"Fiance ng kakambal ko ang dahilan ng pag iyak ko non." Nagugulohan ang mukha nito ng tingnan niya ako.
"Na inlove ako sa fiance ng ate ko bago pa man maging sila." huminga ako ng malalim upang pigilan ang emosyon ko. Nagtaka ako sa sarili ko at nakakaya ko ng pigilan ang emosyon ko, hindi na ako umiiyak kapag napag uusapan si jack. Tahimik lang ito na nakatingin sakin. Tumayo ako at pumasok sa kubo niya, kinuha ko ang wine at baso na naroon tsaka bumalik ulit sa labas. Iniabot ko sa kanya ang isang baso na may laman ng wine.
"Kung ikaw ba ang nasa sitwasyon ko ano ang gagawin mo? nagkibit balikat lang ito.
"kagaya rin ng ginawa mo, magpaparaya ako at hahayaan ko sila na maging masaya, pero alam mo subrang tanga nong lalaki na iyon." Seryosong sagot niya.
"Bakit naman?" nagtataka na tanong ko.
"Tanga siya para hindi mapansin ang isang katulad mo." malamlam ang mga mata niya na nakatitig sakin. Bumuka ng kaunti ang bibig ko, hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon sakin. Nang makabawi sa pagkabigla ininom ko ang natitirang wine sa baso ko. tapos nag salin ulit ng panibago, nilagyan ko rin ang baso niya.
"Nagmahal ka na rin ba?" pag iiba ko ng usapan.
"Oo pero hindi seryoso." walang gana nitong sagot.
"meron ba non?" hindi makapaniwala na tanong ko.
"Hindi ko pa kasi siya nahahanap. Alam mo ba pumayag ako sa gusto ng parent ko na pakasalan ang anak ng business partner nila. Naisip ko nong time na iyon baka siya na ang hinihintay ko." nabigla siya sa mga sinabi niya.
"Ikakasal ka na?" hindi makapaniwala na tanong ko. Parang may kurot akong naramdaman sa puso ko. Nakita ko ang paglunok nito, at ang paglikot ng mga mata niya.
"Oo pero hindi ko pa naman nakikita ang girl, pwede pa akong umatras. Lalo na ngayong may dahilan na ako para gawin iyon." naging mapungay ang mga mata nito ng sinabi niya ang huling mga salita. Natawa ako ng pagak..
"Ganyan ba talaga kayong mga lalaki? walang pakialam sa mararamdaman naming mga babae?!" naiiling na sabi ko. Hindi ako makapaniwala sa isinagot niya sakin. Ano 'yun paano pala kung may gusto sa kanya ang babae tapos ganon na lang sa kanya kadali na bawiin ang pag payag niya.
"Alam mo ba na ipinagkasundo rin ako ng mga magulang ko sa business partner nila?" Nagulat ito sa sinabi ko. "Pero hindi ako pumayag dahil ayokong magkasakitan lang kami sa huli, tapos ikaw pumayag ka kaagad pero may balak ka rin naman palang umatras." umiiling iling na sabi ko.
"Paano kung sabihin ko sayo na ikaw ang dahilan kaya ako aatras." naibuga ko ang alak na nasa loob ng bibig ko.
"Nagpapatawa ka ba?" nanlalaki ang mga matang tanong ko.
"Seryoso ako, I think, im falling inlove with you." Nawindang ako sa pag amin niya. May parte ng sistema ko ang natuwa dahil sa pag amin niya.
"Iwan ko sayo, lasing ka lang. Babalik na ako sa kubo ko." Inilapag ko sa sahig ang bote at ang baso na hawak ko saka tumayo ngunit hinila niya ang kamay ko dahilan para mawalan ako ng balanse, napahiga kaming dalawa sa sahig at napaibabaw ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng sakupin ng mga labi niya ang mga labi ko. Bumuka ng kaunti ang bibig ko ng kagatin niya ng mahina ang ibabang labi ko dahilan para makapasok ang dila niya sa loob. Kakaibang sensasyon ang aking naramdaman ng maglikot ang dila niya sa loob ng bibig ko na parang may hinahanap sa loob.
"Kiss me back Jamie." nang aakit ang boses na sambit niya habang hinahalikan ako. Hindi ko alam kung paano ako tutugon sa halik niya. Ipinikit ko ang aking mga mata at ginaya ang bawat galaw ng mga labi niya. Nakagat ko ng mahina ang dila niya dahilan para mapaungol ito.Mas lalo pang tumindi ang pag iinit ng katawan ko ng maramdaman ang pag haplos ng mga kamay niya sa likod ko. Napamulat ako ng mga mata ng dumako ang mga kamay niya sa pang upo ko. Hinabol niya pa ang mga labi ko ng humiwalay ako sa kanya at mabilis na bumalik sa pagkakaupo. Narinig ko ang malalim na pag buntong hininga niya bago umayos ng upo. Pinihit niya ang mukha ko paharap sa kanya. Ikinulong niya ang magkabilang pisngi ko sa mga palad niya. Pinag dikit niya ang mga noo namin.
"Im sorry, please give me a chance to prove my feelings for you." mahinang sabi niya habang nakapikit ang mga mata niya. Inilayo niya ng kaunti ang mukha sakin at tinitigan ako sa mga mata. May hatid na kiliti ang pagtama ng hininga niya sa mukha ko dahil sa subrang lapit ng mga mukha namin. Napalunok ako, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
"Hayaan mo lang ako na ipadama sayo kung gaano kita kagusto." Gusto ko siyang pagbigyan pero hindi ito tama. Tinanggal ko ang mga kamay niya na nasa mga pisngi ko at lumayo ng kaunti.
"Pero ikakasal ka na at ganoon din ako." seryosong sabi ko. Ginagap niya ang mga kamay ko at pinisil pisil ito
"Exactly, ikakasal pa lang kaya pa natin maayos to." hinalikan niya ang kamay ko. "Alam kong may nararamdaman ka rin para sakin." Bumuka ang bibig ko ngunit isinara ko rin kaagad ito. Gusto ko sanang kumuntra sa sinabi niya ngunit hindi ko masabi dahil kahit ako man din ay nagugulohan.
"Bahala kang gawin kung ano man ang gusto mo." Sumilay sa mga labi niya ang matamis na ngiti. Napatingin ako sa mga labi niya ng dilaan niya ito. Parang gusto ko ulit maramdaman ang mga labi niya. Inagaw ko ang mga kamay ko sa kanya at mabilis na bumaba ng hagdan. kailangan ko ng makalayo bago ko pa man gawin ang binabalak ng isip ko. Nang makabalik sa kubo naglinis ako ng katawan at nahiga na rin. Napapangiti ako habang inaalala ang nangyari kanina. Masyadong mabilis ang pangyayari, hindi ko akalain na sa ilang araw pa lang pwedeng mahulog ang loob ko sa kanya at ganon din siya sakin.