bc

It's Hard To Fight Naked

book_age18+
757
FOLLOW
2.6K
READ
spy/agent
revenge
pregnant
brave
confident
tragedy
abuse
betrayal
cheating
lies
like
intro-logo
Blurb

At a very young age, Alexia lost her family and relatives after getting assassinated by the Pascal family. Luckily, a police officer rescued and cared for her and she even became close to his son, Ryder Brandes. Twelve years later, she received news about the family of assassins. She disguised herself as Lyanne to investigate, with the help of Ryder, and worked at a resto-bar. On the other hand, a young man named Lynxx fell in love with Alexia without knowing that he killed her family. Still, he suppressed his feelings towards her because of his job as an assassin. Every time that he has no mission, he goes back to his unusual look as a weird nerdy type to whom Lyanne falls in love with.

In other words, Lyanne likes Ives while Lynxx likes Alexia who is also the same person. Will anything develop in their love story even if it means accepting the past full of anger and remorse?

‘Even if you seek vengeance for your own satisfaction, the cycle of hatred will never stop’

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Alexia’s POV “Mommy, hintay!!” malakas na sigaw ko habang pilit na tumatakbo palapit sa kanila.  Sina mommy naman kasi ang bilis bilis maglakad eh, hindi ba nila alam na napakabata ko pa at maikli pa lang ang mga binti ko? Napasimangot ako. Mabuti pa si Dad ay talagang huminto sa paglalakad para lang tingnan ako. Napangiti agad ako saka lumapit rito.  “Haist, halika ka nga baby ko,” sweet na tawag nito sa akin kaya naman nakangiti akong tumakbo palapit rito. “Daddy!!” tawag ko rito saka ako tumakbo at agad na niyakap ito. Mahigpit rin naman ako nitong niyakap saka hinalikan ang noo ko.  “Reynante, bilisan niyo na dyan,” biglang tawag sa amin ni mommy habang seryoso ang mukha sabay pasok sa isang department store.  Ayan na naman si Mommy, minsan ko na nga lang makasama si Dad eh. Napasimangot ako.  “Haist, ang mommy mo talaga, laging nagmamadali. Akala mo naman ay mawawala ang department store dito sa mall,” sambit ni Dad saka napabuntong hininga.  “Dad, bakit kasi kailangan pang kasama si Mom? Palagi ko naman siyang kasama sa bahay eh, nakakasawa na rin po. Gusto ko kayo naman kasama ko,” nakasimangot na sagot ko rito.  “May sinasabi ka dyan, Alexia?” biglang sambit ni Mom habang nakasilip sa pinto ng store.  “Eekk!”  Agad kaming nagulat ni Dad sa narinig. Para kaming naging tuod ni Dad habang pinipigilan ang paghinga. Paanong narinig kami ni Mom eh napakalayo namin sa kanya?!   “Ahh…eh Honey, wala ah. Ang ibig sabihin ni Alexia ay ano…umm  na-miss niya ng husto si daddy, ‘di ba baby?” sambit nito sa akin habang pilit ang ngiti. “Eh kasi Dadd-” magsasalita pa sana ako ngunit mabilis na hinawakan ni Dad ang bibig ko upang pigilan ako sa pagsasalita.  “Ha? Hindi ba Alexia?” tanong ulit sa akin nito habang nakatakip pa rin ang kamay sa bibig ko. Napakamot na lang rin si Dad sa kanyang ulo gamit ang kabilang kamay niya. Para talagang bata si Dad kahit kailan.  Biglang lumapit sa akin si Dad at mahinang bumulong.  “Lagot tayo sa Mommy mo mamaya sa bahay kaya hayaan mo na lang, okay?” nakikiusap na sambit nito.  Napayuko naman ako saka dahan-dahang tumango.  “Psh! Bilisan niyo na dyan, ang tagal-tagal maglakad eh,” sermon ulit sa amin ni Mom saka naglakad ulit papasok sa store na iyon. Napabuntong hininga muli si Dad na animo’y nakawala sa isang napakahirap na sitwasyon.  Napatingin ito sa akin at nakitang nakasimangot pa rin ako. Hindi naman kasi ito ang inaasahan ko eh. Ang sabi ni Dad ay gagala kami sa isang park, tsaka sasakay kami sa maraming rides. Kakain ng burger, pizza tsaka fries at syempre ang paborito ko na pagkain sa park, ang cotton candy.  Kaya sobrang saya ko at hinintay talaga ang araw na ito, pero hindi ko alam na kasama pala si Mommy kaya imbes na sa park kami pumunta ay nag-mall lang kami. Masaya naman kaso hindi man lang kami maiwan ni Dad nang kami lang. Gusto ko maglaro kasama si Dad eh. Si Mom naman kasi ay puro shopping ang alam, hmp! Hindi rin kami pinayagan na pumasok sa arcade para maglaro kung hindi ay sa bahay na lang daw kami.  “Don’t worry baby, bibili na lang tayo ng kahit anong gusto mo…” nakangiting sambit nito habang nakakapit pa rin ako sa balikat nito.  “Anything dad?” paniniguradong sambit ko rito. Minsan kasi ay mabilis makalimot ni Dad eh.  “Yes baby,” sagot nito. Ilang saglit pa akong tumitig sa mukha nito upang masigurong hindi lang siya nambobola saka muling yumakap rito.  “Okay po,” sagot ko rito saka hinawakan ang kamay nito. “That’s my girl!” proud na sambit naman ni Dad saka kami naglakad. Nanatili akong nakahawak sa kamay nito saka tuluyang pumasok sa store na pinasukan ni Mom kanina. Pagkapasok namin ay nakita agad namin si Mom na napalingon sa direksyon namin. Mabilis itong kumaway sa amin na para bang sinasabing bilisan namin at lumapit na sa kanya.  For sure ay kung ano ano na naman ang binili ni Mom, haist. At hindi nga ako nagkakamali dahil paglapit namin ni Dad sa kanya ay itinulak niya agad kami sa isang silid kung saan kami magpapalit ng damit.  “Mommy, marami na akong dresses sa bahay,” angil ko dito pagkasuot ko ng isang pulang dress. Sakto at komportable naman ako magsuot ng dresses, pero ayaw ko lang sa kulay nito na pula. Ang sakit kasi sa mata! At isa pa ay wala rin naman kaming pupuntahan na birthday party o binyag para bumili ng bago.  “Hay dyusko Alexia, pasalamat ka nga at may kakayahan kang bumili ng mga bagay na wala ang iba, wag ka nang magreklamo dyan, okay ba?” sermon nito sa akin habang walang tigil si Mommy sa pagsipat ng dress na suot ko.  Saglit pa akong iniwan ni Mom saka kinausap ang babae na nasa bandang counter. Maya-maya ay biglang lumapit sa akin si Dad.  “You’re so beautiful in that dress baby,” bati sa akin ni Dad saka lumapit sa akin.  Agad akong napatingala rito at nakita kung gaano ka-gwapo ang Daddy ko. Walang duda. Sa kanya ako nagmana pagdating sa itsura. Maganda rin naman si Mom pero kay Dad talaga ako halos lahat nagmana. Ang tangos ng ilong ko  ay parang xerox copy ng ilong ni Dad, pero syempre ang talino ko naman ay nakuha kay Mom.  “Are you okay baby?” tanong sa akin ni Dad.  Napangiti ako.  “Yes Dad,” sagot ko rito. Nakasuot si Dad ng suit ngunit katulad ng palagi kong nakikita na suot niya ay mas maganda ang isang ito. Dahan-dahang itinaas ni Dad ang kaniyang sleeves dahilan para makita ko ang pala-pulsuhan nito.  “Dad,” tawag ko rito.  “Hmm?”  Sandali akong natigilan saka napayuko.  "Ahh, wala po...hehe," biglang sagot ko rito. Nakalimutan ko kasi bigla ang itatanong ko eh ngunit mukhang hindi naniniwala si Dad kaya kinulit ako ng kinulit nito.  "Hmm, weird. What is it baby, tell daddy dali!" pangungulit pa ni Dad saka ako kiniliti sa tagiliran.  "Daddy!!Hahaha," tili ko dahilan para mapalingon sa amin si Mom habang masama ang tingin. Dahil dito ay awtomatiko na tumigil si Dad sa pangingiliti.  "Opps," sambit ni Dad saka ako binitiwan habang ako naman ay natatawa na lang sa kanya.  Kahit kailan talaga ay walang makakatalo sa mala-dragon na mga tingin ni Mommy, hahaha! Hanggang sa matapos na kami sa pagsa-shopping ay naging limitado pa rin ang paggalaw namin ni Dad at tulad ng inaasahan ay hindi pa rin kami hinayaan ni Mom na mag-arcade. Kumain lang kami sa isang restaurant saka nagtungo na pabalik sa parking lot.  Malayo pa man kami sa kotse ay agad kong hinila ang laylayan ng damit ni Dad.  "Daddy!! Balik tayo, hindi pa tayo naglalaro eh," pamimilit ko sa kanya. May ilang gamit na dala-dala si Dad at ganoon rin si Mom na nauna nang naglakad.  "Alexia, tapos na raw tayo rito sabi ng mom mo. If you want to play, talk to her para makalaro tayo, dali," utos nito sa akin habang nakangiti.  Napasimangot ako. Kunwari pa si Dad, halata naman na gusto niya rin maglaro eh, takot lang siya kay Mommy.  "Ehhh!! She won't allow me naman eh, ayaw ko! Dad, ikaw na!!" pamimilit ko sa kanya.  Ngayon lang kami maglalaro ni Dad kaya gusto ko talagang maglaro ngayon. Hindi ko na alam kung kailan ang next na laro namin kapag bumalik na siya sa trabaho. Kapag sa bahay naman ay hindi rin kami makakapaglaro dahil focus na ako sa pag-aaral.  My mom won't let me do anything kapag nasa bahay aside from studying. At isa pa ay madalas rin siyang inuutusan ni Mom kaya hindi rin kami makapaglaro.  "Reynante! Alexia! Bilisan niyo d’yan!" sigaw sa amin ni Mom kaya mas lalo akong napasimangot.  "Don't worry, babawi si Dad sa bahay okay?" biglang sabi ng katabi ko.  Tinitigan ko lamang ito ng ilang segundo.  "You always tell me that, Dad."  Di bale na. Maglalaro na lang siguro ako mamaya mag-isa. Nauna na lamang akong maglakad at nilampasan na si Dad.  Hanggang sa pag-uwi namin ay napapansin ko ang paglingon lingon ni Dad sa direksyon ko.  Marahil ay napansin na niya na nagtatampo ako sa kanya. Kung minsan ay napansin ko pa siyang bumulong kay Mom saka sabay silang lilingon sa akin.  Nagkunwari na lamang akong walang napapansin hanggang sa makapag-park na kami sa garahe. Nauna na akong bumaba habang sina Mom naman ay sandali pang nag-usap sa loob ng kotse. Agad akong nagtungo sa loob ng kwarto ko at humiga. Nangalahati lang ang maliit kong katawan sa kabuuan ng kama kaya naman malaya rin akong nagpagulong gulong rito.  Ilang minuto pa akong natulala sa kisame hanggang sa maya-maya ay bumukas ang pinto. Bahagya akong napasilip rito at nakita si Dad na nakasilip sa pinto.  "Baby?" tawag nito sa akin.  "Hmm?"  "How are you? Napagod ka ba masyado?" tanong nito sa akin saka dahan-dahang naglakad papasok.  "Hindi po, wala naman akong ginawa eh," sambit ko saka napaupo sa kama.  Mukhang naintindihan agad ni Dad ang ibig kong sabihin.  "Sorry baby ah, hindi ganun kadalas ang pag-uwi ni Daddy kaya di rin tayo ganoon makapaglaro. Eh kapag andito naman ako ay kailangan ko rin tulungan mommy mo lalo na sa pamimili," sambit nito saka ako inakbayan.  "I know that Dad," sagot ko rito.  Hindi naman ganun kakitid ng utak ko para di ‘yun maintindihan. Isa pa ay kahit siyam na taong gulang na ako, hindi na ako bata para magtampo sa ganoon bagay pero may parte talaga sa akin na gustong makasama si Dad ng buong araw.  "Don't worry, I really promise na maglalaro tayo forever once na makapag-retired na si Dad sa trabaho, hmm?"  Napakunot ang noo ko.  "Eh Dad, matanda na ako nun!" reklamo ko rito.  "Exactly! Hahaha, hindi ka na bata para maglaro pa, Alexia. Malapit ka na mag 10 years old at mas mabuti ng matured ka mag-isip,"  Napayuko ako saka dahan-dahang tumango. Maya-maya ay nakaramdam na lang kami ng presensya sa harapan namin at naroon nga si Mom habang nakasandal sa pinto.  "Ang sweet niyong dalawa, ang galing ah. Parang ako lang di kasama sa family," biglang sambit ni Mom na may pagtatampo.  Agad naman na humiwalay sa pagkakayakap sa akin si Dad at lumapit kay Mom.  "Hay sus, ikaw pa! Eh kung wala ikaw, wala ring magandang Alexia ang mabubuo, ‘di ba Honey, just like what we did para mabuo naman si Marcus,hehe" biglang paglalambing na sambit ni Dad rito.  Naiwan naman akong nakatingin sa kanila habang nagyayakapan ang dalawa. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan sila. Ilang saglit pa ay mukhang nagsawa na si Mom sa matatamis na salita ni Dad kaya kusa itong humiwalay sa yakap ng asawa at lumapit sa akin.  "Dito na nga lang ako kay Alexia ko," nakangusong sambit ni Mom saka ako niyakap.  Naiwan naman na mag-isa si Dad kaya niyakap na lang rin niya ang sarili.  "Siya nga pala anak, may reunion next week ang family natin. Nandun lahat ng pinsan at mga tita mo,"  biglang saad ni Mom dahilan para mapalingon ako rito.  "Ehh?? Talaga Mom?" hindi makapaniwala na tanong ko rito. Nakangiting tumango si Mommy.  "Yep, that's why I bought you a new  dress kanina. Hindi pwedeng pangit ang baby ko next week noh! Baka ikaw ang princess ng buong Shaun family. And even Marcus," proud na saad  ni Mom.  "Agree!! Syempre ikaw rin ang favorite apo ng Lola at Lolo mo dahil maganda at matalino ang baby namin," segunda pa ni daddy.  Nakangiti lamang akong nakatingin sa kanila.  Next week, hmm...I can't wait! Isa pa ay halos ilang taon ko na ring hindi nakikita ang mga pinsan ko.  "Yes mommy, excited na po ako!" masayang sambit ko saka ako niyakap ng mahigpit ni Mom.  "That's my girl..." sambit ni Mom saka lumapit rin sa amin si Dad para maging group hug.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook