"Hey, did you heard about the new girl? May bagong estudyante na naman na papasok dito sa C.U. Kahit second semester na ngayon. Ka-batch nga raw natin ang bagong papasok. Pero may bali-balita ngayon na kumakalat tungkol sa babae na 'yon," sambit naman sa akin ni Zane. "I don't care. Wala akong pakialam sa kahit na sinong babae, bukod kay Chay," simpleng sagot ko naman sa kaniya. Tinapik naman niya ako sa balikat ko, kaya tiningnan ko siya na nakakunot ang noo ko. "What now?" tanong ko pa sa kaniya. "May rumors na kumakalat na ang babae na raw na papasok dito ay nag-aaral na rito noon," dagdag pa niya. Kahit malinaw naman ang sinabi ko na wala akong pakialam sa kahit na sinong babae, bago man o hindi. Inilingan ko na lang si Zane. "Sinabi ko na sa 'yo na wala akong pakialam d'yan. Kay D

