bc

Polaris

book_age12+
1
FOLLOW
1K
READ
others
others
others
drama
tragedy
twisted
heavy
serious
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Bunso ang labing-apat na taong gulang na si Emeraldine sa anim na magkakapatid ng kanilang pamilya. Ngunit ang apat na nakatatanda lamang ang nakilala niya sa paglaki. Ito ay bunga ng paglayas ng kanilang panganay noong siya ay apat na taong gulang pa lamang. Kaya naman lubos na ikinagulat niya nang makita ang kapatid na iyon isang araw makalipas ng sampung taon sa harap ng kanilang tahanan. Ngunit hindi niya ito nagawang kausapin. Ang tanging naabutan niya ay ang isang kahon sa harap ng tinayuan ng dalagang iyon. Isang kahon na naglalaman ng napakaraming pera.

Napuno si Emeraldine ng tanong at kuryosidad. Iyon ang simula ng kaniyang pagkasabik at kagustuhang makilala ang panganay na kapatid na sa nakalipas na dekada ay hindi napag-uusapan sa kanilang tahanan. Upang punan ang nararamdaman at isipan, sinimulan niyang hanapin ang dalagang iyon...

chap-preview
Free preview
Prologo
“Dito ka muna kina Nanay Celia. Susunduin nalang kita mamayang hapon,”Inilapag ni Marites ang isang pack bag sa pintuan katabi ng dalawang taong gulang na anak. “Sa’n ka po ba pupunta?” Halata sa mukha na ayaw magpaiwan ng bata. Ibinaba nito ang tingin sa dalawang bilaong nasa likuran ng ina. “Maglalako ka po ulit ng mani at turon?” Napansin ni Marites na napalingon ang kapitbahay na si Celia sa sinabi ng anak. Tuloy ay alanganin siyang natawa at hinimas sa ulo ang anak. “Behave ka lang dito. Babalik naman ako mamayang hapon, dyusmiyo kang bata ka oh-oh," Nangingiting anito. Hindi na namilit pa ang bata bagkus ay hinayaan nalang nito ang ina na tumalikod dala ang dalawang bilao ng mani at turon. Nang mawala sa paningin ay pumasok na siya sa bahay na pansamantalang tutuluyan sa araw na iyon. Kapitbahay nila si Nanay Celia, isang matandang dalaga na walang ibang pampalipas-oras maliban sa mga halaman nito sa veranda. Inabutan niya ito sa kusina. Matapos magmano sa matanda ay naupo ito sa hapagkainan. “Nanay, ano pong niluluto ninyo?” “Sinigang, hija. Mahilig ka ba rito?” Magiliw na tumayo sa upuan ang batang babae at tumabi sa matanda. Iyon ang unang beses niyang makapasok sa bahay na iyon at unang beses ring makausap ang matanda dahil bago lamang sila sa barangay ngunit naging sunud-sunod ang mga tanong niya. Mula sa sinigang ay umabot sa paligid ng bahay ang kaniyang kuryosidad. “Mahal po ba ‘yang ref? Magkano naman po ang bili ninyo?” Hindi na napigilan ng matanda ang humagalpak ng tawa, bagay na ikinakunot ng noo ng nagtanong. Nangingiting napailing-iling ang matanda sa kadaldalan ng bata na puno ng kuryosidad. Kung ipagpatuloy nito ang ganitong likas na ugali hanggang sa paglaki ay iisa lamang ang pumasok sa isip niya. “Mabubuhay sa mundo ang batang ito,” ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
611.7K
bc

The Great Ethan Lee

read
4.1K
bc

Bullied Wife In A Contract Marriage

read
2.3K
bc

Cheers to Comeuppance

read
801.9K
bc

Desired By The Hockey Captain Alpha

read
6.4K
bc

Alpha's Instant Connection

read
650.8K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook