Hinila ko na agad si Jeneive palayo sa mga estudyante. Kailangan na naming mag-usap ngayon, dahil sa sinabi niya. Ayoko na mag-isip pa ng kung ano-ano si Chay ng tungkol sa aming dalawa ni Jeneive. Malamang ay maririnig na niya mamaya sa mga usap-usapan ng mga estudyante na nagbalik ang ex-girlfriend ko. Hindi ko pa naman ipinaalam kay Chay noon ang tungkol kay Jeneive, dahil gusto ko sana na respetuhin ang kaluluwa niya dahil patay na siya. Ngunit hindi ko naman akalain na hindi naman pala siya namatay noon at buhay pa rin siya hanggang ngayon. Pumasok kami sa isang room na walang laman. Kinuha ko naman ang phone ko at nag-type muna ng text para kay Chay. Baka malaman din niya na hinila ko palayo si Jeneive. Ayoko na dagdagan pa ang mga isipin niya. Inaalagaan ko ang pisikal at mental n

