Chapter 5

818 Words
Chapter 5 – Hiram na Sandali NAMIMILOG ang mga mata ni Divina habang tinitigan ang kaibigan nito matapos sabihin: i-seduce na nang tuluyan si Charles oras na makita niya itong muli at huwag nang pakawalan pa. “Sa tingin mo, kailangan ko pang gawin iyon sa kanya? Hindi mo ba nakita kung paano niya akong sundan mula nang magkabanggaan kami kanina?” tanong niya, halatang naguguluhan. “Iyon naman pala eh! Ano pa ang pinapakipot-kipot mo?” tugon ni Becky. “Kaibigan ba kita o bugaw ko?” biro niya, halatang sarkastiko. “Hoy girl, sobra ka naman!” kunwa’y tampo ng kaibigan. “Pero maiba ako… Wala ba talagang may nagkamaling nanligaw sayo doon sa ibang bansa? Nakakapagtaka naman kasi sa ganda mong iyan.” “Sa walang nagkamali… anong magagawa ko?” sagot ni Divina, napangiti na lang. “O sadyang ayaw mo lang?” panghuhuli ng kaibigan. “Naku, alis na tayo dito. Tayo na lang ang pinagtitinginan ng mga crew! Mukhang pinapalayas na tayo—magsasara na ata sila,” bulong niya, sinabayan ng mahinang tawa. “Umiiwas ka lang eh!” sambit ni Becky, sabay tawa. Kaya agad silang umalis pagkatapos kumain. Naglalakad sila sa gilid ng kalsada nang may kotseng tumigil at pinapasakay sila. Hindi na sana nila papansinin kung sino man ang sakay nito kung hindi na lamang ibinaba ang salamin ng kotse. Nagulat na lang sila nang makilala ito—walang iba kundi si Charles. “Hop in na, girls!” Nagkatinginan muna ang magkaibigan, pero muling nagsalita ang lalaki at pilit na hinihikayat sila. “Delikado ang maglakad sa kalye ng ganitong oras kahit maraming tao pa. Sige na, sakay na kayo.” Kinalabit siya ni Becky para sumakay na lang, kahit pinandidilatan niya ito. “Ayaw mo? Bahala ka! Mamaya niyan, ma-gang r**e pa ako!” biro ni Becky, sabay pasok sa kotse. Napasunod na rin siya, pero inilock ang pinto at itinuro ni Charles na sumakay siya sa unahan. Wala nang nagawa si Divina kundi umupo sa tabi ng driver’s seat. Nakita pa niya kung paanong ngumisi ng nakakaloko ang kaibigan habang dinilaan pa siya sa kilay. “Saan ko ba kayo ihahatid?” tanong ni Charles, tumingin sa rear mirror. Sumagot na rin si Becky. “Malapit lang dito ang boarding house ko. Ituturo ko na lang sa’yo, Charles. Diyan lang sa may unahan, sige dito mo na lang ako ibaba. Salamat,” ani Becky, at mabilis na bumaba. Akmang bubuksan ni Divina ang pintuan nang makita siyang bumaba na rin si Becky, pero pigilan ito ni Charles. “You’re coming with me,” sabi niya, matiim na nakatitig kay Divina bago tumingin kay Becky. “Bye Becky, see you around. Huwag kang mag-alala, aalagaan ko ang kaibigan mo.” “Dapat lang, Charles. Sige, umalis na kayo. Ingat sa pagmamaneho.” “Becky, what is this all about?” tanong ni Divina sa kaibigan. “Oras na para sumaya ka, girl. You deserve it!” sagot ni Becky, sabay kamay sa ere, bahagyang nagtatawa. Nakikita ni Divina sa side mirror na nakasunod ang tingin ng kaibigan sa kanila kahit tumatakbo na ang kotse. Nang hindi na abot ng tanaw niya si Becky, saka niya nilingon si Charles na may uring nanunumbat. “Bring me home, now!” utos niya, matigas. Pero hindi man lang ito natagalan—patuloy sa pagmamaneho si Charles, ni hindi siya naririnig. Pangiti-ngiti pa ito habang sumisipol. “May nanatawa ba sa sinabi ko?” muli niyang utos. Wala pa ring sagot mula rito, ikinainis niya. “Hoy! Naririnig mo ba ako?” sigaw niya. “Say my name and I will answer you,” balewalang sagot ni Charles, hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin, pero panay ang ngiti. “Ako nga! Huwag mong pinagloloko ha? Kung ayaw mo akong iuwi, ibaba mo ako ngayon, dito din!” matigas niyang utos. Lalo siyang nanggalaiti nang buksan nito ang stereo sa halip na sagutin siya, sumusunod sa tugtog ng kanta. “Wherever you go, whatever you do… I will be right here waiting for you… What—” “Stop it!” pigil niya. “I still do remember na lagi mong kinakanta iyon sa akin,” sabi nito, hindi pansin ang galit niya. “That was before,” sagot niya, tumuwid sa upo at pinikit ang mata, kampante sa likod ng malambot na upuan. Hayaan na lang niya kung saan man siya dadalhin. Sa kaibuturan ng kanyang puso, pinapangarap niya ang makasama si Charles—malayo sa mapanghusgang lipunan. Siya at si Charles lamang, walang ibang makakakita. “How do you like… beside the beach?” tanong nito, hinihaan ang volume ng stereo. “This will be a long trip,” sagot niya, nakangiti at ipinikit ang mga mata, kampante sa pag-upo habang nakatingin sa malambot na upuan. Hindi niya na nakita nang magpakawala ng matamis na ngiti si Charles.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD