Chapter Two

1294 Words
Nasa sala sila jack at ate pagbaba ko ng hagdan. May kausap si ate sa cellphone niya. Nakaupo naman si jack. Nginitian niya ako ngunit nag iwas lang ako ng tingin. Simula nong malaman ko na may relasyon sila at ikakasal na pinigilan ko na ang sarili ko na lumapit sa kanya. Nag dadalawang isip pa ako kung sasamahan ko ba sila sa sala habang hinihintay ang pagdating nila mom at dad. "Kumain ka na muna, nasiraan ng sasakyan sila mom susunduin ko lang." Baling sakin ni ate. Nakaramdam ako ng tuwa dahil mas makakakilos ako ng maayos kapag wala ang presensiya nila. "Babe, samahan mo na muna si Jamie dito. Ako na lang ang susundo kila dad." Napabuntong hininga naman ako ng sumang ayon ito sa sinabi ng ate. Akala ko pa naman makakaiwas ako hindi pala. tumungo na lang ako sa kusina. May nakahanda ng pagkain sa lamesa. Umupo na ako at nagsandok ng pagkain. Hindi ako nakakain kagabi at tanghali na rin ako nagising kaya gutom na gutom na ko. Saglit akong natigil sa pag nguya ng maramdaman ang pag upo niya sa katabi ng inuupuan ko. "May problema ba tayo?" mahinang tanong nito. "Bakit naman tayo magkakaproblema?" Balik tanong ko nang hindi siya tinitingnan. "Napapansin ko kasi ang pag iwas mo sakin. Ayaw mo ba sakin para sa ate mo?" Nag buntong hininga ako. 'Oo ayoko ko sayo para sa kapatid ko dahil gusto ko sa akin ka lang' Gusto ko sanang sabihin mga yon sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko. "Hindi kita iniiwasan, ayaw ko lang makaistorbo sa inyo. tsaka wala akong karapatan mamili ng lalaking pakakasalan ng kapatid ko." Walang ganang sabi ko. "Huwag mo isipin na istorbo ka, Parang kapatid na kita kaya mahalaga ka sakin." Napapikit ako ng maramdaman ang pag iinit ng mga mata ko. Mas lalo akong naawa para sa sarili ko. Iyon taong mahal na mahal ko hindi niya kahit kailan man masusuklian ang nararamdaman ko dahil kapatid lang ang tingin niya sa akin. "Maiwan na kita, nakalimutan ko pinapatawag pala ako non ni lara dahil may sasabihin siyang importante." Sunod sunod ang ginawa kong pagsubo sa natitirang pagkain sa plato ko, kahit muntikan na akong mabilaukan pinilit ko parin ubosin ang pagkain. Kailangan ko ng makaalis hanggat kaya ko pang pigilan ang emosyon ko. Kinalma ko ang sarili ko ng makapasok sa silid ko. Ayokong humarap sa parents ko na mugto ang mga mata ko. Dito na lang muna ako sa kwarto, mamaya na ako bababa kapag dumating na sila dad. Gusto ko rin malaman kung ano man ang gusto nilang sabihin sa akin. Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito. Lumapit ako sa kama at kinuha iyon. May text message galing kay Lara. 'Girl sinend ko sa messenger mo ang lahat ng info tungkol don sa sinasabi ko sayo kahapon. Just in case magbago ang isip mo heheh..' Nagkibit balikat lang ako at hindi sinagot ang text niya. Ilang minuto pa akong naghintay bago makarinig ng busina ng kotse sa labas ng bahay. Nagmamadali na akong bumaba upang salubongin sila "Mom, dad!" Pinilit kong maging masigla sa harap nila. Niyakap ko sila ng mahigpit, dalawang buwan namin silang hindi nakasama ng ate ko. "Namiss ko ng subra ang kambal ko!" Nakangiting sabi ni mom habang yakap kaming dalawa ni ate. "Tama na muna 'yan dahil nagugutom na ako!" Natawa kaming lahat sa sinabi ni dad. Sinamahan ko sila sa kusina ngunit hindi na ako kumain. Nang matapos kumain dito na kami sa garden dumiretso. "May plano na ba kayo para sa kasal niyo?" Tanong ni dad habang humihigop ito ng kape nito. Nasa mahabang upuan si ate at jack nasa tapat nila si mom at dad. Ako naman mas pinili ko sa gilid ng pool umupo pero malapit pa rin kung nasaan sila. "Opo dad, Nakahanap na kami ng wedding organizer at magkikita kami bukas para mag usapan ang lahat." Nakangiting sabi ni ate kay dad. "Good to hear that." tugon ni dad. Marami pa silang pinag usapan kinakausap niya rin si jack. Nakikinig lang ako sa mga pinag uusapan nila na karamihan ay tungkol sa negosyo. Wala pa naman akong alam kung paano patakbohin ang negosyo kaya hindi ako nakikisali sa pag uusap nila. "Jamie," Nagulat ako ng marinig ang pagtawag ni dad sa pangalan ko. Nilingon ko ito. Tumayo ako sa pagkakaupo ng Itinuro nito ang bakanteng umupuan malapit kay jack. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang makaupo na. "Since ikakasal na ang ate mo, at gagraduate ka na rin siguro kailangan mo na rin magpakasal." Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla, hindi ko inaasahan ang diretsahan sasabihin niya. "Dad, A-ano po ibig niyong sabihin?" Nauutal kong tanong. Naguguluhan ako paano ako magpapakasal kung wala naman akong boyfriend. "Alam mo namang arranged marriage ang nangyari sa ate mo at kay jack hindi ba?" tumango lang ako sa tanong nito. Parang nahuhulaan ko na ang susunod niyang sasabihin. "At dahil walang naging problema sa kanila. Pareho nilang nagustuhan ang naging pasya namin at ng mga magulang ni jack. Gusto ko rin na maikasal ka rin sa anak ng isa pa naming business partner." Parang may bumara sa lalamunan ko at kailangan kong lumunok ng sunod sunod "Dad naman, Nagkataon lang na M-mahal nila ang isa't isa kaya walang naging problema sa gusto niyong mangyari." halos hindi ko pa mabigkas ang mga salitang iyon. "Huwag niyo po gawin ito sa akin dad. Ayokong magpakasal sa taong hindi ko mahal!" Pagtutol sa gusto nitong mangyari. Kung si jack sana ang lalaking iyon hindi ako mag dadalawang isip na sundin ang gusto niya. Siya lang ang gusto kong pakasalan wala ng iba pero hindi na pwede dahil may nag mamay ari na sa kanya at iyon ay ang kakambal ko. "Anak matutunan mo rin siyang mahalin. Para sayo ang ginagawa kong ito, para sa kinabukasan mo at ng magiging mga apo ko." Natawa ako ng pagak sa sinabi niya. "Seriously dad mga apo talaga? paano kayo nakasisiguro na magiging maayos nga ang pagsasama namin? kagaya ko, sigurado na ayaw niya rin sa arranged marriage na to dad." mahabang sagot ko. "Iha walang masama sa arranged marriage dahil ganyan din ang nangyari sa amin ng papa mo!" I rolled my eyes. Yeah right ganyan nga din pala ang nangyari sa inyo ni dad, and luckily dahil naging magkapareho ang tadhana niyo ni ate samantala ako heto problemado. Hindi ko na nga naipaglaban ang lalaking gusto ko, magpapakasal pa ako sa taong hindi ko mahal, ang saklap di ba? "Mom, magkaiba tayo ng sitwasyon, may mahal akong iba at siya lang ang gusto kong pakasalan!" Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nasabi ko iyon. Nakita ko ang pag kuyom ng mga kamao ni dad. "Who is he?" Bakas ang galit sa boses ni dad "Hindi niyo na po kailangan malaman pa." Napadako ang tingin ko kay jack habang sinasabi iyon kaagad din akong nag iwas ng tingin nang makita itong nakatitig sakin. Baka magkagulo pa kapag nalaman niyo kung sino siya. "Kung ganon tuloy pa rin ang arranged marriage. Iisipin ko na lang na ginagawa mo lang iyan na dahilan dahil ayaw mo siyang ipakilala sa akin." Matatag na sabi nito "Pero da-" Magpoprotesta pa sana ako ngunit hindi niya na pinatapos ang sasabihin ko. "No buts Jaime!" Pumasok na siya sa loob pagkatapos niyang sabihin iyon. Sumunod si mom sa kanya. Wala akong nagawa kundi ang magbuntong hininga na lang. Pilit akong ngumiti ng lapitan ako ni ate. "Ayos lang ako don't worry."matamlay na sabi ko kay ate. Pumasok na rin ako sa loob at tinungo ang sarili kong silid. Hindi ako papayag sa gusto nilang mangyari, kailangan may gawin ako upang hindi matuloy ang kasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD