Hindi magkanda ugaga si Lucy ng mga sumunod na araw sa tagal niyang nawala ay nagpatong-patong na ang mag bayarin at gawain niya sa tindahan, kaya naman todo ang pag aasikaso niya dito ngayon. Malaking pasalamat niya at nariyan si Andrew para tumulong sa kanya, sa loob ng ilang linggo na pagsisimula niya muli ay nanatiling naka-alalay ang nobyo, halos araw-araw ay hatid sundo siya nito kaya naman mas napagaan noon ang kanyang trabaho. Pang ikatlong linggo niya na ng araw na iyon kaya naman kahit papaano ay naiayos niya na ang ilan sa mga bayarin niya roon at naasikaso ang mga kailangan ayusin, kaya naman maaga siyang natapos ng araw na iyon, kaya ganoon na lang ang gulat niya nang masalubong niya si Andrew. “Bee!” papansin niya dahil tulala ito sa pagkalikot sa telepono. Mabilis nama

