"Girlfriend mo na ba ang anak ko?"
Muntik ko nang maibuga ang kinakain ko at buti na lang napigilan ko. Grabe naman kasing tanong 'yon, talagang mabibilaukan ka.
Nilunok ko muna ang kinakain ko at saka uminom bago lumingon kay Klyzer. Mukhang natigilan din ito at 'di alam ang sasabihin. He looked at me and gave me a what-am-I-going-to-say?-look. Umiling ako para sabihing 'wag sabihin kay Mommy ang totoo. Tumingin din siya kay Mommy na naghihintay ng sagot.
"Uhm, t-tita..."
Umayos ng upo si Mommy.
"'Di bale na lang, don't answer my question but let me know you this one, I like you for my daughter."
My jaw dropped. What did she just say?
Natawa si Mommy sa reaction namin at tumayo na siya.
"I'm done eating. Bilisan mo na rin diyan, Jillian, para makaalis na kayo. Nakakahiya naman dito kay Klyzer kung paghihintayin mo pa siya."
With that, she left us in dining room with our jaw still dropped.
Nang makabawi ay pinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Mom's right, nakakahiya nga kay Klyzer pag pinaghintay ko pa siya. Nang matapos ako ay tumayo na ako at tinignan siya. Nang makita niya akong nakatayo na ay tumayo na rin siya.
"Let's go," aya ko sa kaniya.
Tumango siya at bahagyang nakanguso na para bang nagpipigil ng ngiti at maya-maya pa ay lumabas na ang pinipigilan niyang ngiti.
Hanggang sa maglakad kami sa hallway papuntang classroom, hindi pa rin naaalis ang ngiti niya. Huminto ako sa paglalakad at tinignan siya. Huminto rin naman siya at tinignan ako.
"Why are you smiling?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Hmm? Am I smiling?" inosenteng tanong niya na nagingiti pa rin.
I nodded, "Oo, kanina pa. Pag-alis pa lang natin sa bahay, nakangiti ka na."
"Huh? Hindi naman ah?" tanggi niya pero ang laki pa rin ng pagkakangiti.
I rolled my eyes. Tatanggi pa eh halos mapunit na nga ang mukha niya.
"Okay, fine. As you say so," umirap muna ako bago naunang naglakad.
Hindi pa ako nakakarating sa pinto, may humawak na sa kamay ko.
"Wait up!"
Nilingon ko siya at bumungad na naman sa akin ang gwapo niyang mukha. Err! Ang ganda ng brown eyes niya!
Bumaba ang tingin ko sa kamay namin nang ipagsiklop niya 'yon. Pinisil niya rin ang kamay ko.
"Let me hold your hand."
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya na agad niya namang sinalubong. Matiim siyang nakatitig sa akin na agad napalitan ng pagkatamis-tamis na ngiti. Unconsciously, napangiti rin ako.
"Let's go," aniya at hinila na ako.
And as usual, lahat ng nadadaanan namin ay nakatingin na naman sa amin. Sa magkahawak naming mga kamay, to be specific. Yung iba ay may paghanga sa mga mata nila, at ang iba naman ay umiirap. Tss. Kung hindi lang kami male-late, nilapitan ko na lahat ng nagtataas ng kilay sa amin--sa akin lang pala. Hmp, parang gusto kong manampal ngayon ah.
Hindi pa rin yata nila matanggap na may girlfriend na ang ultimate crush nila, at sa isang transferee pa. July nang lumipat ako dito at September na ngayon. Almost two months pa lang ako dito pero boyfriend ko na agad si Klyzer. 'Yon yata ang kinaiinisan nila, kasi sa tagal nila dito, ni hindi man lang sila napansin ng lalaking kahawak kamay ko ngayon.
Napatigil ako sa pag-iisip nang tumama ang mukha ko sa balikat ni Klyzer. Huminto pala siya. Ang tangkad niya kasi kaya hanggang balikat lang ako. I glared at him.
"Why did you stop?!"
Natawa siya sa tanong ko at agad naman akong namula nang marealize ko na ang sagwa pala ng pagkakatanong ko. Parang may ibang meaning.
Pinaypayan ko ang mukha ko gamit ang aking palad at umayos ng tayo.
"Uh, I m-mean, b-bakit ka huminto... sa paglalakad?" sabay irap ko sa kaniya kahit na alam kong namumula pa rin ako.
"Eh kasi kanina ka pa nakasimagot," natatawang aniya.
Tinaasan ko siya ng kilay. Eh sa naiinis ako sa mga taong nakatingin sa akin na may pagkadisgusto sa mga mata nila.
Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at pilit na pinangiti.
"Ayan, dapat naka-smile ka."
Tinampal ko ang kamay niya dahil nasisiguro kong para akong ewan dahil sa pinaggagawa niya.
"'Wag mo nga 'kong pinaglololoko!" inirapan ko ulit siya saka naglakad. Pero isang hakbang pa lang ang nagagawa ko, he caught my hand and he intertwined our fingers. Parang may kuryente na naman akong naramdaman dahil do'n.
Hindi na ako umangal at hinayaang hawakan na lang ako hanggang makapasok kami sa classroom. Medyo marami na rin sila sa loob. Agad kaming nakita ni Maddie at tumingin sa kamay naming magkahawak.
"Good morning, lovebirds!" hiyaw niya.
Halos malaglag ang panga ko sa ginawa niya! Ipagsigawan ba naman? Nagtinginan tuloy ang mga classmates namin sa amin. Nakita ko namang ngumiti nang malapad si Klyzer. Napailing na lang ako at dumiretso na kami sa seats namin pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang nakamamatay na tingin nina Faye, Angela at Danniella. Tss! Sige, mainis lang kayo. Pakialam ko naman?
Pag-upo namin ay siya namang pagpasok ni Ma'am Lopez kaya hindi na kami nausisa ni Maddie.
Discuss and discuss until lunch break came.
As usual, nagpalit kami ng gamit sa locker at pumunta na sa cafeteria.
Katulad ng kahapon at ng paalam ni Klyzer kay Mommy kanina, late nga ang uwi namin ngayon. Katatapos lang ng practice nila at sabay-sabay kaming naglalakad palabas ng gym. Kaming apat ang nauunang naglalakad at ang maiingay niyang teammates ang nasa likod. Nag-aasaran na naman.
"Hoy Alfred, may bago akong chic," ani Rico.
"What's her name?"
"Alissa, I met her online."
"Hep hep, usapang babae ba yan?" singit ni Gino.
"Pasali naman!" si Hanz.
"What's her full name? So I can follow her too," si Jonnel na agad naglabas ng phone.
"Bakit ko sasabihin? Hanap kayo ng inyo!"
"Hoy! 'Wag kang madamot, Rico!"
"Bakit Hanz? Kailan ka pa nagka-interest sa babae? If I know, you are interested with boys only!"
"'Wag mo 'kong ginagaya sa iyo, Gino!" bwelta ni Hanz.
"Mag-uumpisa na naman mga kabaklaan niyo!" singhal ni Alfred.
"Si Hanz lang naman ang bakla dito kaya 'wag mo akong isali," reklamo ni Gino.
"Tss."
Mabuti na lang at nasa parking lot na kami kaya mahihiwalay na kami sa mga maiingay na 'to.
Ang sasakit sa tenga. Tama nga si Klyzer, lahat sila considered as gay because of their talkativeness.
"Coach, una na kami," paalam ni Aljur.
Tumango lang ang coach nila.
"Aljur, make sure na sa bahay nila mo siya dadalhin ah?" sabay ngisi ni Gino.
"No need to remind me, dude. I know what I'm doing, unlike you," ngumisi rin siya at binuksan ang pinto sa shotgun seat, pumasok naman agad si Maddie.
"Saan mo ba dinadala ang mga babae mo, Gino? Sa motel?" singit naman ni Rico.
"Anong saan dinadala ang mga babae niya? Baka lalaki ang dinadala," si Hanz naman na mukhang bumabawi kay Gino.
"f**k you, Hanz!" he raised his middle finger.
Nagtawan sila dahil pikon 'tong Gino na 'to.
Bumusina si Aljur na nasa loob na pala ng sasakyan niya. Kumaway sa kanila ang iba kaya umalis na siya.
"We're going, too, Coach," paalam din ni Klyzer kaya naglingunan sila sa amin.
"Okay, Aster," sabay tango sa kaniya.
"Ikaw, Captain?" tanong ni Gino.
Tinaasan niya ng kilay si Gino.
"What?" malamig niyang tanong.
"Nothing, Captain! Sabi ko lang na uhm, ingat kayo!" ngumiti siya nang hilaw.
"Tss."
"Ano, Gino? Nababakla ka ba kay Captain?" si Hanz.
"Hindi 'yan nababakla, 'di lang talaga siya makapalag kay Captain," nakangising sabi ni Jonnel.
Hindi na sila pinansin ni Klyzer at hinila niya na ako papuntang kotse niya. Pinagbuksan niya ulit ako. Gentleman talaga. Pumasok na rin siya at katulad ng ginawa ni Aljur kanina, bumusina muna siya bago pinaandar ang sasakyan.
Nakahinga ako nang maluwag nang makaalis kami ro'n. Ang iingay kasi. I didn't expect na maiingay sila kasi usually ang mga basketball player ay cool, cold, tahimik hindi katulad nila na maya't-maya ang asaran.
"What are you thinking?"
Lumingon ako sa kaniya. Cool lang habang nagdadrive. Isang kamay lang ang gamit siya sa pagdadrive at ang isa naman ay nakapatong sa window niya.
"Your teammates," wala sa sariling sagot ko.
Agad nagsalubong ang kilay niya at dumilim ang expression.
"Why are you thinking of them? Do you have a crush on one of them?" seryosong tanong niya.
Nagtaas ako ng kilay. Huh? Ano bang sinasabi niya? Okay lang ba siya? Bakit naman niya naisip 'yon? Wait, nagseselos ba siya?
"Why aren't you answering me?" seryoso pa rin siya.
I chuckled so he glanced at me.
"What the hell are you thinking? Crush? On one of them? Haha, you are unbelievable."
Kung kanina seryoso siya, ngayon naman ay naka-pout na siya. Aww. Ang cute niya. Papisil nga, hmp!
"What's funny? You said you were thinking of them!"
"Tss, iniisip ko lang kung bakit sila maiingay, daig pa ang mga babae eh," I rolled my eyes.
Umaliwalas naman ang mukha niya.
"So, you don't have a crush on them?" paniniguro niya.
"Wala nga, tsaka, diba ikaw ang boyfriend ko?"
Napaawang ang bibig niya dahil sa sinabi ko, pati rin naman ako ay natigilan nang marealize ko ang sinabi ko.
Uh-oh.
Tumikhim ako at sumandal na lang saka tumingin sa labas.
Awkward.
Hanggang maihinto niya ang kotse sa harap ng gate namin, hindi na kami nag-imikan. Tahimik siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto, tahimik lang din ako nang bumaba ako.
"So, uhm-- have a good weekend," he broke the silence.
"Ah, yeah. Ikaw rin."
Tumango lang siya at hindi rin alam ang sasabihin.
"So, pasok na ako?" paalam ko sa kaniya.
He just nodded.
Hahakbang na sana ako nang hawakan niya ako sa kamay kaya napatingin ako sa kaniya.
"Good night, girlfriend."