CHAPTER 4

2054 Words
CHARLES POV Simula ng makilala ko si Abby hindi na kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita kaya lagi ko siyang inaabangan dito sa school. Kaso problema ko ang erpat niya. Galit sa akin, kasi anak ako ng mahigpit niyang katunggali sa Eleksiyon. Pero wala akong pakialam kung dumaan ako sa butas ng karayom mapasa-akin lang si Abby. Kasalukuyan kaming nagpa-practice ng basketball ng mga ka-team ko, para laban namin mamaya sa Don Bosco Academy. Habang nagdidribol ako ng bola ay nagsalita si Carlo. "Pareng Charles, iba talaga ang tama mo kay, Abby, ah," sabi nito sa akin. Ngumiti ako. "Oo mga p're, iba talaga," huminga muna ako ng malalim. "Iba siya, p're, sa mga babaeng nakilala ko," pagtatapat ko sa kanila. "Muka nga, p're, na tinamaan ka talaga sa kanya," komento ni Nathan. Ngumiti si Rigor. "Halata naman sa 'yo, Pareng Charles, kasi hindi mo na magawang tumingin sa ibang babae." Sabay pasa ko ng bola sa kanya. Si Alex naman ang nagsalita. "P're, kaso may problema ka. Kapag niligawan mo siya." Napaisip ako sa sinabi ni Alex, dahil alam kong 'yung ama ni Abby ang tinutukoy niya. Ngumiti ako. "P're, kahit ano gagawin ko. Para kay Abby," sabi ko. Nagsalita namang muli si Nathan. "Eh' kayo mga p're, kelan n'yo balak ligawan yung tatlong babae?" na ang tinutukoy nito ay ang mga kaibigan ni Abby na sina Laya ang crush ni Rigor, si Clarice naman ang kay Alex at si Joyce ang crush naman ni Carlo. Si Rigor ang sumagot kay Nathàn. "Pareng Nathan, huwag kami ang tanungin mo. Kung 'di ikaw." "Oo nga, Pareng Nathan, halos lahat ng gusto pumorma kay Lorraine, hinaharang mo. Kahit ako," biro ko. Huminga muna si Nathan. "Nabwelo pa ko mga p're, pero itong sinisigurado ko sa inyo, magiging akin siya," sabi nito bago nagpa-shoot ng bola. Ngumiti ito bago muling nagsalita "Mga p're, manonood ba mga chickababe n'yo? Kasi si Lorràine, isasama ko mamaya, eh' wala siya kasama panonood, sabi nito sa amin. Si Carlo ang sumagot. "Oo, Pareng Nathan, manonood sila". "Mabuti naman, ng may kasama ang, Lorraine, ko," masaya nitong sabi na hindi alam na nasa likod na pala niya ang number one fan niya na walang iba kung 'di si Lavinia. "Nathan, may gusto ka ba kay Lorraine?" malungkot na tanong ni Lavinia kay Nathan. Mukang na bwisit naman si Nathan. "Ano bang pakialam mo Lavinia?! Hindi ba ang sabi ko sa 'yo, hindi kita gusto!" Pagkasabi ni Nathan ng mga katagang ito ay bigla itong umalis na naiwan na tulala si Lavinia. Hinabol namin si Nathan. "P're, sandali lang, hindi pa tayo tapos mag-practice" sabi ko. Nagtagis ang panga nito. "Kasi, mga p're, nakakapikon na 'yang babae na 'yon! Ka-babaeng tao, siya pa ang naglalako ng sarili niyang mani!" galit na sabi nito. Napatawa kaming lahat. "Ayaw mo noon? Makakatikim ka ng mani na walang kahirap-hirap," sabi ni Rigor. Sumimangot si Nathàn. "Kung siya lang din naman. Hindi na uy! Wala siya sa kalingkingan ni Lorràine. Si Lorràine lang ang gusto ko wala ng iba," paliwanag nito. "Kaya nga ligawan mo na 'di ba," sabay-sabay naming sabi. Katatapos lang namin mag-practice nang maisipan kong puntahan si Abby sa classroom niya. Siyempre kasama ko ang mga kaibigan ko. Nagulat kami ng makita namin na nakikipag away sina Abby. "Hoy! Cathy, wala akong inaagaw sa 'yo! Kung si Charles, lang din naman pala ang pinagpuputok ng buchi mo! Sa 'yo na!" galit na sabi ni Abby. "Ang sabihin mo, Abby, santasantita ka! Kunwari, mahinhin 'yon pala, naghahabol na sa lalaki," sabi ni Cathy na habol ng habol sa akin. Nakita ako ni Joyce agad itong lumapit sa akin at hinila ako palapit kina Abby. "Oh' Cathy, ayan si Charles. Ngayon mo sabihin na sa 'yo si Charles! Kaya inaaway mo si Abby, kanina pa!" Mataray na sabi ni Joyce. Tumingin sa akin si Abby ng masama at may luha sa kanyang mga mata. "Charles, ayoko ng gulo! Kung girlfriend mo si Cathy, huwag ka ng lapit ng lapit sa akin," malungkot nitong sabi sa akin at hinarap niyang muli si Cathy. "At ikaw, Cathy, ngayon mo sabihin na boyfriend mo si Charles," nagpigting ang tainga ko sa aking narinig. Dahil sa inis ko sa sinabi ni Abby, ay hinarap ko si Cathy, at tinitigan ko ito ng masama. "Cathy, anong pinagsasabi mo na boyfriend mo ako?!" galit kong tanong dito. Pero hindi ito sumagot at nag iba-ibahan. "Alam mo, Cathy, sa lahat ng ayaw ko. 'Yung sinungaling! Ang lakas ng loob mong sabihin na boyfriend mo ako, ni hindi nga kita gusto!" at tumingin ako sa mga kasama niya. "Kayong lahat! Mananagot kayo sa akin! Oras kantiin n'yo muli, ang babaeng mahal ko! Malilintikan kayong lahat sa akin, lalo ka na Cathy!" banta ko sa kanila sabay hawak ko sa kamay ni Abby na natulala dahil sa sinabi ko "Tara na," utos ko dito at wala na siyang nagawa kung 'di ang sumunod sa akin. Nang makarating kami sa bench ay nagsalita ito. "Charles, hindi mo na dapat sinabi 'yon, sa kanila," sabi sa akin ni Abby. Ngumiti ako at tinitigan ko ito. "Abby, totoo ang sinabi ko. Mahal kita, at ayaw kong may mananakit sa 'yo," pagtatapat ko. Nabigla ito sa sinabi ko. "Ba_bakit ako?" nauutal niyang tanong. "Hindi ko rin alam, Abby. Basta ang alam ko ikaw ang tinitibok nito," sabay turo ko sa dibdib ko katapat ng puso ko. Ngumiti ako. "Sana pumayag kang ligawan kita. At papatunayan ko sayo na nagbago ako para sa 'yo," pagtatapat ko. Tumingin sa akin si Abby at tumango "Sige payag ako, basta walang ibang makakaalam. Dahil baka makarating sa Daddy ko." "Yes," sigaw ko na agad niyang sinaway. Ngumiti si Abby, "Hoy! Charles, hindi pa kita sinasagot," saway nito sa akin. Napakamot ako sa ulo ko. "Masaya lang ako. Kasi pumayag ka, na ligawan kita," paliwanag ko kay Abby. Makalipas ang ilang oras ay kailangan na naming pumunta ng Don Bosco, kumpleto kami sa service namin at kasama na rin namin sina Abby. "Buti naman pumayag kang manood ng laban namin," sabi ko kay Abby. "May choice ba ako? Lahat ng kaibigan ko, manonood. Wala akong makakasabay pag uwi. Kung hindi ako pumayag na manood," katwiran nito sa akin. Nagkibit balikat na lamang ako. "Atleast, sumama ka parin. May magiging inspiration muli ako sa laban namin," paliwanag ko sa kanya na nakita ko siyang ngumiti sa akin. "Ang ganda mo talaga, Abby." Bigla naman itong nahiya sa akin dahil sa mga titig ko sa kanya. "Huwag mo nga ako titigan ng ganyan. Naiilang ako," sabi nito na agad ko naman na sinunod. Narinig kong nagsalita si Rigor. "Ang sweet niyo namang dalawa," komento nito sa amin ni Abby dahilan upang mamula ang mukha nito. Hindi nagtagal ay narating na namin ang Don Bosco Academy, at mabilis kaming bumaba ng sasakyan. Tinulungan ko naman si Abby na makababa ng sasakyan at naglakad na kami pa loob ng school. Puno na ng manonood ng maraming namin ang gym kuna san kami maglalaro. Naglalakad kami ng may mga tumiling estudyanteng babae. "OMG! Ang ga-gwapo nila," sigaw ng mga babae. Sanay na kaming magkakaibigan na pinagtitilian ng mga babae sa tuwing nalaban kami ng basketball. "Grabe, 'yung mga babae noh! " sabi ni Joyce. "Sinabi mo pa! Talbog na yata ang tutuli ko," maarteng sabi ni Lorràine sabay taas ng isa niyang kilay. Napapatawa na lamang ako kapag naaalala ko na niligawan ko ang maarteng babae na ito. Makalipas ang ilang sandali ay nagsimula na ang laban namin. Kaming limang magkakaibigan ang palaging first five. Halos lahat kami ay magagaling sa basketball. Lalong-lalo na si Nathan, kaya palagi siyang napipiling player of the year. Nag group hug muna kaming lahat. "One for all, all for one!" malakas naming sigaw. Kahit nasa gitna kami ay kinig na kinig namin ang hiyawan ng mga babae pati na rin ng mga bakla. Napapatawa na lang ako lalo na ng mapapunta sa amin ang bola. "Go mga pogi," sigaw ng madami. Nang mapalingon ako sa pwesto nila Abby, ay tahimik lang itong nanonood ng laro. Nang magkabanggaan ang aming mga mata ay ngumiti ito sa akin lalo na ng magsalita ako sa hangin. "I love you," biglang namula ang mga pisngi nito. Nasa akin ngayon ang bola. "Go Charles," sigaw nina Lorràine, Joyce, Laya at Clarice. Nang malapit na ako ring ay narinig kong bigla ang sigaw ni Abby. "Go Charles! I shoot muna 'yan," narinig kong sigaw niya. Nang mai-shoot ko ang bola ay sumigaw itong muli. "Yes." Nagtilian naman lahat ng mga babae pati narin mga bakla pagkatapos kong itira ang bola. "Ang galing mo talaga pogi," sigaw ng isang bakla. "Go Nathàn," sigaw ni Lorràine ng itinira ni Nathan ang bola. Sa kanilang lahat si Lorràine ang pinaka malakas tumili. Kaya laging niloloko ni Nathan. Nagkatabi kami ni Nathan at napatawa kami ng marinig naming tumili si Lorràine. "Galing talaga ng Nathan ko." "Last two minutes," sabi ng nagsasalita. Maganda ang laban namin ngayon. Lamang kami ng dose puntos. Hindi sa pagmamayabang ay wala pa kaming katalo-talo . Hindi nagtagal ay natapos na rin ang laban namin. "Winner, AMIS school, with the score of, eighty-two points by AMIS and seventy points by Don Bosco," sabi ng tagapagsalita. Nakipagkamay muna kami sa aming kalaban. Hindi nagtagal ay lumapit na sa amin ang mga kasama naming babae pero hindi ko nakita si Abby na lumapit sa amin. Inilibot ko ang aking paningin. Nakita ko si Abby na kausap ang isa sa nakalaban namin. Bigla akong nakaramdam ng galit sa lalake. Para naman kinurot ang puso ko ng makita kong masaya si Abby habang nakikipag-usap. Lumapit na lang ako sa mga kaibigan ko at nang mapansin nila ang madilim kong mukha ay nagsalita si Alex. "Mga p're, mukang bad mood si Pareng Charles," at tiningnan nila ang direksiyon ng tinitingnan ko. "Wow! Ang dakilang playboy, nagseselos," biro ni Rigor sa akin. Tumingin sa akin si Joyce at nagsalita. "Sandali lang, puntahan ko na si Abby," sabi nito at mabilis na nilapitan si Abby at hinila. Habang naglalakad palapit sa amin ay may sinasabi si Joyce kay Abby. Nang makalapit na sila sa amin ay nagyaya ng akong umalis. "Tara na mga p're," pag-akit ko sa kanila sa malamig kong boses na agad nilang sinang-ayunan Tahimik kaming naglalakad patungo sa service namin ng magsalita si Abby. "Congrats nga pala sa inyo," sabi nito na ngumiti lang ako ng pilit bilang tigon. Tinitigan ako nito at nagtanong sa akin. "Bakit ang tahimik mo? May problema ka ba?" Pero hindi ko ito pinansin kaya si Laya ang nagsalita. "Sis, nagtanong ka pa. Kita mong nililigawan ka nung tao. Kung sino-sino ang kinakausap mo," sabi nito. Tumingin sa akin si Abby at ngumiti "Nagseselos ka?" tanong nito, na si Nathan naman ang sumagot. "Naku! Abby, sa 'yo lang nagkakaganyan si Pareng Charles," na sinundan naman ni Alex. "Iba kasi ang tama sa 'yo, ng kaibigan namin." At ngumiti si Alex sabay tapik sa balikat ko. "Tumigil nga kayo!" saway ko sa kanila. "Ako magseselos? Hindi, 'no?!" tanggi ko pero ang totoo kanina ko pa gustong suntukin 'yong lalaki at komprontahin si Abby. Pero pinigilan ko ang sarili ko, dahil wala pa akong karapatan na magselos. Tumingin sa akin si Abby nang seryoso. "Huwag ka nang magselos. Si Bryan 'yon, kinakapatid ko, inaanak ng Daddy ko," paliwanag nito sa akin. "Kaya pala ang sweet," sa loob-loob ko. Pagkatapos nang nangyari kagabi nagdesisyon na akong huwag na munang lapitan si Abby. Dahil gusto kong makasiguro sa nararamdaman ko para sa kanya. Pagkatapos kong magmahal noon kay Lizzy, ay ngayon lang muli tumibok ang puso ko ng ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD