Another semester, another busy days. Excited na akong pumasok ngayon dahil magkasintahan na kami mismo ni Chay. Hindi pa ako nagsisimula na matulog sa bagong bahay niya. Pero mamayang gabi ay doon na ako matutulog. Mas excited pa nga ako roon kaysa sa pasukan na naman ngayon. Kaunti na lang ay makakapagtapos na rin ako. Sinundo ko na si Chay sa bahay niya para sabay na kami na papasok sa C.U. Nakaabang na siya sa akin sa labas nang makita ko siya. Pinagbuksan ko naman siya ng pinto ng sasakyan ko. “Good morning, my lady,” bati ko naman sa kaniya. Maganda ang mood ko ngayon dahil syempre ay kasama ko na ang taong mahal na mahal ko. “Ang sweet mo naman ngayon?” “Palagi naman akong sweet kahit hindi umaga,” natatawa na sagot ko sa kaniya. Agad na siyang pumasok sa loob ng sasakyan ko. U

