CHAPTER 2

1622 Words
ABBY'S POV Ako si Abby Lyn Castillo, forteen years old. Anak nina Mayor Enrico Castillo at Alexandra Castillo. Isa akong cheer leader, napilitan akong maging member cheering squad gawa ng Mommy ko. Kami ni Lorraine Monteverde ang pinaka-leader ng cheering squad. Hindi kami closed friend ni Lorraine dahil may mga kaibigan siya. Sina Lavinia ang kaibigan niya, na kilalang mga maldita dito sa AMIS. Samantalang sina Laya, Clarice, at Joyce ang mga naging kaibigan ko simula ng mamatay ang bestfriend kong si Lizzy. Kasalukuyang nagpa-practice kami ngayon dito sa gym nang magsalita si Lorraine. "Sis, si Charles, nakatitig sa iyo." Tumingin naman ako sa direksiyon nina Nathan, ang mga kilabot ng kolehiyala na kung tawagin dito sa school. At nakita kong nakatitig nga sa akin si Charles, ang kilalang playboy sa lahat, dahil kaliwa't kanan ang girlfriend nito. Ngumiti ako kay Lorraine. "Ikaw nga diyan, ang matutunaw na sa mga titig ni Nathan," biro ko na ikinamula niya. Tumingin si Lorraine kay Nathan at nakita kong nagbatian silang dalawa ng ngiti. "Childhood friend ko si Nathan, sanay na ko sa titig niya," paliwanag ni Lorraine. "Childhood friend mo si Nathan?" paninigurado ko na agad naman siyang tumango sa tanong ko. "Lorraine, may pa-audition nga pala tayo mamaya. After ng practice. Kasama na naman ‘yung best friend mong kawayan ang katawan," muling sabi ko. Napatawa na lamang si Lorraine nang dahil sa sinabi ko. “Ewan ko ba sa babaeng ‘yon. Kung bakit nagpupumilit na maging member ng cheering squad. Kahit hindi naman malambot ang katawan," paliwanag nito. Hindi nagtagal ay natapos na kaming mag-practice. Magpapahinga lamang kami nang ilang minuto at pagkatapos ay sisimulan namin ang pa-audition. Magkakaumpok kami nina Lorraine, at ng mga kaibigan ko nang biglang magpaalam si Lorraine. "Mga sis, puntahan ko lang si Nathan.” "Oh sige, sis, puntahan mo na. Mamaya pa naman ang audition," tugon ko sa kanya. Tahimik lang akong nakikinig sa usapan ng mga kaibigan ko nang magsalita si Joyce, "Mga sis, palapit dito sina Charles," sabi ni Joyce habang kinikilig. Kinikilig si Joyce, dahil matagal na niyang crush si Carlo, ang kaibigan ni Charles. "Joyce, ano ka ba? Konting pino naman, para kang pinuputulan ng mani mo," saway ko sa kanya. Narinig kong tumawa sina Laya at Clarice. "Kayong dalawa makatawa wagas! Kung hindi ko pa alam, kanina pa nalalaglag ang mga panty ninyong dalawa, gawa kina Alex, at Rigor," nakaismid na sabi ni Joyce. "Oo na, aminado naman ako na crush ko si Alex," malanding sabi ni Clarice kahit pa boyish itong kumilos. "Ako rin, ang gwapo kaya ni Rigor," ani ni Laya. "Tumigil na nga kayo diyan. Para kayong mauubusan ng lalaki. Intindihin ninyo, ay ang inyong pag- aaral. Dahil mga bata pa tayo," saway ko sa kanila. Nagsalitang muli si Joyce, "Bakit, Abby? Wala ka bang crush? Si Charles, kanina ka pa tinutunaw sa mga titig niya. Hindi ka man lang ba affected? Sa gwapo niyang 'yon," sabi niya sa malanding boses. "Guni-gu—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang may biglang magsalita. “Hi, girls,” bati nito sa amin na hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Charles. Hindi ako makakibo sa aking kinatatayuan, dahil pakiramdam ko’y nanigas ang mga tuhod ko dahil sa prisensya na dulot ni Charles sa akin. Si Joyce ang nagsalita. "Hi, Charles, anong ginagawa n'yo dito?" tanong nito kay Charles, pero ang mga mata ay kay Carlo nakatingin. Pumunta si Charles sa harapan ko at ngumiti muna ito bago magsalita. "Gusto ko sanang magpakilala sa 'yo." Sabay lahad ng kamay niya sa akin. "Ako nga pala si Charles," pagpapakilala nito sa akin. Narinig kong biglang tumili ang tatlo kong kaibigan. “Oh my gosh!" sabay-sabay nilang tili. Naiilang ako sa mga tingin sa akin ni Charles. Pero hindi ako bastos na tao para hindi magpakilala, kaya nagpakilala na rin ako. "Abby," tipid kong sagot at nakipagkamay na ako sa kaniya. "f**k! Ano ‘tong kuryenteng gumagapang na nararamdaman ko sa aking katawan?" tanong ko sa sarili ko kaya agad kong binawi ang kamay ko. Ngumiti si Charles at tumingin sa mga kaibigan niya. "Mga kaibigan ko nga pala sina, Alex, Carlo, at Rigor," pagpapakilala niya sa mga kaibigan niya. "Hi," bati ko sa kanila, at sabay-sabay silang bumati sa akin. "Abby, pakilala mo naman kami sa mga kaibigan mo," sabi ni Alex habang nakatitig kay Clarice. Ngumiti ako sa mga kaibigan ko. "Mga kaibigan ko sina, Laya, Clarice, at Joyce," pagpapakilala ko sa kanila. "Hi, Clarice." Ngumiti ito. "Alex, at your service," pagpapakilala ni Alex. Sabay lahad niya ng kamay kay Clarice. Ngumiti naman si Clarice at nakipagkamay kay Alex na halatang kinikilig. "Hi, Laya, ako nga pala si Rigor, ang inyong lingkod." At nakipagkamay din ito kay Laya. "Hi, Joyce, I'm Carlo, ang pinaka-cute sa lahat." Sabay kindat nito kay Joyce kasabay nang paglahad ng kamay. Tumikhim si Charles dahilan upang tumingin ako sa kaniya. "Abby, pwede ba kitang ihatid sa bahay ninyo mamaya?" tanong nito sa akin. Hindi pa ako nakakapagdesisyon nang biglang magsalita si Joyce. "Oo naman, Charles, hatid lang naman pala." Tumingin ito sa akin. “Okay lang 'di ba Abby,” sabi ni Joyce. Magsasalita sana ako nang biglang lumapit na sina Lorraine at Nathan sa amin. “Ang sweet talaga ng magkaibigan na ito,” sa isip-isip ko. "Abby, simulan na natin ang audition. May pupuntahan lang kami nina Nathan, mamaya," sabi ni Lorraine. "Oh' sige. Magsimula na tayo," pagsang-ayon ko kay Lorraine. Ang magkakaibigan naman nina Charles ay pumunta muna sa isang tabi para umupo at panoorin kami Habang pinapanood namin ni Lorraine ang mga nakasalang sa audition ay nagkukwentuhan kami. "Sis, nakita ko nagpakilala sa 'yo si Charles," sabi ni Lorraine. "Oo, nahihiya nga ako," pagtatapat ko. "Bakit ka naman mahihiya? Maganda ka naman," ani ni Lorraine. Nagkibit balikat na lamang ako. "Hindi ko alam kung bakit? Basta nahihiya ako," tugon ko. Ngumiti ako kay Lorraine. "Sigurado ka bang hindi mo boyfriend, si Nathan?" tanong ko. Umiling ito. "Hindi ko siya boyfriend. May sumpaan kaming dalawa, na hindi kami p’wedeng magkagusto sa isa't isa," walang buhay na tugon nito. Bigla akong napaisip sa sinabi niya. "Bakit naman? tanong ko. Nagkibit balikat ito. "Simple lang. Para hindi masira ang friendship naming dalawa," paliwanag niya sa akin, at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Tumango na lamang ako sa kaniya bilang pagsang-ayon sa pinagtapat niya sa akin. Hindi nagtagal ay natapos na ang audition para sa mga gustong maging member ng cheering squad. Siyempre, may suki kami na laging bagsak. Walang iba, kung hindi ang best friend ni Lorràine na si Lavinia, na kilalang maldita dito sa buong school. Sabay-sabay kaming naglalakad ngayon. Tuwing hapon kasi masgusto naming magkakaibigan ang maglakad at tumatambay kami sa Rizal Park kung saan malapit sa munisipyo. Kung saan nagtatrabaho ang Daddy ko, dahil siya ang alkalde dito sa aming bayan. Siyempre ngayon kasabay namin sina Charles, pati na rin sina Nathan, at Lorraine. Nagsalita si Nathan. "Mga p’re, meryenda muna tayo sa bandstand," pag-aya nito sa amin. "Oo ba," mabilis na tugon ni Charles, sabay tingin sa akin. "Abby, libre kita, okay," sabi nito sa akin. Tumango na lamang ako, dahil pakiramdam ko'y kapag pinatagal ko pa ang pag-uusap namin ay baka bumigay agad ako. "s**t, naman kasi— Ang pogi pala niya talaga pagtinitigan, parang si Ian Veneracion," bulong ko sa aking sarili. Hindi nagtagal ay nakarating na kami dito sa bandstand. Tulad nang sinabi ni Charles ay nilibre niya ako. Nasasanay na ako sa prisensya ni Charles nang may isang lalaking nagsalita. "Ma'am Abby, pinapatawag po kayo ni Mayor.” Nang tingnan ko kung sino ang nagsalita, ay walang iba kung hindi si Kuya Jay, ang bodyguard ng Daddy ko. "Pakisabi, Kuya Jay, sa bahay na lang po ako makikipag-usap sa kaniya. Kasama ko pa po, ang mga kaibigan ko," tugon ko. Tumango lang ito habang nakatitig kay Charles. Nagpatuloy kami sa pagmemeryenda at masayang nagkukwentuhan, nang magtanong si Charles, "Abby, may boyfriend ka na ba?" Ngumiti ako at umiling. "Wala akong boyfriend. At wala pa akong balak magkipag-boyfriend," sagot ko. Tinitigan ako ni Charles at muli siyang nagsalita. "Pero, p'wede ka naman ligawan?" diretsong tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung ano isasagot ko sa kaniya. Ang sabi ng isip ko ay huwag, dahil natatakot akong mapaglaruan lang din, katulad nang ginawa niya sa ibang babae. Pero ang sabi ng puso ko walang masama kung sumugal ako. Magsasalita na sana ako nang may biglang humila sa braso ko. Nagulat ako nang makita ko ang aking ama, at galit na nakatingin kay Charles. "Tara na, Abby! Iuuwi na kita!" galit niyang sabi. Pagkatapos ay tumingin siya kay Charles. "At ikaw, Charles Hamilton, tigilan mo ang anak ko!" sigaw nito kay Charles dahilan upang pagtinginan kami ng ibang tao. "Sige, mga sis, uwi na ako," pagpapaalam ko sa kanila. Tumingin na lang ako kay Charles na nakatulala dahil sa sinabi ng aking ama. “Daddy, uwi na po tayo,” pag-aya ko. Nang nakauwi kami ng bahay ay pinagsabihan ako ng Daddy ko. "Abby, ayaw ko nang makikita ka,na kasama mo ang lalaking ‘yon! Ayaw ko ring mababalita na nakikipagkaibigan ka don sa lalaking yon! Dahil anak siya ng katunggali ko sa politiko!" galit na sabi sa akin ni Daddy dahilan upang umiyak ako. "Bakit, Daddy? Masama bang makipagkaibigan ako sa kaniya?" tanong ko sa malungkot na boses ko. "Basta sundin mo ang gusto ko!" sigaw ng ama ko sa akin, dahilan upang umiyak ako nang umiyak. Magsasalita pa sana siya nang bigla akong tumakbo paakyat ng aking kwarto. "Wala naman akong nakikitang masama kung maging magkaibigan kami ni Charles," sabi ko sa aking saril ko habang umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD