CHAPTER 6

1685 Words
ABBY'S POV Nakarating na kami dito sa tambayan na sinasabi nila. Gandang-ganda ako sa nakikita ko sa aking paligid. Lalong lalo na ang malaking ilog na may malinis na tubig at makikita mo ang mga bato sa ilalim. Mayroon din silang munting kubo. "Nagustuhan mo ba?" bulong ni Charles sa akin. Ngayon ko lang naalala na kalong-kalong pa rin niya ako. "Feel na feel mo naman, Abby, ang makikisig na dibdib ni Charles," bulong ng isip ko. Napailing na lang ako sa naisip ko. "Hoy! Charles, ibaba mo na ako," utos ko kay Charles. Ngunit ngumiti lang ito at hindi parin ako ibinababa. "Hoy! Ano ba? Ibaba mo na ako," muli kong utos dito. Halos makuryente ako ng magsalita ito na nakalapit sa mukha ko ang kanyang mukha. "Hindi kita ibaba. Hangga't hindi mo ako sinasagot," seryosong sabi ni Charles sa akin. "Ha! tanging reaksiyon ko. Ngumiti si Charles. "Ano? Bakit hindi ka makapagsalita?" tanong nito habang nakangiti. "Ang daya mo kasi! Ayaw mo pa akong ibaba," tugon ko sabay nguso ko. Tumawa lamang ito at pagkatapos ay tinitigan muli ako. "Mahal kita, Abby, seryoso ako sayo. Ikaw lang ang babaeng minahal ko nang ganito." Sabay ngiti nito. "Kaya hindi kita ibaba hangga't hindi kita nagiging girlfriend," sabi nito. Tinitigan ko siya, habang hinahaplos ko ang kanyang mukha. Bigla ko siyang niyakap. "Ipangako mo sa akin, na hindi mo ako sasaktan at paglalaruan, tulad ng iba," sabi ko sa kanya habang umiiyak ako dahil sa saya. "Oo ipinapangako ko, Abby, hinding-hindi kita sasaktan." Huminga muna ito. " Ang ibig sabihin ba? Sinasagot mo na ako?" paninigurado ni Charles "Oo, Charles, Mahal din kita," pagtatapat ko sa kanya. Ako na yata ang pinaka masayang babae sa mundo. Dahil boyfriend ko na ngayon, ang lalaking hinahangaan ng maraming kababaihan. "Yes! Girlfriend ko na si, Abby," malakas nitong sigaw. Muntik na akong mabingi dahil sa lakas ng kanyang sigaw. Kaya pinalo ko ito sa kanyang balikat. "Aray ko! Bakit mo ako pinalo?" reklamo nito. "Huwag ka kasing maingay at pwede ba ibaba mo na ako," paliwanag ko dito na agad naman niyang sinunod. Nang maibaba ako ni Charles ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Ang saya-saya ko, Abby, sa wakas sinagot mo na rin ako," sabi nito na punong-puno ng kaligayahan. "Masaya rin ako, Charles," sabi ko pero bigla kong naalala ang bilin sa akin ng ama ko na pinapaiwas ako kay Charles, sa lalaking mahal ko. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. "Pero Charles, si Daddy, pinapaiwas niya ko sa 'yo," malungkot kong sabi sa kanya. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "Eh'di, ilihim muna natin ang relasyon nating dalawa. Kapag nasa tamang edad na tayo, doon natin haharapin ang mga parent's natin." Ngumiti ako. "Oh'sige, ikaw ang bahala," tugon ko. Hinawakan ako nito sa aking baba at unti-unti nitong inilalapit sa akin ang kanyang mga labi. Ipinikit ko ang aking mga mata nang maglapat ang aming mga labi. Nararamdaman ko ang pagkibo ng mga labi ni Charles. Nang nasasanay na ang mga labi ko, sa labi niya ay may narinig kaming nagsalita. "Wow! Pareng Charles, kaya pala ang bilis mong maglakad kahit kalong-kalong mo si Abby," sabi ni Carlo. Dahilan upang maghiwalay ang aming mga labi. Namula ang aking pisngi dahil sa hiya. Nagsalita naman si Joyce na ang mga mata ay nagtatanong na sa akin. "Sis, don't tell me? Kayo na?" paninigurado nito sa akin. "Kayo na? Pareng Charles 'di ba?" paniniguro ni Nathan kay Charles. Nagkatinginan kami ni Charles "Oo," sabay naming sagot sa mga kaibigan namin. "Oh My Gosh! kayo na. Grabe ang haba-haba ng hair mo, Abby," masayang reaksiyon ng mga kaibigan ko pati narin ni Lorràine. "Grabe naman kayo maka-react," biro ko. Huminga muna ako bago muling nagsalita. "Siyanga pala, sa atin lang ha! Walang dapat makaalam na iba. Kasi, baka makarating kay Daddy," pakiusap ko sa kanila na sabay-sabay naman silang tumango. Lumapit silang lahat sa akin. "We're happy for you, sis," sabi ni Clarice sa akin. "Group hug," sabi naman ni Joyce. "Finally nagka-boyfriend din ang kaibigan ko," sigaw naman ni Laya. Natawa na lang ako sa sinabi ng kaibigan ko dahil binuking ako na ngayon lang ako nagka-boyfriend. Lumapit sa akin si Lorràine. "I'm happy for you, sis." Sabay tingin nito kay Nathan. "Ako kaya kailan ko magiging boyfriend ang Richard Gomez ng buhay ko?" at ngumiti ito habang nakatingin kay Nathan. Lumapit si Nathan kay Lorràine. "Sino may sabi na pwede ka ng mag-boyfriend?" seryosong tanong ni Nathan kay Lorràine na pinagtaasan lang ng kilay nung huli. Nagtawanan sina Charles. Hindi ko sure, pero parang may something si Nathan para kay Lorraine. Lumapit ako kay Lorraine. "Sis, darating din 'yon," masayang sabi ko. Lumipas ang kalahating oras ay nagkaayaan na kaming maligo sa ilog. "Paano tayo maliligo sa ilog? Wala tayong dalang mga damit," Maarteng sabi ni Lorràine. Kung hindi ko nakakasama si Lorràine sa cheering. Iisipin ko talagang maarte siya. "Ngumiti si Joyce. "Eh'di ano pa? Naka bra at panty." Sabay takbo nito sa tabi ng ilog at dali-daling naghubad ng kanyang uniform. Pagkatapos ay mabilis itong lumusong sa ilog. "Ano pang hinihintay n'yo? Masarap maligo, ang lamig ng tubig," sigaw nito sa amin. Nagkatinginan kaming apat at sumunod na rin sina Clarice at Laya. "Kayong dalawa? Ano pang hinihintay n'yo?" tanong naman ni Clarice sa aming dalawa ni Lorràine at masaya na silang naligo sa ilog. Nagkatinginan kaming dalawa ni Lorraine. Lumingon kami sa mga kasama naming lalaki na mga nagsisipaghubad na rin ng kanilang mga uniform. Pagkatapos ay mga nagsipagtakbuhan na ito papunta sa ilog. "Lorraine, Abby, wala naman ibang tao dito. Bakit ayaw n'yo pang lumigo?" tanong sa amin ni Alex. "Ano, sis? Carry mo rin bang maligo?" tanong ko kay Lorràine. Habang nakatitig ako sa hubad na katawan ng boyfriend kong si Charles. "s**t! Ang sarap," bulong ko sa sarili ko. "Tumigil ka nga, Abby, huwag kang malandi," saway ng isip ko sa akin. Nagsalita si Lorraine. "Sis, ngayon lang ito ha! Hindi na mauulit." sabay takbo narin ito sa tabi ng ilog at naghubad ng kanyang uniform. Lumingon ito sa akin. "Hali ka na. Bilisan mo," tawag nito sa akin na agad kong sinunod. Nang lulusong na kami sa tubig ay sinalubong kami nina Nathan at Charles. "Letche ka, Nathan, huwag mo ko titingnan!" mataray na sabi ni Lorraine kay Nathan. Tinawanan lang ni Nathan si Lorraine. Pagkatapos ay mabilis nitong hinila sa tubig si Lorraine. "Ikaw talaga, Lorraine, ang arte mo kahit kailan. Samantalang mga bata pa lang tayo, nakikita ko na 'yang makinis mong katawan." Ngumiti ito. "Iyon nga lang, dati ang dami mong taba sa katawan," sabi nito habang tumatawa. Kaya naman pinalo ito ni Lorraine. "Aray ko," angal nito. Nagtawanan kaming lahat dahil parang mga aso't pusa ang dalawa. Inalalayan ako ni Charles lumusong sa tubig. Napayakap ako dito dahil sa lamig ng tubig. "Ang lamig," sabi ko. Ngumiti si Charles. "Siyempre, galing Mt. Banahaw ang tubig. Kaya malamig," sabi nito Masaya kaming naliligo sa ilog ng magsalita si Carlo. "Joyce, ako? Kailan mo sasagutin?" Tumawa si Joyce at lumapit ito kay Carlo. "Sige na nga, tayo na," malanding sabi ni Joyce. "Yahhooo! Mga p're kinig n'yo 'yon huh! Kami na rin ni Joyce ko," sigaw ni Carlo. Habang nagsasalita si Carlo ay niyakap ako ni Charles mula sa aking likuran. Napakislot ako ng maramdaman ko sa aking likuran ang nakaumbok nitong alaga. "Ok ka lang?" tanong sa akin ni Charles. "Oo, okay lang ako. Natatawa lang ako sa dalawa," pagdadahilan ko pero ang totoo ay nakukuryente na ako mula sa aking likuran. Naramdaman ko ang mainit nitong hininga sa aking tainga at bumulong ito "Matagal ng crush ni Pareng Carlo si Joyce. Hindi lang mapormahan ni Carlo kasi akala niya boyish si Joyce," pagtatapat ni Charles sa akin. "Pareho lang sila ni Joyce," tugon ko. "Abby, pwede ba magkaron tayo ng endearment," sabi nito at bigla nito akong hinarap sa kanya at tinitigan ako. Naiilang ako sa mga titig niya lalo siyang na gwapo. Huminga muna ako bago nagsalita. "My labs ang gusto ko," sabi ko sa kanya. Ngumiti ito. "Okay, lang. Pero mas gusto ko ang babyloves," sabi nito sa akin. "Sige, babyloves na lang," pagsang-ayon ko. Hindi nagtagal ay umahon na rin kami. Dahil basa ang aming mga pangloob ay pinapasok muna kami nila sa munting kubo. At dito muna kami para pigain ang aming mga pang loob. Nagtawanan kaming lahat ng pare-pareho kaming mga walang pangloob "Hinding-hindi ko ito makakalimutan. Promise," sabi ni Lorràine at lumapit ito sa akin. "Sis, alam mo ba? Dati, nagbibigay pa sa akin ng love letter si Charles. Mabuti na lang boyfriend mo na siya. Kung hindi? Maiilang parin ako sa kanya," pagtatapat ni Lorràine. Hindi na ako nagtaka sa sinabi niya dahil naikwento na sa akin ni Charles ang bagay na 'yon. "Eh' bakit? Hindi niya itinuloy mangligaw sa 'yo?" curious na tanong ni Joyce. Nagkibit balikat na lamang si Lorràine. "Hindi ko alam. At saka kung niligawan man niya ako. Hindi ko rin siya sasagutin. Bukod sa hindi pa ako pwede mag-boyfriend. May iba akong gusto," masayang sabi niya. "Kayo Clarice at Laya, kailan n'yo sasagutin 'yong dalawa?" tanong naman ni Joyce sa dalawa. Nagkatinginan ang dalawa at sabay tumili. "Kami na" sabay nilang sabi. "Oh my gosh, as in ako lang pala ang walang boyfriend dito," gulat na sabi ni Lorràine. Napangiti na lang ako. Ang akala ko, ako lang ang may boyfriend 'yon pala naunahan pa ako noong dalawa at si Joyce naman ay sinagot na rin si Carlo kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD