CHAPTER 14

2411 Words
Lumipas ang oras at lunch na. Hinawakan ulit ako ni Klyzer. Kanina halos hindi niya 'ko bitawan. Binibitawan niya lang ako 'pag magsusulat na siya at kapag tapos na siya sa pagsusulat, hahawak niya ulit ako. "Hoy Klyzer! Kanina ko pa napapansin 'yang paghawak mo kay Jillian ah!" Natawa kami kay Maddie nang halos isigaw niya 'yon. Nasa hallway kami papuntang locker. "Gusto mo hawakan din kita?" Nanlaki ang mata niya at tumingin kay Aljur. "Tse!" singhal niya pero nakita ko ang kaniyang pamumula. "Oo nga naman, cous. Naiinggit ka lang yata eh," natatawang sabi ni Klyzer habang pinipisil ang kamay ko. "Ano bang sinasabi niyo?!" Mas natawa kami dahil nagsusungit-sungitan siya pero halata naman ang pamumula. "Oo nga naman, Maddie. Para pareho na tayo," gatong ko rin. Mas lalo naman siyang namula. "Ewan ko sa inyo!" sabi niya at naunang naglakad papuntang locker niya. Nagtawanan kami dahil kay Maddie. Ang cute niya kiligin. Pulang-pula. Ramdam kong pinisil ulit ni Klyzer ang kamay ko kaya nilingon ko siya. Nakangiti na naman siya sa'kin. "Hindi ka ba nangangalay? Kanina mo pa ako hawak eh," natatawang tanong ko at pero mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "Hindi naman. Tsaka, bakit naman ako mapapagod eh nag-eenjoy ako?" Pinalo ko siya ng mahina sa balikat. "Ewan ko sa'yo." Nang makarating kami sa locker, binitawan niya na ako para makapagpalit na kami ng gamit. At nang papunta na kami sa cafeteria, hinawakan niya ulit. Pag dating namin do'n, sina Aljur at Klyzer ang umorder kaya si Maddie ay inusisa na naman ako. "Aba, improving kayo ah? Level up? May pa-holding hands na?" Natawa ako sa kaniya. "Sabi ng pinsan mo eh." "At gusto mo rin?" Namula ako sa sinabi niya. "Nagbublush ka, hahaha. Gusto mo ring hinahawakan ka ng pinsan ko eh 'no?" "Ang ingay mo." "Asus. Gusto rin, gusto rin," sinundot-sundot pa ako sa tagiliran. "Ano ba haha!" tinatabig ko ang kamay niya na nasa tagiliran ko. "Asus!" "Ano ba! Hahaha Tama na-Hahahaha!" Napapatayo na ako dahil nakikiliti na ako. Malakas pa naman kiliti ko sa tagiliran. I bet na pinagtitinginan na kami dito ni Maddie. Mas lalo pa niya akong kiniliti. "Hahahaha Ano ba hahaha Maddie, Hahahah tamahahaha na Hahahahaha Ano ba Hahahaha!" Wala nang pake si Maddie kahit nasa cafeteria kami. Enjoy na enjoy siya sa pangingiliti sa'kin. Namiss ko 'to. Alam na alam niyang malakas kiliti ko sa tagiliran dahil mga bata pa lang kami, mahilig na siyang mangiliti. "Hahahaha ano ba hahaha!" iwas ako nang iwas sa kaniya. "Tama na kasi!" Tumayo ako sa upuan ko para makalayo kay Maddie. Pero sa pagtayo ko, may tumama sa likod ko. "Ouch!" daing ko. Humarap ako sa kung anong tumama sa likod ko. Nginitian niya ako. "Careful," hinawakan niya ako sa bewang para hindi ako matumba. "Asus, nakahanap ng kakampi," nilingon ko si Maddie na nakaupo na ulit. "Eh nangingiliti ka eh." Tumingin ulit ako kay Klyzer. Nakangiti pa rin siya at magkalapit pa rin ang katawan ko. "Y-yung kamay mo." "Ah, sorry," sabi niya at binitawan ang bewang ko. Napakamot siya sa ulo at umupo na. Umupo na rin ako at ramdam kong namumula ako. "Jillian, bakit ka namumula?" malakas na tanong ni Maddie. Shit, Maddie, s**t. Bakit kailangan pang lakasan? Nang-aasar pa eh. Tumingin sa'kin si Klyzer pero 'di ko siya nilingon. Hindi ko na rin pinansin si Maddie at kinuha ko na lang ang plato ko na nasa tray. "Jillian, diba sabi mo nagustuhan mo 'yung paghawak ng pinsan ko sa kamay mo?" Ano ba, Maddie! Bakit ka ba nanlalaglag?! Naramdaman kong mas namula ako pero 'di ko ulit siya pinansin. "Jillian, kinilig ka sa paghawak ni Klyzer kanina sa bewang mo para di ka ma-out balance?" Sige pa, Maddie. Sige pa. Ipahiya mo pa ako sa pinsan mo. Narinig kong tumawa ng mahina si Klyzer. Sobrang pula na ng pisngi ko. "Oo nga, Jill. Napatulala ka pa nga sa kaniya eh." Isa ka pa, Aljur. Sige, pagtulungan niyo pa ako. Ramdam kong pulang-pula na talaga 'yung pisngi ko. Tinignan ko silang dalawa at sinamaan ng tingin. "Shut up." "Jill, namumula ka talaga! Bakit?" pa-inosente pa ang tanong niya. Maddie naman, utang na loob, tama na. "I said shut up." Pero ang mga walanghiya, tinawanan lang ako. "Hahahaha. Jill, nag-blush on ka? Hahahaha!" "Pahiram nga rin minsan ng blush on mo. Hahahaha." Pinagtutulungan talaga nila ako. Mamaya kayo sa'kin. Kayo naman aasarin ko. Akala niyo riyan. "Hey, stop it," saway sa kanila ni Klyzer. Woah. Nagkatinginan muna sila at tumawa bago sumagot. "Okay." Nilapit ni Klyzer ang mukha niya sa mukha ko at bumulong. "Nagustuhan mo pala 'yung paghawak ko sa'yo?" tapos ngumisi siya nang pagkalawak-lawak. Mas lalo kong naramdaman ang pamumula ng pisngi ko. "Jill, namumula ka nga." Inis na tinignan ko siya. Akala ko pa naman ipagtatanggol na niya ako kina Maddie at Aljur pero siya rin naman pala ang mang-aasar. Ano ba naman 'yan. "Nagustuhan mo nga?" hinawakan niya ang kamay ko. Inalis ko agad ang kamay ko kaya natawa siya. "Jill, bakit mo inalis? 'Diba gusto mo 'yon?" Isa pa, Maddie. Inirapan ko lang silang lahat at nagsimula nang kumain. Nang-aasar pa sila pero hindi ko na sila pinansin. Nagpretend na lang ako na walang naririnig. "Jill, hawakan daw ulit ni Klyzer kamay mo." -Maddie. "Oo nga, malambot daw kamay mo eh." -Aljur. Parang awa niyo na, nahihiya na ako. Gusto ko na lang bumuka ang lupa tapos kainin ako! "Ayie, Jillian. Hahahahaha." Pagkatapos mag-lunch, bumalik na kami sa room. Tumigil na rin sila sa pang-aasar dahil sinaway na sila ni Klyzer. Buti naman dahil feeling ko, sobrang pamumula ng pisngi ko kanina. At ngayon, hawak niya ulit ang kamay ko. Wala sa tabi ko si Maddie dahil umupo muna siya sa tabi ni Aljur at nag-usap sila. "Jill..." Tinignan ko si Klyzer, nakatingin din siya sa'kin, no---scratch that, nakatitig siya sa'kin. Yung titig niya na parang matutunaw ka. "Hmm?" "I like you." I like you, too. Pero hindi ko masabi sa kaniya. Napatitig din ako sa kaniya. Seryoso ang pagkakasabi niya no'n, parang mula talaga sa puso. Ang bilis na naman ng t***k ng puso ko. Parang nakikipagkarera. I want to tell him that I like him too, but I just can't. Hindi ko masabi. Gusto kong sabihin pero ayokong malaman niya. Hays, ang gulo. Naramdaman kong pinipisil niya ang kamay ko pero 'di ko 'yon tinignan. Mas gusto kong titigan din siya. Ayokong umiwas ng tingin. Gusto ko siyang titigan nang titigan, 'yung para bang hinahalungkat ko ang kaluluwa niya. Gusto ko siyang titigan sa mata hanggang sa tumagos hanggang puso niya para makita ko kung pangalan ko nga ba talaga ang nasa puso niya. Unti-unti siyang ngumiti kaya napangiti rin ako. Naputol ang titigan namin dahil sa ilaw na tumama sa mukha namin. Nakita namin si Maddie na hawak ang phone niya at nakatutok sa amin. Mukhang nagulat din siya. "Opss. Sorry," sabi niya at napatakip ng kamay sa bibig. Napailing ako dahil mang-s-stolen na nga lang, may flash pa. "Can I see?" inabot ni Klyzer ang kamay niya kay Maddie. "Ayoko nga. Baka i-delete mo lang eh." Umiling si Klyzer. "No, just let me see." Nag-aalangan pa si Maddie pero inabot niya rin naman ang cellphone niya. "Wag mong buburahin. Tatamaan ka sa'kin," pagbabanta niya. "Yeah, yeah." Kinuha niya ang cellphone ni Maddie ay kinuha niya rin ang sa kanya na nasa bulsa niya at sabay na pinagpipindot. Pagkatapos ay binalik niya kay Maddie. "Thanks," pagkatapos ay tinignan niya ang phone niya at pangiti-ngiti pa. Maya-maya pa, pumasok na si Ma'am Mateo at nagdiscuss. Discussion lang hanggang matapos ang oras. Sa mga sumunod na subjects ay puro discussion din at nagbigay ng assignments. Naglalakad na kami papunta sa locker kasabay ng ibang students nang magdismissal na. "Mamaya na kayo umuwi. Sa'min na lang kayo sumabay." Nagkatinginan kami ni Maddie nang marinig namin ang sinabi ni Aljur. "Huh? Why?" "Because of what happened last night." "Magpapasundo naman kami, ah?" -Maddie "Maddie, Aljur's right. Sa amin na lang kayo sumabay. Wait for us," sabi ni Klyzer at tumingin sa akin. Tumango na lang ako. "Mas makakampante kami kung nakikita namin kayo." Nakita kong namula si Maddie sa sinabi ni Aljur. "Okay. Sasabihan ko na lang 'yung maids namin, baka hanapin na naman ako." Kinuha ko ang phone ko at tinext si Mommy para hingin ang number ng kahit isa sa mga maids namin. Nagreply naman agad siya kaya tinext ko agad si Yaya Sabel. Sinabi kong may group project ulit kami kaya male-late ako ng uwi. "Okay na," sabi ko at tinago na ang phone sa bulsa. Naglakad na ulit kami hanggang makarating sa locker. Nagpalit lang ng gamit. Madaming students na nagpapalit din ng mga gamit nila at dahil ‘popular’ dito si Klyzer, agaw attention siya. Pagkatapos magpalit ng gamit, nagulat ako nang hawakan niya ulit ang kamay ko. Nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at bumulong. "I told you. Kahit nasa harap tayo ng madaming tao, hahawakan pa rin kita." Nilayo niya ang mukha niya at umayos ng tayo. "Let's go." Tinawag niya na sina Aljur at Klyzer. Naglakad na kami papunta sa gym. Napansin ko ring may dala silang dalawa ni Aljur na sports bag. Do'n yata nakalagay ang jersey, basketball shoes at iba pang gagamitin nila para sa practice. Pagdating namin sa gym, nando'n na ang iba pa nilang teammates na nakilala ko na kagabi. "Hey, Captain!" si Rico ang unang nakapansin sa amin. Nagfist bump sila ni Klyzer, nagfist bump din sila ni Aljur. Kami ni Maddie, nasa likod lang nila. Lumapit na rin ang iba at nagfist bump sila. "Where's Coach?" tanong ni Klyzer. "Papunta na raw," sagot ni Gino. Tumango si Klyzer at tumingin sa amin ni Maddie. Pati ang iba ay tumingin na rin. "Jill, I know you already knew them," sabi ni Klyzer at tinuro ang teammates niya. I nodded. "Maddie, they're my teammates, Rico, Gino, Alfred and Hanz," pakilala niya at isa-isang tinuro ang teammates niya. "Hi, I'm Maddie. His cousin," pakilala niya. "Hey," sabay-sabay nilang sabi. "Hindi pa ba kayo magbibihis?" tanong ni Hanz. Naka-jersey na silang lahat at sina Aljur at Klyzer na lang ang hindi. "Magbibihis pa nga lang eh. Excited ka?" natatawang tanong ni Aljur. "Malay ko bang gusto niyong mag-uniform habang nagpapractice," sagot din ni Hanz. "Weh? Eh gusto mo lang makita muscles ni Klyzer eh," sabi ni Gino. "Yuck, Hanz! Bakla ka ba?" tanong ni Alfred. "Maka-yuck ka naman. Ano ka, babae? Kadiri ka." bwelta ni Hanz kay Alfred. "Pareho naman kayong bakla," sabay na lumingon sina Hanz at Alfred sa sinabi ni Rico. "Pinagnanasaan niyo nga katawan ko 'pag nagbibihis tayo," dagdag niya. "Ulol!" sabay din na sigaw ni Alfred at Hanz. "Ulol din kayo! Sige, itanggi niyo pa," nakangising sabi ni Rico. "Pagnasaan your face! Mas malaki pa nga katawan ko sa'yo!" depensa ni Alfred. "Kumalma kayo, mga patpatin naman kayong lahat," singit ni Gino. "Coming from you, Gino? Eh isang ubo ka na nga lang," singit ni Aljur. "Nahiya naman ako sa'yo, Al? Eh ikaw nga, paniguradong isang ubo na lang, kakalas na katawan mo," bwelta ni Gino. Napapailing at natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi nila. "HAHAHAHAHA!" Lumingon kami kay Maddie nang bigla siyang humaglpak sa tawa. "Isang pitik? Hahahaha," tawa niya habang tinuturo si Aljur. "Anong nakakatawa, ha?" "Isang pitik ka na lang pala? Hahahahaha." "Sige, tawanan mo pa ako." Napahawak pa si Maddie sa tiyan niya sa kakatawa. "Isang pitik. Hahahahaha. Isang pitik," namumula na siya kakatawa. "Anong isang pitik? Ipahawak ko sa'yo abs ko eh." Biglang natahimik si Maddie kaya natawa ako. Tapos lalo siyang namula. "Abs ba talaga, Al? Baka naman ribs?" Nagtawanan sila sa sinabi ni Rico. "f**k you, Rico!" nagbad finger pa siya kay Rico na tatawa tawa pa. "Same to you! Hahahaha!" nagbad finger din siya kay Aljur. "Put your fingers down," utos ni Klyzer. Bigla naman binaba nina Aljur at Rico ang kamay nila. Napaka-bossy niya talaga. "Don't raise your middle finger in front of my cousin and my girlfriend," dagdag niya. "Sorry, Captain. Nauna kasi 'tong si Aljur eh," sabi ni Rico na kakamot-kamot sa ulo. "Kung ano ano kasi pinagsasabi mo," sabi rin ni Aljur. "Sige, magturuan pa kayo mga hangal," sumingit na naman si Hanz. "Sa'yo nagsimula 'to, Hanz eh. Kung 'di mo pinahalata na babakla bakla ka, edi 'di aabot dito," si Alfred naman ang nagsalita. "Wag masyadong pahalata, Hanz," si Gino naman na nagpipigil ng tawa. Napailing-iling na lang ulit ako dahil nag-uumpisa na naman sila. "Tss. Nag-aaway pa kayo eh lahat naman kayo mga bakla." Nagtinginan kami kay Klyzer na seryoso ang mukha pagkatapos sabihin 'yon. "Captain naman, si Hanz lang naman 'yun. Ba't damay ako?" reklamo ni Alfred. "Did you know that a guy who is so talkative is already considered as gay?" pagkatapos ay binalingan niya si Aljur. "Let's go. Magbihis na tayo." "Yes, Captain!" Humarap siya sa akin. "Dito muna kayo. Magbibihis muna kami." Tumango ako bilang sagot. "Naks naman, Captain! May lovelife!" tumawa na naman si Gino. Sinamaan siya ng tingin ni Kylzer. "Shut up." Nagpaalam din si Aljur kay Maddie pagkatapos ay pinatong nila ang bag sa bench at ang sports bag ang dinala nila papuntang cr. "Itong captain natin, laging high blood," sabi ni Gino. "I still can hear you," sabi ni Klyzer nang hindi man lang tumitingin sa amin. "Okay. Sabi ko nga, shut up na ako." Tinawanan namin siya. "Jill, okay ka na ba?" tanong ni Alfred. "Well, I'm fine?" "Hoy, Alfred! Ano 'yan ha? Baka mabugbog ka ni Klyzer sa patanong-tanong mo kay Jillian," si Rico. "Hoy ka rin! I'm just asking her because of what happened last night. Remember?" "Ay? 'Yon ba 'yon? Sorry na. Malay ko ba, fvccboi ka pa naman." "Ulol!" singhal ni Alfred. "Pero, ayos ka na ba?" baling niya ulit sa'kin. "Yeah. Buti nga dumating kayo eh." "Si Captain talaga iyon. Atat na atat lumabas, hindi mapakali. 'Yon pala dahil may nangyayari na sa'yo. May kutob na pala siya," singit ni Hanz. Woah? Uso pa pala ang kutob ngayon? "By the way, can you be our friends?" tanong ni Rico sa'min ni Maddie. Friends? Actually I'm not friendly, I'm not sociable. But, they look nice naman kanina at mukhang close naman sila nina Klyzer at Aljur. Boss nga lang nila si Klyzer. "Sure," sabi ni Maddie at nakipagkamay siya sa lahat. "Yeah, sure," sabi ko rin at nakipag-kamay sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD