Chapter Fourteen

1209 Words
Pinakialaman ko na ang ref niya. Sinigang na lang ang lulutuin ko para makahigop siya ng sabaw. Nag saing na rin ako, Dito na lang din siguro ako kakain para hindi na ako magluto pa pagbalik ko ng kubo mamaya. Mukhang okay naman na siya. Nang makaluto dinalhan ko na siya ng pagkain sa silid niya. Ipinatong ko muna sa ibabaw ng side table niya ang pagkain. "David!" Niyugyog ko siya sa braso. Mainit na naman ito. Nagmulat naman ito kaagad ng mga mata. "Kumain ka na muna." Mahinang sabi ko sa kanya. Tinulongan ko siya na makaupo. Ipinatong ko sa mga hita niya ang tray. "Kumain ka na." Sabi ko ng makitang nakatitig lang ito sa pagkain. Nakita ko ang panginginig ng mga kamay niya ng hawakan niya ang kutsara. "Ako na." Agaw ko sa kutsara na hawak niya. Nang dahil siguro sa gutom kaya nanghihina rin siya. "Ahh." sabi ko habang nakaabang ang kutsara sa pagbuka ng bibig niya. Nag aalangan pa ito na ibuka ang bibig niya. Nakatitig lang ito sakin hanggang matapos siyang kumain. Nakakapanghina man ang mga titig niya pero pinilit kong labanan dahil kailangan niyang makakain ng maayos. Napansin ko na basa ng pawis ang suot niyang damit kaya lumapit ako sa kabinet at kumuha doon ng pamalit niya. Nakatingin lang siya sakin. "Magpalit ka ng damit baka ubuhin ka pa." sabi ko sabay abot ng damit sa kanya. Mabagal ang kilos na hinubad niya ang damit na suot. Napahawak ako sa leeg ko sabay lunok ng makita ang pandesal niya sa tiyan. Iniiwas ko ang mga mata sa kanya. "May gamot ka ba?" Saka ko lang ibinalik ang paningin sa kanya ng hindi ito sumagot. Umiling naman ito. "Babalik muna ako sa kubo. Kukuha ako ng gamot mo para makainom ka na. Tumango lang ulit ito. Masama na naman siguro ang pakiramdam niya kaya tahimik. Inilagay ko lang sa lababo ang pinagkainan niya saka lumabas ng kubo niya. Nagbihis muna ako ng damit at kinuha ang extra na kumot sa kabinet. Nakaupo pa rin siya pagbalik ko pero nakapikit ito habang nakasandal ang ulo sa headboard ng higaan. "Inumin mo ito." Nagmulat ito ng mga mata. Kinuha niya ang gamot sa kamay ko at ininom ito.Ininom niya rin ang tubig na Iniabot ko sa kanya. "Masama na naman ba ulit ang pakiramdam mo?" Tanong ko dito. Tumango lang ito ulit. "Hoy, may sakit ka lang hindi ka pipi bakit ba tango ka lang ng tango." salubong ang kilay na sabi ko. "Nahihiya kasi ako sayo. Palagi kitang inaasar pero tinulungan mo pa rin ako." Naglikot ang mga mata niya habang sinasabi iyon. Natawa naman ako. Ang lalaking maloko ay nakakaramdam din pala ng hiya. "Asus huwag mo ng isipin iyon. Tinulongan mo rin ako remember kaya tumatanaw lang din ako ng utang na loob. "Pero tuloy pa rin ang dinner date natin ha." Nakita ko ang pagkabahala sa mukha nito. Iniisip niya yatang hindi na matutuloy ang ipinangako ko dahil sa ginawa kong pagtulong. "Dinner lang iyon walang date." Pagbibiro ko dito. "Dinner date na rin 'yun." Nakanguso ang labi na sagot nito. "Magpagaling ka na muna ngayon saka mo na isipin 'yan. " Natatawa kong sabi. Humiga na ito. Ikinumot ko sa kanya ang dala kong kumot. "Nasaan pala ang mga kumot mo? Hindi ko mahanap kanina. " Itinuro niya ang drawer sa baba ng kabinet. Natampal ko ang sariling noo. Nanjan lang pala dahil sa pagkataranta ko kanina hindi ko na napansin na may drawer pa pala sa baba. Magkaiba rin kasi ang pagkagawa ng kabinet dito tsaka sa kabinet na nandon sa kubo ko. Nakita niya pa tuloy akong nakahubad kanina, naramdaman ko ang pag iinit ng mga pisngi ko ng maalala. "Nginingiti ngiti mo na naman jan?" Taas kilay na tanong ko dito. "Ang cute mo kasi kapag namumula ka." Itinakip ko ang mga palad sa magkabilang pisngi ko. "Puro ka na naman kalokohan. Maiwan na nga kita, makikikain muna ako dito." Lumabas na ako at iniwan siyang nakangisi pa rin. Napangiti ako pag kalabas ko ng silid niya. Hindi ko mapigilang kiligin dahil sa sinabi niya. Nang matapos kumain Hinugasan ko muna ang pinagkainan namin saka bumalik sa silid niya para magpaalam. Nagtama ang mga mata namin pag bukas ko ng pinto. "Okay ka na ba? babalik na ako sa kubo." Tanong ko dito. "Pwedeng dito ka na lang matulog masama pa rin kasi ang pakiramdam ko. " Mapungay ang mga matang pakiusap nito. "Sige dito na lang ako sa sala matutulog." Pagsang ayon ko. Hindi ako makatanggi dahil baka mamaya ginawin na naman siya. "Dito ka na sa tabi ko, malaki naman ang higaan tsaka wala akong gagawin promise." Nakataas pa ang kaliwang kamay nito na kaagad din ibinaba saka itinaas ang kanang kamay niya. Natawa ako sa ginawa niya. "Mukhang duda ako jan." Nakangiting biro ko. Natawa na rin ito. "Pupuntahan ko muna si jackie. Iniwan ko kasi sila bigla nong pumunta ako dito." Nahihiya itong tumango sa akin. Isinara ko na ang pinto saka lumabas na ng kubo. Pagpunta ko sa kubo ni Jackie nandon pa rin sila sa balkonahe nakapag palit na rin ang mga ito ng damit. "Jamie." Tawag ni celine ng makita ako. Kaagad na akong umakyat at umupo sa tabi ni jackie. "Bakit nandito pa kayo?" Nagtatakang tanong ko. "Dito na kami matutulog, dito ka na rin matulog para sabay sabay na tayo bukas." Sagot ni zeinab. Umiling ako sa kanila. "Ayaw mo matulog kasama kami?" May bakas ng pagtatampo sa boses ni jackie. "Hindi sa ganon." Paano ko ba ito sasabihin sa kanila. " Sa-sa kubo ako ni david matutulog." Nanlaki naman ang mga mata nila ng marinig ang sinabi ko. "Bakla ka anong nangyari? bakit doon ka matutulog?" Kinikilig na tanong ni zeinab sakin. "Walang nangyari, sasamahan ko lang siya kasi masama ang pakiramdam nong tao." Bigla silang nag alala. Ikinwento ko naman sa kanila ang nangyari syempre maliban lang don sa pagyakap ko sa kanya. Baka kapag ikinwento ko pa iyon lalo lang nila akong tuksohin. "Kaya pala nagmamadali ka kaninang umalis. Hindi ka tuloy nakaligo." panghihinayang na sabi ni celine. "Sa susunod na lang marami pa namang pagkakataon." Nakangiting sagot ko. "Sabagay, samahan mo na lang muna kami mag inom pampatulog lang." Saka ko lang napansin ang mga bote sa ibabaw ng lamesa. Hindi naman siguro bawal uminom dahil may mga stock nito sa ref. Iniabot sakin ni jackie ang isang bote. Tinikman ko ito, nagustuhan ko ang lasa hindi siya mapait dahil siguro pang ladies lang ang inomin na ito. Marami pa kaming napag usapan bago namin napagdesisyonang tumigil na. medyo nahihilo na rin ako ng makabalik sa kubo ni david. Patay na ang ilaw sa silid niya at tanging lampshade na lang ang nabukas. Maingat akong lumapit sa higaan. Kinapa ko ang noo niya, mainit pa rin ito. Dahan dahan akong nahiga sa higaan para hindi ito magising. Nakatagilid ito paharap sakin. Tinitigan ko ang mukha niya kahit tulog ang pogi niya pa rin. May ngiti sa mga labi ng ipinikit ko na aking mga mata. Pero bago pa man ako tuluyan na makatulog ay naramdaman ko ang pagyakap ng kamay niya sa bewang ko.Subra na akong inaantok kaya hinayaan ko na lang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD