Hindi ako mapakali. Kanina pa ako palakad lakad sa loob ng kwarto ko. Kailangan kong makaalis sa bahay na ito hangga't nandito ako magagawa nila dad ang gusto nilang mangyari. Baka sa mga susunod na araw papuntahin na nila dito ang sinasabi niyang business partner kasama ang anak ng mga ito.
Baka mamaya panget o rapist pala ang ipakakasal sakin. Napangiwi ako sa mga naiisip ko. Ngayon pa lang natatakot at naaawa na ako para sa sarili ko. Kung aalis ako saan naman ako pupunta? Bigla kong naalala si Lara, mukhang tama siya kakailanganin ko na nga iyon ngayon.
Kinuha ko ang laptop at binuksan ito. Ang sabi niya naisend niya na daw iyon sa messenger ko. Nag antay pa ako ng ilang segundo bago naconnect ang wifi. Nag pop up sa screen ko ang pangalan ni Lara. Binuksan ko iyon, isang link ang sinend niya sakin.
Nagdalawang isip ako kung pipindutin ko iyon baka mamaya pag pinindot ko bigla mahack ang account ko. Napatingin ako sa tatlong maliliit na bilog sa baba, gumagalaw ito sign na nag tatype siya ng message.
'Girl kanina pa kita inaantay na mag online.' Basa ko sa chat niya.
'Bakit?' Reply ko
'Kasi hindi ka nagreply sa text ko kaninang umaga!'
'Kakabasa ko lang ng text mo ngayon, dumating kasi sila mom at dad kanina.' Pagdadahilan ko. Hindi sana ako magkakainterest na sumali kung walang arranged marriage na mangyayari.
'Ganoon ba, just open the link if you change your mind. I need to sleep na good night!'
'Ok, good night!'pagkasend ko ng message sa kanya, pinindot ko na kaagad ang link, napunta ako sa ibang page.
A famous company here in the Philippines is holding a big pageant to find twelve women to model their birthstone jewelry product.
The twelve women to be selected will be called CALENDAR PRINCESS of the year. They will receive One million pesos each, and they will also receive the birthstone necklace that they are modeling. So if you want to audition just go to the B.S auditorium in makati city and look for Lay cruz, or click the link below and you can also audition there. Our staff will call you when you have passed the audition. Thank you!!
Wow, subrang yaman na siguro ang may ari ng kompanyang ito. imagine kung gaano kalaki ang magagastos nila para sa pageant na ito.
Nakasali na rin ako sa mga beauty pageant sa school namin kaya kahit papaano may alam ako. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko. No, hindi ko lang susubukan but i will do my best to pass the audition and I will surely win. Bukas na bukas din kakausapin ko si Lara mag papatulong ako sa kanila ni denice. Bago ako matulog nag send muna ako ng message para kay Lara at kay denice humingi ako ng tulong. Sinabi ko na magkita kita kami bukas.
Masigla akong gumising kinabukasan. Binuksan ko kaagad ang laptop upang tingnan kung nagreply na ba sila. May message galing kay denice.
'Girl, dito ako now sa condo ni Lara punta ka na antayin ka namin, Mwuah.' Napangiti naman ako sa message niya.
Pinatay ko na ang laptop at tinungo ang banyo upang maligo. Tiningnan ko ang sarili sa salamin nang makuntento sa ayos ko lumabas na rin ako ng kwarto.
"Aalis ka?" Napapitlag ako dahil sa gulat ng marinig ang boses ni ate. Hindi ko napansin ang pag akyat niya sa hagdan.
"Ay, sorry nagulat pa tuloy kita!" Nangingiti nitong sabi.
"Pupunta ako sa condo ni lara ate." Sagot ko ng makabawi sa pagkagulat.
"Ganoon ba, gusto ko pa naman sanang makipag kwentuhan sayo aalis ka pala pero okay lang mamaya na lang pag uwi mo." Nakangiti pa rin nitong sabi. Nginitian ko siya
"Alis na ako, mamaya na lang tayo mag usap pag uwi ko." humalik ako sa pisngi niya at bumaba na ng hagdan.
Ipinag papasalamat ko sa sarili ko na hindi ako nag tanim ng galit kay ate kahit siya ang mahal ni jack. Naiinggit siguro oo pero ang magkaroon ng galit para sa kanya ay hindi ko maramdaman. Masaya parin ako para sa kanya kahit nasasaktan ang puso ko.
Kakatok palang sana ako nang bumukas ang pintuan ng condo unit ni Lara.
"Jamieeee!" tili ni denice sabay yakap ng mahigpit sa akin.
"Susunduin na sana kita non dahil ang tagal mo dumating." Sabi nito ng bumitaw sa pagkakayakap.
"Tinanghali ako ng gising eh!" Nakangiting sagot ko. Iginiya niya ako papasok
"Nasaan si Lara?" tanong ko nang hindi makita si lara sa loob.
"Nasa kwarto niya naliligo lang." sagot nito habang binubuksan ang tv.
Magkakaibigan ang mga magulang namin tatlo. Naging magkaklase kami noong elementary hanggang high school pero nong nag college na nalipat sa ibang school si denice dahil wala sa pinapasukan namin ang kurso na gusto niyang kunin, pero kahit ganon palagi pa rin kaming nagkakausap at nagsasama sama kapag pare pareho kaming available.
"Anong gusto mong sabihin? may naging problema ba sa bahay niyo? alam na ba nila ang tungkol sa nararamdaman mo para kay jack?" Sunod sunod na tanong ni lara ng makalabas ito sa kwarto niya.
"Kalma dear, isa isa lang broken ang kalaban!" Nakangising sabat ni denice. Natawa kami pareho ni lara sa sinabi ni denice.
"So ano nga?" seryoso na tanong ulit ni Lara.
Sa aming tatlo siya talaga ang pinaka matured mag isip, si denice naman may pagkapilya. Ako naman wala mabait lang heheh
"Wala namang nangyaring ganon pero may nangyari kagabi sa bahay." Sabay silang nangunot ang noo
"I mean may nangyari pero hindi involved si ate tsaka si jack!" Paglilinaw ko. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Nakatitig lang sila sakin na parang sinasabi nilang go girl magkwento ka makikinig kami.
"Ano? nagawa ng parents mo sayo yun?" Hindi makapaniwalang bulalas ni lara matapos kong ikwento lahat ng nangyari kagabi.
"Akala ko nga kay ate lang nila gagawin iyon dahil siya ang panganay. Okay lang sana sakin kung mahal ko 'yong guy."
"Nakita mo na ba siya?" tanong ni denice
"Hindi pa, kahit pangalan hindi ko din alam. Hindi naman din kasi ako interesadong malaman." Kibit balikat ko.
"Ayaw mo pumayag? paano kung gwapo pala iyon guy?" tanong ulit ni denice
"Eh, paano pala kung panget tsaka masama ang ugali?" sagot ni Lara. Napanguso naman si denice sa tanong ni Lara.
"Masyado kang nega! hindi naman siguro papayag sila tito kung ganon klaseng lalaki ang mapapangasawa ni jamie." pagkontra nito sa sinabi ni lara.
"Sabagay may point ka." tatango tango na sabi ni Lara
"Kahit ano o sino pa man siya hindi pa rin ako papayag. Isang lalaki lang ang gusto kong pakasalan si jack lang!" they rolled their eyes sa sinabi ko.
"So, anong plano mo?" tanong ulit ni lara
"Gusto ko umalis ng bahay kaya sasali ako sa Calendar princess!" Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nila at nakanganga pa ng marinig ang sinabi ko.
"Go girl, we support you!" Magkasabay na sabi nila.
"Tulungan niyo ko makapasa sa audition!" tuwang tuwa sila habang tumatango
"kaming bahala sayo." kumindat pa sakin si denice.
"Tara, simulan na natin." Napapailing na lang ako sa dalawang ito. Mas excited pa sila kesa sakin.
Gagamitin kong panimula ang pera na mapapanalunan ko kung sakaling mananalo ako. May naipon naman akong pera ngunit hindi kalakihan.