CHAPTER 2

2308 Words
"Here," sabay abot ko kay Maddie sa mga notebooks niya na hiniram ko. Kinuha niya naman agad ito. "Punta muna ako sa comfort room," paalam ko sa kaniya at tinanguan naman niya ako dahil busy siya sa cellphone niya. Lumabas na ako at naglakad papunta sa comfort room. One week na din pala since nung nag-transfer ako rito. Enjoy naman kaso may mangilan-ngilan din namang spoiled brats. Pag mag-isa lang ako saka sila sumusugod. Pumasok na ako sa comfort room at wala man lang ni isang estudyante. Pumasok ako sa dulong cubicle. Pag upo ko pa lang ay narinig ko nang bumukas ang pinto. Meaning, may pumasok. "What can you say about her?" Dinig kong tanong ng isa. "About Jillian Fritz?" tanong din ng kasama niya. Agad namang nagpanting ang tainga ko nang marinig ang pangalan ko. "Yeah," sagot naman ng isa. Hindi muna ako lumabas at hinintay na magsalita ang isa pa. "Hmm, obviously, she's a b***h. She's just a transferee but she's acting like she owns this school. She's just a newbie. Masyado siyang matapang. She's getting into my nerves. I want to slap and pull her hair." Napataas ako ng kilay dahil sa narinig sa kaniya. She wants to slap and pull my hair, huh? Then let's see. Tumayo na agad ako at lumabas sa cubicle. Muhkang nagulat naman sila dahil may nakarinig sa kanila, and worst ang nakarinig pa ay ang pinag-uusapan nila. "Jillian..." tawag ng naunang babae na halatang kinakabahan. Hindi ko siya pinansin at tinignan ang babaeng nagsabing gusto raw akong sampalin at sabunutan. "Lexi, I think, we should go now." Ah, Lexi's her name huh? "Why, Bree? Are you afraid of her?" naiiritang tanong ni Lexi kay Bree? Is that her name? Well, I don't care. "N-no," nauutal na sagot no'ng Bree. "Do I know you?" tanong ko kay Lexi. "No," she answered confidently. "Hindi naman pala eh. Pero ba't niyo ako pinag-uusapan? You're just wasting your time," wika ko. "Because you're getting into my nerves!" halos pasigaw niyang sambit. Napaatras naman ako nang kaunti at natawa. Seriously? What's her problem? "Why? May ginawa ba ako sa'yo?" "Masyado kang mayabang. You're just a newbie!" gigil niyang sambit kaya natawa naman ako lalo. "I'm asking you. May nagawa ba ako sa'yo? Kung wala naman, eh anong ikinatitirik ng mata mo riyan?" nang-iinis kong tanong. "You want to slap me? Pull my hair? Then go, feel free," I added as I walk towards her. "B-bakit ka lumalapit?" napapaatras niyang tanong. Oh? What happened? Ba't ka umaatras? "Uh, Jillian, w-we need to go," singit ni Bree. "Wait, I'm still talking to her," sabi ko kay Bree at muling tumingin kay Lexi. "What you were saying again?" I asked her. Nanatili naman siyang tahimik kaya lumapit ulit ako sa kaniya. "Don't go near me," banta niya. "What if I did?" tanong ko at humakbang ng isa. "You'll slap and pull my hair like what you said? Come on, ako na nga ang lumalapit eh," sabi ko at halos isang hakbang na lang ang layo ko sa kaniya. Iniangat niya ang braso niya at akmang sasampalin ako nang hawakan ko 'yon nang mahigpit para pigilan siya. "But of course, I won't let that to happen." I glared at her. "J-jill, excuse us. B-baka kasi ma-late na kami sa first subject namin this afternoon," singit ulit ni Bree. Pabato kong binitawan ang braso niya. "Ouch!" Daing niya. Napahigpit yata pagkakahawak ko. "Marinig ko pang pinag-uusapan niyo ako, mag-aapir talaga 'yang mukha mo at ng palad ko," pagbabanta ko sa kanya. Sinamaan naman ako ng tingin ni Lexi. Umayos naman ako ng pagkakatayo at tinignan din siya sa mata. "L-lexi, tara na," ya sa kanya ng kasama niya. "Tss," sabi niya at kinuha ang bag na nasa gilid ng sink. Tumabi naman ako para makadaan siya. "b***h," dinig kong bulong niya bago isara ang pinto. Pumunta naman ako sa sink para maghugas ng kamay. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Actually, this is not the first time na may nakaaway ako rito. Tuwing mag-isa lang ako, lagi kong naririnig na pinag-uusapan ako because of my attitude. If you hate me, then get a rope and hang yourself. Of course, hindi ako nagpapatalo. They're right, I'm a b***h. The hell I care. "What took you so long?" tanong ni Maddie pagkaupo ko. "Daming tao sa cr eh," sagot ko naman. Hindi na siya nakapagtanong pa dahil pumasok na ang teacher. Nagdiscuss lang naman ang teacher at short quiz. Mabilis na natapos ang tatlo pang subjects. Halos pare-pareho lang din naman ang ginawa namin sa lahat ng subjects, discuss and short quiz lang naman. Pumunta na kami ni Maddie sa locker para magpalit ng gamit. And as usual, nakatingin na naman sila sa akin using their judgemental eyes. I rolled my eyes. "Are you done?" I sked Maddie. "Wait," aniya. Sumandal muna ako sa locker ko at hinintay na matapos si Maddie. May lumapit sa aking babae. Kung titignan, mas bata siya sa akin. Actually, she's cute. "Uhm, H-hi po, ate Jillian," bati niya na parang kinakabahan. "Who are you?" I asked at napatungo naman siya. "I'm Crystal po," pagpapakilala niya habang pinagsisiklop ang mga kamay niya. Halatang nahihiya siya. "And? What do you need?" taas-kilay kong tanong. "Nothing po, I just wanna introduce myself po. You are so pretty po kasi. They say that you're a brat, but I don't believe them. You look nice po eh," sagot niya habang nakayuko pa rin. "Is that so?" tanong ko at tumingin siya sakin. "Hmm, so, Crystal, I'm Jillian Fritz and you can call me ate Jill if you want since I'm older than you," sabi ko sabay lahad ng kamay. Halatang nagulat siya at gano'n din naman ang ibang nakakakita sa amin. Inabot niya naman ang kamay ko at nag-shake hands. "You are so pretty po talaga," puri niya. Nginitian ko naman siya, "Thanks." "Ehem." Napalingon naman kami kay Maddie na kanina pa pala tapos sa pagpalit ng gamit. Binitawan ko na ang kamay ni Crystal. "Nice meeting you, Crystal. We need to go eh. See you on Monday, bye," paalam ko. "Bye din po ate Jill and ate Maddie," nahihiyang paalam niya kay Maddie. Ngiti at tango lang ang sinagot ni Maddie sa kanya. "What's that?" tanong ni Maddie pagkaupo namin sa backseat ng kotse niya. Kay Maddie na kasi ako sumasabay pauwi since sa iisang subdivision lang naman kami at madadaanan ang bahay namin bago makarating sa kanila. "Ang alin na naman ba?" iritang tanong ko. The driver starts maneuvering the car. "That ‘you can call me ate Jill if you want since I'm older than you’ thingy," ginaya niya pa ang tono ko kanina. "Anong meron don?" binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. Napatakip naman siya sa bibig at niyugyog ako. "Where's my bestfriend? Where's the real Jillian Fritz? Ibalik mo ang kaibigan ko!" OA niyang sigaw. Inis na inalis ko ang kamay niya sa mga braso ko. "What the hell are you talking about?" Umayos naman siya sa pagkakaupo. "Nakakapanibago ka naman kasi. I know you're a spoiled brat--- no, scratch that, you're actually a b***h. One week ka pa lang dito, madami ka nang nakaaway. Akala mo ba hindi nakakarating sakin tuwing nakikipagsagutan ka sa schoolmates natin? Eh no'ng first day mo nga, muntik mo pa akong awayin kung 'di mo lang ako nakilala eh. Then that girl? What's her name? Crystal?" tanong niya at tumango naman ako. "You're nice to her," she added. Napakunot naman ako ng noo. Big deal ba 'yon? Or ganon talaga ako kamaldita para manibago siya nang ganyan. Sumandal na lang ako at tumingin sa labas. Hindi naman na nagsalita pa si Maddie at tila hindi pa rin makapaniwala. Yes, I'm a brat. Pero hindi naman sa lahat. Maldita ako kung maldita ka rin sa akin, pero kung nice ka sa akin, nice din naman ako. Pero iba pa rin ang treatment ko sa boys. Whether they're nice to me or not, I won't show them my good side. I hate boys and it all started because of my freaking dad. I hate him. So much. Today is Sunday. After ng mass ay dumiretso ako sa mall para magikot-ikot. Mag-isa lang ako. May lakad daw kasi sina Maddie kasama ang family niya. Si Mommy naman ay maaga raw umalis sabi ng mga kasama namin sa bahay. Wala raw sinabi kung saan siya pupunta. Baka about sa business. Agad din akong nagsisi nang makarating ako sa mall. Family Day yata ngayon, ah? Halos lahat ng nakakasalubong ko ay kasama ang family. Nakaka-bitter tuloy. Pumunta ako sa GameZone at pinanood ang mga taong naglalaro doon. Enjoy na enjoy sila. Nakaramdam tuloy ako ng inggit. Buti pa sila may kasama. Ang iba kasama ang family, ang iba naman friends pero ang pinakamasakit sa mata ay yung mga lovers na naghaharutan. Nang ma-bored ako ay naisipan kong mag-shopping muna. Ilang boutique na rin ang napuntahan nang magdesisyon akong umuwi na. Sa bahay na lang ako kakain dahil nakapagsabi naman na ako sa maid namin na doon ako manananghalian. Habang naglalakad palabas, nagring ang phone ko kaya't inilipat ko lahat ng dala kong paperbag sa kaliwang kamay ko at ginamit ang kanan para hanapin ang nag-iingay kong phone sa loob ng shoulder bag ko. s**t naman! Bakit ba kasi nasa ilalim yung phone ko? Nahihirapan tuloy akong kunin. Nang makapa ko na ang cellphone ay siya namang pagkahulog ng mga dala ko. Muntik ko na ring maihagis ang phone ko dahil may nabangga ako. Ano ba naman 'yan! Bakit ba lagi akong may nababangga? Pinulot ko agad ang mga paperbag. "I'm sorry miss," sabi ng nabangga ko at tumulong sa pagpulot. "Tss. I don't need your help," sabi ko at inagaw ang mga paperbag na hawak niya at tumayo na. Tumayo na rin siya at parang naiinis na tumingin sa akin. "Look, Miss, I'm just helping you and I already said ‘sorry’ though it's not my fault," kunot-noong aniya. "So you mean that it's my fault?" inis na tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako ng diretso sa mata bago sumagot. "Yes. If you're looking on your way, we wouldn't bumped." Natawa naman ako sa kanya. "Nakita mo naman pala na 'di ako nakatingin, bakit di ka umiwas?" Hindi siya sumagot at tinignan lang ako. "Hey, Mister. Wala kang masabi?" nang-iinis kong tanong. "Tss," aniya at nilagpasan ako. Sinundan ko siya ng tingin at dire-diretso lang siyang naglakad. "Jerk," bulong ko. Muli na namang nag-ring ang phone ko kaya sinagot ko agad. "Maddie?" [Where are you?] She asked. [Mall. Why?] Tipid na sagot ko nag-umpisa na ulit maglakad. [Pauwi ka na ba?] She asked again. "Yeah. Nagshopping ako eh." [Ay gano'n ba? Yayayain sana kitang maglunch ngayon kasama pinsan ko.] "Where are you ba?" I asked. [Nasa Mall na.] "I thought may lakad kayo?" [Hindi natuloy eh kaya sinundo ko yung pinsan ko sa airport tapos nag-aya na kumain muna dito.] She explained. "I'm sorry, Maddie. Gusto ko rin sanang ma-meet yung pinsan mo, pero sa bahay kasi ako kakain eh. Nasabihan ko na kasi yung maid namin," sabi ko at palabas na ng mall. Tumingin ako sa kaliwa't kanan para maghintay ng taxi. [It's okay. I understand. And I'm sure na makikita mo naman siya bukas.] Pinara ko ang padaan na taxi. "Sige na, Maddie. Pasakay na ako." Huminto ang taxi kaya pumasok na ako. [Okay, bye. Take care.] Hindi na ako sumagot at pinatay na ang tawag. "Jillian?" Katok ni Mommy sa pinto ng kwarto ko. "Yes, Mom?" Tanong ko habang sinusuklay ang buhok. "Nasa labas na sina Maddie, hinihintay ka na kaya bilisan mo na riyan," sabi niya at narinig ko ang hakbang niya palayo. Sabay na rin kami ni Maddie pumasok. Dinadaanan niya ako rito sa bahay at sabay ding uuwi. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas. Nakapag-breakfast naman na ako kanina kaya dumiretso na ako sa labas. I noticed something. Iba ang kotse na nakapark sa labas ng gate namin. New car ni Maddie? Lumapit ako roon at sakto namang binaba ni Maddi ang window at sumilip. Nasa passenger's seat siya ngayon. Pero no'ng kotse pa niya yung gamit namin ay pareho kaming nasa backseat. "Good morning, Jill," nakangiting bati ni Maddie. "Morning," tipid na sagot ko. "Jill, diyan ka sa likod ah?" sabi niya kaya tumango naman ako. Pumasok na ako at napansing hindi ang driver nila ang nagdadrive. Bagong driver? Fired na ba ang dati niyang driver? Pero hindi. Nakapanlalaking uniform ng school namin, e? "Ah, Jill, siya nga pala yung pinsan na sinasabi ko sa'yo kahapon," ani Maddie kaya napatingin ako sa kanya. "Tsaka sa kanya rin 'tong sasakyan," dagdag niya pa. Tinignan ko naman ang pinsan niya. Nakatingin na rin ito sa akin. What the hell? Siya yung pinsan ni Maddie? Cousin niya yung nasa mall kahapon? Yung nabunggo ko? Yung jerk? Yung bastos ang ugali? Pinsan niya? Seriously? The hell! "Ikaw?" tanong ko nang wala sa sarili. "You know him? Nagkita na ba kayo?" tanong ni Maddie. "Not yet." Yung cousin niya yung sumagot. Not yet? So he couldn't remember me, huh? That's better. Sinungitan ko pa naman siya kahapon. "So, uhm Jillian, he's my cousin, Klyzer. And Klyzer, she's Jillian, my bestfriend," pagpapakilala ni Maddie. Tinignan ko naman ang pinsan niya. Walang emosyong nakatingin lang din ito sakin. "Nice to meet you, Jillian," casual na aniya. Tumango naman ako. "Nice meeting you, too," I answered. Humarap na siya sa manibela at pinaandar na. Tahimik lang kami sa umpisa nang magsalita ulit si Maddie. "Jillian, classmate din natin si Klyzer. Remember when you asked kung may nakaupo ro'n sa tabi ko? Siya 'yon." "Ahh." 'yan lang ang nasabi ko sabay tango. I don't know why but I feel the awkwardness. Or it's just me who's awkward? Wala namang nakakailang, diba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD