[CHAY CELESTIAL’S P.O.V.] “A-Ano ang ibig mong sabihin?” gulat na tanong sa akin ng aking ina. Pinunasan ko ang aking mga luha. Ayokong ipakita sa kaniya na mahina ako ngayon. Pero sa tingin ko ay hindi ko na rin mapipigilan pa ang nararamdaman at emosyon ko. “Aleged Celestial, my father, and your ex-husband tried to r***d me before. He’s harassing me sexually. Hindi mo alam ‘to dahil wala ka naman sa tabi ko nitong mga nakalipas na taon. I turned eighteen before, and he met me in an orphanage where I lived for years. Simula noong iwan mo ako sa madilim na lugar na ‘yon, sa isang bahay-ampunan ako tumira. Pinag-aral ako ng mga madre na nagpalaki sa akin. Noong magka-college na ako ay nahanap ako ni Aleged Celestial. Noong una ay hindi siya nagpakilala sa akin na siya ang ama ko. Ang sa

