“Honey, I’m home,” nanghihinang tawag ni Andrew. Pakiramdam niya kasi ay naubos lahat ng lakas niya sa opisina dahil buong araw ay walang patid ang pangungulit ng mommy niya maliban pa sa bagong trabahong ipinataw naman ng kanyang daddy. Napakunot na lamang siya ng noon nang walang mabatid na kahit anong pagbati, tahimik na lang siyang nagtuloy-tuloy papasok at ganoon na lamang ang kanyang pagtataka nang makita si Lucy sa kusina. Nakatulala lamang ito sa niluluto na may kung anong lungkot sa mga mata, kaya naman ganoon na lamang ang lalong pag-aalala niya. “Honey?” muling niyang bati nang mas makalapit na. Doon lang tila nabalik sa sarili ang dalaga at pilit na lamang ngumiti nang magbaling sa kanya. “Hey bee, nandiyan ka na pala, sandali na lang itong niluluto ko, tapos ireready ko

