[CHAY CELESTIAL’S P.O.V.] Akala ko ay sobra na ang problema na idinulot sa akin ni Aleged, pero mas may sosobra pa pala dahil muling nagpakita sa akin ang aking ina matapos lumipas ang maraming taon. Hindi ko inaasahan na magagawa pa rin niya akong harapin ng ganito matapos niya akong iwan noong bata ako. Nabuhay ako nang mag-isa lang at kinaya ko ang lahat ng wala ang aking mga magulang sa tabi ko. Alam ko na nagkaroon na ako ng kakampi ngayon, si Adonis. Ngunit hindi ko siya magawang idamay sa personal na mga problema ko. His life is too peaceful to ruin it. I don’t want to burden him by my own problems. This is a family matters, although I am not considering Aleged and my mom as my family. Nakatulala lang ako sa harap ng puting canvass. Wala akong maisip na maipinta. Bukas na ang pr

