Nagliligpit na kami ng mga gamit dahil tapos na ang morning classes. At tulad kahapon, kaming apat ulit ang magkakasama. Lumapit na sa amin si Aljur dahil sa kabilang row ang upuan niya. Nagpalit na rin kami ni Maddie ng pwesto. Kung dati napapagitnaan namin siya ni Klyzer, ngayon ay ako naman ang sa gitna.
"Let's go," sabi ko nang mai-zip ko na ang bag ko.
"Guys, uuwi na pala ako ngayon. Hindi na ako papasok mamayang hapon," sabi ni Maddie habang palabas ng classroom.
Lumingon agad kami ni Aljur sa kaniya samantalang si Klyzer naman ay diretso lang ang tingin na para bang expected na niya ang sasabihin ng pinsan niya.
"Why?" Nagkatinginan pa kami ni Aljur nang tanungin namin siya.
"May dinner kasi ang family namin sa business partner ni Dad. Actually, kasama dapat si Klyzer pero ayaw niyang sumama eh. Gusto pa ring pumasok," sabi niya at tumingin sa pinsan niya.
Tinignan ko din siya dahil si Aljur ay nakatingin pa rin kay Maddie. Nag-iwas ng tingin si Klyzer at nagkibit-balikat.
"May practice kami," sagot niya.
"At gusto mo ring makita si Jillian," tudyo ni Maddie.
Naramdaman kong namula na naman ako. Habang nasa hallway, nag-ring ang phone ni Maddie kaya huminto at napatingin kami sa kaniya.
"Hello po? Palabas na po ako...Yes po, pakihintay na lang po ako sa labas...Sige po, bye po," pagkatapos ay inend niya ang tawag.
Tinignan niya kami at itinaas ang phone.
"Una na ako. Nasa labas na raw ang driver ko, pinapasundo na ako."
"Akala ko ba dinner? Ang aga ka namang sunduin?"
Nilingon ni Maddie si Aljur na nakasimangot.
"Hindi naman kasi kami sa bahay namin or bahay ng business partner ni Dad, sa isang resort na pag-aari raw nila kami magdi-dinner. Three hours ang biyahe."
"Ihahatid na lang kita sa labas."
"Hindi na. Tsaka baka nagugutom na kayo, magpalit na kayo ng gamit para makapunta na kayo sa cafeteria."
"Sure ka ba na hindi na kita sasamahan sa labas?" pagpupumilit ulit ni Aljur.
"No, hindi na. It's okay." Lumapit siya sa'kin at bineso ako. "Bye Jillian."
"Bye."
"Bye, cous."
"Hmm."
"Bye, Aljur..."
Kumaway lang si Aljur at hindi maipinta ang mukha. Nang makaalis na si Maddie, tinapik ni Klyzer si Aljur.
"It's okay, man. Ngayon mo lang naman siya di makikita," natatawang sabi niya.
"Kahit na!" sabi niya at ginulo ang buhok.
Natawa kami sa kaniya at naglakad na papuntang locker. Nasa gitna nila ako. Nasa kaliwa ko si Klyzer at kanan naman si Aljur.
"Nililigawan mo na ba siya?"
"Hindi pa nga eh! Hindi ako maka-timing. Laging nang-aaway," nakasimagot na sagot ni Aljur.
"Haha, kunyari lang 'yon pero deep inside, kinikilig 'yon. Trust me, man."
"Huh? Kinikilig din ba ang pinsan mo na 'yon? Lagi akong sinusungitan kahit wala naman akong ginagawa."
Nakikinig lang ako sa kanila na pinag-uusapan si Maddie. Diretso lang ang tingin ko. Natatawa paminsan-minsan dahil sobrang sungit daw ni Maddie. Si Maddie masungit? Kailan pa? Eh sa pagkalaalam ko, si Maddie ay maihahalintulad sa isang napakabuting anghel dahil sa kabaitan niya. In love yata ang bestfriend ko.
Nawala ang ngiti ko at napatigil sa paglalakad kaya nahinto rin sila sa pag-uusap at nagtatakang tumingin sa akin.
"May problema ba, Jill?" tanong ni Aljur.
Si Klyzer naman ay nakatitig sa akin. Hindi ko siya sinagot at tinignan ang tatlong lalaking nakangisi sa gawi namin. Nagtatakang tumingin si Aljur sa tinitignan ko.
"Sina Paul ba ang tinitignan mo?"
Agad na lumingon doon si Klyzer at napansin ko ang pagkuyom ng kamao niya.
"What's with them, Jill? Why are you looking at them?"
Hindi ko pa rin siya sinagot pero alam kong nahahalata nila ang takot sa mukha ko.
Nakatingin pa rin ako kina Paul na may malalaking ngisi habang nakatingin sa akin. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. At katulad ng dati, naramdaman ko na naman ang parang kuryenteng dumaloy roon. Nilingon ko ang may-ari ng kamay na iyon at sumalubong sa akin ang gwapo niyang mukha.
"Don't worry, I'm here."
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Tinanguan ko siya at naglakad na. Parang na-gets naman na ni Aljur kung anong meron, kilala niya naman siguro si Paul at ang bad attitude nito. Bago pa kami makadaan sa pwesto nina Paul, umalis na silang tatlo pero may ngisi pa rin.
Woah. I sighed in relief.
"Are you okay?" pinisil niya ang kamay ko.
"Yes..."
"I guess, may pinaplano na naman 'yon," sabi ni Aljur kaya tumingin ako sa kaniya.
"Huh? What do you mean?"
"Don't mind him, Jillian," sabi rin ni Klyzer kaya sa kanya naman ako tumingin.
"What?"
"Nothing."
Nagpalit na kami ng gamit at pumunta na sa cafeteria para maglunch. Nag-uusap sila about sa basketball, paminsan-minsan ay sinasali rin naman nila ako sa usapan nila para hindi ako ma-OP. At habang nag-uusap sila, napapansin ko ang pagsulyap niya sa'kin.
Normal naman ang afternoon class namin. Discussion and quiz lang naman.
"Magco-commute na lang ako pauwi," sabi ko sa kanilang dalawa.
"Are you sure? Pwede naman kitang ihatid," presinta ni Klyzer.
"No, hindi na. May practice naman kayo eh."
"Sure ka ba talaga?"
"Hmm-mm," I nodded.
"Eh kung ihatid kita sa labas?"
Natawa ako sa kaniya. Kanina si Aljur ang ganito nang umalis si Maddie. Ngayon naman ay siya.
"Hindi na," pag-iling ko bilang pagtanggi.
"It's okay, man. Ngayon mo lang naman siya hindi makikita," panggagaya ni Aljur sa sinabi niya kanina.
"Fine! Basta mag-iingat ka ah? Inform me if you're home," paalala niya.
"Okay, bye," kinawayan ko silang dalawa at naglakad na palabas.
Nandito ako ngayon sa waiting shed, medyo malayo sa gate. Hays, magcocommute ako. Hindi ako sure kung saan sasakay. Hindi ko alam kung anong sasakyan. May dadaan pa bang taxi? Lagpas five na at pakonti na ng pakonti ang mga tao rito.
May mga sundo at sariling kotse kasi ang mga students dito kaya nakakauwi agad sila. Absent kasi si Maddie kaya wala akong kasabay. Wala rin si Mommy para magpasundo sa kanya. Paano ba magcommute? Umupo na lang ako sa bench na nasa waiting shed at maghihintay na lang na baka may students na makakasabay ako sa pagcommute.
Ilang minuto na ang lumipas, ako pa rin mag-isa ang nasa waiting shed. At mukhang wala ng students, nakauwi na yata ang lahat, except sa mga nagpapractice. Tumingin ako sa wrist watch ko, 5:34 pm na pala, halos half hour na pala akong naghihintay? Baka hinahanap na ako sa bahay.
Kinuha ko ang phone ko para mag-text kay Mommy, nagbabaka sakaling nakauwi na siya.
To Mommy:
‘Mom? Where are you po?’
Tinitigan ko lang ang phone ko at naghintay sa reply niya. At di rin nagtagal, may nagpop na message niya.
From Mommy:
‘I'm sorry, baby. Baka bukas or sa Friday pa ako makauwi. May inaasikaso lang akong importante.’
Nalaglag ang balikat ko sa nabasang reply ni Mommy. Paano ako uuwi nito? Wala naman akong number ng mga maids namin para sabihang sunduin ako dito.
"Hi, Miss?"
Napatingin ako sa nagsalita. Ako ba ang tinatawag niya?
Siyempre, ako nga 'yon! Wala namang ibang tao dito eh.
"Miss?" tawag niya ulit.
Nasa 50's na yata 'tong si Manong. Gusot ang damit niya at punit-punit din, gano'n din ang pangbaba niya. Madumi rin ang suot niya. Wala siyang suot na sapatos or kahit tsinelas man lang. Namumula rin ang mata at ang buong mukha niya.
"Why po?" tanong ko.
Medyo nakakaawa nga ang itsura ni Manong.
"Ang ganda mo..."
"Ah, thanks po."
Binuksan ko ang bag ko para kumuha ng barya para maibigay sa kaniya. Nang makakuha na ako, tumingin ulit ako sa kaniya. Lumapit siya sa'kin at pagewang-gewang.
"Manong, ito po, barya," sabay abot ko sa kaniya.
Tinanggap niya iyon at babawiin ko na sana ang kamay ko pero nagulat ako nang hawakan niya 'yon. Kinabahan agad ako.
"M-manong, 'yung kamay ko po."
"Ang ganda mo naman, maputi, makinis, alagang-alaga ang katawan..." sabi niya at dalawang kamay na niya ang nakahawak sa kamay ko.
Binabawi ko ang kamay ko pero hinigpitan niya ang pagkakahawak. Ang isang kamay naman ay pinagapang niya sa braso ko, dahan-dahan hanggang sa balikat ko. Natatakot na ako! Habol ko ang paghinga ko dahil sa pinaghalong kaba at takot. Pinipisil niya ang braso at balikat ko. Hanggang sa bitawan na ng isa niyang kamay ang kamay ko at inihawak naman sa kabilang braso ko, at katulad sa ginagawa niya sa kabila, pinipisil pisil niya rin 'yun.
"M-manong, bitawan mo po ako," kinakabahang sabi ko.
Nilalapit niya ang mukha niya sa mukha ko at naaamoy ko ang alak sa kaniya. Kaya pala siya namumula dahil lasing siya! Nilalayo ko naman ang mukha ko pero patuloy siya sa paglapit. Hindi ko siya matulak, nanghihina ako. Nanginginig din ang tuhod ko. Napasinghap ako nang tuluyan na niyang nailapit ang mukha niya at inamoy-amoy ang leeg ko. Naramdaman kong tumulo na ang luha ko. Sobrang natatakot na ako! Pero hindi man lang ako makasigaw para makahingi ng tulong. Baka kung anong gawin niya sa akin kapag sumigaw ako.
"Ang bango mo..."
Patuloy pa rin siya sa pag-amoy sa leeg ko. Kinikilabutan ako sa ginagawa niya. Hanggang sa hindi ko namalayan na humihikbi na pala ako, tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko.
"Huwag kang umiyak, alam kong magugustuhan mo rin ang gagawin ko sa iyo..." parang demonyong bulong niya sa akin.
Napapikit na lang ako ng mariin habang tuloy pa rin sa pag-iyak.
Help me! Please, help me!
"Jillian!"
Sobrang nanghihina na ang tuhod ko. Gusto nang bumigay. Hindi na ako humihikbi dahil may tunog na ang pag-iyak ko. Takot na takot na ako.
"Gago ka!"
Nakarinig ako ng sumigaw at naramdaman kong nawala ang kamay niya na pumipisil sa braso ko, pati ang mukha niyang nasa leeg ko ay wala na rin.
"Gago ka! Gago! Anong ginagawa mo sa kaniya!"
Napamulat ako nang marinig ko ang boses niya. Hawak siya ni Aljur at ng iba pang lalaki habang si Manong ay nakahiga na sa sahig. Pinipigilan siya sa pagsugod kay Manong. Galit na galit ang mata niya.
"Man, enough! Guard na ang bahala diyan!" sigaw sa kaniya ng hindi ko kilalang lalaki, naka-jersey siya tulad ng suot nina Aljur at Klyzer.
Nilapitan ako ni Aljur at hinawakan sa braso pero sa gulat ko ay tinabig ko ang kamay niya.
"Sorry. Are you okay?" tanong niya pero hindi ko sinagot.
Niyakap ko na lang ang sarili ko. Nanginginig pa rin ako sa takot. Dahan dahan akong napaupo sa sahig at humagulhol. Naramdaman kong may yumakap sa akin kaya tinulak ko siya.
"No, bitawan mo ako, please! Don't touch me!" sigaw ko sa kaniya habang umiiyak pa rin.
Pero niyakap niya ulit ako. Tinutulak ko siya pero ang higpit ng yakap niya.
"L-let me go, p-please. Parang awa mo na, natatakot na ako!"
"Sshh, don't be scared. It's me, Klyzer. It's me. Sshh. 'Wag ka nang matakot. I'm here," lalong humigpit ang yakap niya.
Si-- si Klyzer ang nakayakap sa akin? S-safe na ba ako?
"Klyzer..." tawag ko sa kaniya at niyakap din siya nang mahigpit.
Sobrang magkadikit ang katawan namin at hindi na ako magtataka kung maririnig niya bilis at lakas ng t***k ng puso ko dahil sa kaba at dahil yakap ko siya. Hinahaplos niya rin ang buhok ko na nagpapakalma sa akin.
"Ano ba talagang nangyari, Jill?" Tanong ni Aljur.
Nasa waiting shed pa rin kami. Magkatabi kami ni Klyzer at nakahawak ako sa kamay niya na nakapulupot sa bewang ko. Kasama rin namin ang teammates nila. Sina Rico, Alfred, Gino, Hanz at Jonel. Maaga raw natapos dang practice nila dahil may aasikasuhin ang coach nila. At buti na lang daw maaga silang pinauwi, dahil kung hindi, hindi nila ako makikita na binabastos na ni Manong. Speaking of Manong, wala na siya rito, dinala siya ng mga tanod sa baranggay. Nalaman din namin may sakit sa utak iyon si Manong at pagala-gala. Nagalit din si Klyzer sa guard ng school dahil hindi man lang daw ako napansin na binabastos na pala rito sa waiting shed.
Nahimasmasan naman na ako kaya nakakausap na nila ako nang maayos hindi katulad kanina na ayaw magpahawak sa kanila.
"Natagalan ako dito sa waiting shed tapos lumapit siya sa akin. Naawa pa nga ako sa kaniya dahil sa itsura niya kaya binigyan ko siya ng barya. Tapos, hinawakan niya na ang kamay ko. Tapos--" hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil nandidiri ako sa ginawa niya.
Umiling-iling lang ako dahil hindi ko na kayang ipagpatuloy pa ang sasabihin ko. Mas hinapit pa ako ni Klyzer sa kaniya.
"Let's don't talk about this for now. I should take her home. She needs to rest," sabi niya sa mga kasama niya.
"That's better," sabi ng isa niyang teammate na kung hindi ako nagkakamali ay si Jonel.
"Okay, we'll go home too. Bye, men," paalam ni Gino.
Umalis na siya at sinundan naman siya ng iba. Kaming tatlo na lang nina Aljur at Klyzer ang naiwan sa waiting shed.
Binitawan na rin ako ni Klyzer at humarap sa akin.
"Bakit ba kasi nandito ka lang sa waiting shed? Bakit hindi ka pa umuwi?!"
Nagulat ako nang bigla akong pagtaasan ng boses ni Klyzer. Napayuko ako.
"Hindi ko alam kung pa'no mag-commute."
"And why you didn't tell me?! Dapat sinabi mo para naihatid kita!"
"May practice kayo."
"f**k that practice! Siyempre mas uunahin kitang ihatid kaysa sa practice na 'yon because you are my girlfriend!"
"Why are you shouting?!" sigaw ko rin sa kaniya.
"Hey, hey. That's enough. 'Wag kayong magsigawan. Pag-usapan niyo 'yan nang maayos," pumagitna sa amin si Aljur. "Pag-usapan niyo. Sige na, mauuna na ako," pagkasabi niya no'n ay umalis na siya.