasabihin namin at sasabihin ko! As a personal doctor mo, Kahit di nga halata kaya dapat nakikinig ka sa akin!" "Tsk! Haist... Hindi ba ako burden sayo? Di ka pa noon nakaka graduate may pasyente ka na kaagad na naghihintay sayo?" "Kaya nga ako nag sumikap na maka pasa para ako na mismo ang gagamot sayo hindi ba?" "Hindi ko akalain na may sakit ako sa puso, Wala naman kasing nababanggit sa akin sina Mama at Papa, Wala din naman akong ka ide-idea kasi pakiramdam ko sobrang normal ko, Oo madalas akong mahapo lalo na pag sobrang pagod pero malay ko ba na iyon na pala yun! Hanggang sa dumating yung araw na yun! Napilitan tuloy sila Mama at Papa na dalhin kaagad ako sa america sa tulong narin ni Tita Kelly! Kung bakit ba naman kasi nila itinago pa sa akin eh! Edi sana natuto akong mag-ingat edi sana mas naalagaan ko pa ang puso ko!" "Hindi pa naman huli ang lahat! Sabi ko nga donor nalang talaga ang hinihintay natin at gagaling ka na ng tuluyan kaya ikaw pag sinabihan ka namin na hindi mo puwedeng gawin to at di mo puwedeng gawin yan! Ibig sabihin hindi talaga puwede at bawal sayo yun! Ganun din sa mga pagkain! Kaso, Hirap sayo matigas ang ulo mo!" "Hmmp... Sermon na naman?" "Ikaw eh!" "Alam mo ba ang sungit pala nung tessa no?"- Pag-iiba pa ng topic ni Jane "Bakit?" "Wala! Feeling ko ayaw niya sa akin at ayaw niya na nandon ako!" "Inaway ka ba niya?" "Well.. Syempre hindi naman sa away pero alam mo yung mga matatalim na tingin niya sayo at kung paano ka niya kausapin? Ramdam mo yung inis eh! Ewan ko ba!" "Hahaha huwag mo ng intindihin yun ganun lang talaga yun!" "Bat ba kasi hinired-hired mo pa ako?" "Bat kasalanan ko pa? Sabi mo gusto mo ng trabaho? So binigyan kita ng trabaho" "Oo nga! Pero..." "Iniingatan natin ang puso mo diba? Kung parati kang mapapagod parang pinapatay mo lalo ang sarili mo nyan! Kung sa ibang company ka mag wowork tingin mo ba? Tatanggapin ka nila pag nalaman nilang may heart failure ka? Syempre hindi! Paano nalang pag dun ka inatake? Kasalanan pa nila!? At hindi ka nila puwedeng bigyan ng special treatment kasi labas sila sa sakit mo! Maraming dapat i-take na risk kapag nag work ka sa ganyang kalagayan! Atleast kung dito ka sa akin masusubaybayan kita! Masusuportahan mo din ang sarili mo, Nasisigurado ko pang maayos ang kalagayan mo hindi lang kita basta kaibigan pasiyente rin kita tandaan mo yan at bilang doktor mo tungkulin ko na pangalagaan ka!" "Nakakatawa naman yun doktor kita pero ikaw ang nagpapasahod sakin!" "Hindi ako ang nagpapasahod sayo kundi ang company! At isa pa, Nagtatrabaho ka naman natural sasahuran ka!" "Ok! Basta thank you parin!" "Asuss... Wala yun!" Ilang sandali pa ay nasa tapat na sila ng gate nila Jane ng mapansin ni Harry ang nakatayong si Luke. "Jane! May hinihintay ka bang bisita?" "Ha? Wala naman bakit?" "Eh sino yung nakatayo sa harapan ng bahay nyo?" Dahil madilim ay di pa niya masyadong maaninag ang tinutukoy ni Harry kaya naman mataman niya itong pinagmasdan hanggang sa tuluyan ng magrehistro sa kanya ang bulto ng lalaki na agad naman niyang nakilala. "Luke?'' "Sino siya?"- Tanong pa ni Harry "Bestfriend ko!" "Oh... So siya pala yung sinasabi ni Jethro?" "Sinasabing ano?" "Yung dahilan ng lahat?" "Ha? Baliw talaga yun si kuya! Paanong dahilan? Huwag kang makikinig dun!" "Huwag mong sabihin na nakikipagkita ka ulit sa kanya? Nag-uusap na ulit kayo?" "Malamang! Hindi naman kami nag-away na dalawa eh! Nagka hiwalay lang kami Dahil nga sa pag punta ko sa america!" "Ok... Sabi mo eh!" "Hindi ka na ba papasok?" "Hindi na! Regards mo nalang ako kina Tito at Tita!" "No problem! Ingat ka ah! Thank you!" "Sure! Ikaw din! Tandaan mo ah! Ingatan mo ang puso mo!" "Hahaha! Oo nalang! Pero bakit pakiramdam ko may ibang meaning yang sinasabi mo?" "Hahaha ewan ko sayo! Meron nga ba?" "Loko! Sige na! Bye na!" "Bye!" Pagkababa ni Jane ng sasakyan ay hinintay muna niyang makaalis ng tuluyan si Harry saka tinungo ang kinatatayuan ni Luke "Boyfriend mo?"- Malamig na tinig ni Luke "Ahh iyon? Hindi... Family friend lang!" "Talaga?" "Oo inaanak siya ni Tita Kelly nakilala ko siya sa states nag-aaral kasi siya dun nung dumating kami" "Ahh ok!" "Bat ka pala andito? Bakit di ka pumasok sa loob? Tara kanina ka pa ba?" "Ahh... No! Hindi na! Actually kararating ko lang din! Tamang tama andito ka na pala!" "Oh! Eh! Anong atin?" - tanong pa ni Jane "Dinner tayo?" "Wow! Porke yayamanin na ah ang lakas na ng loob manlibre!" - Eksaheradang pinalaki pa ni Jane ang mga mata sa narinig "Hahaha siyempre naman diba nga sabi ko sayo noon ililibre kita sa oras na kumikita na ako ng pera! Kaya ano na?" "Oh... Ok... Pero wait mo muna ako mabilis lang siguro mga 10 minutes magbibihis lang ako!" "Huwag na ok na yan! Duda ako sa 10 minutes na yan eh!" "Ayy grabe ka talaga! Totoo nga!" "Tsk! Hindi na tara na mabilis lang naman eh!" "Haist... Nakakainis ka naman eh! Oh sige na nga! Itetext ko lang si Mama inform ko lang siya na kinidnap mo ko kaya di pa ko nakapasok ng bahay!" "Hahaha sige!" Maya maya nga ay nasa loob na sila ng isang magarang restaurant at naghihintay nalang ng kanilang inorder na pagkain. "Iba din! Ibang level ka na talaga Luke! Di ka na ma reach ngayon ah!" "Bakit naman?" "Mahal dito ah!" "Asuss... Wala yun ano ka ba! Tsaka ngayon na nga lang tayo lumabas eh! Teka di mo pa nabibigay sakin number mo!" "Anong number?" "Cellphone number malamang!" "Ahh ganun ba? Bakit?" "Bakit hindi? May magagalit ba? Teka!Sinasabi ko na nga ba eh boyfriend mo nga siguro yung nag hatid sayo kanina eh! Ano? Ano umamin ka!" "Parang sira to! Sinabi ko na nga hindi ko boyfriend yun kaibigan ko lang din yun!'' "Parang ako?'' "O-oo parang ikaw!" "Eh bestfriend mo ko eh!" "Oo nga! Si Harry close friend ko din yun!" "Hmmm.... Close friend!" "Bat parang nag seselos ka?"- Asar pa ni Jane "Nagseselos talaga ako!" "A-Ano?" "Sino bang hindi? At bakit hindi?" "Ba-bakit?" "As a bestfriend mo! Siyempre, Siya nahahatid ka nya! For sure nakaka text at nakaka chat mo pa! Samantalang ako na matagal mong BESTFRIEND ni number mo di ko alam di rin tayo friends sa f*******:!" "Asuss... para kang sira! "Akala ko naman kung ano na!"- Saad pa sa isip ni Jane "Eh ano na nga number mo? Para kapag may free time ako at ganun ka rin puwede tayo lumabas together!" "Asan na cp mo? Ako na magse-save" "Oh"- Iniabot nga ni Luke ang cp nya sa dalaga "Bat ba kasi ako ang ginugulo mo? Wala ka bang girlfriend ngayon?" Wika pa nito sabay ng pagbalik nito ng cellphone. "Wala!" "Nililigawan?" "Wala din!" "Natitipuhan? o sabihin na nating babaeng nagpapasaya sayo ngayon?" "Hmm... Actually meron!" "Meron?" "Yup!" "Oh meron pala eh bat di siya ayain mo mag date!?"- Muling saad sa isip ni Jane "Oh kamusta? Gusto ka rin ba?"- Sa halip ay iyon lamang ang naisa tinig niya "I think so...." Tipid na sagot lamang ni Luke "Ano ba naman yun! Di ka sure?" "Ayoko pa kasi bigyan ng tuldok kailangan sigurado din ako sa nararamdaman ko ayoko magkamali ulit! Alam mo na!"- Paliwanag pa ni Luke "Hindi naman porke nasaktan ka dati eh masasaktan ka ulit ngayon!" "Pero ang ikinakatakot ko eh baka siya naman ang masaktan ko!" "Ha? Bakit?" "Paano kung di ko naman pala siya ganun kagusto? Paano kung masyado lang talaga pala akong natutuwa sa kanya?" "At umasa siya sa wala?" "Oo!" "Well... Masaya ka ba sa kanya? As in pag kasama mo ba siya parang biglang nag-iiba ang mundo mo?" "Oo" "Komportable ka ba sa kanya?" "Oo" "Palagi ka ba niyang napapangiti?" "Yes!" "Hinahanap mo ba siya pag wala siya? o pag di mo siya nakikita?" "Oo" "Edi gusto mo nga siya!" "Gusto ko siya as a person! Ofcourse pero yung tipong gusto ko siya makasama hanggang sa pagtanda? Di ko talaga sure!" "Pero atleast may chance!" "Eh ako nga matagal ng walang chance eh!"- Muli pa niyang saad sa isip "Road trip tayo after ah!" - Sa halip ay sagot lamang ni Luke "Ano? Hoy gabi na kaya!" "Saglit lang tayo!" "Tsk! Pasaway ka!" "Eh ikaw nga dyan! Sure ako nag ro-road trip ka! Motor pa!" "Bat mo alam?" "Nakita kita malamang!" "Ha? Kelan!? Saan?" "Nung engagement party nila Fatima!" "Talaga? Saan teka di ko gets!" "Sa gasoline station! Andun ako nung sumingit ka sa pila kaya naman nung narinig ko yung boses mo na nakikiusap ka na unahin ka, Sabi ko bakit parang familiar sakin ang boses mo tapos tinanong nung isang lalaki yung pangalan mo at sinabi mo nga na Jane kaya nagkaron ako ng idea na baka ikaw nga! Na baka tama ako! Na baka yung babaeng yun eh yung Jane na kilala ko" "Oh... Wow! Hahaha grabe naman si tadhana! Pero andun ka rin pala bat di mo ako tinawag?" "Nahihiya ako tsaka madaming tao kaya! Tapos ang bilis mo pang maka alis! Kasi ang bilis mong magmaneho" "Hahaha sabagay nag mamadali kasi ako baka malate ako lagot na naman ako kay kuya Jethro!" "Well kahit sino naman magagalit kaisa-isa ka niyang kapatid na babae paano kung may mangyaring masama sa iyo?" "Haist kung alam mo lang talaga!" - Saad muli sa isip ni Jane ngunit sa halip ay nagkibit balikat nalang siya. "Basta huwag masyadong late ah mayayari tayo nito! Isa pa, Maaga pa ko bukas!" "Asuss ako din naman ah!"- Sagot naman ni Luke Sa isang Overlooking view sa Rizal ang lugar na napili nilang puntahan kung saan matatanaw ang lungsod na punong puno ng ilaw at ang kalangitan naman ay napapalibutan ng mga bituin "Perfect!"- Di napigilang wika ni Jane pagkalabas ng sasakyan "Ang ganda! Di ko akalain na mas maganda pala ang view dito pag gabi" "Ha? Bakit? Ngayon kalang ba napunta dito?"- Takang tanong pa ni Jane "Napapadaan lang ako dito kapag may kailangan kaming puntahan or may project kami na malapit or mismong dito talaga sa lugar na to! Pero umaga naman yun at kung umuwi naman ako eh marami pang tao sa kalsada kaya di ko napapansin ang ganda nito" "Sabagay! Iba din kasi kapag tahimik ang paligid! Mas natututo tayong iappreciate ang kalikasan"- Naglakad lakad pa ng bahagya si Jane at humanap ng mauupuan habang nakasunod naman sa kanya si Luke "Kamusta ang buhay mo sa America?"- Biglaang tanong pa ng binata "Ha? Ahh... Ayos naman! Diba nasagot ko na yan? Paulit ulita tayo ha!"- Natatawa pang sagot ni Jane "Gusto ko lang isure kung nagsasabi ka ng totoo" "Ang lala ng trust issue ah! Well kagaya ng nasabi ko sayo late na ako nakapag aral dun gawa ng nahirapan din ako mag adjust tsaka naho homesick pa ako pero nung tumagal tagal naman naging ok na!" "Dito na kayo mag stay? I mean wala na ba kayong balak bumalik dun?" "Di ko pa masabi eh! Pero kung ako ang tatanungin siyempre mas ok parin dito" "Eh kelan ka natutong mag drive ng motor?" "Ah... Hahaha... Dun kasi sa place namin meron akong naging ka close na girl! Ang cool nya kasi ginagawa nya lahat ng gusto nya! Pati pag scooter at pag da-drive ng motor pati nga truck nagtry din siyang mag drive! Kaya natuwa ako sa kanya kasi kung anong maisipan nya ginagawa nya lang. Sabi nya sakin gawin mo na habang may pagkakataon ka pa! Kasi kung hindi mo pa gagawin ngayon kelan pa? Naenganyo naman ako sa kanya kasi tama nga naman siya kung baga live your life to the fullest talaga! Walang mawawala kung di mo susubukan kung mag failed ka man sa isang bagay at least triny mo, Ang pag momotor kasi isa sa gusto kong gawin noon pa man kaso lagi akong pinipigil nila Mama, Papa at Kuya kaya nung pinatry sa akin nung friend ko na yun sobrang saya ko! Sobrang fulfilling sa pakiramdam" "Totoo naman yan! Magaling yang kaibigan mo na yan ha! Nasan na siya ngayon? Sigurado malulungkot yun kasi bumalik ka na dito" "Wala na siya eh!" "Anong wala na?" "Wala na! As in nasa heaven na siya!" "What?" "May malubha siyang sakit! Kaya naman ginagawa niya yung mga bagay na imposible o hindi normal sa paningin ng iba kasi gusto nyang may mapatunayan bago siya mawala sa mundo" "I... I'm so sorry for her loss" "Ok na yun... Alam naman namin ngayon masaya na siya sa taas gumagawa ng bagong adventure" "Paano kayo nagkakilala?" "Ha? Eh... Teka nga! Bakit ako yung kuwento ng kuwento? Bakit hindi ikaw ang magkuwento?"- Pilit na binabago ni Jane ang usapan ayaw niyang ipaalam sa kaibigan na nakilala niya ang babaeng tinutukoy sa mismong hospital kung saan siya naka confine noon. "Anong ikukuwento ko? Eh nasabi ko na nga rin sayo diba?" "What about dun sa babaeng nagugustuhan mo?" "Hindi ko pa nga siya ganun kagusto" "Eh dun din naman pupunta yun! Bakit pinapatagal mo pa? Hindi daw gusto naku ewan ko sayo!" "Eh ikaw ba? Wala bang nanliligaw sayo ngayon? Bakit nga pala wala kang boyfriend?" "Grabe ka naman! May naging boyfriend naman ako dati! Kaya lang iba kasi pag nasa ibang bansa ka! Lalo na sa states ibang iba yung mindset nila sa atin kaya ang ending nakipag break ako kasi hindi rin naman kami nagkakasundo iba ang gusto nya iba din ang gusto ko so ano pang point na ipagpatuloy" "Tama ka naman dyan! Eh bakit naman binenta nyo yung bahay nyo dun sa lugar natin noon?" "Ahh... Ano kasi alam mo na hindi basta basta ang buhay dun sa America! Sobrang gastos! Since nag aadjust palang kami need naming isacrifice almost everything ng naging ari-arian nila Mama't Papa dito sa pinas kaya naman nung nakabawi bawi na sabi ko ako naman ang pupuno sa mga bagay na ibinigay at sinakripisyo nila sa akin ganun din kay kuya Jethro sobrang thankful talaga ako sa kanila" "I see" "Namiss mo talaga ako no?"- Pagbibiro pa ni Jane Kasalukuyang magkatabi sila sa upuan ni Jane kaya naman kitang kita ng dalaga ang mukha ng binata nagulat pa siya ng lingunin siya nito at pinamasdan ng husto "Sobra!"- Tila nangungusap pa ang mga mata ni Luke ng banggitin ang katagang iyon "Ta-Talaga?"- Tila tumagos naman sa pagkatao ni Jane ang mga titig na iyon ng kaibigan "Ako? Namiss mo rin ba ako?"- Tanong din sa kanya ni Luke "Ha? O...Oo.. Siyempre naman!" "Eh bakit ang tagal mong bumalik?" "Kasi...."- Halos di na makaisip ng dahilan si Jane kaya naman nag iwas na siya ng tingin at tumayo upang pagmasdan muli ang mga bituwin sa langit "Ok lang! Atleast nandito ka na ulit! Siguro naman hindi mo na ako iiwan ulit hindi ba?"- Tumayo na rin si Andrei at muling lumapit sa dalaga "Ha?" "Anong ha? Sabi ko hindi mo naman na ako iiwan ulit di ba? Kasi pag ginawa mo ulit yun hindi na kita kikilaning kaibigan! Hindi na talaga kita hahanapin" "Hmmp... As if hinanap mo talaga ako!" "Oo kaya! Bakit ayaw mong maniwala"- Pinisil pa ng binata ang kuntil ng ilong ni Jane "Aray naman! Ikaw talaga! Ang sakit nun ah!"- Hinampas pa nito ang braso ng kaibigan "Hahaha... Halika nga dito!"- Hinila pa ni Luke si Jane palapit sa kanya at inakbayan at pagkatapos ay mahigpit na niyakap "Lu..Luke!" "I missed you!" "I... I missed you too"- Isinubsob pa ni Jane ang mukha niya sa dibdib ng binata at patagong humikbi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD