[CHAY CELESTIAL'S P.O.V.] (THREE DAYS BEFORE THE PRELIMINARY CONTEST) "Sa tingin mo ba ay makakalayo ka sa akin, dahil lang hindi mo tine-take ang mga subjects ko?" Nagulat ako nang marinig ang boses ni Aleged sa library. Nagtitingin ako ng mga libro ngayon para sana magamit ko sa paggawa ng ipipinta ko sa preliminary contest. Ngunit hindi ko inaasahan na makikita niya ako rito. Napatingin naman agad ako sa paligid namin at napansin ko na ako na lang ang tao rito. Saka ko lang din namalayan ang oras, alas-sais na pala ng gabi. Bukas pa ang library hanggang alas-otso ng gabi, dahil mayroon pa ring mga estudyante rito na may klase pa. Ang librarian naman ay nasa harapan. Narito ako ngayon sa medyo dulo ng library. Kami lang dalawa ni Aleged ang narito ngayon. Hindi ko siya matawag na P

