[CHAY CELESTIAL’S P.O.V.] Napag-desisyunan ko na lumipat na sa subdivision kung saan nakatira si Adonis. Mabuti na lang at mayroon pa akong nakitang bakanteng bahay doon. Hindi ko na kailangang ipa-renovate o ipaayos pa ang bahay dahil maganda na. Mas malaki nga lang ‘yon kaysa sa bahay na tinitirahan ko na bahay ngayon. Pero mas mabuti na rin ‘yon para nasa iisang subdivision lang kami ni Adonis. Low-key lang kaming dalawa nitong mga nakaraan na araw. Binago ko ang locked ng lahat ng bahay ko noong nalaman ko na nakakapasok dito ang hayop na ‘yon. Hindi ko akalain na magagawa pa rin niyang pumasok dito. Nag-request na rin ako ng tight security sa subdivision. Hindi ko sinabi kung ano ang dahilan. Naglagay na rin ako ng panandaliang CCTV camera sa loob ng bahay ko. Nakatago ‘yon para kah

