CHAPTER 5

1692 Words
ABBY'S POV Ilang araw na ang lumipas simula nang nanood ako ng laban nina Charles sa Don Bosco at nang makita niya akong kausap ko si Bryan, ay naging tahimik na si Charles at ilang araw na rin akong iniiwasan nito. May halong lungkot akong nararamdaman kapag hindi ako pinapansin ni Charles sa tuwing nakikita ko ito sa school. Tahimik kaming naglalakad papuntang gym upang mag-practice ng cheering namin nang hinarang naman kami ng grupo nina Francis, ang kilalang pinsan ni Nathan na sobrang layo ng ugali sa huli. "Abby," tawag sa pangalan ko ni Francis. "Bakit?" tipid kong tanong. Ngumisi ito na parang aso. "Trip ka kasi nitong kaibigan ko." Sabay hila sa kasama niyang si Anjo, na kilala ring blacksheep dito sa school namin at tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Nagsalita na si Clarice. "Tara na, Abby, sa gym. Magsisimula na ang practice natin," sabi nito pagkatapos ay hinila nito ako sa aking kamay. Sumunod na akong maglakad kay Clarice, pero nakakailang hakbang pa lamang ako ng hawakan ako ni Anjo at Francis sa braso. "Teka lang, Abby, huwag kang bastos! Kinakausap ka pa ng kaibigan ko," sabi ni Francis at ngumiti ito kay Anjo. "Ano pang hinihintay mo pare? Halikan muna," utos nito kay Anjo. Nakita kong tumakbo si Laya papunta sa gym si Joyce naman at Clarice ay hinawakan na rin ng mga kaibigan ni Francis na sina Vincent at Jake. "Bitawan niyo nga ako!" galit na sabi ko kina Francis at Anjo. Si Anjo ang nagsalita. "Teka lang mahal, hindi pa ko tapos sa 'yo," sabi nito at tumawa na parang nakakaloko. "Pwede ba?! Huwag mo akong tatawaging mahal! Hindi kita boyfriend! At bitawan mo na ako!" galit kong sigaw dito. Narinig ko naman sina Joyce at Clarice "Bitawan n'yo nga kami!" sabay na sabi ng dalawa. Nanginginig na ako sa takot ng haplusin ni Anjo ang pisngi ko papunta sa aking labi. Hindi nagtagal ay may marinig akong nagsalita. "Bitawan niyo sila," utos nito sa baritonong boses niya. Nang igala ko ang aking mga mata, ay nakita ko si Charles at ang mga kaibigan nito. Muling nagsalita si Charles. "Mga kalalaki n'yong tao! Mga nambabastos kayo ng babae!" galit na sabi nito at ngumisi habang nakatitig ng madilim kay Anjo. Nagsalita si Anjo. "Ano naman ang pakialam mo Charles?!" galit nitong tanong at lalo pa akong hinawakan ng mahigpit. Si Francis naman ang nagsalita at tumingin ito kay Nathan. "Pwede ba pinsan? Pagsabihan mo 'yang mga kaibigan mo na huwag pakialamero," utos nito at sabay ngisi. Tinitigan ito ni Nathan ng masama "Pwede ba, Francis, huwag mo akong tatawaging pinsan! Dahil wala akong pinsan na bastos! Bitawan niyo sila!" utos nito sa makapangyarihang boses. Ngumisi si Francis at itinulak ako kay Anjo dahilan upang mapalapit pa ako lalo sa huli. Sabay kapit nito sa beywang ko at akmang hahalikan ako nang bigla akong hilahin ni Charles palapit sa kanya. Nagtagis ang mga bagang nito at dumilim ang anyo ng mukha habang nakatitig ng diretso kay Anjo. Ngumisi ito at nagsalita. "Subukan mong halikan ang girlfriend ko! Manghihiram ka ng mukha sa aso!" galit nitong sabi. Ngumisi naman si Anjo dito at binitawan ako na agad akong hinila ni Charles papuntang likuran niya. "Kung ayaw mong makukuha ng iba ang girlfriend mo! Alagaan mo!" sabay supla nito ng laway sa kanyang tagiliran. Nagkuyom na ng kamao si Charles, "Pare, kung ayaw mo ng gulo! Mamili ka ng babastusin mo! Hindi 'yung girlfriend ng may girlfriend!" galit na sigaw ni Charles at bigla niya itong binigwasan ng suntok sa panga si Anjo, dahilan upang magkagulo. Nakita ko rin na nakikipag suntukan na din sina Carlo, Rigor, Alex, at Nathan. "Tama na!" sigaw ko sa kanila. Sumigaw na din sina Laya. "Tumigil na kayo!" sabay-sabay nilang sigaw. Nakita kong lumapit na sa amin si Lorraine na humihingal sa pagtakbo. "Tama na, Nathan!" sigaw nito, pero patuloy parin silang nakikipagsuntukan. Susuntukin sana ni Francis si Nathan nang humarang bigla si Lorràine at niyakap si Nathan. "Tama na, Francis! Ano ba?!" sigaw ni Lorràine. "Umalis ka diyan Lorràine kung hindi ikaw ang susuntukin ko!" sigaw ni Francis. Pero hindi ito umalis sa tabi ni Nathan. Maya-maya ay dumating si Macky, kaibigan ni Francis na pinsan ni Alex. "Mga Pare, tama na. Baka madala na naman kayo sa principal office. At tuluyan na kayong masuspinde, dahil sa ginagawa n'yo!" malakas nitong sigaw sa mga kaibigan niya dahilan upang tuluyan silang tumigil na magsuntukan. Ngumisi si Anjo kay Charles. "Hindi pa tayo tapos! Amerikanong hilaw!" sabi nito bago umalis. Sumigaw naman si Charles. "Magsabi ka lang! Kung kailan! At hindi kita aatrasan! Lalaking nanghiram ng muka sa aso!" galit na sabi ni Charles. Nang makalayo na ang grupo nina Francis ay nagsalita si Charles. "Okay ka lang, Abby?" tanong nito sa akin na may pag alala. Naawa naman ako dito ng makita kong may konting bangas ito sa mukha. Ngumiti ako dito. "Salamat, pinagtanggol mo ako. Sorry, nang dahil sa akin nakipagsuntukan ka. Tingnan mo tuloy 'yang mukha mo." Sabay haplos ko ng mukha niya na may bahid ng dugo. Kumuha agad ako ng malinis na panyo ko sa bag at inalis ko ang bahid ng dugo dito. Ngumiti ito sa akin. "Kahit pa makipagpatayan ako. Gagawin ko para sa 'yo, Abby." Hinawakan nito ang aking kamay. "Gano'n kita ka mahal, Abby. Sorry, kung ilang araw kitang iniwasan. Gusto ko lang makasiguro sa nararamdaman ko para sa 'yo," pagtatapat nito sa akin. Bigla kong naalala na sa loob nang ilang araw nitong hindi pagpansin sa akin ay na miss ko ito. Ngumiti ako kay Charles. "Akala ko hindi mo na ako gusto," malungkot kong sabi, at mabilis ko itong niyakap."Na miss kita, Charles," bulong ko sa tainga niya. "Na miss din kita, Abby. Mahal na mahal kita," bulong nito sa akin. "Ma..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng magsalita si Rigor. "Mga p're, mamaya pagkatapos ng klase, punta tayo sa tambayan natin sa tabing ilog hindi ako pwedeng makita ni mommy, na ganito ang mukha." Naghiwalay kami ng pagkakayakap ni Charles at nakita kong si Rigor ang bukod tanging napuruhan sa kanilang lima. Narinig ko naman si Lorraine na pinapagalitan si Nathan. "Ikaw, Nathaniel Buencamino, kailan ka pa natutong makipagbabag?" mataray nitong tanong, habang pinupunasan nito ang may gilid ng labi ni Nathan na may dugo. "Lorraine, naman! Huwag mo na akong pagalitan." Ngumiti ito. "I-kiss mo na lang ako," sabi nito. Sabay nguso kay Lorraine na ikinamula naman ng mukha nito. Nagsalita si Alex. "Sige, mga p're, punta na muna tayo sa tambayan natin," pagsang-ayon nito kay Rigor. Ngumiti naman si Carlo habang pinupunasan ni Joyce ang may dugo nitong labi. "Pareng Alex, bakit hindi mo pa ipa-expelled ang grupo na 'yon? Sila na lamang lagi ang may gawa ng gulo dito!" galit nitong sabi. "Mga p're, gustuhin ko man gawin 'yon hindi ko magagawa. Dahil hindi ako ang principal dito. Kahit sa amin pa itong school," paliwanag ni Alex. Nagkaayaan na kaming pumunta ng gym para sa practice namin bago kami mag-umpisa ay nagsalita si Rigor. "Mga p're, isama natin ang mga girls sa tambayan natin mamaya," mungkahi nito na sinang ayunan naman ng lahat. Habang nagpa-practice kami ay seryosong nanonood sina Charles sa amin. Kahit medyo malayo ako sa kanya pakiramdam ko para akong sigarilyo na paunti-unti akong nauupos. Naagaw ni Laya ang atensyon ko nang magtanong ito. "Mga sis, alam n'yo ba 'yong tambayan nila?" Wala sa aming sumagot dahil wala sa aming may alam. Nagsalita naman si Joyce. "Mga sis, ligo tayo sa ilog mamaya," malanding sabi nito na sinang-ayunan naman ni Lorraine. Nagkatinginan kami nina Laya at Clarice. "Sige ba," sabay-sabay naming sagot. Pagkatapos naming mag-practice ay dumiretso agad kami sa last subject namin. Hindi nagtagal ay natapos na ang klase namin at tulad nang usapan namin kanina. Kasama kami sa tambayan nila Charles at maliligo rin kami. Habang naglalakad kami ay iniisip ko ang nararamdaman ko para kay Charles. Dahil simula noong iniwasan ako nito ay hinahanap ko na siya, at sa tuwing makikita ko siyang may kasamang ibang babae ay dinudurog ang puso ko. Kanina nang makita ko siyang nakikipagsuntukan gusto ko siyang yakapin nalilito ako sa nararamdaman ng puso ko dahil sa sinasabi ng isip ko. Masaya ako kapag kasama ko si Charles pero laging binubulong ng isip ko na masasaktan lang ako. Ngunit ang puso ko ay gustong sumugal para sa kaligayahan ko. Dahil si Charles ang laman ng puso ko at sigurado ako na mahal ko si Charles. Tahimik kaming naglalakad nang biglang sumabay sa akin si Charles. Dahilan upang ang kasabay kong si Clarice ay sumabay na lang kay Alex. Hinawakan ni Charles ang kamay ko at habang naglalakad kami ay nagsalita ito "Abby, masaya ako kasi kasama kita ngayon. At ikaw lang ang babaeng isasama ko dito sa tambayan namin." Huminga muna ako. "Masaya rin ako, Charles," ngumiti ako. "May sasabihin sana ako sa 'yo," sabi ko dito. "Ano 'yon?" biglang tanong nito. "Mamaya na lang pagdating natin sa pupuntahan natin. Malayo pa ba 'yon?" tugon ko sa kanya. "Okay, malapit na. Bakit napapagod ka na ba?" tanong nito sa akin. Hindi ako nagsalita kaya nagulat ako ng bigla ako nitong kalungin. "Hoy! Charles, ibaba mo ako," sigaw ko. Ngumiti ito. "Ayokong napapagod ang prinsesa ko," sabi nito habang naka ngiti. Wala na akong nagawa kung hindi ang humilig na lang sa matigas nitong balikat at ikinawit ko na rin ang aking braso sa kanyang batok at binilisan na nitong maglakad. Nang malampasan namin ang mga kasama namin ay nagsigawan ang mga ito. "May bagong kasal," sabay-sabay nilang sigaw na ikinamula ng mukha ko. Hindi nagtagal ay narating na namin ang sinasabi nilang tambayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD