Chapter One

1196 Words
Abala ang lahat para sa graduation namin. Last year ko na sa university na 'to. Naisipan ko muna mag ikot sa loob ng campus habang hinihintay ang oras para sa graduation pictorial namin. Una kong pinuntahan ang maliit na park na nasa high school building. Lumapit ako sa sementadong upuan, semento din ang bubong nito. Hindi ko mapigilan na malungkot ng maalala ko siya. Dito ko unang naramdaman ang kakaibang pagtingin para sa kanya. "Jamie," I heard someone calling my name pero nanatili lang akong nakayuko habang tahimik na umiiyak. "Iniiyakan mo na naman siya!" mahinang sabi ni lara habang hinahaplos ang likod ko. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya habang pinapahid ang mga luha sa pisngi ko na patuloy pa rin ang patak nito. "Iwan ko ba sa sarili ko, hindi ko mapigilan." Pilit akong ngumiti sa kanya. nakikita ko sa mukha niya ang pagkaawa sakin. Umupo siya sa tabi ko at ginagap ang kamay ko pero hindi siya nagsalita. "Subrang sakit kasi, umasa ako na baka mahal niya din ako dahil sa mga ipinaparamdam niya sakin. " pagtutuloy ko. Hinahaplos niya naman ang likod ko at pilit akong inaalo. "Akala ko mahal niya ako pero ginagawa niya lang pala iyon kasi wala ang ate ko. Ako naman si tanga nahulog ng subra sa kanya." tumawa ako ng pagak habang umiiyak pa rin. "Tahan na. Bakit hindi mo siya kausapin, linawin mo kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sayo.." Umiling ako sa sinabi niya "Wala namang mababago, ikakasal pa rin sila ni ate. tsaka anong sasabihin niya sakin, sorry kasi na misinterpret mo ang mga ginagawa kong pag papahalaga sayo noon?" Napabuntong hininga ako. Kasalanan ko 'to e, hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sa kanya. Binigyan ko ng kahulugan ang ginagawa niya sa akin. Hindi ko naisip na pinapasaya, nililibang niya lang pala ako. Nakikita niya na subrang lungkot ko ng mga panahon na iyon dahil sa pag alis ng kakambal ko. "Anong balak mo ngayon?" tanong niya sakin. "Nothing, ayokong maging dahilan ng pagkasira sa relasyon nila. " umiiling iling na sagot ko. Mahal ko ang kapatid ko ayokong maging magkaaway kami nang dahil sa pareho kami ng lalaking minahal. "I'm proud of you girl, iniisip mo ang kaligahayan ng iba kesa sa sarili mong kaligayahan." Niyakap niya ako ng mahigpit. gumanti ako ng yakap at napangiti na rin. Hindi man napunta sakin ang lalaking minahal ko may kaibigan naman akong mahal na mahal ako. "Teka, paano mo nalaman na nandito ako?" Nagtatakang tanong ko. Wala siya doon kanina ng umalis ako. "Nagkasalubong daw kayo ni kathy kaya lang mukhang hindi mo daw siya napansin." humiwalay siya sakin ng yakap at tinitigan ako "Anong tingin yan?" natatawang tanong ko. "Kasi may nakita ako sa internet, tingin ko kailangan mo 'to ngayon." sabi nito habang inilalabas ang laptop sa bag niya. Hindi ako sumagot at hinintay na maipakita sakin kung ano iyon. " Calendar Princess?" Kunot noong sabi ko habang nasa screen ng laptop niya ang paningin ko. "Yup, sakto bakasyon na natin. Sumali ka." nakangiting sabi nito "Ako? sasali? dito?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko kay lara. Malapad ang ngiti nito habang tumatango. "No, Ayoko!" salubong ang kilay na sabi ko. "Kailangan mo 'to girl, di ba ikakasal na sila at sabi mo nga sa bahay sila gustong patirahin pansamantala ni tita. Kaya mo ba silang makasama? kakayanin mo ba makita silang masaya sa isa't isa?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Ayokong guluhin sila pero ayoko rin itigil kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya kuntento na akong mahalin siya ng palihim. "Don't tell me ipagpapatuloy mo pa rin iyan nararamdaman mo sa kanya." Nag iwas ako ng tingin parang nabasa niya ang nasa isip ko. "Oh come on jamie, huwag mo sayangin ang buhay mo sa kanya. May darating din sayo na mas deserving kesa sa kanya. Let him go bago pa man malaman ng ate mo iyang nararamdaman mo." Mahabang sermon niya sakin "Anong magagawa ko? mahal ko siya. Don't worry wala akong gagawin na masama." Gusto ko lang pagbigyan ang puso ko hanggang sa mapagod ito at kusa ng sumuko. "Bahala ka na nga pero kapag nag bago ang isip mo sabihan mo lang ako." Pagsuko niya. tumango na lang ako sa kanya. Hindi ko na itinuloy pa ang pagikot sana sa buong campus. Mag gagabi na nang makauwi ako sa bahay. Tahimik ang buong bahay pagpasok ko. "Babe naman eh, ang dumi na tuloy ng mukha ko." Narinig ko ang boses ni ate ng mapadaan ako sa kusina. kaya pala walang tao sa sala nasa kusina pala sila "hahah, hayaan mo na maganda ka pa rin naman." Tuwang tuwa na sagot ni jack. Dahan dahan akong lumapit sa pinto ng kusina. "hmp, bolero." natatawang sabi ni ate habang pinupunasan ang mukha nito. Hindi ko alam kung ano ang inilagay ni jack sa mukha niya dahil nakatalikod si ate sa pwesto ko. si jack naman nakatingin kay ate kaya hindi niya ako nakikita. "Come here," Napalunok ako ng hawakan niya ang kamay ni ate at hinila ito palapit sa kanya. Nakapaikot sa bewang ni ate ang isang kamay niya habang ang isang kamay naman ay nasa pisngi ni ate. "I love you, mahal na mahal kita" Napapikit ako ng mga mata ng makita ang paghalik niya sa ate na kaagad naman nitong tinugon. Hindi ko na kinaya pa ang sunod nilang ginawa kaya umalis na ako at tinungo ang silid ko. Pumasok kaagad ako sa banyo para doon iiyak ang nararamdaman kong sakit. Kung naging matapang kaya ako noon na ipagtapat ang nararamdaman ko para sa kanya, naging magkasintahan kaya kami? Ako siguro ang nasa lugar ni ate. Ako sana ang hinahalikan niya, Sa akin niya sana sinasabi ang mga katagang mahal kita. Sa akin niya sana ibinibigay ang atensiyon na ibinibigay niya ngayon para sa ate. Gusto kong maranasan ang sayang nararamdaman ng kakambal ko ngunit huli na ang lahat. Ang hiling ko na lang sana mabilis kong matanggap sa sarili ko ang lahat. Sana isang araw magising akong hindi na apektado kapag nakikita ko silang magkasama. Nagising ako sa sunod sunod na katok sa labas ng kwarto ko. "Jamie," Tawag ni ate habang patuloy pa rin ang pagkatok nito sa pinto ko. Tumayo ako para pagbuksan siya. "Masama ba pakiramdam mo? bakit hindi ka bumaba kagabi para maghapunan?" Bakas sa mukha nito ang pag aalala. Kaya wala akong lakas ng loob para ipaglaban ang nararamdaman ko dahil sa ipinapakitang kabutihan sakin ng kakambal ko. Kung ibang tao siguro ang naging karibal ko baka nakikipag agawan na ako ngayon. "I'm fine ate. Kumain kami sa labas ni lara. Sa sobrang pagod kaya nakatulog ako kaagad." Pagdadahilan ko. Gising pa ako kagabi ng kumatok si manang ngunit hindi lang ako bumaba dahil ayokong makita nila na galing ako sa pag iyak. "Ganon ba, mag ayos kana. Padating na sila mommy at dad, they have something to tell you." tumango lang ako. Uuwi sila dad dahil ikakasal na sila next month. Ipinagkasundo silang ikasal ng mga magulang namin at ng parents ni jack. Walang naging problema dahil pareho nilang gusto ang isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD