CHAPTER 1

1893 Words
CHARLES POV YEAR 1997 Ako si Charles Andrew Hamilton, isang half-American, half-Filino, anak nina Scott Andrew Hamilton at Kassandra Hamilton. Sa America ako ipinanganak, pero dito na ako sa Pilipinas nag-aral ng highschool. Naging kaibigan ko sina Nathan, Alex, Carlo, at Rigor at kaming lima ang kina titilian dito sa AMIS o Alexander Montesorri International School na pag-aari ng pamilya ng kaibigan kong si Alexander Madrigal a.k.a Alex. Sa madaling sabi kami ang mga kilabot ng kolehiyala. Second year highchool ako at first day nang pasukan namin ngayon, nang makita ko si Nathan na may kasamang first year student na babae. "Hoy! Pareng Nathan, baka pwede mo naman kaming ipakilala sa magandang kasama mo," sabi ko kay Nathan. Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ng kasama niyang babae. "Lorraine, mga kaibigan ko nga pala. Sina, Charles, Rigor, Carlo, at si Alex, best friend ko." Tumingin ito sa amin. "Mga p’re, childhood friend ko, si Lorraine," pagpakilala ni Nathan sa amin sa kasama niya. "Hi, Lorraine," sabay-sabay naming sabi. "Hi, rin sa inyo." Ngumiti ito. "Nathan, baka ma-late na ako sa first subject namin," sabi nito kay Nathan. "Sige, mga p’re, ihatid ko muna si Lorraine, sa classroom niya," paalam ni Nathan sa amin. Natulala ako sa kagandahan ni Lorraine. Natauhan lang ako ng magsalita si Rigor. "Pareng Charles, mukang tinamaan ka kay Lorraine," biro sa akin ni Rigor. "Mga p’re, ang ganda-ganda ni Lorraine, 'no." Ngumiti ako, "Siya ang babaeng ihaharap ko sa altar pagdating ng panahon," masayang sabi ko. Tinapik ako ni Carlo. "Ikaw! Pareng Charles, magpapakasal? Imposible mangyari 'yon, sa babaero mong iyan," sabi ni Carlo habang napapailing. "Bakit, Pareng Carlo? Hindi na ba ako p’wedeng magbago?" tanong ko na sinagot naman ni Alex. "P're, pwede ka naman magbago. Ang tanong? Kung magugustuhan ka rin ni Lorraine, at kung makalusot ka rin kay Pareng Nathan?” Napaisip ako sa sinabi ni Alex dahil kita ko ang concern ni Nathan kay Lorraine. Napangiti na lamang ako. "Pogi naman ako…ah," katwiran ko. Napatawa na lang silang lahat nang dahil sa sinabi ko. Muling nagsalita si Carlo. “Pareng Charles, lahat naman tayo pogi, pero si Pareng Nathan, pa rin ang pinakamalakas ang pang-akit sa ating lima." Oo nga naman. Tama siya, dahil sa aming limang magkakaibigan, si Nathan ang pinakatinitilian ng mga kababaihan. "Andiyan na pala si Pareng Nathan," sabi ni Rigor. Umakbay ako kay Nathan. "P're, may boyfriend na ba si Lorràine?" tanong ko sa aking kaibigan. Ngumiti ito bago nagsalita. "Pre, walang boyfriend si Lorraine. At kung may pumorma man kay Lorraine, dadaan muna sa akin." Tumingin ito sa akin. "Bakit mo tinatanong?" curious na tanong niya, na narinig naman ni Rigor, na pinakamadaldal sa aming lima. "Pareng Nathan, masama ang tama ni Pareng Charles, sa childhood friend mo," sabi ni Rigor. Pumormal ang mukha ni Nathan at tinitigan ako nang madilim. "Pareng Charles, binabalaan kita. Huwag si Lorraine!" banta niya na hindi ko na lang pinansin "Basta liligawan ko si Lorraine," bulong ko sa aking sarili. "Mga P're, tama na ‘yan. Baka kung saan pa mauwi ang usapan ninyo," awat ni Alex sa amin na agad naman kaming tumango ni Nathan. Simula nang makilala ko si Lorraine ay walang araw na hindi ko siya binigyan ng love letter. At kami lamang ni Rigor ang nakakaalam ng pagdiskarte ko kay Lorraine. Inaabangan ko ngayon si Lorraine dito sa gate. "Hi, Lorraine," bati ko. "Hi, Charles," bati niya rin sa akin. "Nasaan sina Nathan? Bakit hindi mo sila kasama?" tanong nito sa malambing niyang boses. "Nasa gym na sila, nagpa-practice ng basketball. Siyanga pala para sa ‘yo.” Sabay abot ko ng chocolate. Ngumiti lang ito at tahimik na tinanggap mula sa akin ang chocolate. "Salamat, Charles, sana hindi ka na nag-abala pa. Kasi araw-araw din akong may chocolate galing kay Nathan," sabi nito. Parang kinukurot ang aking puso, kapag palagi niyang sinasabi ang pangalan ni Nathan. Kahit ako ang kaharap niya’y, si Nathan pa rin ang hanap niya. Naisipan kong magtanong nang matagal ko ng iniisip. "Lorraine, boyfriend mo ba si Nathan?" lakas loob kong tanong. "Hindi ko siya boyfriend," mabilis niyang sagot sa malungkot na boses. "Lorraine, bakit bigla kang nalungkot?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti ito nang pilit, at nagsalita. "Muka ba kong malungkot?” Tumingin ito sa kanyang relo at nagpaalam na sa akin. "Sige, Charles, punta na ako sa room ko. Salamat ulit sa Chocolate." At nagsimula na itong maglakad. "Wait, Lorraine, ihatid na kita," sigaw ko sa kaniya. Hindi na ako pinansin ni Lorraine dahil nagmadali na itong maglakad. Nagkibit balikat na lamang ako at nagdesisyon na akong pumunta ng gym para mag-practice ng Basketball. Nang dumating ako sa gym ay biniro ako ni Rigor na siyang nakakaalam ng plano kong panliligaw kay Lorraine. "Ano sinagot ka na ba ng nililigawan mo?" tanong nito sa malakas niyang boses Sasagutin ko sana siya nang biglang magsalita si Alex habang nagdi-dribol ng bola. "Charles, may bago ka na namang nililigawan? Kabe-break mo lang doon sa isa. May bago ka na naman. At sino naman ang bago mong pinopormahan?" Ngumiti na lang ako dahil hindi ko alam ang aking isasagot. Si Rigor na naman ang sumagot at talagang isinigaw pa. "Sino pa ba? Kung hindi, si Lorraine, wala ng iba. Hindi ba, p’re?" Narinig naman ni Nathan ang sinabi ni Rigor. Dahilan upang ako’y bigwasan nito ng suntok. "P're, ano bang problema mo?! At bigla ka na lang nanununtok!" sigaw ko kay Nathan habang himas-himas ko ang aking panga na sinuntok niya. Lalong nagdilim ang mukha ni Nathan, nang dahil sa galit at ako’y dinuro nito habang nagsasalita. "Hindi ba’t binalaan na kita, na hindi talo si Lorraine! Huwag si Lorraine!" galit nitong sigaw. "Eh, ano naman sa iyo? Kung ligawan ko siya!" galit kong tugon kay Nathan. Ngumiti ako. "Ang alam ko, hindi ka niya kapatid, at lalong hindi ka boyfriend!" sigaw ko. Ngayon lang ako nakipagtalo dahil sa babae at sa kaibigan ko pa. "Oo, hindi ako kapatid o boyfriend ni Lorraine. Pero siya— ‘yung babaeng lihim kong minamahal, na sinasabi ko sa inyo.” Nagtagis ang panga nito. “Akin lang si Lorraine! Hindi ako papayag na makuha siya ng iba!" galit nitong sagot sa akin na ikinagulat naming lahat. "Pareng Nathan, bakit hindi mo sinabi sa amin ang totoo? Siguro, kung ipinagtapat mo agad sa amin. Hindi ko na sana siya niligawan," seryosong sabi ko. "Hindi kita babalaan kung wala akong pagtingin sa kaniya," sabi niya at tinalikuran na kami at umalis na ito. Tinapik ako ni Alex at sinundan niya si Nathan. Hindi ako makakilos dahil sa pinagtapat sa akin ni Nathan. Katulad ko, sina Rigor, at Carlo, ay hindi rin makapaniwala sa narinig nila mula kay Nathan at sa nakita nila na kung paano magalit si Nathan. "P're, pagpasensyahan mo na si Nathan, nagselos lang ‘yon. Hindi naman natin alam na si Lorraine, pala ang tinutukoy niya," sabi ni Carlo. "Anong balak mo ngayon, p’re? Itutuloy mo pa ba ang panliligaw mo kay Lorraine?" tanong naman ni Rigor. Hindi ko alam ang isasagot ko. Sa halip ay nagdesisyon akong umalis at iwan ang dalawa kong kaibigan. "Mga p're, hayaan n'yo na muna akong mapag-isa," sigaw ko sa kanila. Hindi na ako nagpatuloy mag-practice ng basketball at pati sa last subject namin ay hindi ko na rin pinasukan. Pumunta ako dito sa tambayan namin na magkakaibigan, dito sa tabing-ilog. Kahit hindi pa ako nakakainom ng alak ay bumili pa rin ako upang magpakalasing. Dahil nalilito ako sa nararamdaman ko. "Bakit kung kailan nagkagusto ako sa babae ay mayroon naman na hadlang?" tanong ko sa aking sarili. Ilang araw din akong hindi sumasama sa mga kaibigan ko. Hanggang sa maisipan kong muling mag-inom dito sa tambayan namin. Nakasubsob ako sa lamesa nang may tumapik sa akin. Tiningnan ko kung sino, at nakita ko si Alex pati na rin ang iba kong kaibigan kasama rin si Nathan. "Anong ginagawa ninyo dito?" tanong ko sa kanila. "P're, hindi mo kailangan na magpakalasing. Pag-usapan ninyo nang maayos ni Pareng Nathan ‘yan," sabi ni Alex. Napaiyak na lang ako. "P're, ganito pala ang pakiramdam nang nasasaktan? Dahil sa pag-ibig," daing ko. Nagsalita na si Carlo, "Ganyan talaga, Pareng Charles, sa pag-ibig para kang nakikipagsugal. Pwede kang manalo at matalo," paliwanag niya sa akin. Napaisip ako sa sinabi nito dahil katulad ngayon ay talo ako, dahil bukod sa kailangan kong magparaya ay ayaw ko ring masira ang pagkakaibigan namin ni Nathan. Nahahalata ko pati na hindi ako gusto ni Lorraine at parang may gusto rin ito kay Nathan. Nagpahid ako ng aking luha at tumingin kay Nathan. "Pareng Nathan, sorry. Hindi ko lang talaga napigilan ang nararamdaman ko para kay Lorraine. Pero tanggap ko nang may iba siyang gusto," pagtatapat ko. Lumapit sa akin si Nathan. "Sorry din, Pareng Charles, nabigla lang ako, nang malaman ko na nililigawan mo si Lorraine. Hindi ko napigilan ang sarili kong mag selos, dahil sa pagmamahal ko para kay Lorraine,” sabi niya at nagtapikan kaming magkaibigan. Nakisali na rin si Rigor sa amin. "Mabuti naman at nagkaayos na rin kayong dalawa." Sabay tingin nito kay Nathan. "Ikaw, Pareng Nathan, kailan mo balak magtapat kay Lorraine? Kung kailan naunahan ka na ng iba.” Tumingin ito sa akin. “At ikaw, Pareng Charles, madami pang babae diyan. Ang problema lang sa ‘yo, pinaglalaruan mo lang sila. May darating din na katapat mo,” seryosong sabi nito. Ngumiti ako. "Pareng Rigor, hihintayin ko na lang ang babaeng magpapatibok ng puso ko," seryosong sabi ko. Mabilis lumipas ang taon at ngayon ay third year highschool na ako at kakauwi lang namin ng pamilya ko galing America. Malimit kaming magbakasyon sa America, kaya sa loob ng isang taon ilang beses kaming pumupunta sa America, dahilan upang madala ko ang pagiging liberal sa murang kong edad. Napangiti na lang ako kapag naalala ko ang nangyari sa aming magkaibigan dahil sa isang babae. Kasalukuyan na katatapos lang namin mag-practice ng basketball nang biglang sumigaw si Rigor. "Mga P're, andiyan na ang mga cheering squad.” Agad kaming umupong lahat sa gilid, upang manood. Napatulala ako nang makita ko ang isang babae na katabi ni Lorraine sa unahan. Katulad ni Lorraine, cheer leader din ito. At napakaganda niyang babae. Halos tumigil ang mundo ko sa lakas nang t***k ng aking puso dahil sa presensya ng magandang babae. Narinig kong nagsalitang muli si Rigor. "Pareng Nathan, Pareng Charles, matuklaw kayo ng ahas.” Napatawa na lang kaming dalawa sa sinabi nito. "Mga p’re, kilala n'yo ba yung babaeng katabi ni Lorraine, sa unahan?" Sabay turo ko. Si Alex ang nagsalita. "Si Abby, anak ng mayor natin." Inakbayan ako nito. "Trip mo ano? ”biro niya sa akin. Ngumiti ako. "Oo, p're, ngayon lang muling tumibok ang puso ko sa isang babae. After ng feelings ko para kay Lorraine," paliwanag ko. Ngumiti si Rigor. "Kaya pala sabay-sabay ang mga girlfriend mo," biro nito sa akin. Magsasalita na sana ako nang biglang magsalita si Carlo, "Kaya kayong dalawa, Pareng Charles, at Pareng Nathan, pormahan n’yo na yung mga gusto ninyo," sabi nito. Habang nakatitig ako kay Abby, ay bumulong ako sa aking sarili. “Magiging akin ka rin, Abby.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD