CHAPTER 3

1411 Words
ABBY'S POV Buong gabi yata akong nag-iiyak dahil sa sama ng loob sa sarili kong ama. Wala naman akong nakikitang masama kung makipagkaibigan ako sa anak ng katunggali niya sa politiko. Kaya kanina bago ako pumasok dito sa school, ay hindi ako umimik sa daddy ko. Kasalukuyang nasa canteen kami ngayon ng mga kaibigan ko. Habang nag memeryenda kami ay nagsalita ang kaibigan kong si Joyce, "Sis, bakit naman ganon si Tito Enrico? Nakikipagkaibigan lang naman sa iyo yung tao. What if pa? Kung ligawan ka ni Charles. Magiging Romeo and Juliet, lang ang peg ninyong dalawa." Ngumiti na lang ako sa sinabi ni Joyce at bigla kong naalala ang sinabi ni Charles sa akin kahapon. Hindi ko alam kung papayag ba akong magpaligaw sa kanya dahil ngayon pa nga lang pinagbabawalan na ako ng daddy ko, "Bakit mo naman nasabi yan, Sis? Wala naman sinabi yung tao na gusto niya akong ligawan. Ang sabi niya kung pwede naman akong ligawan," sagot ko kay Joyce Si Clarice ang nagsalita, "Iyon ang akala mo, Sis," masayang sabi nito sa akin na sinundan naman ni Laya. "OMG! Sis, sinabi kaya kahapon sa amin ni Charles," patiling sabi sa akin ni Laya. "Tumigil nga kayo diyan! Pinagtitinginan tayo oh!" saway ko sa kanila, Dahil kita kong nakatingin ang grupo ni Lavinia sa amin, pero wala si Lorraine at nakinig namin ang sinasabi niya tungkol sa huli. "Huwag na kayong mag tampo girls. Nakipagkaibigan lang naman ako kay Lorràine, kasi kaibigan niya si Nathan my loves ko," maarteng sabi ni Lavinia sa mga kaibigan niya. Naiba ang usapan namin magkakaibigan dahil sa narinig namin "Iyang babaeng 'yan, parang linta makadikit kay Nathan. Kapag nakikita niya hindi naman siya pinapansin nung isa," sabi ni Joyce. "Oo nga eh, kaya lang pala siya nakipagkaibigan kay Lorràine, ng dahil kay Nathan," sabi naman ni Laya. "Kawawa naman si Lorraine, sobrang kampante siyang makipagkaibigan diyan sa babaeng 'yan." sabi naman ni Clarice. Totoo naman kasi yung sinasabi niya masyadong tiwala si Lorraine kay Lavinia. "Wala na tayong magagawa. Hindi niya pinapakita kay Lorràine ang pagiging maldita niya," tanging nasabi ko at nagpatuloy na kami sa pagkain. Dahil mahaba pa ang oras ng breaktime namin nagdesisyon kaming tumambay sa bench ng biglang lumapit sa amin ang grupo nina Charles. Nakaramdam na naman ako ng kaba sa dibdib ko ng tumabi ito sa akin sabay abot ng rose. "Para sa 'yo Abby," sabi nito sa akin at tinanggap ko naman yung rose. "Salamat," ngumiti ako dito. "Siyanga pala, Charles, sorry sa nangyari kahapon ayaw lang ng Daddy ko nakikita ako na may kasamang lalake." Ngumiti ito sa akin. "Okay lang 'yon, unawa ko naman siya. Kasi naging matinding magkalaban sila ni Mommy sa pagiging mayor lalo na't may petition si Mommy for recount," pahayag nito sa akin. Alam ko ang sinasabi niya na maraming nagsasabi na nadaya ang Mommy ni Charles na siyang gusto ng mga tao na maging Mayor. Ang Mommy ni Charles ang dating mayor dito sa amin. Sa daming supporters nito nakakapag taka nga naman na natalo ito ng daddy ko. Nagsalita si Alex. "Girls may laban pala kami mamaya ng basketball sa kabilang school. Manood kayo huh! Para naman may inspirasyon kami," sabi nito sabay kindat kay Clarice. "Oo, ba!" mabilis pa sa alas kwatro na tugon ni Joyce. Napatawa na lang ako ng lihim sa kaibigan ko. Basta makasama si Carlo ay walang hihindian. Narinig kong tumikhim si Charles. Ngumiti ito sa akin at hinawakan ako sa aking mga kamay dahilan upang makaramdam ako ng lumilipad na paro-paro sa aking tiyan kasabay ng malakas na t***k ng puso ko. Tumingin ako kay Charles at napansin kong lalo itong na gwapo. "Ang yummy!" bulong ng isip ko. "s**t ano ba tong naiisip ko," saway ko sa sarili ko. "Bakit Charles?" tanong ko habang hawak-hawak niya ang aking kamay. Ngumiti ito bago nagsalita. "May sabihin sana ako sa 'yo," sabi nito sa akin. Magsasalita sana ako pero narinig naming sumigaw si Nathan. "Pwede ba Lavinia, tigilan mo na ako! Hindi kita gusto! Kaya tigilan mo na 'yang pabigay-bigay mo ng Loveletter sa akin!" galit nitong sigaw kay Lavinia. Dahil napahiya si Lavinia ay bigla itong tumakbo at nabunggo naman niya si Lorraine o sadyang binunggo. Mabilis naman itong nilapitan ni Nathan at tinulungan makatayo. Nang makalapit na si Lorràine sa amin ay nagsalita ito. "Bakit umiiyak si Lavinia?" tanong niya sa amin. Si Rigor ang nagsalita. "Binasted ni Pareng Nathan," biro nito. Nakita kong tumingin ito kay Nathan "Bakit mo naman pinahiya yung tao, Nathan?" tanong nito at agad sinundan si Lavinia. "Lorràine bumalik ka dito!" sigaw ni Nathan pero hindi na siya pinansin, "Ikaw ang gusto ko, Lorraine," biglang sabi ni Nathan. Tinapik ni Charles si Nathan. "P're ligawan mo na kasi. Huwag mo na isipin yung sumpaan n'yo na hindi pwede ma-inlove sa isa't isa." Sumang ayon naman si Alex. "Oo nga, at isa pa Pareng Nathan, mahirap pigilan ang tinitibok ng puso." Tahimik na lang kaming nakinig sa usapan nila Nathan hanggang sa marinig na namin ang bell. "Sige, Charles, punta na kami sa classroom namin. Time na kasi," paalam ko kay Charles at nagsimula na kaming maglakad nina Laya, Joyce at Clarice. "Sandali lang Abby may sasabihin pa ko," sigaw nito sa akin kaya nilingon ko ito. "Mamaya na lang!" sigaw ko din sa kanya at nagpatuloy na kaming maglakad papuntang classroom namin. Pagpasok namin ng room ay hinarang ako ng kaibigan ni Lavinia na walang iba kung 'di si Cathy at pinagsalitaan ako. "Abby, napapansin ko mukang panay ang dikit mo kay Charles, ko ah!" mataray nitong sabi sa akin. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya lalampasan ko na sana siya ng muli itong magsalita. "Hoy! Babaeng malandi, huwag mo ko tatalikuran!" sigaw nito. Napikon ako sa sinabi niyang malandi. Kaya kahit ayaw ko patulan ay nagsalita ako. "Cathy, ano bang problema mo? Kung makapagsabi ka ng malandi ay wagas." mahinahon kong tanong. Ngumiti ito na parang aso. "Nagtatanong ka pa! Walang iba kung 'di ikaw! Dahil dikit ka ng dikit kay Charles, ko! " mataray nitong sagot sa akin na ikinapikon ko pa lalo. "Ano bang pinagsasabi mo?! Para sabihin ko sa 'yo 'yang, Charles, mo ang dikit ng dikit sa akin!" sinadya kong diinan ang salitang mo. "Bakit hindi siya ang pagsabihan mo? Kung pag-aari mo yung tao," sabay tulak ko dito. "Sa susunod na pagsalitaan mo pa ko ng malandi. Makakatikim ka na sa 'kin!" galit kong sabi. Mabait akong tao, tahimik at mahiyain pero maalam akong lumaban, kapag alam kong natatapakan na ako. Pagkaupo ko sa upuan ko tinanong ako ng mga kaibigan ko. "Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Clarice. Hindi ko siya pinansin pero nagsalita naman si Laya. "Sana hindi mo na lang pinansin." Si Joyce naman ang nag salita. "Naku! Tama lang yung ginawa mo, Abby," maarteng sabi ni Joyce sa akin. Ngumiti ako sa kanila. "Okay lang ako. Kaya ayaw kong didikit sa mga lalaking yon eh!" inis na sabi ko sa kanila. Si Joyce ulit ang nagsalita. "Bakit mo naman siya papakinggan kung si Charles, naman mismo ang nagsabi na liligawan ka! Ang ibig sabihin, Wala siyang girlfriend!" sabi ni Joyce na sadyang nilakasan dahilan para marinig ni Cathy at tumitig ng masama sa amin na hindi nakalampas sa paningin ni Joyce. "Hoy! Cathy, kung ayaw mong mabulag! Ayusin mo yang mata mo!" mataray na sabi ni Joyce. Sa aming mag kakaibigan si Joyce ang talagang palaban. Lumapit sa amin si Lorraine. "Hayaan mo na sila," ngumiti ito sa akin. "Sabi nga pala ni Nathan, may laban sila mamaya. Wala akong kasama panonood. Manonood ba kayo?" tanong nito sa akin. "Oo manonood kami," sagot ko. "Tamang tama, sama na lang ako sa inyo," masayang sabi nito. Mabait si Lorrsine, minsan nga lang pinagkakamalan na maarte kasi mahilig itong magtaas ng kilay lalo na paggalit. "Oo naman, Lorraine, sa amin ka na lang kasi sumama," sabi namanni Laya. Ngumiti na lang si Lorràine sa amin. Hindi nagtagal ay dumating na ang teacher namin at nagsimula na kaming mag aral.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD