CHAPTER 15

2267 Words
"Oh? Nandito na pala sina Coach eh!" Sabay-sabay kaming lumingon sa likod nang magsalita si Rico. Naglalakad palapit sa'min ang dalawang lalaki na may hawak na tig-tatlong bola. Nasa 30's na yung isa at yung isa ay estudyante at naka-jersey din. Nakita ko na siya kagabi, teammate din nina Klyzer. "Coach!" sabay lapit ni Hanz sa kaniya. "Oh, ayan ka na naman, Hanz. Pati kay coach pinapakita mo ang kabaklaan mo," sabi ni Gino kaya tinignan siya ng masama ni Hanz. "Ulol! Baka ikaw kasi nagseselos ka kasi nakalapit ako kay Coach!" bwelta niya. "Ulol ka rin! 'Wag mo 'kong ginagaya sa'yo." "Tama na nga 'yan. Baka kayo pa ang magkatuluyan." Nagtawanan sila, pati kami ni Maddie ay napatawa rin dahil sa sinabi ng coach nila. "Coach naman! Madaming naghahabol sa'king magagandang babae tapos 'yang si Hanz lang makakatuluyan ko?" reklamo ni Gino. "Kung makapagsalita ka naman, parang ikaw pa ang lugi ah?" bwelta ulit ni Hanz. Nagtawanan ulit sila. "Tama na nga 'yan," saway sa kanila ng coach nila at napatingin sa amin ni Maddie. "And who are these girls?" tanong niya. "Si Jillian po, Coach, girlfriend ni Captain," pakilala ni Rico. Napataas naman ang kilay ng Coach nila. "Girlfriend? Kailan pa nagka-girlfriend si Klyzer? Akala ko ba walang oras sa babae ang Captain niyo?" Napayuko naman ako, feeling ko namumula ako. "Alam mo naman si Captain, masiyadong malihim. 'Di man lang nagsabi, nalaman na lang namin kagabi na may girlfriend na pala. Sumisikreto ang captain natin," tawa ni Alfred. "Ganon ba? At itong kasama niya?" turo niya kay Maddie. "Si Maddie po, Coach. Pinsan ni Captain," sagot ni Rico. "At nililigawan ni Aljur," dagdag ni Alfred. Tinignan ko si Maddie at nakita kong namula siya. "Aba, inspired pala ang players ko," natatawang sabi ng coach nila. "Sure win 'to kung gano'n." "Pumapag-ibig nga Coach eh," sabi ulit ni Rico. "Bakit, Rico? Gusto mo ring pumag-ibig? Free 'tong si Hanz, bagay kayo," sabat na naman ni Gino. "Kanina ka pa, Gino. Iisipin ko talagang gusto mo ako," sabi naman ni Hanz at nginisihan si Gino na nanlalaki ang mata. "Mahiya ka sa pinagsasabi mo, uy!" "Tama na nga 'yan," saway ulit ng coach at tumingin ulit sa'min. Binaba niya ang mga hawak na bola. "So, Miss Maddie at Miss Jillian, I'm their coach, Coach Fred Salazar. Nice to meet you two," sabay lahad niya ng kamay. "Hi po," sabi ni Maddie at nakipag-shake hands. "Hello," sabi ko at nakipag-shake hands din. "Ako Coach? Di mo ako ipapakilala? Mukhang kilala na nilang dalawa ang lahat, ako na lang ang hindi," sabi ng kasabay niya kanina na hawak pa rin ang bola. "Ay? Nandiyan ka pala, Jonel?" tanong ni Gino na natatawa. "Kanina pa at hindi niyo naman ako pinapansin," supladong sabi niya. "Hanz, suyuin mo si Jonel, mukhang nagtatampo oh," si Gino ulit. Masiyado namang masayahin 'tong si Gino at kanina pa tawa nang tawa. "Ikaw na, alam naman naming may gusto ka kay Jonel." "Manahimik nga kayong dalawa, bugbugin ko kayo," sabi ni Jonel at binaba ang hawak na bola. Tinawanan naman siya nina Hanz at Gino. Tumingin siya sa'min ni Maddie at ngumiti. "Hi, I'm Jonel." "I'm Maddie." "Jillian." "Oh 'yan. Nakapagpakilala ka na, masaya ka na?" echos ni Gino. "Tss," singhal ni Jonel sa kaniya. "Where's Klyzer and Aljur?" tanong ni Coach Salazar. "Nagbibihis po, Coach," sagot ni Rico. "Ang tagal nga nila coach eh. Kanina pa sila don," singit ni Alfred. "Baka may iba nang ginagawa," sabi naman ni Gino na nakangisi. "I can hear you." Nanlaki naman ang mga mata ni Gino at lumingon sa likod niya. "May sinasabi ka ba, Gino?" nakangising tanong ni Aljur. Napakamot naman sa ulo si Gino. "Ah--eh, wala ah," umakbay pa siya kay Hanz. "Diba wala naman akong sinasabi?" tanong niya. "'Wag ka ngang umakbay sa'kin! Kadiri ang balat mo!" sabay alis niya sa pagkakaakbay ni Gino. "Kapal naman ng mukha mo, mas malinis pa naman yata ang balat ko kesa sa'yo!" singal ni Gino. "Mag-uumpisa na naman mga kabaklaan niyo," singit ni Aljur. "Di ka pa nasanay sa dalawang 'yan," sabi rin ni Jonel. Magsasalita pa sana si Gino pero naunahan siya ng coach nila. "Hep, hep. Let's start our practice bago pa kayo magbugbugan," natatawang sabi ng coach. Agad namang nagsipuntahan sa gitna ang lahat maliban kina Aljur at Klyzer. Nagpaalam muna si Aljur kay Maddie pero ang bestfriend ko, sinungitan lang siya, bakit pa raw kailangang magpaalam eh magpapractice lang naman daw sila kaya ayon, pumunta na siya sa gitna ng court. "Jill, start na ng practice namin. Dito muna kayo. Para hindi kayo ma-bored, gawin niyo na lang ang assignments natin, we have a lot of assignments so it's better to do it here." Huh? Pagagawin niya kami ng assignments dito sa gym habang nagpapractice sila? "Para hindi masayang oras niyo," sabi niya pa. "Hoy Captain! Mamaya na 'yang lambingan niyo! Practice muna!" Naramdaman kong namula ako sa sinabi ni Gino. "Practice muna kami ah?" paalam niya at tinap ako sa ulo. Tumango kaya pumunta na rin siya sa court. Pag-alis niya ay inayos ko ang buhok kong nagulo. Tinabihan ko si Maddie na nakaupo na. Tinitignan namin silang nagtetraining. "Jog! Five rounds!" sigaw ni Coach at agad naman silang nag-jog paikot sa court. Tinignan ko si Maddie at sinabihang gawin muna ang assignments para hindi sayang sa oras. Sumang-ayon naman siya dahil masiyadong marami ang assignments dahil lahat ng afternoon subjects namin ay may binigay. Kahit na maingay ang mga players, nakapag-concentrate naman kaming dalawa at maya-maya pa ay natapos din naman agad. "Jill," nilingon ko si Maddie nang tawagin niya ako. "Hmm?" "Ano bang nangyari kahapon? I mean, 'yung buong nangyari? Ang sinabi lang kasi sa'kin ni Aljur, naabutan ka na lang nila sa waiting shed at umiiyak kasama 'yung matandang iyon," bakas ang pag-aalala sa boses niya. Huminga muna ako nang malalim bago nagsimulang magkwento sa kaniya. "Lumabas ako mag-isa, I mean not literally, kasabay ko ang ibang students kaso ang iba hanggang parking lot kasi may sarili silang sasakyan, yung iba naman ay kasabay ko palabas pero nakasakay lang din sila agad dahil may mga sundo sila at ako na lang ang mag-isang naiwan sa waiting shed. I told Aljur and Klyzer na magco-commute na lang ako pero pagdating ko sa waiting shed, I realized that I don't know how to commute. Tapos lumapit sa'kin 'yung matanda, naawa pa nga ako sa itsura niya eh. Akala ko manlilimos lang kaya binigyan ko siya ng pera pero nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko, papuntang braso tapos p-pinisil-pisil niya," napayuko at hinawakan ang kamay ko habang inaalala ang nangyari kahapon. Naramdaman ko namang hinahagod ang likod ko. "Then he kissed my neck." Halos kilabutan pa ako nang maalala ko ang ginawa niyang paghalik sa leeg ko. "I can't do anything but to cry, I don't know what to do. I'm so scared that time," nakayukong sabi ko pa at nangilid ulit ang luha ko nang maalala ang takot na naramdaman kagabi. "Tapos biglang natumba yung matanda. Pagtingin ko, hawak na nila Aljur si Klyzer na sinuntok na pala ang matanda. Sobrang nagpapasalamat ako dahil dumating sila, dahil kung hindi, hindi ko na alam ang nangyari sa'kin," sabi ko at tinignan si Maddie. Pinunasan niya ang mga luha ko. "I'm sorry again, Jill." Umiling ako. "No, Maddie. That's not your fault." Hinawakan niya ang kamay ko. "But still, I want to say sorry because I was not there when you needed me." Nginitian ko siya. Ang swerte ko talaga sa bestfriend ko. "Anong ginawa ni Klyzer matapos niyang suntukin 'yung matanda?" tanong niya at kakaiba ang tingin niya, parang nanunukso na naman. "He h-hugged me," namumula kong sagot. Bigla namang kinilig si Maddie. "Tapos? Ano pa? Kwento mo lahat dali!" sabi niya at niyugyog pa ako. "Teka nga, pa'no ako makakapagkwento kung niyuyugyog mo ako?" mataray kong tanong. Agad naman niya akong binitawan. "Sorry na, excited lang," sabay tawa niya. Tss. "Ito na nga, nasigawan niya ako dahil bakit hindi ko raw sinabing di ako marunong mag-commute, edi sana pala raw, hinatid niya ako. Sabi ko naman sa kaniya kasi may practice sila," panimula ko at si Maddie naman ay tutok na tutok sa kwento ko. Napangiti ako nang maalala ko ang sinabi niyang, "f**k that practice!" "Tapos? Ano pa? Bilis!" atat na atat naman 'tong si Maddie. I rolled my eyes. "Kinikilig ako sa inyo," she giggled. Kinwento ko na sa kaniya ang lahat kaya naman kilig na kilig 'tong babaeng 'to. "You like him, too. Right?" tanong niya na kinikilig pa rin. I nodded. And as what I expected, niyugyog niya na naman ako. Nakahawak siya sa magkabilang braso at tuwang-tuwa. "Owemji! Owemji! My cousin and my bestfriend like each other! Wahh!" sigaw niya pa at agad ko namang tinakpan ang bibig niya. "Ang ingay mo," sabi ko sa kaniya. Tinignan ko naman ang mga players at nagtatakang napatingin sila sa amin pero agad din namang bumalik sa paglalaro. Tinanggal ni Maddie ang kamay ko na nasa bibig niya at nagsalita. "Sorry, kinilig lang," sabi niya na halatang kinikilig pa rin dahil ang lawak-lawak ng pagkakangiti. "Wag kang maingay at 'wag na 'wag mong sasabihin sa kaniya," banta ko sa kaniya. "Huh? Why not? He deserves to know." Parang bigla naman akong nagsisi kung bakit pa ako umamin sa kaniya. Napabuntong hininga muna ako bago sumagot sa kaniya. "Not now." Tinaasan niya ako ng kilay. "Oh? So ikaw na lang ang magsasabi?" Tumango ako. "Sabagay, mas romantic naman talaga 'pag sa'yo nanggaling na you like him," at kinilig na naman siya. "Right. So you better shut up," banta ko sa kaniya. "Okay po," at ni-zip niya pa ang bibig niya. Bigla namang nanahimik si Maddie na nakatingin sa likod ko. Nanlalaki din ang mata niya at bahagyang nakaawang ang labi. Eh? What's her problem? "Okay ka lang?" pumitik pa ako sa harap niya pero hindi man lang siya kumurap kaya tumingin din ako sa likod. Shit! Now I know kung bakit gano'n ang reaction niya. Nakahubad lang naman ng pang-itaas ang mga players. Napaawang din ang labi ko. Ang iba ay hawak ang jersey nila, ang iba naman ay nakasabit sa batok at si Klyzer naman ay nakapatong sa balikat niya ang jersey niya. Nararamdaman kong namumula ang mga pisngi ko at alam kong ganon din si Maddie. Naglalakad silang lahat papunta sa amin. Napatingin ako kay Klyzer na nakatingin nang diretso sa akin Dahan dahan akong napatingin sa katawan niya at-- woah. Ang ganda ng katawan niya at ang puti pa! May abs din siya. Napalunok ako. Tinignan ko ulit sa mukha si Klyzer at nakatingin pa rin siya sa'kin, naka-smirk na siya at nahuli niya akong nakatingin sa katawan niya. Umiwas ako ng tingin at tumalikod sa kanila. s**t, Jillian. s**t! Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Nahuli niya lang naman akong nakatingin sa abs niya at baka isipin niyang pinagnanasaan ko ang abs niya. Konti lang. Napailing ako. Anong konti lang? Hindi ko pinagnanasaan ang katawan niya! Woah. Nagulat ako nang may kamay sa harap ko at tinignan ko ang may-ari no'n. s**t! Ang lapit ng mukha ko sa katawan niya. Mas nagflex ang muscles niya dahil inaabot niya ang sports bag niya na nasa gitna namin ni Maddie. Nag-aasaran ang teammates nila pero hindi ko maintindihan dahil masyado akong nadi-distract sa katawan niyang nasa harap ko. Umiwas ulit ako ng tingin. Nakita ko naman si Maddie na pulang-pula na at nasa likod naman niya si Aljur at may damit na, inaayos na niya ang sports bag niya. "Jillian." Nag-aalangan pa ako kung titignan ko si Klyzer dahil baka nakahubad pa rin siya at mapatitig naman ako sa abs niya. "Jill..." tawag niya ulit kaya nilingon ko siya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nakasuot na siya ng white t-shirt. Woah. Buti naman. "B-bakit?" s**t naman! Bakit pa ako nauutal?! Nakita ko namang natawa siya. "Let's go?" sabi niya kaya tinignan ko sina Maddie at nakatayo na rin sila. Tumango at inayos muna ang mga gamit ko. Hindi ko pa pala naitatago ang notebooks ko. Pagkatapos ay tumayo na ako. "Coach, una na kami," paalam ni Klyzer. Tumingin naman sa amin ang iba. "Huh? Sabay-sabay na tayo," sabi ni Gino na wala pa ring pang-itaas na damit, silang lahat pala ay wala pang pang-itaas, sina Aljur at Klyzer pa lang pala ang meron. "No," matigas na sagot ni Klyzer. "Huh? Bakit naman?" reklamo ni Hanz. Hindi sumagot si Klyzer at tinignan lang sila isa-isa. "Sige na, una na kami," sabi ni Klyzer kaya hinila na niya ako. Nakasabit sa kanang balikat niya ang sports bag at hawak ang school bag niya. Hawak naman ng kaliwang kamay niya ang kamay ko. Nauuna siyang maglakad at nasa unahan naman namin sina Maddie at Aljur at naiwan naman ang iba pa niyang teammates sa gym kasama si Coach. Bigla siyang tumigil kaya kaya tumama ang mukha ko sa likod niya. "Ouch!" daing ko at gamit ang kabilang kamay, hinimas-himas ko ang noo ko. Ang sakit kaya, mukha mo kaya tumama sa likod ni Klyzer, ang tigas pa naman. "Sorry," natatawang sabi niya at binitawan sa kanang kamay ang bag niya at tinanggal ang kamay na nasa noo ko at natigilan ako nang maramdaman kong dumampi ang labi niya sa noo ko. Napatingin ako sa kaniya at nakatitig na naman siya sa'kin habang nakangiti. "I saw it," sabi niya kaya nagtaka naman ako. "Saw what?" nagtatakang tanong ko. "You're looking," sagot niya. Mas lalo namang akong nagtaka. "Sa?" "Sa abs ko." W-what?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD