"Sa abs ko."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya at alam ko rin na kasing pula na ng kamatis ang pisngi ko. Alam ko naman na nahuli niya ako kanina eh pero bakit kailangan pang sabihin! Hindi ba siya aware na nakakahiya 'yon kapag tinanong pa ako? Hays, bakit ba naman kasi nakahubad sila kanina? Tsaka, accident lang naman 'yon! 'Di ko naman sinasadyang mapatingin do'n, kasalanan ko bang naghubad silang lahat ng jersey kanina?
"W-what? A-anong nakatingin sa a-abs, huh?!" kunyaring galit na tanong ko.
He chuckled and pinched my cheeks.
"You're blushing. Don't deny it, I saw it with my two eyes."
Tinanggal ko ang kamay niya na nasa pisngi ko.
"Don't touch me nga!"
Nauna na akong naglakad sa kaniya pero rinig ko pa rin ang tawa niya. Mas binilisan ko pa ang paghakbang para lang di niya ako maabutan.
Nagulat na lang ako nang may humawak sa palapulsuhan ko. Huminto ako at hindi ko na kailangang lingunin pa siya, dahil bukod sa mahahaba ang biyas niya, familiar na rin ang kamay na humawak sa akin.
"Hey, wait up," malambing niyang sabi at iniharap ako sa kaniya, nando'n pa rin ang ngisi niya.
"What?! Aasarin mo na naman ako na tinitignan ko ang abs mo? Eh wala ka nga no'n! Ang taba mo kaya!" sigaw ko sa kaniya pero agad din akong nagsisi kung bakit ko pa 'yon sinabi. Mas lalong lumawak ang ngiti niya.
"So tinignan mo nga? Kasi kung di mo tinignan, di mo malalaman kung may abs ba o wala," mahina lang ang pagkakasabi niya pero para sakin, parang dinig nina Maddie na nauna na sa parking lot at sa mga teammates nila pati kay coach na naiwan sa gym.
Alam kong sobrang pula ko na kaya binawi ko ang kamay ko at nauna nang naglakad at nadinig ko na naman ang tawa niya na mas lalong nakapagpapula sa akin. Lakad-takbo na ang ginawa ko para lang hindi niya ako maabutan. Pinapaypayan ko pa ang mukha ko gamit ang palad dahil ramdam na ramdam ko ang init. Woah. Kung anu-ano kasing pinagsasabi ng lalaking iyon!
Natanaw ko na sina Maddie sa parking lot kaya tinakbo ko na ang distansya namin. Mukhang nag-uusap ang dalawa at natigil lang dahil sa pagdating ko. Sabay silang lumingon sa akin at halatang nagtataka. Nagtaas ng kilay si Maddie.
"Oh? Anong nangyari sa'yo? Para kang hinahabol?"
Hindi ako sumagot dahil habol ko pa ang paghinga ko. Medyo hiningal ako don ah.
"Where's Klyzer?" si Aljur.
Tinuro ko ang likuran at tumingin din naman sila doon at saka tumango. Napahawak ako sa dibdib ko at hinabol ang paghinga.
"Bakit ka namumula?" natatawang tanong ni Maddie.
Humawak ako sa pisngi ko at ramdam kong mainit pa rin 'yon.
"Hindi ah!" tanggi ko.
"Weh? Eh tignan mo nga yang pisngi, mamula-mula pa."
Medyo umayos na rin ang paghinga ko.
"Hindi nga sabi!"
"Asus! Sobrang namumula ka, Jillian! 'Wag ako!" sabay hagalpak niya.
"Namumula ka pa rin, Jill?"
Natigilan ako nang marinig ko ang boses niya. Halata ang ngisi sa boses niya.
"Oo, Klyzer. Pag dating niya rito, namumula na siya. Tsaka bakit ba siya tumatakbo?" pange-echos ng magaling kong kaibigan sa pinsan niya.
Humarap ako sa kanilang dalawa at nagtaas ng kilay kahit medyo kinakabahan.
"Kasi kanina sa gym, nak--"
"Shut up, Klyzer," pagputol ko sa iba pa niyang sasabihin kaya tinawanan niya ako.
Nagtaas din ng kilay si Maddie at nag-crossed arms.
"What is it, cousin?"
"Wala lang 'yon, Maddie," ako ang sumagot dahil paniguradong mang-aasar na naman siya pag nalaman niyang nakita ako ng pinsan niya na nakatingin sa abs niya.
"Ano 'yon, Klyzer?" ulit ni Maddie at binalewala ang sinabi ko. Nakataas ang kilay niya sa pinsan niya.
Natatawang tumingin si Klyzer sa akin bago muling tinignan ang pinsan niya. Sinamaan ko siya ng tingin kahit hindi siya sa'kin nakatingin. Subukan mo lang sabihin, lagot ka sakin.
"Diba nga kanina sa gym, after ng practice, no'ng papunta na ako sa inyo," pambibitin niya at tumingin sa akin na may naglalarong ngisi sa labi niya. "Nakita ko kasi siya--hmp!"
Di niya natuloy ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko at tinaasan siya ng kilay. Kahit nakatakip ang kamay ko, halata pa ring natatawa siya sa ginawa ko. Nag-tip toe ako para maabot siya dahil masyado siyang matangkad.
"Chancing ka, Jillian!" natatawang sabi ni Aljur kaya binitawan ko na ang lalaking 'to.
"Ano nga kasi 'yon, Jill?" natatawa na rin si Maddie.
"Wala nga!" singhal ko sa kanila kaya natawa sila.
Hinawakan ko si Klyzer at hinila papunta sa kotse niya. Wala naman na siyang nagawa at pumasok na rin sa loob nang nauna akong pumasok. Natatawa pa siya habang iniistart ang engine ng sasakyan niya. Bumusina muna siya bago pinaandar dahil 'di man lang siya nakapagpaalam kina Maddie dahil sa panghihila ko.
Hindi na ako nagsalita sa biyahe at hindi rin naalis ang ngisi niya. Unti-unti rin namang nawala ang pamumula ko.
Nakatingin lang ulit ako sa labas ng bintana. Ang mga ilaw galing sa poste, bahay, sasakyan at store lang ang nagbibigay liwanag sa gabi.
Nagbeep ang cellphone ko kaya tinignan ko iyon. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na sumulyap din si Klyzer sa phone ko. Text from my Maddie.
Maddie:
Ano yung kanina ah?
Nagtype ako ng message,
To Maddie:
Wala lang naman 'yon. 'Wag kang chismosa.
From Maddie:
Anong chismosa ro'n? Friendship over na tayo, 'kala mo riyan.
Natawa ako sa reply niya dahil OA niya masyado. FO agad?
"Sinong ka-text mo?"
Nilingon ko si Klyzer na seryosong nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Problema niya? Eh kanina, halos mapunit ang mukha niya kaka-ngisi.
"Wala," simpleng sagot ko at nagtype ulit ng message para sa kaibigan kong OA.
To Maddie:
Lol. Corny mo.
"'Wag ka ngang makipagtext kung kani-kanino habang magkasama tayo!"
From Maddie:
May ginawa kayo kanina 'no?
Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nakangisi siya.
To Maddie:
Huh? Wala naman, nang-aasar lang talaga ang pinsan mo kanina.
Pinipitik-pitik ko ang daliri ko habang naghihintay sa reply niya.
"Tss."
Nagulat ako nang hablutin ng katabi ko ang cellphone sa kamay ko. Naiiritang tumingin ako sa kaniya.
"What the hell? Bakit mo ginawa 'yon? Akin na nga 'yang cellphone ko!" sigaw ko sa kaniya.
Hindi niya ako pinansin at patuloy lang sa pagdadrive habang hawak ang phone ko.
"Ano bang problema mo? Akin na sabi 'yan eh!"
"I told you, wag kang makipagtext kapag magkasama tayo."
"Eh ano namang pake mo, huh?!" ginulo ko ang buhok ko at nanatili naman siyang seryoso.
"Klyzer," tawag ko sa kaniya, pilit na kinakalma ang sarili kahit naiirita na ako, pero hindi niya ako pinansin.
"Ibalik mo ang phone ko," mariing utos ko pero parang wala na namang siyang narinig.
Parang wala talaga siyang balak ibalik ang cellphone ko. Inis na sumandal na lang ako at nag-crossed arms. Tumingin sa labas ng bintana para hindi siya mahagip ng mata ko.
Maya-maya pa'y huminto na sa harap namin ang sasakyan. Hindi ko na siya hinintay pang pagbuksan ako dahil agad na akong bumaba. Sumunod din naman siya at inabot sa'kin ang phone ko.
"Here."
Kinuha ko agad ang phone at akmang tatalikuran nang hawakan niya ako sa braso para pigilan.
"Wait," pigil niya.
Tinaasan ko siya ng kilay kahit nararamdaman kong bumibilis na naman ang heartbeat ko dahil sa paghawak niya.
"A-are you mad?" mahinahong tanong niya.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko dahil nagsisimula na naman ako maghuramentado.
"I'm mad? Of course, not! Bakit naman ako magagalit? Eh kinuha mo lang naman ang phone ko habang may ka-text. So, tell me, anong rason para magalit ako?" sarcastic kong tanong.
Napayuko siya, "I'm sorry, I-- just don't want you texting others when we're together."
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko.
"You didn't even asked who I was texting."
"That's why I'm saying sorry," sabay tingin niya ng diretso sa mata ko.
Natigilan pa ako nang magtama ang mga mata namin. Ito ulit ang pakiramdam tuwing tinitignan niya ako sa mata, ang bilis bilis na naman ng t***k ng puso ko. Gusto kong mag-iwas ng tingin pero naaakit ako ng kulay brown niyang mata na titigan din siya.
"S-sino bang ka-text mo?"
Napakurap ako nang magtanong siya.
"Pinsan mo."
Nakita ko siyang ngumiti pero agad niya ring tinago.
"Okay, I'm sorry. Next time, magtatanong na ako. Sige na, pasok ka na."
Hindi ko na siya sinagot at tinalikuran na. Dumiretso na ako kwarto ko para makapagpalit at para makakain na rin. Saglit lang ako sa hapag at bumalik na sa kwarto ko. Naligo at nagbihis saka nahiga sa kama.
Napatitig muna ako sa kisame at hinihintay na dalawin ng antok. Napabalikwas ako nang makita ko ang abs ni Klyzer sa kisame. Napailing-iling ako sinampal sampal ang sarili.
Gosh! Bakit ko nakikita ang abs niya?
Umiling ulit ako. Erase. Erase.
"Jillian! Wake up!"
Narinig ko ang boses ni Mommy mula sa labas ng kwarto ko. Dumating na siya? Sabagay, sabi niya, Friday siya uuwi. Hanggang ngayon talaga, nagdududa pa rin ako sa pinagkakaabalahan niya.
Bumangon na ako at ginawa ang morning routines ko.
Mabilis lang din naman ang kilos ko kaya bumaba na ako sa dining. Naabutan ko doon si Mommy at nagsisimula nang kumain. Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi.
"Good morning, Mom."
Nagpunas siya ng tissue sa bibig at humalik din sa pisngi ko.
"Good morning, anak."
Umupo na ako at naglagay ng fried rice, bacon at egg sa plate ko.
Nagsimula na akong kumain pero iniisip ko pa rin ang pinagkakaabalahan niya. Bakit hindi niya masabi sa akin?
"Uh, Mom?"
"Hmm?"
Tinignan ko siya pero sa plato lang siya nakatingin.
"Uh, I noticed po kasi na madalas kang wala rito sa bahay? Mind telling me po kung bakit?"
Saglit siyang natigilan pero agad din namang nakabawi.
"Wala naman, business matter, anak," sagot niya.
I nodded but I'm not convinced. She couldn't look directly in my eyes. I know she's lying. She's not good in lying so it's easy for me to figure out if she's telling the truth or not. And right now, I know her reason was not true.
I continue eating when yaya Sabel entered the dining room.
"Excuse me, Ma'am. Nasa labas na po si Sir Klyzer."
Nagkatinginan kami ni Mommy, at kung kanina hindi siya makatingin sa'kin, ngayon ay nakangisi naman siya. Yung ngising nanunukso.
"Papasukin mo," Mom commanded.
Tumango si Yaya Sabel at umalis.
"Is he courting you?" pange-echos niya.
Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam kung sasabihin ko bang boyfriend ko na siya. At paano ko naman sa kaniya na ieexplain na boyfriend ko na siya nang hindi man lang siya nanligaw? Na nagulat na lang din ako na boyfriend ko na pala siya?
"Good morning po."
Hindi ko na nasagot si Mommy nang marinig kong may bumati sa kaniya.
"Oh, hijo. Good morning. Have a seat. Kumain ka na ba? Saluhan mo kami," pag-imbita ni Mommy sa kaniya.
Umupo siya sa tabi ko pero 'di ko pa rin siya nililingon.
"Uh, hindi na po. I'm done. Susunduin ko lang po si Jill."
Ramdam kong nakatingin na siya sa akin kaya tinignan ko rin siya. Nginitian niya ako and s**t! That's just only a freaking smile but why the hell my heart beats so fast?!
"Hi, good morning," bati niya, tinanguan ko lang siya at nagpatuloy lang sa pagkain habang sila ay nag-uusap.
Nagtatawanan din sila.
"Nga pala, tita. Is it okay po ba if Jill will go home late later?" paalam niya.
Kumunot naman ang noo ni Mommy.
"Why?"
"Uh, we have a practice on basketball po kasi. Five to seven pm po. And, since sa akin po sumasabay si Jill, hihintayin niya po ako."
Ngumisi ulit si Mommy, "Yeah. But make sure of her safety, okay?"
"Of course, tita. I'll make sure of that," sabay tingin sa akin.
"Klyzer, can I ask?"
Nagulat ako nang biglang sumeryoso si Mommy.
"What is it po, tita?" confident niyang tanong. 'Di man lang ba siya kinakabahan sa itatanong ni Mommy?
"Girlfriend mo na ba ang anak ko?"