Chapter 4

882 Words
Chapter 4 “Charles, pakiusap… huwag mong gawin ‘to sa akin! Hindi mo na ba ako mahal?” Halos madurog ang puso ni Charles sa pagmamakaawang iyon ni Divina. Pero buo na ang desisyon niya. Makikipaghiwalay siya—kahit ang kapalit ay pagkamatay ng kanyang puso. Dahil si Divina lamang ang nag-iisang nagmamay-ari nito. Ang tanging babae na itinitibok ng kanyang puso. Naglakad siya palabas ng bahay nang hindi lumilingon. Alam niyang kung titigilan niya si Divina, hindi na niya magagawang umalis. Tinupad niya ang pangako sa ama ng dalaga: layuan si Divina kapalit ng katahimikan—hindi malalaman ng asawa niya ang relasyon nila. Aaminin niyang naging duwag siya noon, hindi ipagtanggol ang dalaga. Pinagsisihan niya ang araw na nakita siyang nakaluhod at nagmamakaawang huwag siyang iwan. Ngunit nabuhayan siya ng pag-asa nang malaman na umuwi na si Divina pagkatapos ng apat na taon sa ibang bansa. “Hindi ko na hahayaang mawala ka pa uli sa akin, Divina. Ngayong nagbalik ka na, gagawin ko ang lahat para mapasakin muli ang puso at pagmamahal mo.” “Daddy, daddy! Please open the door!” boses ni Rain mula sa labas ng kwarto, kasabay ng mga katok na nagbalik sa kamalayan ni Charles. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Nakita niya ang bata, nakayakap sa unan. Alam niyang ibig sabihin niyon: tatabi ito sa pagtulog sa kanya. “Don’t tell me you’re seeing a moonster in your room again?” biro niya. “No, Daddy. Gusto ko lang po tumabi sa pagtulog sayo because I feel safe.” “You are safe in your room, Rain,” sagot niya, nakapaluha ang mga mata ng bata. “’Ayaw mo ba akong katabi, Daddy?” “No, sweety! Syempre gusto kang katabi ni Daddy, but you’re a big girl now. You must sleep in your own room.” Malumanay niyang ipinaliwanag. “Okay,” sagot ni Rain, bahagyang nalungkot. Napangiti siya sa pagiging ama niya. “Pero dahil love ka ni Daddy, you can sleep here!” biglang bawi niya. Nagpalundag si Rain sa tuwa. “I love you, Daddy!” ani Rain, hinaplos ang mukha niya para halikan. “But only tonight! Bukas, doon ka na sa room mo matutulog?” tanong niya. “Opo, Daddy!” sagot ni Rain at mabilis na sumampa sa kama. “Come, Daddy!” Nakangiti, tinabihan niya ang anak at hindi na nagreklamo. Hinaplos niya ang buhok ni Rain hanggang sa pumikit ito. Siguradong nakatulog na, saka niya pinakawalan sa yakap. Pinagmasdan muna itong maigi bago huminga nang malalim. “Sleep well, sweety,” mahina niyang bulong sa natutulog na bata. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama. Deretso siya sa mini bar, kumuha ng wine glass, at nagsalin ng alak. Bago iyon, nakipag-usap siya sa telepono sa taong inutusan niyang sundan si Divina at kaibigan nito. “Yaya Saling, ikaw na muna ang bahala kay Rain. Nasa kwarto ko siya natulog. Hindi na siguro siya magigising, pero kung sakali at hanapin ako, pakisabi lang na nasa trabaho ako. Kayo na ang bahalang magpaliwanag sa kanya,” habilin niya sa matanda. “Pero Charles, kauuwi mo lang… aalis ka na naman? Hindi ko nanghihimasok, pero lumalaki si Rain na hindi mo na naasikaso. Lagi kang nasa trabaho at halos hindi mo na nakikita ang anak mo. Lagi ka na niyang hinahanap.” “Hayaan niyo po, Yaya Saling. Babawi na lang ako sa kanya. May inaasikaso lang ako ngayon, mahalaga.” “Mas mahalaga pa ba sa anak mo?” tanong nito, may halong panghihikayat. “Sige po, aalis na ako,” sagot niya, umiwas sa pagtalo. May habag na sinundan ni Yaya Saling ang papalayong si Charles. Sa tagal ng kanyang pagiging katiwala ng pamilya de Villa, alam niya ang lahat ng nangyayari sa loob ng bahay at sa buong pamilya. “Hanggang kailan mo siya tatakbuhan, Divina?” tanong ni Becky habang nag-iisip. “Please, don’t start Becky. Kakaupo pa lang natin. Huwag mong sirain ang ambience,” sagot niya, bahagyang natawa. Natawa siya dahil ang ambience na tinutukoy ay isang walang katao-taong Chinese fast food chain, tanging mga silya lamang ang naroon at mga staff sa counter. Wala lang mga customer sa oras na iyon, at mas marami ang dine-in na may KTV. “Pero ano kaya ang ginagawa ni Charles doon kanina? Binayaran kaya niya ang waiter para siya ang mag-serve?” nakapangalumbaba na tanong ni Becky. “Naiinis na ako!” sambit niya. “Kay Charles?” “Sayo!” singhal niya kay Becky. Pagod na, napabuga siya sa hangin bago tumingin nang tuwid sa kaibigan. “I do still love him, girl… but I’m so damn scared!” “Saan ka takot? Sa rejection?” Tumango siya kay Becky. “Fight for it, girl! Nag-suffer ka na ng apat na taon. Alam kong nandiyan pa rin si Charles sa puso mo kahit lumayo ka at ang sabi mong makalimot? I doubt it! Tama ba ako, girl?” “Tama ka, girl. I still do love him. What should I do? Natatakot ako eh!” “Ok, ganito ang gawin natin—” “Teka, bakit natin?” putol niya. “Patapusin mo muna ako, pwede?” “Ok!” sagot niya, hands up, kahit alam niyang puro kalokohan ang laman nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD