Chapter Fifteen

1465 Words
"Jamie." Nagising ako ng maramdaman ang marahang pag tapik sa pisngi ko. Nakangiting mukha ni david ang nakita ko pag dilat ng mga mata ko. Napabalikwas ako ng bangon ng maalalang may rehearsal kami ngayon. "Anong oras na?" Tanong ko dito. "Mag sisix pa lang." Nakatayo siya sa harapan ko. Nasa bulsa ng sweat pants niya ang isang kamay nito. "Magaling ka na ba?" naalala ko may sakit pala siya kahapon. Kagat ang ibabang labi nito na tumango. Nagdududang tingin ang ibinigay ko sa kanya. Napaatras ang katawan ko ng yumuko ito at inilapit ang mukha niya sakin. Nabigla ako ng abotin niya ang isa kong kamay at inilagay sa noo niya. dinama ko iyon, Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na ito mainit. "Mabuti naman kung ganon, babalik na ako sa kubo." paalam ko dito. tumayo na ako sa higaan. "Nagluto ako ng almusal, sabayan mo muna akong kumain." hindi na ako nakatanggi ng hawakan niya ang kamay ko at iginiya patungo sa kusina. Iwan ko ba kung bakit nagiging sunod sunuran ako sa mga gusto niya. Sinangag, itlog, hotdog tsaka corn beef ang nasa hapag kainan. Hinila niya ang isang upuan at itinabi iyon sa upuan ko. Nagtataka man pero hinayaan ko na lang siya sa trip niya at umupo na rin. Kukunin ko pa lang ang lagayan ng kanin ng abotin niya ito, Palihim akong kinilig ng lagyan niya ang plato ko ng kanin tsaka lahat ng ulam na nakahain. "Salamat, gusto mo pa yatang patabain ako." pagbibiro ko. ngumiti lang ito saka kumain na rin. "Wala ka bang gagawin mamayang gabi?" tanong nito. Nilunok ko muna ang nginunguya kong pagkain bago ako sumagot. "Wala naman bakit?" tanong ko dito. "Susunduin kita mamayang gabi sa kubo mo ha." nakangiting sabi nito. Nakakunot ang noo ko na tiningnan siya. "Mamayang gabi na ang dinner date natin." sagot nito. "Ah," ang tangi ko lang nasabi. Lihim akong na excite para mamayang gabi. Hindi niya ako pinayagan na tulongan siya sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin. Pinabalik niya na ako sa kubo para makapag handa na. Nang matapos mag ayos ng sarili ko lumabas na rin ako ng kubo. Malayo pa lang ako natatanaw ko na silang tatlo sa balkonahe ng kubo ni jackie. Hinihintay yata nila ang pag daan ko. "Bakit hindi pa kayo nauna?" tanong ko sa kanila ng makalapit. "Maaga pa naman kaya hinintay ka na namin" nakangiting sagot ni celine. "Kumusta ang gabi mo kasama ang future bf mo?" Inirapan ko si zeinab dahil sa panunukso na naman nito. "Ang marites mo, tara na nga." Pagbibiro ko dito. "Tatanong nga lang e." Nakalabing sagot nito. Nagtawanan kami. Iwan ba namin kahit simpleng reaksiyon lang ng bawat isa natatawa na kami kaagad. Hindi ko akalain na makakatagpo ako ng mga bagong kaibigan dito. "Nakita mo ba ang isang pares ng sandal ko? dito ko lang iyon inilagay kanina." tanong sakin ni zeinab. "Ha, hindi eh pero kanina nakita ko si number 14 na umupo sa katabing upuan na yan." Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. "Ayoko siyang pag bintangan pero may kutob ako na kinuha niya ang pares nito." Seryosong sabi nito. "Hayaan mo malalaman din natin yan. May isa pa akong dala suotin mo lang muna, mukha namang magkapareho tayo ng size. "Okay lang ba? Iniwan ko sa room ang isang sandal ko." Tumango lang ako dito. Kinuha ko iyon sa bag at ibinigay sa kanya. Tama nga ako magkasing paa lang kami. Nagsimula na ang rehearsal. Napansin ko si number 14 totoo nga ang sinasabi ni celine kagabi masama nga ang tingin nito kay zeinab. Kailangan kong makausap si jackie at celine, masama ang kutob ko sa kanya, parang may gagawin siyang hindi maganda kay zeinab. Nang matapos ang rehearsal, kumain lang kami sa restaurant at nag hiwa-hiwalay na rin. Balak nilang matulog lang buong mag hapon dahil napagod daw sila sa rehearsal, kailangan din nilang gamotin ang mga paltos nila sa paa. Ako naman matutulog din, alam niyo na kailangan ko ng beauty rest para mamayang gabi charot. Napabalikwas ako sa higaan ng makitang padilim na sa labas. Sakto namang tumunog ang telepono ko. "Puntahan kita mamayang alas syete." Para akong natatae na iwan nanlalamig at nagpapawis ang mga kamay ko pagkabasa ko sa text niya. Maya maya lang at darating na siya. Tumayo na ako at binuksan ang kabinet ko, naghanap ako ng damit na pwedeng maisuot. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero kahit saang lugar pa man iyan ay ayos lang sakin. Ngayon lang ako nahirapan mamili ng isusuot dati rati naman kahit anong makuha ko ayon na ang isusuot ko. May parte ng isip ko ang nagsasabing kailangan maganda ako ngayong gabi. Naligo na ako. may oras pa naman kaya iblinower ko ang buhok ko. Itinali ko ang buhok ko pataas, Nag lagay din ako ng kaunting make up. Romper ang napili kong isuot. Kulay abo ito, litaw ang kalahating mga hita ko at maging ang balikat ko ay nakaexpose rin, may malaking butas sa pagitan ng dibdib ko pababa sa taas non sa gitna ng dibdib ko naka paikot ang maliit na strap paikes sa likod ko, Ibinuhol ko ang tali sa bandang gilid ng tiyan ko. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. hindi ito malaswang tingnan kahit nakalitaw pa ang ibang bahagi ng katawan ko. flat sandal na kulay puti naman ang isinuot ko sa paa ko. huminga muna ako ng malalim saka binuksan ang pinto ng marinig ang pagkatok doon. Bumuka ng kaunti ang bibig niya ng makita ang kabuohan ko. Nakita ko ang paghinga niya ng malalim bago ilahad ang kamay niya. Nakangiting hinawakan ko iyon. Inalalayan niya ako pababa. May nakita akong mga petals sa buhangin papunta sa kubo niya. "Sayang ang oras kung lalayo pa tayo kaya sa kubo ko na lang." nakangiting paliwanag niya. Nagkibit balikat lang ako saka sinundan ang mga petals. "Wow, ikaw ang nag ayos nito?" bulalas ko pagbukas niya sa pintuan ng kubo niya. "Hindi pinaayos ko lang kanina," pumasok na kami sa loob may bilog na lamesa na naroon, mababa lang ito, sa magkatapat na side may dalawang parang unan sa sahig, para kaming nasa japanese dine in. May nakapalibot na christmas light na kulay dilaw ang loob pero medyo madilim pa rin. Sa gilid namin may mahabang lamesa nandon nakalagay ang mga pagkain. "Para sayo. " Iniabot niya sakin ang bouquet of flowers. Magkahalong pula tsaka puting mga rosas. Inamoy amoy ko mga iyon. "Thank you!" masayang sambit ko. First time kong tatanggap ng bulaklak na ganito. Noon kasi ayokong tumanggap ng bulaklak kung hindi galing kay jack. Ang kaso lagi namang stuff toy ang ibinibigay niya sakin. "Ang cute mo talaga." Nakatawang sabi nito sabay kurot ng mahina sa pisngi ko. Napatitig naman ako sa kanya, kaagad din akong nag iwas ng tingin ng bumilis ang t***k ng puso ko. Nagtataka na ako sa puso ko, kapag sa kanya bumibilis ang puso ko. Hindi ko pa naman ito naramdaman kahit kanino, kahit kay jack kinilig ako noon oo pero hindi ko maramdaman ang ganitong pagwawala sa dibdib ko. nilagyan niya ng pagkain ang plato ko. Binuksan niya ang wine at nilagyan ang mga baso namin. "Hanggang kailan ka pala dito?" tanong ko sa kanya. Uminom muna ito ng tubig. "two months lang." mabilis na sagot nito. "ikaw hanggang kailan ka dito?" balik tanong nito sakin. "Kapag natapos na ang pageant balak kong mag extend ng ilang buwan pa." "Bakit hindi mo ba namimiss ang pamilya mo?" Umiling ako sa kanya. Naalala ko na naman ang parent ko, ang arranged marriage, ang kasal ng kakambal ko. Inisang lagok ko ang wine na laman ng baso ko. "dahan dahan lang naman baka malasing ka niyan!" salubong ang kilay na saway nito sakin. Hindi ko siya pinansin. kinuha ko ang bote ng wine at sinalinan ang baso ko. Ininom ko ulit ang laman non. "Haist, ang kulit mo akin na nga 'yan!" Inagaw niya sakin ang bote. Tumayo ako at lumabas ng kubo, parang nanikip bigla ang dibdib ko sa loob. Umupo ako sa sahig, Nakaapak ang mga paa ko sa baitang. Ipinatong ko ang mga siko sa magkabilang hita ko at pinagsalikop ang mga kamay ko. Naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko. "Sorry," nilingon ko siya. Pinaglalaruan nito ang mga daliri niya. "Bakit ka naman nagsosorry?" mahinang tanong ko dito. "Nang dahil sa tanong ko nag iba ang mood mo." hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. "Sila ba ang dahilan ng pag iyak mo noon sa bus?" halata sa mukha niya na interesado siyang malaman ang sagot ko. Huminga ako ng malalim, wala naman sigurong masama kung ikikwento ko. Gusto ko rin malaman kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang nakatakda na akong ikasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD